F.L.A.M.E.S.

1

Setyembre 16, 2010 ni theairprince

Ang cheesy ng kanta, LOL πŸ˜€

Kanina habang naliligaw ako sa mga Facebook accounts ng mga kaibigan at kaaway ko (talagang kasali mga kaaway eh no? At hindi po ako stalker, wag kayo mag-alala), isang litrato ang pumukaw ng aking isipang nagsisiesta.Β Litrato ito ng isang gawain ng mga desperado sa pag-ibig, ng mga gusto pakiligin ang mga sarili, at ng mga gustong malaman ang kapalaran sa napakagagong paraan… ang FLAMES.

SUNOG! MAY SUNOG SA KAPITBAHAY! TUMAWAG KAYO NG BOMBERO!

(At may dumating na bombero… bold star. Corny!)

Joke lamang po πŸ˜€

Sa puntong ito, hindi ko alam kung papaano, kailan, at saan nagsimula ang FLAMES. Ang alam ko lang ay may palabas dati sa ABS-CBN na hango rito. Sorry pero di ako nanunuod nun. Busy ako sa Science subject πŸ˜€ Gayunpaman, noong nasa elementarya pa lang ako ay alam ko na ang FLAMES. Halos lahat ng mga babae kong kaklase ay naggaganito pero may iilan rin namang mga totoy kagaya ko na sinubukan ito. Bata pa lang ay malandi na πŸ˜€

Sa mga hindi pa nakakaalam kung anu at paano gawin ang FLAMES, tanungin niyo mga elementary students πŸ˜€

Gaya ng sabi ko, pagkakita ko sa isang picture, kaagad kong sinubukan muli sa akin. Matagal-tagal ko na rin itong hindi nagagawa. Katuwaan lamang. Syempre sinubukan ko sa aking ‘crush’ ngayon. Malamang πŸ˜€

Eto ang resulta:

FRIENDS LANG??? >_<

Sadya kong nilabuan ang pangalan ng crush ko for confidentiality reasons. At mahirap na. Baka sabihin sa akin ang kapal ng mukha kong magkagusto sa kanya. Haha. Pakiramdam ko habang ginagawa ko ‘to, naririnig ko yung lyrics ng‘Can You Read My Mind‘ na kanta ni Maureen McGovern (OST ng lumang Superman the Movie)… “like a little girl shivering.” Shivering ako sa kilig, mga kaibigan haha! Kinikilig ako until I saw the results… FRIENDS LANG?! Parang akong si Superman na bumagsak sa pagkakalipad at si Lois na kasintahan ni Superman ay napasakamay ni Spiderman. Para akong nahulog sa butas na namuo sa kinatatayuan ko. Para akong sinabugan ng nuclear weapons ng Iran. Para akong… tanga πŸ˜€

Matapos kong pag-ilusyunan ang sarili ko, sinubukan ko sa mga kakilala kong may kalandian din. Hindi ko ipopost yung pics baka magalit sila hehe. Inilathala ko pa ang litrato gn FLAMES ko sa Facebook at marami ang natawa πŸ˜€ May iilan na sumubok din, kagaya ng alipores kong si Dexter (hindi po siya may ari ng Laboratory, isa siyang transfreshie sa aking mahal na Alma Mater). Narito ang resulta ng sa kanya:

Yung totoo, siguro may dagdag-bawas to! Idaan sa PCOS machine! LOL

May YEBAH pa. Natuwa siguro ang mokong. Or dinaya lang ata niya. Or… baka ako ata nilagay nun ah! (Chineck… salamat at hindi ako yun haha.) Nahihiya naman ilagay ni Darryl aka Axel (isa rin sa aking mga alipores) yung sa kanya dahil super obvious daw. DUWAG KA, DARRYL! Joke πŸ˜€

Kung may traditional pen-and-paper FLAMES (in may case, hindi eh… pentel pen and whiteboard eh), meron din electronic FLAMES. Sosyal! Pinapantayan na rin ang PCOS machine ng election! Nag-google ako ng FLAMES at may mga lumabas din na mga love test/games, bukod sa mga literal na flames πŸ™‚

Sumubok ako sa dalawang websites at narito ang mga resulta:

Mula sa CrushCow:

May bug ata 'tong test dahil taliwas sa resulta sa papel... PERO I LIKE THE RESULT MORE THAN FRIENDS! PEDE NA!

At eto naman mula sa My Dear Valentine:

Okie, names input muna...

...then, nawala ang common letters.

NANGGAGAGO ATA 'TONG TEST EH 😑

Hahahaha πŸ˜€

Pero dapat nating alalahanin na pawang laro lamang ang FLAMES. Huwag dapat magpapadala rito. Katuwaan lang. Nasa sa gawa ng tao ang kapalaran ng pag-ibig. Dapat ipadama ang pagmamahalan, hindi sa pamamaghitan ng mga hula. At nagiging katunog na ako ni Zenaida Seva… AriesCarpricorn… Hehe πŸ˜€

Dali at hinihikayat ko kayo na muling sariwain ang kilig dulot ng FLAMES. Share niyo sa akin ang screenshots at pics ng inyong version. I-blur niyo yung names ng mga sinta niyo kung ayaw niyo maiskadalo πŸ˜€

Hot Like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Advertisements

One thought on “F.L.A.M.E.S.

  1. ideaelectra ay nagsabing:

    hehe, guilty din ako sa flames na ito..madalas ko tong ginagawa hanggang ngayon haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: