10 bagay na nagsasabing FRESHIE ka sa APC

4

September 2, 2010 by theairprince

*Nailathala na sa aking Facebook noong June 4, 2010 at 10:04am.

Inaalay ko tong blog sa mga freshies ng APC ngayong AY 2010-2011 at sa mga naging freshies din😉

Basahin ng maigi dahil may plus points🙂

Hindi ako makapaniwala… naka-5 Annual Freshmen Orientation Events na ako sa school:

…2006 (Una kong nahawakan na event na naging co-organizer ako kasama for the very first time ang Explorers’ Club. Batch ‘to nila Carlo Parido, Joey, Geri, Yei, Ryan Grepo, Margaux, Mitch, Marc Marfil, etc.)

…2007 (2nd chance ko to be part of the organizers. Grabeng inabot namin ditong aberya, di ba Ms Aileen??? Batch ‘to nila Paul de Vera, Beny, Jeje, RC, Amleht, Jam, Lei, etc.)

…2008 (Bago ako mag-intern. Buti at nakasali ako pa ako dito. Batch nila Elvis, Abby, Tryxzy, Eyem, Ching, Janice, Mara, Lac, Let, etc.)

…2009 (Akala ko ito na ang huli ko. Batch nila Tugs, Joemar, Kenneth, Neil, Brixx, Rommel, Tin, Jackie, etc.)

…2010! (AYAW NA AKO PAKAWALAN NG APC HAHAHA!)

Sa tagal ko sa APC, di ko maiwasan na marami akong napapansin. Keen observer ako. Madaming pagbabago at pangyayari ang naganap sa bagong pinturadong bulding ng APC. Di niyo ba alam na dati ang xerox at school supplies eh hindi katabi ng Cafe Blends… or ‘Chi’ pa ang pangalan ng ‘Great Wall’…
na libre ang shuttle… na ang open lab ay nasa 5th floor pa… na di pa uso ang SAO student lounge at elevator rail… or di pa Building Admin si Sir Mike de Jesus???

Pero isa sa kapuna-puna ay ang sikat ngayon sa school… di ako yun ah… kundi ang mga freshly graduates ng highschool na ngayon ay mga bago nating kapatid sa kolehiyo. Mga bagong mukha ang makikita natin ngayon habang kumakain sa caf, habang nakapila sa pila ng shuttle, or habang nakasakay sa elevator. Mapapasabi ka ng ‘Ay, mga freshmen to’. Kahit nabawasan ng students dahil sa graduate exiting, siguradong nadagdagan na naman ng mga pangalan sa Flavio system ng registrar. Mga panibagong kamag-aral sa kanilang panibagong pagsubok. Dagdag sikip at ingay na naman tuwing lunch time sa caf:) Pero gayunpaman, dagdag naman ito sa sigla ng ating mahal na Alma Mater🙂 Nakangiti panigurado si Dr Tan🙂

Naglista ako ng mga pangunahing kapansin-pansin na mga bagay mula sa mga ‘freshies’ (tawag yan sa mga first year students, ok?). Naisulat ko ito hindi dahil napansin ko ito kundi dahil ang iba rito ay naranasan/nagawa ko din nung ako ay katulad nila🙂

1) Hanggang ngayon, tinatanong kung nasaan ang ‘TBA’.

..at ang B1 at B2. Aminin, bukod sa ‘nasaan po ang CR’ at ‘saan po pede makabili ng PE uniform’, yan ang mga kadalasang tinatanong ng mga freshie. Guilty ka ba? Sa mga hindi pa nakakaalam, hindi po room yun, ‘To Be Announced’ po iyon. Nakatatawa pero totoong nangyayari ito🙂

Bilang nakatatanda/experienced na kuya sa orientations, lagi kong pinaaalahanan ang mga kapwa ko tour guides/ushers na ‘wag naman gaguhin ang mga freshie ukol rito. Parang nililigaw niyo na rin ang kinabukasan ng mga kawawang students (MAY GANOON?!). And kahit hanapin niyo sa school directory sa lobby, walang TBA Room, ok?

BTW, ang B1 at B2 ay hindi po Basement 1 or 2… sa gym po iyan, designation ng basketball courts dahil nahahati sa 2 sections ‘yon🙂

2) Maaaga pumasok sa klase.

Iba talaga pag fresh graduate ka ng highschool. Pati yung ugaling pumasok ng maaga nadala sa college, which is good. I’m not saying na masama yun pero kapansin-pansin kasi, unlike sa mga kuya at ate na dapat eh tularin ang mga nakababata. Akala mo papaluin ng nanay nila sila pag di sila pumasok ng maaga. Joke hehe. Halata dahil mga tulog sa biyahe, inaantok habang iniinspeksyon sila nila Kuya Bazar, or magkakape saglit sa caf. Pero kung tutuusin, masarap pumasok ng maaga. Less hassle. Malamig sa umaga. Cool ang mood, yun nga lang sana walang surprise quiz :))

3) Masunurin sa Dress Code.

Inuulit ko. Walang masama kung masunurin sa dress code.

Hindi dahil lang sa takot magkaviolation slip ang freshies pero they can find a way to be fashionable kahit pahirapan sa pagsuot ng necktie or stilettos. Pero totoo din, habang baguhan ka, hindi ka pa subject to pagiging pasaway sa dress code. Marahil binilhan ka ni ermats mo ng bagong damit/attire na naguguilty kang di suotin, or gusto mong magka-award ng Consistent Good Dress Code Follower (sorry, walang ganoong award).

Gayunpaman, nakakaaliw ito dahil marami kang matutunan: in terms of style, or may chance kang maakit sa kanya dahil magaling sya manamit (bukod sa pagiging masunurin sa pananamit), or nalaman mo na kung paano magtali ng necktie properly😉

4) Laging nagpapaphotocopy ng hand-outs at nagnonotes sa klase.

Karamihan sa freshies ay super studious. Mga idealistic na maging Summa Cum Laude. Di tulad ng ibang higher batch… nagiging Summa at Magna… Summasampung Taon at/or MagnaNine Years ;))

Kidding aside, sila ang madalas na suki ni Ate Xerox… oopps.. it’s ‘photocopy’ pala… pagdating sa pagpapaphotocopy ng mga modules ng professors. Marami ka ring makikitang nagtuturning pages habang nagrereview sa caf or sa lib (magulat ka pati sa CR may nagrereview, I saw one!). At sa mga klase nila, halos lahat nakayuko habang nagtatakedown ng notes (yun lang kung nagsusulat ba or nagdodoodle na lang).

Ngunit hindi ito kaagad na indikasyon na magaling at matalino ang isang student. Nasa sa pag-iintindi pa rin yan ng mga salita, pangungusap at paragraphs na kung tawagin natin ay lessons🙂 And please, save Mother Earth after you use those notes. Dispose properly🙂

5) Bababa sa tapat mismo ng APC kesa sa Shell.

Oo nga naman, sa Shell Magallanes ka ba magkaklase??? Sa isang freshie, goal niya is bumaba sa APC. Period. Wala ng iba pa.

Pero bakit nga ba kadalasan ng taga APC eh bumababa sa Shell? Ayon sa iba, ipinagbabawal ng SLEX authority na huminto or magbaba ng mga pasahero sa kahit anung lugar along expressway, maliban sa kaisa-isang gasolinahan: ang Shell Magallanes. Kaya sana wag magalit sa driver dahil sumusunod lang sila sa batas. Pero yun nga, kelangan tiisin ang init or ulan habang tinatahak ang ilang metro mula sa hintuan hanggang sa gates ng APC. Swerte na lang kung yung driver mismo nagpagasolina (minus pahirap) or binaba ka talaga sa tapat (wala ng pahirap!).

6) Maaga umuwi.

Bukod sa papagalitan ka ng parents mo pag hindi ka umuwi kaagad after ng class, ano pa ba gagawin mo sa school? Kung may libreng internet or may libreng food sa ref, or makakatulog/pahinga ka naman sa bahay, bakit hindi ka umuwi na lang ng maaga, di ba?

Total hindi pa naman ganon kabigat ang mga pinapagawa sa kanila (hoy, wag kayo magreklamo mga freshies! kalingkingan pa lang yan ng challenges ng courses niyo!), kelangan nila umuwi ng maaga, unless umulan at hindi talaga sila mauwi dahil nakalimutan ang payong, or nagpapalipas ng oras.

7) Kumpul-kumpol kasama blockmates/instant friends.

Dahil nga mga freshies pa, una nilang makakasalamuha ay ang kani-kanilang mga blockmates. At dahil sila-sila din ang magkakasama, kahit saang sulok ng APC eh magsasama yan, mapalunch time sa caf or magiissue ng locker sa 10th floor. Ewan ko na lang kung pati sa pagbanyo :))

Likas na mahihiyain ang mga freshies sa unang linggo or buwan nila sa APC. At pag nagsasama sila, they depend on themselves. Magkukumpul-kumpulan sila na animo’y pinagdikit sila ng magnet. Humuhugot sila ng confidence sa bawat isa dahil alam nilang pag napahiya ang isa, hindi pa rin siya masisingle-out. All for one- one for all, ika nga🙂

8) Sasakay ng elevator mula ground floor papuntang 2nd floor.

Siguro, ngayon lang sila nakasakay ng elevators. Joke lang. Pero gaya nga ng sabi ko, karamihan ng mga freshies ay subjected here. Lalo na pag mula sila sa ground floor tapos bababa lang sa 2nd floor. Di mo maiwasan mapikon lalo na pag nagmamadali ka, speaking in behalf of the upperbatchmen.

Hindi nila nalalaman na may panukala sa elevator, na kung pupuntahan mo ay ilang palapag lang, mabuting gumamit na lang ng stairs. Bukod sa hindi nagbibigay hassle sa iba, makatutulong ito sa puso🙂

9) Madali ma-invite sumali sa orgs/clubs.

Parte na nga college life ang extra-curricular life. Aminin natin, nakakastress ang academic life, kaya merong mga orgs/clubs para magpaligaya sa mga students lalo na sa freshies. Kaya puspusan ngayon ang hirap ng mga bagong officers para sa Org Fair.

Magiging eksena sa Org Fair: magpapalista sa mga napupusuang orgs, paramihan ng org pero sa dulo di kayang i-maintain, napilitang magpalista dahil nandun ang mga kaibigan, magpapalista dahil cute yung nageencourage, pag time ng screening eh parang job interview sa pagsagot sa mga tanong, or uuwi na lang dahil walang keber😉

10) Puno ang Jollibee dahil puro freshies.

Yeah, kapansin-pansin ang APC… nakatayo sa tahimik na Magallanes Village… katabi ng napakagandang simbahan ng St. Alphonsus Liguori… katabi ng Shell Magallanes. Pero di mawawala ang Jollibee.

Sa mga freshies, basta nakita na nila ang Jollibee, balak na puntahan for lunch. Kung gusto nila bumili ng food sa caf pero madaming tao, mapipilitan silang magJollibee. Kung susundan nila mga crushes nila, magjoJollibee sila. Kung gusto magSundae, pupunta sa Jollibee. So what will you expect? Kasama ang mga ibang APCians na purga na sa Jollibee pero di pa rin maiwasan bumili at mga stopover motorists, makikipagsapalaran ang mga freshies sa super maliit na Jollibee. Ewan ko ba sa management ng Jollibee, hindi nila naisipang i-expand kahit gawing 2nd floor. Kaya tuloy napipilitan ang iba na magtake-out tapos dadalhin sa caf para dun kainin.

If everything fails, yung iba napapadpad sa Max’s. Sosyal ah. Yung iba sa Select. Or kay Aling Miding’s na hanggang ngayon di malaman kung bakit nasa labas na sila. Or magtitiis na lang na kumain ng malamig na baon🙂

Pero isa lang masasabi ko: mataas ang kita ng Jollibee pag 1st term🙂

Ayan at nakapagshare ako ng 10 bagay na kapuna-puna sa mga freshies. At wag niyo ipagkaila… napagdaanan niyo rin ang mga ito. Aminin! Kung meron akong hindi nabanggit, i-share niyo sa akin. Wag kayo mahiya tulad ng mga freshies🙂

…at para doon sa umaasam sa pangako ko na may plus points pag binasa niyo ito, sana prof niyo ako sa Values Ed. Eh hindi eh haha!

Welcome FRESHIES!

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

4 thoughts on “10 bagay na nagsasabing FRESHIE ka sa APC

  1. Ron says:

    kuya toney !! nice blog nagustuhan ko siya ^^

  2. qwertyatty says:

    haha! kalbo! *peace!*

    nu ba yan, sa #2 lang ako guilty… hehehe…

  3. dang says:

    hmp, napurga ako ng jollibee ha! hahaha! swerte nga nila, may reyes barbecue na!😄 atleast, mas affordable kesa sa max’s hahahaha!

    actually meron pa eh,

    11) madaling matakot ng prof.
    hahaha! base na din sa narinig ko sa isang prof habang nasa elevator, may kukunin ata ako sa APC nun, internship 2. Tinatakot (in a good way) nung prof na yun na need na nila mag pa ID, kung di wala silang midterms.😄

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: