Dahil FINALS WEEK na…

Leave a comment

September 2, 2010 by theairprince

*Nailathala na ito sa aking Facebook account noong January 10, 2010 at 12:19am.

Total, karamihan eh nagFafacebook habang palapit na ang Finals Week, siguro may “oras” kayo basahin ‘tong note/blog. Wag kayo mag-alala, kung may grade ito, 4.0 na kayo kung babasahin niyo ‘to. Oh di ba, no calculations, just your attention lang. Hehe.

Ewan, naisip ko lang magsulat (duh, diba type dapat dahil nasa cyberspace tayo?) about sa napipintong laban ng mga trimestral students. Halos karamihan sa status mesaages sa Facebook, YM, Multiply, Twitter, or sa iba pang pa-status na site eh nakalagay about Finals Week next week… na medyo busy na, nagcrcram na yung iba, na nagsisimula ng magsunog ng kilay at bigote, or nagsisimula ng magNovena dahil kabado kung papasa ba o hindi. Nakakapagtaka lang dahil bakit yun ang nakalagay samantalang may update sila sa Farmville o Sorority Life. Review mode pala ah? Kelan nainvolve ang pagtatanim sa virtual farm sa reviewers niyo, aber? Joke hehe.

Nakakamiss din yung feeling… yung tension at pagkahectic. Weird pero ako bilang tapos na ang pagiging istudyante ko, namimiss ko rin ang Finals Week. Gustong gusto ko yung adrenalin rush though sinusumpa ko dati na sa next finals week hindi na mangyayari yung mga pagkakataon na iiyak ako dahil hindi pa halos tapos yung project ko or ilang araw na lang, wala pang napasok sa kukote ko.

Gusto ko ibahagi sa inyo ang mga bagay na natutunan ko nung student ako regarding Finals week:

1. Cramming is discouraged. Kung tutuusin, sa loob ng isang term ng trimester, napakalawak at very sufficient ang panahon na ilalaan mo sa mga academic stuff, yun lang eh kung magaling at masipag ka magset ng schedule or lineup ng activities mo. Natutunan ko na ang Gantt chart na binale wala ko sa APPROJ1 ay malaking bagay sa pagtratrack ng progress mo. Karamihan kasi sa atin kung kelan palapit na ang deadline eh dun pa lang gagawa. Nakakataranta di ba? Aminin natin na mahilig tayo magcram. Kahit sabihin ng iba na nagiging aktibo sila tuwing cramming mode, iba pa rin kung nagsimula ka ng maaga.

2. Kung no choice ka talaga, at least cram fabulously. Ayon ito sa isa sa mga pinakamagaling na prof ko sa APC, bihira lang ang mga taong magaling magcram… actually, hindi mo malalaman na nagcram sila. Intensive focus ang kelangan dito para magprogress yung project mo. Pero sana next time, no more cramming ah! Nakakaloka yan hehe.

3. Kung may defense ka, i-depensa mo talaga ang sarili mo. Ang defense ay hindi lang basta-basta dadakdak ka sa harap ng panelists mo at magpapacute ka. May karapatan silang hanapan ng butas ang gawa mo, at ang pinakamasaklap ay titirahin ka ng mga critique nila na parang mga bala ng baril. Dati, muntik na akong mahimatay sa harap ng mga panelist ko dahil halatang hindi ko pinirepare ang gawa ko. Bago magdefense, mag mock defense ka. Humingi ka ng opinion. Para saan ang mga consultation hours ng prof mo???

4. Kung written exam naman, alamin mo dapat ang pointers ng exam. Wag ka aasa sa kopyahan. Hindi lang magkakaroon ka ng major offense, mahihirapan ka lalo sa mga higher prerequisites mo. Magtanong ka sa prof mo at sa mga classmates mo… ng pointers.

5. Uso ang mass review, yung tipong buong klase nagrereview. Pero ask consent sa iba baka ayaw dahil gusto nila magconcetrate/ mapag-isa. It might help dahil halos nagiging aware sa mga lalabas sa test… yun nga lang may iilan na magdadamot sa mga ibang pointers kaya di nila sasabihin haha!

6. Magpaphotocopy na sa caf ng mga review materials. Kung di ka sanay bumili ng shuttle ticket, magsakripisyo ka for the reviewer. Yun nga lang ang expense ay nakasalalay sa dami ng pages ng ipapaphotocopy mo. (Take note, iwasan ang paggamit ng ‘ipapaXerox’, let’s be proper, ok?) Pag mga ganitong panahon, nagdadamot na ang karamihan dahil gusto masolo ang reviewer. Kaw ba… papayag ka ba na mag next page yung kasama mo habang di mo pa tapos basahin ang current page??? Kainis, di ba? At siguraduhing basahin ang pinaphotocopy. Di yan props, k? Pwede mo naman irecycle ang photocopies afterwards, or gawin mong emergency tissue pag tinawag ka ng kalikasan :))

7. Dumating ka sa exam venue ng mas maaga para macondition mo yung sarili mo. Kung merong ‘acclimatization’ sa mountain climbing, meron din sa exam day. Mahirap yung pawis na pawis ka tapos late ka sa exam. Di lang nakakaeskandalo pero may chnce na di ka papasukin.

8. Bago mag finals, consult your prof regarding your standing. Baka mamaya nag take ka ng final exam, di rin pala aabot sa passing mark.

9. Always bring your OWN stuff sa exam period. Mahirap humiram ng scientific calculator or any stuff for the exam. Wag ka nga lang maglabas ng cellfone during the test.

10. Eto pa pala… pag sa defense ulit. Always be P-R-E-P-A-R-E-D. Magpacheck ka ng grammar, magsave ka ng backup files. Ayusin ang powerpoint. Magpareserve ng equipments sa ITRG kung kinakailanagan. At magdamit accoring to the occasion.

11. Pag Finals Week, karamihan masusungit. Akala mo may menstruation ang lahat. Wag ka na magtaka. Lilipas din yan. Everyone is busy, and so you should be.

12. Always be updated sa mga kaganapan about Finals week. Iopen ang cellfone, FB, Yahoo groups, YM… baka kasi may mga pahabol na announcements… baka parequired kayo magdefense… or baka cancelled ang exam (ipagdasal niyo to LOL).

13. Iwasan niyo yung “pasang-awa” attitude. Always have the mindset na kelangan niyo magstrive for better grades.

14. At last but not the least, pray to Him.

Ayan. Sana mainspire kayo sa mga natutunan ko nung ako pa ay kaparehas kong nagdudusa ngayon dahil sa lintik na Finals Week. Hayaan niyo, ipinagdadasal ko na sana malampasan niyo yan at makakuha kayo ng magagandang grades. Basta next term, bawi kayo. At tama na ang pagfaFacebook! Nyahahah!

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: