Category Archives: Wala Lang

Kung Anu-anong Post #2

At dahil madami akong nakalinyang mga trabaho, time for a break muna. Time for a Kit Kat!

Bea and the Bang Bangs music video

Preview December 2011 – Bea and The Bang Bangs

Christmas is in the air, and so as the H1N1 virus. Teka, di yata magandang pambungad yun.

I bought the latest December issue of Preview Magazine with Bea Alonzo as the cover girl. I found out na merong Christmas special video na inihanda ang Preview. I love the concept of mod 60s with holiday band. Reminds me of my Dad’s younger times. Plus, cute ni Bea. Parang si Diana Ross + Nora Aunor sa pagkanta.

You better watch out… you better not cry… you better not pout, I’m telling you why… Santa Claus is coming… TOO TAWN!

***************

12 Gays of Christmas?

Sa mga napipilitang magpresent sa Christmas at wala pang maisip na gagawin, why not subukan niyo ‘tong gawin.

Those guys danced with utmost precision and finesse (?). Sabi nga “kung kaya ng mga becky, kaya rin ng mga lalaki.”

Maganda itong sayawin para mag-burn ng fats ngayong holiday season. That will be more gayer (no pun intended) if there are cartwheels and tumbling.

***************

Angry Bird Couture

Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapaglaro ng sikat na larong Angry Birds. Pero nakapaglaro na ako ng Angry Bird. Go figure. Biro lang.

Mapalaruan, apparel, stationery, accessories, appliances, salawal, birthday parties, at pati amusement parks, sikat na sikat ang Angry Birds. But how about in high fashion? We cannot argue with Rovio (makers of the game) boss’ wife who sported an Angry Birds-inspired gown during an independence ball.

I bet those green pigs are running for their lives.

See main article here.

***************

Kids’ Doodle into Masterpieces

Dati ba nung bata ka pa, ang nanay mo ay nagagalit sa’yo dahil marami kang papel na dinodrawingan ng kung anu-ano? If yes, so as my Mom. Haha.

Di natin aakalain ang mga kung anu-anong drawings/doodles noong bata tayo ay maaaring maging isang obra maestra sa tulong ni Dave Devries. He renders the children’s doodles into artistic, elaborate, mature artworks.

If it happens for you to be working on a animation or gaming company and you ran out of character design concepts, hire a kid to be your design consultant.

So the next time your Mom demands to throw your papers, refer him to Mr. Devries. :)

See main article here.

***************

Asia’s Next Top Model?

I am a self-confessed America’s Next Top Model addict. At di lang sa America kung hindi pati na rin ang iba’t ibang editions ng iba’t ibang bansa.

Which is why I’m kinda surprised to found out something about a regional version of the Top Model series for Asia. Meaning, mahigit isang bansa ang kasali. This is not the first time to have a series where more than one country is involved (ex. Scandinavia’s Next Top Model for Denmark+Norway+Sweden; Benelux Next Top Model for BElgium+NEtherlands+LUXembourg; Super Model Centoamerica; and Caribbean’s Next Top Model). I don’t have enough reliable sources but it sounds convincing.

Pwede na ako sumali! HAHA!

See main article here.

***************

Hot like Mexico, rejoice!

Kung Anu-anong Post #1

Ito napapala ko kapag wala akong magawa at sawang-sawa na ako sa kakarefresh ng Facebook: kung anu-ano ang pinupuntahan kong websites (aside from You…tube).

Anyway, narito ang mga random finds ko na worth checking:

Walang masama kung mahal mo ang iyong ginagawa. Passion drives us further. But what if super duper umaapaw ka sa passion? Is there such a thing called arts orgasm? Ok, tama na. Rated PG na.

Ikaw na, Beyonce! Akala natin hanggang mundo lang ang powers niya pero nagkamali tayo. Sinakop na niya ang buong kalawakan. Yung totoo, nagpopromote sa outer space? Kung ganoon lang din ang plano niya, sana shinoot yung music video sa Mars or sa Neptune para kabog lang. And ang gandang wake up call diba? Mas magandang panggising kesa sa alarm clock (na ilang beses mong pinapatay pero matutulog ka rin ulit) or sa sigaw ng galit mong nanay. Garantisado na di lang maganda ang gising mo kundi maganda ka rin. Yan ang ganap kaya sabay-sabay tayo mag “Who run the world?” with matching pitik-pitik shoulders.

Got this from my friend Mike Bueza. Para ito sa mga kapwa ko ABMA, particularly those typography enthusiasts, and extra particularly sa mga OC sa spacing ng bawat titik. Practice the science of kerning and patience by adjusting the spaces between the letters. Para sa mga designers, spaces matters. It can earn you million bucks or can even start a World War. Joke lang.

Gusto mo ba maging DJ? Idol niyo ba si David Guetta? Pwes, pakielam ko. Charot. Found this from Tumblr. Super cool nito. Made by Andre Mitchell, it resembles a tenori-on (kung kilala mo si Little Boots, I’m sure magiging familiar ka rito). Sorry hindi ko ma-embed yung mismong grid (just click the link). You just click any of the squares then it will create a unique tone. Actually you can create a sound that can be used for house tracks.

Stay tune for my another batch of link finds.

Hot like Mexico, rejoice!

My Magazines: FHM

Isa sa mga hobbies at past time ko ang magbasa at magcollect ng magazines. My big influence is my elder sister. Noong bata pa lang ako, tinitignan ko mga inuuwing magazines ng ate ko (sa kanya ako nakikitulog until I reached 13). Naabutan ko pa yung mga malalaking celebrity magazines na newsprint pa yung paper (if I can recall, it was MOD or WOMEN). Hanggang sa afford na niya bumili ng Cosmopolitan. Alam naman natin kung gaano kaliberated ang magazine na iyon kaya I had my first glance sa mga salitang tulad ng ‘orgasm’, ‘erogenous zones’, at ‘foreplay’. And I won’t elaborate further. Rated R. Haha :D .

Until I reached high school when I got more curious in magazines. At that time, it was the advent of FHM Philippines. First time to read it when I was with my high school friends at one of my classmate’s bedroom. While they were busy playing video games, ako naman umupo sa kama at kumuha ng kung anong mabubusisi. And there was his collection of mags. Just like my first sneak peek at porn, I was intrigued with the ‘vivid’ content of the magazine and became ‘delighted’. I can’t describe it in details but the details were enough to make me ‘whoah’. Bukod sa mga sexy poses every pages, I loved reading the jokes (particularly those green jokes), those sex confessions, funny revelations, and other stuff. And I told myself. Why couldn’t I buy FHM?

Naaalala ko parang bibili lang ako ng condom. I think I was in 1st year college when I had enough guts (but still nervous on the inside) to buy my first issue of FHM. I had to make alibi to my mom and convince my older cousin to drive me to 7-11 so I could buy something that I immediately need. Hindi ko maalala kung ano yung bibilhin ko talaga pero sariwa pa sa ala-ala ko na isinabay ko ang FHM magazine sa pagbayad sa cashier (plus, a Hershey Smore bar pala). Yung kahera wala namang pakielam sa akin kahit 17 years old pa lang ako nun. Siguro para sa kanya, I looked mature enough. Super excited ako habang pauwi (hindi ko mailabas sa plastic bag dahil baka makita ng ermats ko). Pag dating sa kwarto ko, kaagad kong tinanggal sa plastik na para bang regalo ko sa Pasko. Alam mo na ang mga susunod na pangyayari :D .

Hanggang sa bumili na ako paunti-unti. Bago umuwi ng bahay, every month after my class, dadaan ako sa magazine stall or sa convenient store para bumili ng magazine. Syempre, nakaipit sa mga college books ko or nakasilid sa bag ko para hindi mapagdiskitahan dito sa bahay. Pero I used to share it with my nephew whom I share the same age. Pinahihiram ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ng mga kuya ko. Nakihiram na rin sila. Yung iba binabalik pero either sira-sira or may tupi-tupi or worse, parang nabasa. I hope dahil sa shower water yun. Pero ang pinakamasaklap ay yung hindi na bumabalik sa akin, lalo na yung favorite issue :( .

Pinakahardcore ako sa pagbili during the years of 2005-2008 because I had funds to purchase lalo na nung internship days. Throughout the years, I witnessed the improvement of FHM, from being a sleazy and mischievous one to a more than a sex magazine. Nakita ko rin ang pagdaan ng mga covergirls of the month pati ang mga Girlfriends of the Month. Madami akong natutunan from it aside from those challenging sex positions and how to avoid premature ejaculation (OK, THAT’S IT!). Yeah, I became more knowledgeable in fashion, technology, movies, literature, and other things that catered to male populace. Aside from exclamations of “I want to go to bed with her”, I found myself wanting to improve. Dito ko nadiscover ang appetite ko for fashion, thanks to Ana Kalaw (fashion editor ng FHM). This just tells that FHM is more than just a past-time for guys :) .

Sorry kaunti lang ang collection ko :D

Sabi ni ermats, itago ko daw ng maigi yung mga bold magazine ko haha!

Ang una kong FHM magazine na binili (Regine Tolentino, December 2004). I remember I bought this at 7-11 BF Homes Pque. Nagdahilan pa ako kay ermats ko na may bibilhin akong importante, pero dinamay ko na rin 'to haha!

My only annual FHM collector's edition. I only favor Diana Zubiri and Patricia Javier here. Di ko type si Andrea del Rosario :P And kusa kong nilagyan ng CENSOR para naman di ako batikusin hehe :D

1st FHM magazine na ninakaw ko sa mga kuya ko haha! And putek... ang hot ni Aubrey Miles dito kahit I don't like her attitude when she joined Survivor Philippines Celebrity Showdown.

My favorite FHM issue, dahil nasa cover yung favorite actress ko, si Angel Locsin! Super sexy niya no? This is my last purchase of magazine. Medyo tinatamad nako bumili kasi. Takte ito ang pinaka-iniingatan ko!

Recently, I somehow stopped buying FHM because 1) may ibang bagay na kelangan ko i-prioritize for budget, so I have to let go muna; 2) di ko trip yung ibang cover girls; and 3) I spend so much time on internet that I can already find things there.  My recent and last purchase is last year’s May 2010 issue with Angel Locsin as cover girl. Finally I have a copy with her! I lost my favorite September 2005 issue where she also appeared as cover girl, donned with a sexy racing outfit. At least nagkaroon ako ng May 2010 issue, at mas sexy pa si Angel :D . Medyo tinatamad ako bumili ng latest issues of FHM but I hope that I can bring back my enthusiasm. I missed buying Sam Pinto, Daiana Meneses, and Solenn Heusaff… the issues where they graced the covers.

I see my mags as my collection. I store it in a place wherein kids can’t reach it (sa dami ba namang bata dito sa amin haha!) plus para hindi makita ng nanay ko at sabihin ‘ITAGO MONG MAIGI YANG MGA BOLD MAGASIN MO!’ And bihira ko na lang ilabas sila kasi ayoko na namang mabawasan at masiraan ng copies. For the sake of this blog, I unearthed them from a secret hideout. Wala akong balak ibenta or ipamigay basta-basta. Probably I will pass my magazine to my son and tell him ‘anak, eto ang FHM noong binata pa ako.’ Ano kaya ang reaksyon ng soon-to-be son ko? ‘Tay, wala ka bang Penthouse dyan?’ Tarantado :D .

I wanna learn ifyou like reading (and collecting) FHM magazines. I’m sure merong ibang girls na nagbabasa rin nito. Share your thoughts.

 

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Usapang Brip

 

“Para kang brief… kahit ilang beses bali-baliktarin, lilitaw pa rin ang sikreto mo.”

 

- The Air Prince

Inspired sa mga banat lines ng My Amnesia Girl (but sad to say, hindi ko pa napapanuod. Makahiram na lang ng DVD!)

Paalala: Wala pong masamang intensyon ang manunulat. Kung ito po ay para sa inyo ay bastos o nakakainsulto, maaari niyo ng lisanin itong pahina at magbasa na lamang ng ibang artikulo.

Nakakatawa :D Yung totoo, panty ba yun? Mukhang SOEN eh: panty ng masa :D Joke lang :D

Nag-ayos ako ng aking lagayan ng damit sa kwarto ko (alanganing sa kusina, muntanga naman nun). Napansin ko ang aking mga damit: yung iba nawawala dahil hiniram o “hiniram na nauwi sa pang-aangkin”. Samantalang ang iba ay may kalumaan na. At biglang umagaw sa aking atensyon ang nakita ko: mga nanahimik, malilinis, mababango, mga nakatuping mga underwear. Ayoko gamitin ang salitang salawal dahil parang sala-ula pakinggan :D

Say it with me. Underwear. I know, nararamdaman ko ang iniisip niyo. Marahil most of us  find it silly or risque to talk about while some of us would say wala lang sa atin ang pag-uusapan natin ngayon. May pagkasensitibo ang paksa pero isipin na lang natin na isa lang itong kapiraso ng tela na tumatakip sa ating private parts. At hanggang doon na lamang.

Okie, naging seryoso masyado tayo.

Ang gusto ko lang pag-usapan ay ang kondisyon ng aking mga underwear. Medyo may kalumaan na kasi dahil wala akong panahon para makabili ng bago (Weh, yun nga ba ang totoong dahilan?). Pero kahit may kalumaan, minahal ko sila parang syota ko (Okie ampangit ng analogy ko. Tama bang i-kompara ang salawal sa syota?).

Pero minsan hindi ko rin maiwasang mapansin ang briefs ko. Medyo maluwang na. Dahil yan sa Wear and Tear Theory (hindi nagtatagal ang mga bagay-bagay tulad MO! :D ). Dahil sa palaging paghatak sa garter (hindi naman ginamit sa 10-20 or sa Chinese Garter games) at dahil na rin sa maling paglalaba. Mukhang bacon briefs na sila (Ang bacon brief ay tawag sa mga lumang brief na ang garter ay masyadong banat na parang bacon strips).

Nagbiro ako sa Facebook at Twitter kamakailan lang, na ako ay nanawagan para magkaroon ng bagong underwear. Marami ang natawa dahil nakakatawa nga naman. Kaw ba naman, malimos ng salawal? Pero natuwa ako dahil may isa akong kaibigan na itago natin sa pangalang Underwear Donor ang may ginintuang puso para magdonate. Noong una ay akala ko nagbibiro. Ang simpleng biro ay nauwi sa katotohanan. Total, Pasko naman daw kaya hindi naman masama para magregalo ng bagong underwear. Ang masama yung i-regalo ang lumang underwear. Ano yun, nag-iintay gawing basahan? Haha :D

Nagpapasalamat ako kay Underwear Donor dahil isa siya sa nagpasaya sa aking malungkot na Pasko. At di lang basta-basta ang niregalo niya sa akin, from Bench Body pa! Ang cute ng design, astig!

Dahil sa kanya, may iilan-ilan ang nagkainterisadong magdonate sa akin. Baka kinabukasan ay umaapaw na ang bahay ko sa brief. Haha :D

Kung ako’y tatanungin, mas prefer ko yung brief or boxer brief kesa sa boxers (yung parang mini shirts). Mas prone daw sa luslos (hernia, scientific term) ang mga boxers pwera lang kung may built-in support sa… alam niyo na yun :D Kung may balak kayo magregalo, size 30-32 po ako at ayoko ng mga cartoon character designs. Ano ako, walking comics?!

Ewan ko kung matatawa ako o maiinis dito.

Para sa akin, mahalaga ang underwear at ang mag-underwear. Sa panahon ngayon, nagiging fashion statement ang pagsusuot ng mga ito. Sabi nga ng isang undergarment ad: Sexier than Nude.  Basta ang importante… 1) Huwag magsuot ng masikip; 2) Wash carefully; at 3) Iwasan ang Side-A to Side-B habit, kadiri naman :D

Ano, palumaan tayo? Joke :) Sa mga nagbabalak talaga, ipa-LBC niyo :D Salamat :D

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

Frustrated Dancer

Marami akong frustrations sa buhay. Isa na ang pagsasayaw.

Pero kahit parehong kaliwa ang paa ko at kasintigas ng kamagong ang katawan ko, sinusubukan ko pa ring gumiling. Ewan ko pero noong bata ako, uso ang field demo sa school at yung mga panahon na pinipilit ka ng mga magulang mo sumayaw sa Christmas party/birthday parties (Lagi akong umiiyak kasi ayoko sumayaw talaga). Ngayon ay nagbabalak ang mga kababata ko na sumayaw with the new kid generation sa pamilya namin sa darating na Christmas party. Iiyak pa rin ba ako o makikipagshowdown? Naging part pa nga ako ng cheerdance team noong High School. Siguro mas bagay ako maging mascot :D

Kung di niyo natatanong, magaling ako mag-ocho-cho :D

Minsan pasimple akong sumasayaw kahit nagmumukha na akong tanga/bading :D Minsan mukha akong macho dancer. Naks, may instant source of income na. Joke :D

At dahil sa frustration ko, nakagawa ako ng dalawang music video:


Nakailang Salonpas (…HISAMITSU…) ako dahil sumakit ang katawan ko sa kakaensayo at kaka-aral ng steps. Eh ganoon talaga pag gusto mo yung ginagawa mo eh, lalo na pag idol mo si Lady Gaga. *poses the infamous Illuminati sign*

Bago ko nasayaw yan, nakilala ako sa pagsayaw ng Nobody ng Wonder Girls. Sayang kaso hindi ko na-record yun eh. Pero pag nagkataon, ipapaalam ko sa inyo. Magkakaroon tayo ng world premiere ng kawalang-hiyan :D

Eto gusto ko pag-aralan itong mga susunod na sayaw:

Ang hot nila di ba? At ang kewl ng moves. Powerful tapos swabe. Kung nahirapan ako pag-aralan ang Sorry Sorry, malamang pasakit din ang aabutin ko rito.

Isa pa eto. Baklang-bakla. Haha. Cute kasi eh. And anu naman kung susubukan kong sayawin ito? Eh yung iilang members ng KPOP Boy group sinayaw nila to eh :) Ang hirap ng kicks nila ah! Snap kung snap :D Huwag kayo, may friend ako na lalake naman pero kabisado yung steps nito :) )

Sige, magpakalalake muna tayo ulit. Ansexy at answabe ng moves.

Isa pa ito. Ang cute! Tapos ang ganda nung isang girl :) Pero nakakaaliw rin yung dance steps :) Napanuod ko yung dance rehearsal video nito at yung crush ko nagawa pang magsuot ng heels for practice!

Eto da best! Eto ang kailangan kong pag-aralan. Ang hot ng moves (Aside sa guys. Nabading? O_O) Bukod sa mga itsura nila, napakaastig ng sayaw. Snap kung snap. Edgy. Madating.

Syempre, di mawawala sa listahan ko ‘to. Alam mo naman ang pagiging Little Monster hehe.

Basta kapag ginanahan ang inyong abang lingkod muli, i-shashare ko sa inyo. You’ll be the judges :)
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers