Sir/Ma’am, May I Go Out… With You? (World Teachers’ Day Special)

6

October 5, 2010 by theairprince

Noong ako’y nasa Kolehiyo pa, minsan sumasagi sa isipan ko na ayaw ko na mag-aral kasi mahirap at nakakatamad. Puro pasakit ang pasan ko mula sa mga nakakasabaw na exams, mga nakakapang-ihaw na projects, at mga defense na on the spot kang ginigisa ng buhay. Kung ang college life ay isang malaking apoy, malamang ako’y mas pino pa sa abo. Maraming beses akong gustong sumuko at nadapa pero salamat at dahil sa pag-asa ay nanunumbalik ang lakas ko para ipagpatuloy ang pangarap para makapasa. Kung tutuusin ay mapalad ako dahil pinagpaaral ako ng aking mga magulang at karamihan sa kabataan ay hirap makatuntong sa kolehiyo sanhi ng kahirapan. Kaya buong-loob ko na isinumpa sa sarili ko na ako’y makakatapos rin.

Ngunit hindi yan ang punto ng ating pag-uusapan.

Bukod sa mga upuan at whiteboard na araw-araw tumutumbad sa atin, sa mga libro na minsan ay nagiging props lang, at sa mga kaklase at kaibigan/kaaway na ating nakakasalamuha, hindi kumpleto kung wala ang isa sa mga key characters ng ating buhay-kolehiyo: ang mga professors. Di na uso ang bansag na ‘teacher’. Mas sosyal daw ang ‘professor’; ala Hogwarts style and ang ‘teacher’ daw ay pang elementary lang😀

Ngayon ay World Teachers’ Day. Lahat na ata ng nilalang or konsepto sa mundo ay may nakalaang araw. Pero huwag na tayo magreklamo dahil ngayon ay dapat nating bigyang-pugay ang mga tao na naging bahagi ng ating buhay, ang mga nilalang na may bitbit na kaalaman at karanasan at handang ialay sa atin. Sila ang gumagabay sa atin sa eskwelahan upang matuto at maging bihasa. Anong silbi na isang paaralan kung wala sila. Kahit nasa panahon na tayo ng Information Age at ang mga computers na raw ang makabagong teachers, wala pa ring tatalo sa Alaska, ay este wala pa ring tatalo sa physical presence at personal approach ng isang professor. Kaya ngayon ay dapat nating ipagdiwang sila.

“Teaching is a profession that teaches all other professions.”
— Author unknown

Isipin natin ang lipunang walang professors. Oo, maaari tayong matuto sa pamamagitan ng ating sariling karanasan pero iba pa rin ang may iba para magturo sa iyo. Walang Theory of Relativity ni Albert Einstein kung hindi dahil sa mga nagturo sa kanya ng basic knowledge of Science and Mathematics noong siya’y nag-aaral pa lamang. Wala si Peter kung wala si Jesus. Walang Plato kung walang spoon and fork ay este kung wala si Socrates. Walang Tyra Banks kung wala si Jay Alexander (siya nagturo ng runway walk). Walang The Air Prince kung wala ang mga professors niya sa Asia Pacific College😀

“The mediocre teacher tells.
The good teacher explains.
The superior teacher demonstrates.
The great teacher inspires”

– William Arthur Ward (at salamat sa lumang APC brochure dahil doon ko nakuha ‘tong quotation hehe.)

Ang kaalaman ay higit pa sa mga facts and figures na pilit pinapaintindi or worse, pinapamemorize sa atin. Kailangan ng professor upang lalo nating maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid natin (at kahit mga bagay na nag-eexist lang sa isipan). Ngunit may mas hihigit pa sa mga pagpapaliwanag ng mga facts, theories, at stories. Lubos tayong matututo kung ang profesors natin ay nakakapagdulot sa atin ng inspirasyon, inspirasyon hindi love-related kundi para matuto at maabot natin ang mga pangarap sa buhay.

Ngunit hindi sila perpekto tulad ng lahat. May mga teachers na marurunong ngunit hindi magaling magturo. May mga iilan na charismatic para maging teacher pero taliwas sa lesson plan/syllabus ang paksa sa araw. Ang imaheng ideal teacher ay hanggang ideal lamang. Ngunit, at the end of the day, hindi lang dapat natin iasa sa kanila ang ating edukasyon. It’s a mutual relationship. Bilib ako sa mga teacher/professor na willing din matuto from their students. I hate spoon-feeding. Layunin ng propesyong edukasyon ang gabayan tayo para matuto, hindi mauto. Kaya nga sabi ng iilan na makabagong bayani ang mga teachers/professors.

Di na ako magpapaliguy-ligoy pa. Nais kong mag-alay ng aking kaunting panahon at webspace para magbigay-pugay sa mga naging professors ko sa College. Sa loob ng 5 College years ko, marami na rin akong naging professors. Naging parte sila ng buhay ko kahit yung iba ay nakakainis. Sila ang tumayo bilang mga pangalaang-magulang. Sila ang sumira sa buhay ko… joke! Sila ang tumulong sa akin para humubog sa aking katauhan ngayon. Sila ang naging impluwensya sa buhay ko. Nararapat lamang na pasalamatan ko sila sa kanilang ginawa sa akin.

Naglista ako ng mga naging influencial professors ko sa College. At para mas kapanapanabik, iba-blind item ko sila😀 Kasama ang brief description: gaano sila ka-deadly, anong armas ang gamit nila, gaano sila kahirap maging prof or sa yung subject na tinuturo nila, at ano ang puntos na nakuha ko. Parang Tekken lang hehe😀

  • Codename: “Madam APPROJ”
  • Fighting style: Applied Projects and Filipino/Social Studies
    Weapon of choice: project proposals and reports
    Degree of difficulty: 5/10
    Garnered points: 4.0
    Brief description: Siya ang kauna-unahang professor na nagustuhan ko dahil hindi lang madali yung tinuturo niya (although matrabaho at wala naman talagang ituturo dahil puro implementation lang) kundi ubod ng bait. May busilak na puso. At siya ang dahilan kung bakit nagsimula ang career ko sa school bilang performer/violinist dahil naniniwala siya sa talento ko. Hanggang ngayon ay close kami at hinihikayat pa nga ako magturo sa school. Pumasa ako sa subject niya dahil nagsipag talaga ako at ako lang naman talaga gumalaw sa grupo namin (alam niya yun at sang-ayon siya).

  • Codename: “The Thinker”
  • Fighting style: blood-inducing Philosophy
    Weapon of choice: logic, contradictions, metaphysics, ethics, religion
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 4.0
    Brief description: Sa totoo lang, nakakadugo ang Philosophy. Siguro kung nagkataon, ang class namin sa kanya ang may pinakamataas na tissue consumption dahil sa dami ng nosebleed incidents. I’m just exaggerating. Pero kahit minor subject yung hawak niya, pilit kong ginusto dahil sa kanya. Talagang mapapaisip ka sa mga discussions niya, well, kung willing ka mag-isip. Plus the fact na he supported his teachings with theories which make his discussions worth studying. Tapos mabait din siya and he even gave us his students a Christmas poem together with our class cards. That’s nice.

  • Codename: “Crimson Editor”
  • Fighting style: lethal Programming
    Weapon of choice: complex algorithms and flowcharts, killer codes
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 4.0
    Brief description: Honestly mahina ako sa programming at logic noong highschool dahil sa naging inappropriate yung teacher ko noon… until when I enrolled in his class. I found the magic and ease in doing flowcharts and algorithms kaya nakaka-ace ako ng quizzes. May konting problem lang ako sa kanya: super hina ng kanyang boses buti na lang nasa harapan ako lagi nakaupo. Pero nadalian ako sa pagsunod sa lessons namin kasi tutok siya. Kaya “Crimson Editor” ang codename niya kasi yun yung program na gamit namin sa Programming.

  • Codename: “Cash Cow”
  • Fighting style: The science and art of Business War
    weapon of choice: business cycles and integrated marketing management
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 2.5
    Brief description: First impression, alam mong serious ang usapan. Kaw ba naman, magiging professor mo yung… I won’t go further kasi magiging obvious kung sino tinutukoy ko. Eto yung first ever class na nagiging late ako dahil super aga kasi, 8 in the morning (yun pa ang pinakamaagang first class time) kaya I miss every lessons na nadidiscuss tapos yung mga surprise quizzes (kaya tuloy 2.5 lang grade ko sa kanya). Pero on the other hand, gusto ko yung discussions niya dahil he would put the lessons not just on a real setting but on his own experience like in his business ventures. Sa kanya ako nainspire magtayo ng business in the future. And he values education. Terror as he may look but he has the voice of inspiration and charisma. “Cash cow” tawag ko dahil isa yun sa mga naging lessons namin from Business Cycle.

  • Codename: “Edna”
  • Fighting style: Grammar and Comprehension
    Weapon of choice: paper revisions, proofreading, proper pronunciations, research
    Degree of difficulty: 5/10
    Garnered points: 3.0 and 3.5
    Brief description: She may look nerdy and always frightened but she is the best mentor in the school. No wonder why she was chosen to head a cluster (a clue). Twice ko siya naging prof and I felt animated everytime na nakikita ko siya. I don’t know why maybe because the way she walks, the way she grace the corridors with her oversized blouse, or the way she demands us to get a whole sheet of paper and write something. And mind you, she even doesn’t use the elevator! Natuwa ako nung nag one-on-one defense ako with her, nalaman ko na nanunuod din pala siya ng Encantadia which is my fave😀 And she always greets me whenever we see each other along the corridor. She reminds me of Edna, the short haute costume extraordinaire character sa The Incredibles😀

  • Codename: “Mr. Easy Exam”
  • Fighting style: Laws of Physics
    Weapon of choice: complex calculations and formulas
    Degree of difficulty: 5/10
    Garnered points: 3.5
    Brief description: Inis ako sa flowchart naming mga AB Multimedia Arts students: may mga minor subjects pa kahit on the way to graduation na which we seemed to be unnecessary. But this particular subject became a piece of cake for me because of the professor we had. Hindi lang siya mabait, madali lang siya magturo. He knows that we don’t need fully-loaded Physics stuff dahil hindi naman kami Engineering majors. Medyo nakakatawa kasi minsan directly na niyang binibigay sa amin yung sagot pag di namin ma-gets yung problem, kaya we ended up copying his solution and answer, hence, I’m calling him by that codename. On top of that, natuwa ako kasi isa siya sa mga concerned sa akin when he learned that I wouldn’t be able to graduate.

  • Codename: “Little Miss Deadly”
  • Fighting style: Economics in elementary style
    Weapon of choice: opportunity costs, graphs, budget deficits, money cycle
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 1.5
    Brief description: Sa lahat ng prof na binanggit ko dito, ito ang pinakakinaaasaran ko. Siguro yung iba sa inyo may idea na kung sino. Medyo mag-iingat ako at baka malaman niya ito hehe. Obvious kasi yung mga clues😀 Pero anyway, naging professor ko siya sa isa sa mga minor subjects ko. Balita ko nga at marami ang naiinis sa kanya dahil mahirap na nga ang subject, pinahihirapan pa niya lalo. Imagine Minerva McGonagal plus Dolores Umbridge all in one at school, only small but, I bet you, she’s DEADLY. Ayon sa statistics, almost 75% ang bumabagsak sa class niya. Fortunately, pumasang awa ako sa kanya. Pero natuwa ako sa kanya ng isang beses kasi she became interested sa CosPlay noong SoMA Week 2008. Gusto daw niya mawitness yun dahil nacurious siya sa mga costumes. Lastly, di ko kinaya ang stockings niya! Haha😀

  • Codename: “Our Lady of English”
  • Fighting style: challenging Technical Writing and Art of Literature
    Weapon of choice: highly creative and technical usage of words, letters, paragraphs, plus punctuations
    Degree of difficulty: 7/10
    Garnered points: 1.0 twice
    Brief description: May nagjoke one time sa school na pag pinasuotan mo ng blusang puti at lagyan ng halo at aras, mukha na daw santa ang susunod na tatalakayin nating prof. Kulang na lang ay iprusisyon mo sa kalsada😀 Kung gaano ka-solemn yung look niya, kabaliktaran naman siya ni “Edna”: nakakaantok tignan kaya halos buong klase bored. Kaya tinamad ako sa class niya kahit nakakainspire yung lessons pero pinilit ko pa rin pumasa. Pero on the other side of halo, mabait naman siya at maalalahanin🙂 Yan ang tunay na imahe ng Mahal na Ina (tara at magNovena na sa kanya)😀

  • Codename: “Jedi”
  • Fighting style: comical yet philosophical Sociology matters
    Weapon of choice: Maslow’s hierarchy of needs, culture, politics, other social issues and definitions
    Degree of difficulty: 7/10
    Garnered points: 1.0
    Brief description: Akala ko nung una ko siya naging professor, siya si Bob Ong kasi parehas sila ng way of presenting lessons in terms of jokes. Nakakaenganyo ang class niya. Iskolar na iskolar ang talino. Hindi nakakabore yung class niya. Nakakatawa rin siya magpa-quiz kasi may bonus points pero not related sa lessons. Ngunit sa kasawiang palad, maaga ang class niya kaya lagi akong late (kaya 1.0 lang nakuha kong marka). Pero outside classroom, very approachable at friendly siya. Lagi nga niya ako kinukulit at gusto pa niya hiramin yung Babaylang Ida costume ko before haha! Kaya “Jedi” kasi fan siya ng Star Wars at may mahabang mini-braid siya sa likod ng tenga tulad ng isang Jedi. May the force be with us.

  • Codename: “Prime Minister”
  • Fighting style: powerful Public Speaking and Presentation
    Weapon of choice: IPA, counterattacks on fallacies, points of information
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 3.0 and 3.5
    Brief description: Siya ang dahilan kung bakit mahilig ako manuod sa mga debates. I was not engaged in speaking or writing in English until he was my professor. Small world dahil he has a relative na naging schoolmates ko before. His class is very animated kasi he always let us practice the lessons. Nag-enjoy ako sa mga pronunciation lessons, yung IPA (Internation Phonetic Alphabet). Tapos we did this poetry reading as our midterm exams (the group who gets the highest score will be treated a lunch extravaganza but the entire class ended celebrating kasi he decided to treat us all for the wonderful job we did. Galante.) Until now, we still greet each other and he even help us in school events (he spearheads pageant coaching sessions and program organizing).

  • Codename: “Tiger Lily”
  • Fighting style: straightforward Management Principles
    Weapon of choice: alluring beauty (naks), expertise in Management
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: not applicable
    Brief description: Bakit ‘not applicable’ yung grade ko from her? It’s because she didn’t became my professor in any subjects. I included her because she is my club adviser. Before I only know by her name since she was holding a position in a department (but later got replaced). When our organization was in turmoil and our former adviser resigned, the Student Activities Officer suggested us her to be our new adviser. We had hard time in adjust dahil she was too proper. Pero di nagtagal we loved her like a mother. Until now, I still talk to her via YM, text, or Facebook. Gusto ko siya dahil malaki tiwala niya sa akin, she even gave me a project where I can earn. Very supportive siya. At di lang yun… maganda siya😀 (walang halong bola)

  • Codename: “Dreamweaver”
  • Fighting style: Web Developing that can stun you for hours
    Weapon of choice: full blast HTML and Flash codes
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 3.0
    Brief description: Noong first time ko siya makita: losyang😀 Parang may samba ng Iglesia ni Kristo sa class namin dahil sa itsura niya. Joke lang😀 Pero kung ganoon ka-off yung look niya, wait till you see her demonstrate her web skills via Dreamweaver (program na ginagamit sa eb development). Bihasa siya sa codes at HTML. And I always get ’50/50′ from the exercises (yun ang mataas na mark from her) kasi nadalian ako sa exercises (too bad nakalimutan ko na ang web skills ko, I need to train again). Yun lang nadali ako sa final project kasi hindi ako nakapagpasa on time. Pero after couple of years, when I saw her, she looked different! Very classy and appropriate na siya manamit🙂

  • Codename: “Kapuso”
  • Fighting style: Art and Techniques of Film/Video
    Weapon of choice: Adobe Premiere and After Effects, expertise in production
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: 3.0 and 2.5
    Brief description: When my former Video Production professor had to leave for better job opportunity, she was replaced by a almost stern but cool and funny professor. He worked at a major TV network and he relayed all his experiences in the industry to us. Sa kanya ako natuto gumamit ng Adobe Premiere at After Effects. Lagi niya ako sinasaway pag maingay ako or late ako😀 Sa kanya ko rin natutunan ang mga essentials sa isang production. Minsan nakihitch ako sa taxi with him and he was so sensible to talk to. Down to earth siya🙂 Kahit wala na siya sa school (up to now, I dunno the right reasons), he is one of my best prof for me so far.

  • Codename: “Mr. Chocnut”
  • Fighting style: Art of Multimedia Writing
    Weapon of choice: high skills in writing, focused creative and art execution
    Degree of difficulty: 7/10
    Garnered points: 3.0 and 2.5
    Brief description: Hanggang ngayon, di ko pa rin maialis sa aking isipan ang itsura ng isang propesor na nakashades pagpasok sa classroom (as if may araw sa loob) at uupo sa table mismo dala-dala ang munting libor na yun pala ay pencil case. Tatanggalin unti-unti ang shades tapos ngingiti sa amin. Tapos, in his goofy voice, magsisimula na ang discussion. Nakakatamad minsan yung exercises kasi ayaw mo yung nagiging kagrupo mo😀 pero masaya pa rin yung class kasi nagshashare siya ng mga stories about his experiences sa industry. Puro ads about alak or sigarilyo yung dinadala niyang examples (halata yun ang bisyo niya) pero nakakatua pa rin. Plus, tulad ni “The Thinker”, sweet din yan dahil mahilig siya magbigay ng mga heart-warming messages. At sa kanya namin nalaman ang dapat na story ng “Sukob” movie kasi pinakita niya sa amin ang original script. Bakit “Mr Chocnut” ang bansag ko sa kanya? Hindi dahil sa kulay ng balat niya kundi sa midterm requirement niya na project: kelangan namin gumawa ng mock advertising campaign for Chocnut, na hanggang ngayon ay pinapractice ng mga nagiging students niya.

  • Codename: “Superbuff”
  • Fighting style: wide range knowledge on Marketing and Management, Art of selling ideas
    Weapon of choice: Marketing tactics and Creative mind
    Degree of difficulty: 8/10
    Garnered points: not applicable
    Brief description: Sikat itong si “Superbuff”. Pangalan pa lang, alam mo na ang itsura niya. Wala na siya sa school pero sikat siya. Sinong hindi makakalimot sa tisoy at maskuladong professor na nakangiti lagi. Siguro kamag-anak siya ni Superman at Incredible Hulk😀 Kapag nakikita mo siya, parang nagfeflex siya lagi. But aside from his grand physique, maalam din itong former program director. He knows the ins and outs of the industry. Masaya din maging boss siya dahil lahat ng kelangan mo, isang tawag lang niya, nasa harapan mo na ang kelangan mo. Supportive din siya sa mga talents ng students. Balita ko ay nasa ibang bansa na siya.

  • Codename: “Ms. Set the member of sprite 1”
  • Fighting style: lethal Programming and Game making
    Weapon of choice: complex dot matrix, legendary verbose, hallucinating logics, gameplay attacks
    Degree of difficulty: 9/10
    Garnered points: R and 3.5
    Brief description: Mabait ngunit mabagsik. Yan si Ms. Set The Member of Sprite 1. At what’s with the long name? Yan ay isang halimbawa ng syntax line sa Game Development subject at ang codes kagaya niyan ang nagpapasakit sa ulo ng bawat ABMA student. Di ka makakalusot kung di mo titiisin ang sandamakmak na codes at logic. Balita nga na siya ang Goddess of Codes sa school, ayon sa isa sa mga professors ko. Pero kahit gaano nakakadugo ang coding, busilak ang kanyang loob para tulungan ka. Pero isa ang ayaw niya… ayaw niya ng pasaway at I CAN PROVE IT! Kaya ako nagka-R sa kanya. Gayunpaman, bumagsak ako sa kanya pero hindi siya yung tipong ‘buti nga kasi bumagsak ka’ pero siya pa mismo yung nag-eenccourage sa’yo na bumawi. Kaya wag sayangin ang chance para bumawi or else, pasaway ka pa rin sa kanya😀

  • Codename: “Mr. Uhmmm… Nescafe”
  • Fighting style: 3D knowledge and Desktop Publishing
    Weapon of choice: hot coffee (JOKE!), silent but deadly 3D skills
    Degree of difficulty: 7/10
    Garnered points: 4.0, twice 3.0
    Brief description: Sinong hindi makakakilala sa bukod-tanging prof sa APC na kulang na alng ay maging endorser ng Nescafe? At *sabay nag-iba ng tono* “uhmmm, so ok noh? Pwede mag-attendance muna tayo?”😀 Sikat na sikat itong professor dahil marami ang gumagaya sa kanya. May iilan na galit sa kanya kasi wala daw silang natututunan sa kanya. Dumating pa nga sa point na naghamon ng suntukan sa parking lot itong si Mr. Uhmmm… Nescafe dahil sa mga issues laban sa kanya. On the other side, mabait naman siya. Palabiro lalo na pag lasing sa mga gimik. Hehe. Ang masasabi ko ay may iilang profs na magagaling at marurunong pero di kaya ituro. May gago akong classmate dati ni binilang at nilista kung ilang beses nag-‘uhhhmm’ si Sir😀

  • Codename: “Daddy of ABMA”
  • Fighting style: expertise in Social Media and magic in 2D Animation
    Weapon of choice: the power of pen and animation disks, history of media
    Degree of difficulty: 9/10
    Garnered points: 2.5, 2.0
    Brief description: Siya ang “Ama Namin” sa SoMA di dahil matanda kasi siya pero tumatayong ama siya sa amin. Magaling siya magdrawing at magpagalaw nito. Ginabay niya sa kami sa mundo ng animation sa pamamagitan ng nakakaaliw na lessons at segue jokes, particularly green jokes (hehe). Kahit may edad, parang kabarkada ko siya. Pagtapos ng class niya, magkukwentuhan kami. At kahit hindi na niya ako student, sinasama niya ako sa Jolibee para magmerienda AT LIBRE PA NIYA YUN! Ganyan kabait ang creator ng Chuckie at Ilong Ranger characters na nakikita natin sa commercials before (wala ba kayong nakikitang similarities sa dalawa? It’s because matangos ilong niya at doon nainspire yung 2 drawings). Nagkasakit siya kaya nahinto ang pagtuturo niya pero nagbalik na daw. Nakakmiss yung mga payo niya sa akin about life, family issues, sexlife, money matters, school life, career, sexlife, friends, sexlife… teka ilang beses ko na ba nabanggit ang sexlife? Haha😀

  • Codename: “God of 3D”
  • Fighting style: aggressive 3-Dimensional applications and artistry
    Weapon of choice:
    Degree of difficulty: 10/10
    Garnered points: 1.0, 3.0
    Brief description: Ito ang isa sa pinakamalupit na naging professor ko sa college. Akala mo mahina (sakitin kasi) pero nagkakamali ka. Kaharap mo ang Diyos ng 3D! Mabagsik siya pagdating sa conceptualization, production at post prod ng 3D animation. At astig yung class niya. Bukod sa very good English articulation niya, step-by-step ang lessons niya. At kung di mo maintindihan ang lesson niya, pwede kang humingi ng copy of video lessons from him! San ka pa! Yung introduction niya sa tutorials videos na “Hi, this is _________ for 3D animation” still resounds in my mind. Mas lalo akong bumilib nung nagkasakit siya. Pilit niyang puntahan yung class namin na nakasaklay.

  • Codename: “Sorasenshi”
  • Fighting style: The Science of Computer, Behavior, and Design known as Human-Computer Interaction
    Weapon of choice: communication theories, user interfaces, killer codes,  cognitive psychology
    Degree of difficulty: 10/10
    Garnered points: 4.0, R, and 3.5
    Brief description: Akala ng karamihan, para siyang student sa APC. Pero hindi nila alam na kaharap nila ay isang full-time prof with a doctorate degree (coming soon). Hindi ko aakalain na ang minsan baguhang professor sa aming school ay magiging malaking impluwensya ng buhay ko. Naaalala ko pa… Room 517, parang wig yung buhok (hehe) tapos she always smile on us. Sabi ko noon, “feel ko exciting yung class” kahit we still didn’t have a clue kung anong pag-aaralan sa class niya. Habang tumatagal, nag-eenjoy kami sa class niya. Minsan sinabihan ako thru her note sa activity paper ko na “Are you on steroids?” kasi lagi akong sabik sa extra points at high grades. After nun, naging close kami at nagdecide siya mag full-time sa school. Pero di ko makakalimutan yung naging prof ko siya again in a subject before graduation. Nadelay ako dahil bumagsak ako sa kanya. Why? Because I slowly didn’t take her class seriously. Nawala ako sa focus kasi. Pero binigyan pa rin niya ako ng pag-asa para pumasa kahit delayed ako sa graduation. At beyond the walls of classroom, she is super friendly and animated (siguro dahil pareho kaming Piscean). Hanggang ngayon, we’re intact at lagi nga ako nagsusubscribe sa blogs niya🙂 Bakit “Sora”? Kasi yun ang alias niya na inspired sa Sailormoon.

  • Codename: “The Boss”
  • Fighting style: Traditional and Modern Fine Arts
    Weapon of choice: aesthetics, art theories, lethal paint and graphite strokes
    Degree of difficulty: 10/10
    Garnered points: 4.0, 3.5
    Brief description: Akala ko noong una si Jhong Hilario nagtuturo sa APC. Nagkamali pala ako. Naging prof ko siya simula first year. Masarap at masaya siya maging prof kasi magaan ang loob ko sa kanya (maybe dahil bata pa siya). Di ko akalain na gawa pala niya yung painting ng mga batang naglalaro ng tumbang preso na nakasali sa calendar ng Petron. Sa class niya ako nakaranas ng nude sketching. Naengganyo ako sa sketching at sa painting dahil sa kanya, pati sa mga art theories (di ko makakalimutan yung discussion about the perception of beauty, at yung chimpanzee na artist). Di nagtagal, hinirang siya bilang “The Boss”. Balita ko ay naging mag strikto siya sa mga classes niya pero yun ang gusto ko para mas challenging.

Ayan, sa pagkahaba-haba ng sinulat ko, sana ay di kayo nahilo bagkus sana ay natuwa kayo. Patunay lang na nakakamiss na mag-aral. Marami akong gustong balikan pero hindi na maari. Kung nagsipag ako at nagtiyaga lalo, malamang ay mas matataas na grade pa makukuha ko. Pero ang mahalaga ay may natutunan ako mula sa kanila, kahit nagkamali ako. Lessons sa loob or kahit sa labas ng classroon, di ko kakalimutan ang mga lessons na humubog, humuhubog, at huhubog sa aking sarili. Isa lang ang tanong, willing ko ba i-apply sa sarili ko?

Naisip ko rin kung magtuturo ako balang araw. Gusto ko, di ko maitatanggi. Gusto ko magturo dahil gusto ko ibalik ang mga natutunan ko mula sa mga naging teachers ko at gusto ko ma-inspire ang mga tuturuan ko. Malay natin, nakatayo na ang ID ko at tinatawag na na “Sir”. Pero pwede pang magbago ang lahat.

Happy Teachers’ Day!

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

6 thoughts on “Sir/Ma’am, May I Go Out… With You? (World Teachers’ Day Special)

  1. Paul Sace says:

    what you wrote here was truly a very heart warming tribute to professors.. and yeah i know most of them.. keep it up Tony.. you are blessed with a gift that only you posses..🙂

  2. rimewire says:

    Amen sa pinaka-unang prof jan!

    Hakhak.

    Kaso galit sakin un eh, hindi ko daw sia pinapansin, eh malabo lang talaga mata ko–ayaw nia maniwala.

    Mag-aagree din sana ako kay EDNA kaso mai issue block namin eh jan. WAHAKHAKHAKHAKHAK.

    XXXxx

    • theairprince says:

      Hahaha! Kilala mo si Madam Approj? Haha joke lang yun na galit sa’yo🙂

      Si EDNA talaga kamukha niya si EDNA :))

  3. Leo Avila says:

    HHANG LUPIT MO KUYA TONEY! You just earned a new fan! Now magiging mas active ako sa blog. Konti lang kilala ko sa mga blind items mo. Pero I’m thinking na gumawa ng same list of my favorite professors. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: