Hiatus (Break Muna Si ‘The Air Prince’)

Leave a comment

October 4, 2010 by theairprince

Ano ang ‘hiatus’?

According to Dictionary.com, ‘hiatus’ is a break or interruption in the continuity of a work, series,action, etc.

Eh bakit yan ang title ng blog ko?

Pake mo. Haha.

Hi! Namiss ko na magblog! It’s been 2 weeks na hindi ako nakakagamit ng internet since naputol dahil hindi ako nakapagbayad kaagad (how pathetic). At gusto ko pala pasalamatan ang aking mabuting kapatid na si Lala sa kanyang pagsalba sa aking outstanding Smart Bro bill (hindi ko sasabihin kung magkano. Confidential.). Nakakapag-update naman ako pero not that regular. If time and my spare money permit me, tumatawid ako sa kalsada para mag-net sa Basty computer shop (aba, plug-plug din ng negosyo ng kapit-bahay haha) or nakikigamit sa mga pamangkin ko.

Mahirap pag walang net lalo na kung masyado kang dependent. I won’t say na super addicted ako sa internet pero most of the stuff I do needs net connection, like emails, research… sige na nga… para magFacebook! Addicted ako sa FB pero these days parang nakakasawa na. I must say na hindi ako nagiging productive sa FB, aside from parang rountine na yung pag-uupdate ng status as if all cares. Para akong namatayan ng alagang aso (on the contrary, I don’t like dogs) nung temporarily pinutol ng Smart ang aking net subscription due to unpaid bill. Nasa panahon ako ng job hunting na web-based nang biglang Smart Wireless Broadband site ang bumubungad sa akin. Huminto ang mundo ko nang nawala ang internet. Well, exaggerated na yun. Haha.

On the brighter side, naging mainam ang nangyari. Narealize ko na maraming magagandang gawin bukod sa pagkocomputer particularly paggamit ng internet. Naalala ko yung experience ko last year noong ginagawa ko yung portfolio ko: I started from scratch tapos I had to come up with my own design elements. Or if I needed internet, I had to stay at school until 9 PM just to get inspirations or other elements na beyond my capacity (but still, adding my personal touch). Of course, nagfaFacebook ako nun pero I tried to stay away from it and it paid off well. Nakakuha ako ng 3.5 na grade🙂

Makabalik tayo sa pinag-uusapan natin, gaya nga ng sinabi ko, may mga masarap gawin aside from internet surfing. Natutunan kong magbasa. Nabasa ko muli ang aking 10-year old Harry Potter and the Sorcerer Stone Book. Pilit kong binasa ang The Amber Room ni Steve Berry kaso tinamid din. Sinubukan kong basahin ang mga libro dito sa kwarto, mapa-Engineering books ko noong ako’y Engineering student, mga design books, lumang newspapers, kahit Preview at FHM magazines pinatulan ko na rin. Natuklasan ko na mainam pa rin ang pagbabasa, hindi ng blogs or online articles kundi ng tactile reading materials. Gaya nga ng nabasa ko sa isinulat ng aking friend na si Monica Gonzales, lahat dapat ay magbasa para mapayaman hindi lang ang kaalaman kundi ang wastong pagsulat at pananalita.

Hindi lang ako nawili sa pagbabasa. Sinubukan ko rin magsulat ng mga saloobin. At salamat sa aking nabiling ballpen sa National Bookstore at may napala rin ako. May iilan-ilan din akong naisulat na mga bagay-bagay gaya ng mga plano sa buhay, mga kasalukuyang karanasan, atbp. Ewan ko pero natutuwa ako dahil nahihiligan ko na rin magsulat ng kung anu-ano. Hayaan niyo at susubukan kong i-share sa inyo. For the mean time, edit ko muna dahil nakakahiya eh. Haha.

As always, habang naghahanap ng trabaho ay pansamantalang nandidito ako sa bahay. Wala kaming kasambahay kaya ako ang nag-aasikaso sa aming tahanan. Tagalinis, tagaligpit, tagadilig ng halaman, tagapakain ng mga lovebirds na regalo sa aking kapatid, pera lang sa pagplantsa at paglaba dahil may labandera/plantsadora kami. Pero sa lahat ng gawaing bahay, ang pinakagusto ko ay ang pagluluto. Swerte ako dahil namana ko sa tatay ko ang hilig sa pagluluto. Ayun, ako tagaluto ng kakainin namin. Mula sa mga masasarap na ulam gaya ng Menudo, Singiang, Adobo, hanggang sa mga prito-prito lang, tila ang kusina ay naging pangalawang kwarto ko. At dahil sa kinahihiligan ko na magluto, naroroon ang pangamba na ako’y tumaba dahil lagi ako nakain. Iyon ang kinatatakutan ko. Kaya gusto ko na magtrabaho para ang stress ang calorie burner ko😀

Di ko rin maitatanggi na naging emotional ako nitong mga nakaraang araw. Bukod sa frustrations sa buhay, nakakaranas ako ng matinding sense of loneliness. Siguro dahil tahimik ako dito sa bahay, wala pa akong trabaho, majority ng mga kaibigan ko ay busy sa school at trabaho, o tigang pa rin ako sa lovelife. Umiiyak ako minsan, totoo yun. Pero salamat at mabuti pa rin sa akin ang Maykapal dahil binibigyan niya pa rin ako ng pag-asa para makaahon.

Sa tingin ko iyan muna ang aking ikukwento mula sa mga karanasan ko nitong nagdaang mga araw. Nawa’y pagpalain tayo ni Bathala ng mga grasya at huwag nating kakalimutang magdasal, alright? Bagay ba sa akin maging pastor? Joke😀 Basta kahit ano mangyari, mahal kayo ni The Air Prince🙂 Naks🙂

Hanggang sa muli🙂
Hot Like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: