Pare, Anong Grade Mo? (Mga Karaniwang Eksena sa Course Card Distribution Day)

5

September 8, 2010 by theairprince

Ang haba ng title, no?

Ang aking course cards dati noong student pa lang ako... natigil ang collection noong 3rd year.

Matapos ang malaimpyernong Finals Week, tomorrow na ang pinakahihintay ng lahat: ang Course Card Distribution. Marahil pangamba’t kaba na may halong excitement ang nararamdaman ng baat mag-aaral ngayong gabi. Bukas na ibibigay ang hatol, sa pamamagitan ng course cards. Sa sukat na 3×4 pulgada (Ano po ang pulgada? Ingles yan ng ‘inches’. Walang kinalaman si Fulguso dito, ang aso ni Marimar. Korny.), ang medyo matigas at puting course card ang may hawak sa kapalaran mo. Specifically, nakatutok ang mga mata sa lower left corner ng card, sa may maliit na rectangle. Doon makikita ang resulta ng iyong pagod, hirap, o dusa… or ng iyong kapabayaan, kalokohan, at katamaran.

Ngunit and course card ay course card lamang. At hindi iyan ang tatalakayin natin.

Sa araw ng course card, parang enrolment din: madaming tao, maingay, magulo. Madaming tao sa bawat floor lalung-lalo na ang 4th floor. Kahit yung mga kaklase mong di pumapasok sa klase ay mapapansin mo. Parang may rally. Maingay ang paligid dahil, natural, maraming tao. Yung totoo, walang bibig??? Animo’y may palengke sa loob ng school. Magulo dahil di mapakali ang bawat isa.

Bilang mapanuring tao, narito ang iilan sa mga pangunahing eksena sa Course Card Distribution Day:

Boy1: “Pare, shet, kinakabahan ako sa grade ko.”
Boy2: “Ako pare, mas kabado naman ako. Lagi ako late kasi.”
Boy1: “Kaw kasi eh, gago. Teka pare wait lang. Tae lang ako sa 10th floor. May tissue ka dyan?”

(Hindi lang sa 10th floor masarap dumumi. Secret, di ko sasabihin kung saan. Hehe.)

Kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng nerves ng mga kabadong students, kaya na natin siguro pailawin ang isang floor ng APC. Grabe talaga. Kung anu-ano na ang gagawin para makalma tayo. Kakain, chichika, maninigarilyo, dudumi, matutulog, magkakape saglit sa caf, o tunganga lang. Parang katapusan na ng mundo bukas. Pero huwag mag-alala, normal lang naman kabahan. Basta wag lang maging praning. Malapit pa naman ang Makati sa Mandaluyong😀

Eksena #2… lumipas ang ilang oras…
Boy1: “T*ng*na si Sir! Sabi 10 am ang kuhanan. Anong oras na?! 12 na ah!”
Boy2: “Baka naglunch muna, ‘tol.”
Boy1: “LUNCH?! Eh tayo kumain na ba tayo? Gusto mong gain kitang Tonkatsu?!”

Kawawa si kuya. Naging instant ulam.

Di maiiwasan ang ganitong scenario. May slight chance na di nasusunod ang schedule at rooms na nakapaskil sa 4th floor. Either di naiwasang nagtagal sa pamimigay ng cards prior sa susunod na bigayan sa next class/subject or kasalanan na ng prof talaga. Kpag sinusubukan mong kontakin, hindi naman makontak. Hindi mo rin mahagilap sa Reception Desk sa faculty room dahil off-limits ang mga students. Pero kung paiiralin ang pasensya, makukuha mo rin ang grades. Kahit abutin ka pa ng gabi (huwag naman sana mangyari)😀 Kanya kanyang karanasan iyan, depende sa professor. Basta lagi ka dapat updated.

Eksena #3… pumasok si Sir…
Prof: (bitbit ang mga card pagpasok ng room) “Ok, class please sit down. I’ll call you one by one.”
*Nagsilapitan lahat sa table ng professor.*

Sana buhay pa yung professor dahil dinumog bigla. Sarap pasabugan ng static mula sa labs, no?😀

Maging kalmado rin sa pagkuha ng grades kapag bigayan na. Hindi naman ipagdadamot ng mga professors yan eh dahil sa inyo yun. Basta sumunod kayo sa sistema, giginhawa ang buhay (yung totoo, Meralco? Ay shet, ‘May liwanag ang buhay’ pala iyon haha!) Mas mainam na isa-isa for privacy and confidentiality reasons. Nakakahiya naman kung makita at malaman ng madlang tao ang grade mo, liban kung mataas at pasado ka.

Eksena #4… dahil saksakan ng tamad pa rin…
Girl1: “Hey, can you make kuha na lang my card pag dumating na si Sir?”
Boy1: “Bakit, san ka pupunta?”
Girl1: “Kasi I have an appointment with my dentist kasi. Oh sige na, I’ll treat you sa enrollment. Bye. Thanks!”
Boy1: (sinabi sa sarili) “Bitch.”

Wow, mas bitch pa ata si kuya eh kesa kay ate. Papasa na for Gossip Girl casting😀

Sad to say but true. Kahit kuhanan na ng card, may mga tamad pa rin. Nakakaawa lalo yung mga class representatives kasi sa kanila nakasalalay ang mga cards ng mga kaklase niya. Sa mga magkakaibigan, mahirap tanggihan pero mas mahirap ang hindi mo mapabago ang kaibigan mo habang buhay. Ok lang sana kung may reasonable reasons (redundant ata) pero iyong mahuhuli mo siya sa SM Mall of Asia at hindi pala nagpunta sa dentista, yun ang nakakagago, di ba?

Bakit nga ba nagpapakuha na lang ang iba? Takot sa prof? May ‘lakad’? Tinatamad? Or di matanggap ang grade? Ikaw lang nakakaalam. Basta importante, ask nicely at huwag gawing habit🙂

Eksena #5… tears of joy and failure…
Boy1: “PARE PASADO AKO! PASADO AKO! PASADO AK…”
(nahulog sa hagdaan, konting steps lang naman para hindi masaklap, pero natamaan si GIRL2 sa likod dahil nakaupo sa stairs, umiiyak dahil bagsak)
Girl2: (lalong lumakas yung iyak) “WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”

In fairness, maraming nagkakatuluyan sa mga ganyang accidents🙂

Eto ang pinakahighlight ng araw… the moment of truth… the climax… this is it! Parang miniature version ng Board or Bar exams. Umaapaw ng emotions… at ng luha (exagerrated no?) Lalong lalo na sa mga tinatawag na ‘Major Subjects’. Dahil it’s a major major reaction kung papasa ka or hindi. Naranasan ko yung umiyak dahil sa galak at sa dahil rin sa kalungkutan… kasalanan ng mga punyetang numero at ng isang nakakaasar na titik. Buti na lang di ko naisipang gawing tissue ang course card para pamunas sa mga luha. Meron din namang ‘wala lang’ reactions. Yung ‘keber ko’ attitude. Either tanggap na, wala lang talaga, or ididisplace ang emotion somewhere else. At pansinin niyo, may mga nakakalat na course card bukas. Try niyo kunin at kolektahin. Mapapansin niyo na halos ‘R’ nakalagay or mababa ang grade😀 (ako iniipon ko yung mga course cards ko until 3rd year, nawalan na rin ako ng gana eh haha)

Eksena #6… nagmamakaawa…
Boy: “Sir, please naman oh. Ilang points na lang naman eh. Ipasa niyo na ako. Bigyan niyo ako ng makeup project. Or ano ba gusto niyo? Jolibee? Max? Reyes Barbeque? Shakey’s? Pancake Foodhouse? Shell Gasoline? Bruno’s Barbershop? Rustan’s?”
Prof: “SHUTTUP, mas lalo kitang ibabagsak kapag di ka nagtigil!”

Kulang na lang alukin mo yung Koi at yung Barangay Hall ng Magallanes, or hindi kaya yung buong stretch ng Lapu Lapu or yung buong Magallanes???😀

Grade mo yan eh, ikaw ang gumawa niyan, hindi ang professors. Kaya it’s your responsibility and accountability. What’s your grade reflects your performance sa subject. Kung masipag at matiyaga ka (at magaling ka), mataas grado mo. Kung ikaw ay nagpabaya, maloko, at tamad, milagro na lang na papasa ka pa. Pero may rare instances na awkward. For example, dati sa isang subject ko na morning minor subject class, naka 1.5 lang ako samantalang yung classmate ko R… ako eh laging late tapos siya pumapasok lagi at on time ah! Pero ako nag-aaral, ewan lang kung siya din. What I’m trying to imply here is somehow it’s not about achieving high grades lang. Sometimes it’s how you play the game. Pero huwag niyo ako tularan ah. Mabuti pa rin yung pumapasok ka lagi at nag-aaral ng mabuti.

Eksena #7… di pa talaga kuhanan ng card…
Prof: “Class, for the mean time, R muna kayo, change of grade na lang. Finish your projects tomorrow or else you fail.

May mangilan-ilang professors ang di pa mag-iisue ng cards dahil ongoing pa or extended yung duration ng projects/presentations/defense until the day itself. Kaya naextend dahil naman sa petition ng mga students or may natitirang awa pa ang mga dakilang professors sa nais pumasa lahat ng kanyang mga students. Pero di niyo ba alam na sa delay ng grades na iniissue nila, kinakaltasan sila sa sahod? Kaya wag kayo magtaka kung bakit ‘R’ yung grade niyo TEMPORARILY. Kahit papaano, sumusunod sila sa deadlines ng submission of grades. Hello, tao rin naman sila kaya ayaw nilang makaltasan. It means pansamantalang R yung grade niyo dahil extended nga ang klase. And it ay nangyayari lamang sa mga extended na class ah! Kung bagsak ka talaga dahil bagsak ka, wala na akong magagawa😦

Eksena #8… may protesta…
*Umuulan ng mga salitang ‘BAKIT’, ‘UNFAIR’, ‘DI TAMA’, ‘WE FILE A PETITION FOR CONSIDERATION’, at maraming ‘????????’ at ‘!!!!!!!!!!!!!’*

Katarungan kay Ka Dencio! Joke😀

Eto rarely na nangyayari, pero hindi naman yung tipong mala-EDSA revolution. Nagkakaroon ng motion for reconsideration sa isang subject pag maraming bumagsak or kaduda-duda ang turnout ng passers at ng mga bumagsak. Nakaranas na ako niyan pero di ako part niyan. Yung mga friends ko sa ibang course nagkakandaiyak-iyak at animo’y di mapinta ang mukha dahil mostly sa kanila bumagsak. Ayon sa kanilang salaysay (yung totoo, SOCO?!), may problema din ang prof nila, kaya gusto nila magreklamo sa nakatatas na program director. After deliberation and nonsense talks, sad to say pero tinake nila ulit yung subject the next term.

Ang gusto kong sabihin ay may karapatan ang students na ipaglaban ang karapatan nila pagdating sa grades. Gaya nga ng sinabi ko before, grades mo yan, panindigan mo yan. Kung sa tingin mo ay may mali, don’t hesitate to ask for clarifications. Ask for the records. Let your professors be transparent. At kung hindi pa pumalag, consult your program director. Pero sana sigurado ka na you did well para di ka mapahiya.

Ang grades ay gabay lamang. Sort of gauge of your performance. Hindi basehan ang grades sa pagkatao ng isang tao although may impluwensya sila. I kinda hate it when people judge me because of my grades alone. Naniniwala ako na nasa sa tao pa rin kung gaano siya magpapahalaga sa kanyang mga natututunan sa paaralan. Mahalaga ay may natutunan ka kahit sa pagkukulang at pagkakamali mo. Iyan ang hidden ‘grades’ within the grades. The real grade depends on how willing you are to strive and excel next.

Sa mga makakakuha ng 4.0, super congratulations. Your hardships paid off well. Sa mga 3.5, congrats din. Mataas pa rin ang grado niyo. Sa mga makakakuha ng 3.0, swerte niyo pa rin dahil kahit papaano mataas pa rin yan pero strive more next time. Sa mga makakakuha ng 2.5, 2.0, or 1.5, pasado pa rin pero mas galingan next time. Figure things that didn’t work out. Sa mga 1.0 earners, tanggalin niyo yung ‘pasang awa’ mindset, please. Dahil you only succumb yourself only on what’s good, hindi yung best. Sa mga makakakuha ng ‘R’, sorry pero that’s life. Life is shit. But if you willing to use the shit as ‘fertilizer’ and cultivate your loss into gain for the another chance next term, I’m sure you can ace the subject. In short, bawi ka next time. And live by the essence of REPEAT. Learn from it.

It's either the number or the 'letter'... judgement day!

Let the course cards be a cause to make you grow as a great individual, not a curse to make you feel down.

Good luck sa grades and let me know your experiences🙂

Ow, I forgot. Eksena 9… GIMIK AT CELEBRATION AFTERWARDS! Pasado man or bagsak, magdiwang dahil natapos ang isang term.

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

5 thoughts on “Pare, Anong Grade Mo? (Mga Karaniwang Eksena sa Course Card Distribution Day)

  1. tungaw says:

    ‘life is shit’. haha! syet I miss APC! bukas na pala ang judgement day. shot! shot! shot! x)

  2. shathree says:

    hahaha lol xD

    -nung first year ako isa sa mga natutunan ko tungkol sa apc eh sa 10th floor daw maganda dumumi xD hindi ko alam meron pa palang isa??? O_O

    -dati nangongolekta rin ako ng course cards, di ko pinapalagpas ung kuhaan ng card at pag d ako mkakapasok, lagi ko pinapabilin… ngayon… dahil ung mga prof binibigay nalang sa email ung grade… tinamad na rin ako mangolekta… xD pa print nalang sa 4th ng flowchart para nandun na lahat ng grade hahahhaa xD
    😀

    • theairprince says:

      yeah, may isa pa… super sarap tumae dun :)) kaso rarely lang available yun :))

      iba pa rin kasi pag kinukuha mo yung card mismo, parang it’s ‘ceremonial’ :)) and besides, if you have problems or questions about the grade, you can verify right aay ^_^

  3. eddie says:

    akin nga nawala ang card ko paano ba paghinanap ng aking guro nahihiya na ako talaga tolongan nyo nman aq lord…….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: