Adam Lambert 10.10.10 Concert Experience

3

October 11, 2010 by theairprince

Hindi ko inakala na makakapunta ako dito:

Adam Lambert live in Manila

Oo. Concert ng American Idol runner-up na si Adam Lambert kagabi, October 10, 2010 sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Aware naman ako sa concert niya dahil napaka-unique ng date para sa concert niya at nakikita ko ang mga posters sa mall. Pero di ko talaga plano o hanggang pangarap ko na lang ang makanuod sa concert niya. Honestly, never pa ako nakakanuod ng concert in my 23 years of existence (wow, nag-eecho ang wisdom ni Maria Venus Raj, 22, PHILIPPINES! Haha!)

Una ko pa lang siya makita sa AI ay naiintriga na ako sa kanya pero hindi pa ako gaano fanatic sa kanya kasi hindi naman ako regular na sumusubaybay sa show. Ganoon ako, after the season lang ako nagiging interested sa mga talents ng AI dahil feeling ko doon nagsisimula ang totoong labanan (patagalan sa industry, ika nga). Hanggang sa matapos ang season ng batch niya at hanggang sa mag-out na siya, hindi niya ako binigo na mamangha sa kanyang performances at presence niya sa stage. Pati yung outrageous look at fashion sense niya namamangha ako. Glam rock kung glam rock. Siya ang new version ni Freddie Mercury. Baklang bakla pero astig, di ba?😀

Kagabi, wala naman sa agenda ko ang concert ni Adam Lambert. Actually, wala sa isip ko siya at ang concert niya. Nakatuon lang ang aking isip at mata sa Facebook, nanunuod ng last lecture ni Prof. Winnie Monsod. Hanggang sa may nagtext sa akin at around 9 PM, mula sa hindi pa nakaregister na numero sa phone ko. Inaalok ako ng spare ticket sa concert ni Adam Lambert! Hindi lang basta-basta na ticket… VIP pa! Nung una hindi ako naniniwala kaya binasa ko ng dalawang beses yung text sa akin. Pero dahil nasabik ako bigla, nagreply ako na gusto ko pumunta (hindi man lang tinanong kung sino ang nagtext sa akin). Nalaman ko na si Nadz pala ang nagtext (pinag-uusapan namin yung concert the night before the main event, may ambush date kasi ako nun courtesy of Jenny, Gen, and her). Mula sa simpleng biro na bibigyan ako ng ticket ay nauwi sa katotohanan. Pero naisip ko, ‘gabi na eh, paano pa ako makakahabol sa concert dahil matagal ang biyahe?’ Ngunit dahil sa kasabikan ko, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.

Nagawa kong magpaalam sa nanay ko.

Ako: Nay! Aalis ako ngayong gabi, pwede?
Nanay: (Habang nag-iinbentaryo, sabay nakatingin sa akin, nag-iisip) Saan ka naman pupunta?
Ako: Nay! May libre akong ticket galing kay Nadelyn! Sa concert! At V.I.P. pa!
Nanay: Kaninong concert? At saan?
Ako: Adam Lambert! SM MOA!
Nanay: Sino yun?

Sorry pero hindi kasi fanatic ang nanay ko sa American Idol. Bihira lang siya makanuod ng foreign shows simula nung nagkandaleche-leche yung cable namin. Awa ng diyos at pinayagan niya ako basta umui ako ng maaga at ag daw saan-saan ako pupunta. Mabilis akong naligo at nagbihis at nagpaalam sa kanya. Pero di ako nag eyeliner ah!😀

Sumakay ako ng bus paputnang EDSA Mantrade para doon na rin ako sumakay ng bus papuntang SM MOA dahil feeling ko baka maipit ako sa traffic sa MIA/Kabihasnan. Tinetext ako ni Nadz para magmadali. Kung pwede lang paliparin ang bus, gagawin ko. Inabot ako ng almost 30 minutes sa biyahe at pinagpawisan sa kakatakbo at sa init na rin ng lansangan.

Nasa daan pa lang ako at nagsisimula na raw ang palabas. Sayang pero tumuloy pa rin dahil hindi pa naman tapos. Hinintay ako ni Nadz sa entrance ng VIP sa likod ng SMX Convention center (talagang emphasized ang VIP no? Yabang joke!) Pagdating ko sa SM MOA, kumakaripas ang pagtakbo ko papunta sa venue. Rinig ko ang boses ni Adam Lambert habang papalapit ako sa concert grounds. Nakita ko rin sa wakas si Nadz sa entrance sabay abot ng VIP ticket sa akin. Nakatikim rin ako ng matinding inspection dahil matindi ang kapa sa akin (sadyang mahigpit lang, hindi ako chinansingan at mukha namang hindi bading si Kuya)😀

VIP ticket ko! Yeah!

Pagdating ko ay saktong 2nd half na ng performance. Grabe yung privilege ng VIP. And idagdag mo yung excitement dahil first time ko makanuod ng concert! Super happy ako nun habang papunta kami sa mga seats. Nandun din ang boyfriend niyang si Gyte.

Ibang klase yung concert. Hindi lang pagdiriwang ng talento kundi ang mismong enitre performance niya ang nagdulot sa akin ng matinding paghiyaw at goosebumps. Hanggang sa kinanta na niya yung pinakafavorite song ko: ang If I Had You! Grabe! To the max yung excitement ng crowd. Ramdam mo yung love at glitter sa atmosphere (baklang-bakla haha!) tapos yung vocal power ni Adam Lambert super astig. Plus, ANG HOT NIYA! Tipong gusto kong gawing holy water yung pawis niya! Haha! Tapos ang ganda ng fit ng katawan niya at yung attire niya astig. Kitang kita ko from few feet away si Adam. Pati yung banda niya at yung dancers astig! Ganoon pala ang feeling pag nasa concert ka, idagdag mo yung privilege ng VIP ticket. Kaya to the nth power din ang pasasalamat ko kay Nadz nun habang nagsising-along sa kanta🙂

Natapos na din ang concert (late kasi ako). Pero sulit at memorable. Too bad wala akong camera para ma-document ko yung major experience ko. Kung may camera ako, siguro napuno na ng pictures from the concert. Actually, may picture ako with the stage as the background pero nasa cellphone ni Nadz pa. Pero at least dala-dala ko pa rin yung ala-ala ng idol ko, aside from the ticket🙂 Grabe, blessing in disguise talaga🙂

Hanggang ngayon may hang-over pa rin ako ng concert. Kaya pinapatugtog ko yung songs. Naalala ko yung message sa akin ng friend ko via Facebook. Kahawig ko RAW si Adam Lambert. Weh di nga hahaha! Ako si Adam Lambat! Hahahaha!

IF I HAD YOU YU-YU-YU-YOU!😀

Ako si... Adam Lambat! :))

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

3 thoughts on “Adam Lambert 10.10.10 Concert Experience

  1. jenny m says:

    oh no! i think its partly my fault na late ka dumating sa concert! nadz texted me 6pm pa lang asking for your number but i wasnt able to reply until 8.30pm! waaahhh im so sorry toney!!!

    • theairprince says:

      Haha ayos lang. Actually nasurprise nga ako eh na nagtext sa akin si Nadz🙂 VIP TICKET PA🙂 Ayos lang salamat din🙂 Ang ganda ng weekend ko talaga🙂

  2. […] Glamorized si The Air Prince (Adam Lambert 10.10.10 Concert Experience) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: