Single Ako, May Reklamo?

14

September 6, 2010 by theairprince

Ganyan ang buhay ko sa loob ng kwarto. Madilim. Tahimik. Mapag-isa. (Emo, leche)

Hindi ako makapaniwala na ako’y 23 years old na. At wala akong sinasabi na ‘hindi ko tanggap’, ha? Wala akong magagawa. Kotse lang ang isa sa mga pinagpalang bagay na may kakayahang umurong at umatras, pwera lang ang oras. Halos 2 dekada na pala akong humihinga ng polluted air at nakatayo sa mundong mas ubod naman ng tanda sa akin. Parang kelan lang batang nerdy ako na naglalaro ng Chinese gar… este baril-barilan🙂

Nakakachallenge pala ang maging isang ‘young adult‘. Akala ko pinakachallenging part na ng buhay ang moment na makita ang sarili ko sa salamin at mawindang na tinutubuan na ako ng buhok sa kili-kili at sa ‘liblib na lugar’ na kung tawagin ay ‘Paraiso ni Adan‘😀. Akala ko mahirap na ang maging teenager, not until I reached the stage where I am right now.

Noong ako’y nagbibinata pa lamang, marami akong karanasan tulad ng sa pangkaraniwang teenager. Nadyan ang school-related issues. Malaki ang pagpapahalaga ko sa aking pag-aaral noong High School dahil mataas ang expectations sa akin ng mga magulang ko. Hindi sa pagmamayabang pero buong HS life ko, hindi ako umuuwi ng bahay ng walang award. Isa pa sa mga karanasan ko ay ang impluwensya ng barkada at mga kaklase. In short, peer pressure. Nanggaling ako sa Catholic elementary school at lumipat sa isang nonsectarian school para doon mag-aral ng High School. Nadala ko ang pagiging good boy ko noong tumuntong ako ng 1st year. Kulang na lang ay pasuotin ako ng puti at papasa na akong altar boy. Habang tumatagal ay nakakasalamuha ko ang iba’t ibang tao. Unti-unti na rin akong nahahaaan ng katarantaduhan at kagaguhan (may pinagkaiba pa ba yun?). Di ko akalain na bilang isang honor student ay nagawa kong manggagong mga teacher. Nagawa kong lagyan ng masking tape ang likod ng English subject teacher namin noong 4th year HS😀

Marami pang mga bagay na naranasan ko bilang isang teenager: curfew, premature kalibugan, barkada (for the 2nd time), premature independence, at lovelife…

B-day letter ng 1st GF ko sa akin ^_^

Nagkaroon ako ng 2 girlfriend noong High School. Yung una kong syota (ang barok naman) ay nung 3rd year kami. Classmate + kabarkada ko siya at eventually naging close friends kami. Nahulugan ko siya hindi ng barya kundi ng loob. Nagustuhan ko sa kanya yung tawa niya. Hehe. Pag kasama ko siya, ansaya namin, para kaming nasa comedy bar. Mahilig kasi siya magpatawa. Kahit nga ako eh tinutukso at pinagtitripan niya ako. Bukod sa isa din siyang ‘honor student’ (matalino si bruha haha), sweet at caring siya. Niligawan ko siya at naging kami noong December 31, 2002. Yung relationship namin parang naging ‘loveteam of the year’ sa campus. Ngunit di nagtagal ang aming pag-iibigan. Almost 6 months ang aming affair at, would you believe, ako ang nakipagbreak sa kanya dahil hindi ko na kayang makita siyang hinihigpitan ko. Feeling ko kasi nasasakal na siya sa akin and also things didn’t seem to work out good for both of us. Ngayon ay isa na siyang masaya’t mabuting ina ng 2 anak (at hindi po ako ang ama, for your information) at isa siyang IT specialist sa isang Japanese company (di ako sure). Itatago ko na lang siya sa pangalang Frutti :p

B-day card naman sa akin ng 2nd GF ko🙂

Muli na naman tumibok ang puso ng inyong abang lingkod sa isang babaeng bumihag sa aking puso. 4th year high school ako nun at siya’y 3rd year naman. Kaschool service ko siya. Laging masaya umaga ko nun kapag nakikita ko siya. Para siyang creamer sa masarap at mainit kong kape sa umaga. Naaalala ko pa yung time na binigyan ko siya ng stuffed toy bilang unang pagtatangka kong manligaw. Sinagot na niya ako noong JS Prom namin the next year. Nakasama ko rin siya noong graduation day ko at nagdate kami afterwards sa malapit na restaurant. Simpleng babae at tahimik siya, di tulad ng una kong girlfriend na parang Araneta Coliseum ang decibel range sa pagtawa. Joke hehe. Noong tumuntong na ako ng College, naiwan siya sa school namin (dahil graduating naman siya). Doon na nagsimula ang pagiging malabo ng aming relasyon. Mahirap din kasi ang magkaroon ng mahal na madalas na hindi mo nakakasama. Hanggang sa mga panahon na nakakalimutan ko na may girlfriend ako, nagdecide ako na balikan/puntahan siya sa school namin at kausapin siya. Tama rin pala ang hinala ko: we were feeling the same thing. Nawawalan na rin siya ng gana. Para wala lang. Nakipagbreak na rin kami sa isa’t isa ng wala man lang drama. Ngayon ay masaya na siya sa piling ng ibang lalake at balita ko’y nag-aaral siya sa isang culinary school. Itago na lang natin siya sa pangalang Apple Pie.

5 years na akong single. Marami ang nagtatanong sa akin kung meron akong girlfriend o wala. Tulad na lang ng isang pagkakataong ako’y namimili ng kamatis sa kalapit na tindahan dito sa amin. Di makapaniwala ang may-ari ng tindahan na sa guwapong kong ito (siya ang maysabi, hindi ako) ay wala pang pinagkakainteresan. Kahit yung bading sa hair salon na pinapagpapagupitan ko ay ganoon din ang tanong sa akin, maliban sa pasimpleng tsansing sa akin😀 Para bang kasalanan o pagkukulang ko ang kawalan ng syota.

Siguro dahil hindi pa ako ready for commitment. Takot pa ako sa responsibilities. Pag pumasok ka sa isang relasyon, dapat buo ang loob mo. Dapat may paninindigan at handa ka sa anumang mangyayari. Sa totoo lang kailangan ko muna matutunang mahalin ang sarili ko dahil masyadong napabayaang bugbugin ng mga problema sa buhay. Naaalala ko yung payo ko sa kaibigan ko: mahalin mo muna ang sarili mo para matutunan mo rin mahalin ang iba. Weird dahil nanggaling sa akin yung payo pero di ko magawa sa akin. And marahil hindi pa ako strong enough to hurdle struggles with someone. Kung di ko nga kaya pangalagaan ang sarili ko, paano pa kaya pag may kasama na ako?

Isa pa kung bakit single ako ay dahil marami akong ibang priorities aside from love life. Medyo hirap ako sa buhay ngayon pero di ako nawawalan ng pag-asa. Dapat one-at-a-time ang atake sa mga priorities. Parang pagkain lang yan: put, chew, swallow, digest… one at a time. Huwag basta-basta at baka mabulunan.

Hindi naman ako pangit (pero di ko naman pilit na ipinangangalandakan na super gwapo ako tulad nila Richard Gutierrez at Coco Martin). Pero bakit ba wala akong girlfriend? Kahit ako tinatanong ko sarili ko. Inaasar na nga ako na baka hindi girlfriend talaga ang habol ko eh kundi lalake :p Alam na! Churva! Or baka may mga interesado sa akin, na hindi ko napapansin or sadyang di ko pinapansin. Pero for the mean time, masaya ako maging single dahil nakakhinga pa naman ako.

Akala niyo alang naidudulot ang buhay ng isang bachelor. (Sosyal sa term.) Maskipapaano ay may advantage din ang pagiging single. It’s not an excuse but there are some reasons why being single is acceptable:

  1. Malaya ka. You’re free to move. There’s no one to restrain you. Aminin natin that mostly inside a relationship, we are bounded by the presence of our partners even if he/she isn’t doing anything to control you. Ayaw kasi natin na maisipan ng kung anu-ano. And you can live the life as you want until you feel something is missing.
  2. Practical. Lalo na sa aming mga lalake. We are brought up to the tradition na ang mga kalalakihan ang provider. Sa mga dates at ibang lakad, tayo ang sumasalo sa mga gastos. Tiis-tiis muna sa pansariling budget. BAwas-bawas ang pagdoDota (not in my case, di naman ako gamer). Hindi muna kakain ng lunch para may pandate. Magastos dahil lang sa load para makapag-unli calls. Hanggang sa wala na matira sa sarili… Ok, I’m just exaggerating things. Sad but true. However, I’m not saying na ang gastos/pera ang basehan ng isang relationship. Pero sa panahon ngayon, di rin kasi maiiwasan na somehow may money factor na involved. Bakit, bubusugin ka lang ba ng pag-ibig?
  3. Less drama. Walang ‘girlfriend responsibilities’ at ‘boyfriend duties’. Walang away-away :p
  4. Lots of options. May sapat na panahon ka para mag-isip/magnilay-nilay ng mabuti kung dapat ka na bang pumasok sa isang relasyon… para sa bandang huli, hindi ka magsisisi. Dahil hindi pwede laging sisihin  ang partner mo kapag may nangyari sa inyong dalawa na hindi kaaya-aya. Lagi nating tatandaan na may pananagutan parehas sa anumang problema. Sabi nga sa TV commercial: “Magbusisi, bago magsisi.”🙂

Hindi ko sinasabi na masama ang umibig. May kasabihan nga na ‘No man is an island‘ (natural, san ka nakakita ng taong archipelago???) at ‘It takes two to tango‘ (muntanga naman nun, sasayaw ka ng tango ng mag-isa!). May pangangailangan din tayong umibig at ibigin. Ang hindi maganda ay ang hindi buo ang loob mo para pumasok sa isang relasyon (nabanggit ko na ‘to). Hindi parang laro ang pag-ibig na pagsasawaan mo na lang sa bandang huli. Nakataya rito ang puso at tiwala ng baat isa. Napapansin ko rin ngayon na karamihan ay masyadong kating-kati na magkagirlfriend at boyfriend lalung lalo na sa mga kabataan. Para bang obligasyon ng lipunan ang pagkakaroon ng relasyon. Sa bandang huli, sa hiwalayan din mauuwi. Dapat ay dahan-dahanin ang bawat desisyon. Sulitin ang bawat sandali. A relationship is more than just saying and hearing ‘yes’. Or kung hindi pa talaga buo ang loob sa pagpasok sa relasyon, make yourself busy on other things. Mag-aral muna. Magtrabaho. Mag-ipon. Focus sa ibang problema🙂

Di naman ako siguro panghabang buhay akong single. Ayoko namang tumandang binata. Gusto ko magkapamilya. Pero nasa sa akin ang desisyon if I will remain to be one. Gaya nga ng sinabi ko, di pa siguro magandang panahon para tuluyang umibig ako, although may napupusuan na ako. For the mean time, I’ll just enjoy the exciting life of a bachelor. At malay natin, maifeature ako sa 69 Hottest Bachelors ng Cosmopolitan Philippines. Haha😀

14 thoughts on “Single Ako, May Reklamo?

  1. lheen says:

    wapaak! I can super relate! NBSB!!! haha. well said kuya toney.🙂

    • theairprince says:

      PAK NA PAK WADAPAK WALANG PALPAK :)) thanks Lheen ^_^

      Natatawa ako, nitong year ko lang nalaman ang ibig sabihin ng NBSB ;)))))

  2. Sphere says:

    oist anong NBSB? ahahahha napadaan lng at nkimeryenda🙂

    • theairprince says:

      No Boyfriend Since Birth ^_^

      Yung crush ko NBSB, kaya nakakachallenge ligawan :))

      • Sphere says:

        ahahaha yon pala yon🙂

        ilang taon na ba yang crush mo? baka naman ala Sarah G. yan NBSB din daw sya baka naman showbiz masyado yan ahahaha biro lng!

  3. historyadorparasabayan says:

    mas magandang isagot kapag may nagtanong kung bakit single ka pa ay eto: “kasi ang sarili ko ay para sa bayan.” :))

    http://historyadorparasabayan.wordpress.com/2010/08/18/ang-sarili-ko-ay-para-sa-bayan/

    • theairprince says:

      I read it. Sapul na sapul🙂 Sa’yo may personal touch kasi based on your career/personality kasi, mine was generalized.

      And tuh muh, we are someho idealistic regarding our future partners… the first and last lady ^_^

  4. ohyesek says:

    padaan..😉
    ang saya saya kaya ng single,,, hehehe
    dont wory bata ka pa naman, marami pang pedeng mangyari….
    🙂

  5. historyadorparasabayan says:

    may point.haha

  6. WildCat says:

    Ganyan ba ang ordinary teenage life? wow! Hindi ako nakaranas niyan, kung mga awards ang inuuwi, bukol at black-eye naman ang sa akin, palo at hambalos naman inaabot ko sa magulang ko. Ganoon pa man sinuwerte akong maka-abroad kaya sa palagay ko labs na nila ako.

    Sa sobrang pagka-good boy mo, buti na lang ‘di naging pare. Haha, joking😀

    At Oo kita ko punto mo. Hindi dapat minamadali ang pag-ibig lalo kung bata pa naman ngunit pag may sumulpot na nagpatibok ng puso, hindi naman masarap pipigilin.

  7. jacky lou roxas says:

    true love is worth the wait.. yun lang ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: