Category Archives: Tips
Homemade Spicy Chicken
I love chicken. Isa yan sa paborito kong pagkain since childhood. Whether fried, deep fried, roasted, steamed, inihaw, inasal, inadobo, tinola, afritada, sinampalukan, sinampal, tinadyakan, sinuntok… name it, I eat chicken. Well, except from eating a live one. Di po ako taga-karnibal. CHICKEN!
Favorite parts ko sa chicken ay legs at breasts. No pun intended. CHICKEN!
One Sunday lunch time, nagluto yung ate ko ng Buffalo Wings. Sounds expensive no? Well, good thing she knows how to prepare it. Saludo ako sa ate ko. The moment I bit a piece of it, it feels like heaven (sa sarap) and hell (sa anghang). Pero masarap!
In the first place, bat nga ba Buffalo Wings? Here’s the answer.
Then I figured it out how to make one. This time I use not only wings but the other parts. I didn’t include the bony parts since mahirap kainin. I derived the recipe and then I tweaked it.
Here are the ingredients:
- 1 1/2 kilo fresh dressed chicken wings, drumsticks, and breast. Cut into smaller size.
- 1 clove(s) of garlic, minced.
- 1/2 onion, chopped.
- 3 siling pangsigang, chopped. Or you can use siling labuyo for more spice.
- Breading mix pack enough for the chicken. In my case, I used 1 pack of Crispy Fry.
- 1 pouch of 250 g tomato sauce (I used Del Monte Tomato Sauce).
- 1/4 cup butter
And now the procedure:
1) Hugasan muna ang chicken parts at patuluin sa colander hanggang sa mawala ang tubig. Afterwards, ilipat sa isang malaking bowl at lagyan na ng breading mix. Then shake, rattle, and roll!
2) Heat pan with medium heat and then put some cooking oil. Deep fry the breaded chicken until golden brown.
3) Place the fried chicken parts in a colander or on a plate with some paper towel (sosyal, pwede namang tissue diba?). This will drain excess fatty oil. Nakakawalang gana pag masyadong mamantika.
4) And for the sauce part. You can start this habang piniprito niyo yung chicken. Basta you have another stove. If wala, iprito niyo muna lahat ng manok. Got it?
On another saucepan, melt some butter. Put a little cooking oil to avoid burning the butter too much.
5) Sauté garlic. At this point, the aroma is so tempting. Patience, my dear amigos.
6) Then sauté onions. Sabi ng ate ko, pwedeng huwag lagyan ng sibuyas. Dahil maarte ako, nilagyan ko. Recipe ko eh. Angal?
7) Pag nag-brown na yung garlic at naging translucent yung onions, pour in the tomato sauce. (DEFINE TRANSLUCENT. Ah basta pag luto na yung sibuyas, yun na yon!). Lower the heat and stir continuously until the sauce thickens. Don’t overcook the sauce! Mantika na lang ang matitira.
8) Put the chopped chili. Then turn off the heat.
9) Now you can place the chickens on the sauce. Toss. Or you can put and mix them in a larger bowl.
10) Voila! Yur Spicy Chicken iz reedee tu bee seervh! Bon appetite!
This is easy to prepare. Hindi kailangan ng mga chef expertise at kitchen maneuvers katulad ni Chef Boy Logro (Speaking of Chef Logro… nakita ko siya one time sa Jolibee Magallanes with his kumpadres. Para siyang pinaitim na Super Mario. At nagjoJolibee rin pala siya. Yum yum yum! Yum yum yum!). This only requires the basic ingredients I mentioned above and patience.
You can eat this with a salad or a piping hot rice. Kahit nga wala ng kanin, solb ka na. Yun lang pag marami kang kalaban sa pagkain. Di ko na problema yun.
I recommend this to those endless oh-so-dry fried chicken nights. You can do this for birthdays, pag nagbreak kayo ng girlfriend/boyfriend mo, pag may inuman, pag wala kang budget para kumain sa T.G.I.F., pag nanganak yung alaga mong manok, pag blessing ng bahay niyo, pag idedemolish yung bahay niyo (WTF), and so on.
Let me hear your feedbacks and violent reactions when you try this recipe. Have fun trying and eating this messy but delicious meal! CHICKEN!
Hot like Mexico, rejoice!
Final Exams, ating eksaminin
Marami akong namimiss na mga bagay-bagay sa college life. Kahit ikaw namimiss ko. Joke. At isa sa mga namimiss ko ay ang Finals Week. Di kayo nagkakamali sa nabasa niyo. I know I sound crazy. Bakit ko gugustuhin ang isang bagay na nagpadusa sa akin noong nag-aaral pa ako? Tulad ng madlang college students, naranasan ko ring mahirapan sa Finals Week. Hell week, ika nga. Halos maubos ang kilay ko ka pagsusunog, masuka sa mga kape’t energy drink na iniinom ko para lang hindi makatulog (which apparently, wa epek minsan), mapagalitan ako ng mga magulang ko dahil gabi na ako umuuwi dahil sa mga projects (na most of the time hindi na talaga yun ang nangyayari), at magmukhang zombie dahil sa stress na dulot ng end of term. Isama mo na rin ang mga walang katapusang deadlines at ubusan ng pera sa mga walang katapusang projects.
But comparing it to the situation outside school, it’s more different. Working is like an never-ending Finals Week. Di tulad ng Finals, you have to impress your boss infinitely unless you get fired (I hope we all in the workforce don’t resort to this). Everyday has countless deadlines. Attendance do really count. Presentations are more critical (and there’s no redefense). And unlike when you fail at your subject and you can retake the course, you cannot afford to fail your job lalo na mataas ang expectations ng society sa labor population at mataas rin ang unemployment rate. Kaya think na maswerte pa rin ang students. And oh, we don’t have the privilege of class suspensions except kung masama na talaga ang panahon and the admin orders a suspension.
At hindi makukumpleto ang Finals Week kung wala ang mga written examinations. Mas malulupit ang written exams pagka Finals kesa sa mga assignments at quizzes. Malawak ang coverage (imagine combining all quizzes into one big test). It comprises a big percentage bulk of class rating (kaya minsan nalalaman na kung pasado o bagsak). At mas mahirap kumopya lalo na pag iba ang proctor ninyo
.
Pero ano nga ba ang nilalaman ng isang Finals Week test paper? Anu-ano ba ang makikita natin? At saan banda tayo nahihirapan? Halina’t talakayin natin.
Direction: Read carefully. No erasures, please. Joke.
Test I. Identification
Ito ang kadalasang unang bumubulaga sa atin sa written exams. Aalamin ang salitang tinutukoy ng kahulugan. Ang pinakasikat na format ng uri ng pagsusulit na ito ay ‘________’ + meaning ng hinahanap ng salita. Pero may ibang forms ng identification tulad ng complete the word (parang Wheel of Fortune-style; bubuuin mo yung letters, which is somehow easy dahil binibigyan ka na ng hints), fill-in-the-blanks (parang identification pero mas marami ang sasagutan na missing words sa isang statement item/number), or definition (kabaliktaran; given yung key term pero ikaw ang magsusulat ng meaning, which is kinda hard.) Anumang style ng identification, most of the students would agree na ito ang kadalasang nilalaktawan para sagutin ang mga susunod na parts ng exams, at madalas na hindi rin naiiwanang blanko
.
Test II.True or False
Dito inaalam ng exam taker kung totoo, baluktot, or gawa-gawa lang ng professor mo ang statement. Kung sumasang-ayon ka sa sinasabi, isusulat mo ang “True”. Kung hindi naman, “False”. Kung di mo alam, di kita matutulungan diyan. Minsan ‘T’ or ‘F’ ang isinusulat pero mas prone to sa dayaan dahil ang “T” pwede maging “F” (lagyan lang ng isang guhit). Meron ding modified true or false na kung saan kapag di ka sumasang-ayon, kailangang hanapin mo ang mali at/o baguhin ang statement. Kadalasang napapagtitripan itong part ngexam, kung maaari daw frue at tralse na lang daw ang isasagot para wala ng problema.
Test III. Multiple Choice
Ito ang pinakasikat sa lahat. Binubuo ito ng mga tanong at sa bawat mga tanong may 2 or higit pa na set of answer choices. Kailangang pillin ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagmarka (pabilog/pa-ekis/pakwadrado/o paoctagon kung masayadong OC yung prof) o pagsulat ng letra. Ito ang mas prefer ng mag-aaral at ng mga test takers. Madaling itong sagutan maliban kung kasing dami ng butil ng bigas ang number of items. Madaling malalaman ang score after checking. At minsan, madali makipagkopyahan sa ganitong uri ng exam maliban kung magkaiba ang test set ng katabi mo. Nakakalito din ang multiple choice test dahil parang lahat ng choices, posible maging tamang sagot, at lalo na yung mga none/all of the above na minsan akala mo yun ang correct answer. Minsan ang student ay nagrerely sa kanyang pattern instinct kung di masagutan almost ng mga items. May sinusundang pattern, kunwari ‘A-B-A-B’ or ‘lahat A’ and so on.
Test IV. Matching Type
Laman nito ang set of defined terms, usually in 2 columns, at kailangang pagtugmain ang dalawang may parehas na katangian, either by connect the dots or by letter. Kalat in random style ang mga dapat mong idugtong sa karugtong niya. Minsan nakakainis ang matching type of tests dahil may naiiwang/kulang ng choice kaya napapaisip ka kung tama na ba ang mga sagot mo (ikaw mismo ang maglalagay ng tamang sagot or posibleng 2 ang sagot sa isang item).
Test V. Enumeration
Ito ang isa mga pasakit sa ulo ng mga mag-aaral. Ililista mo ang mga hinihinging sagot. Kunwari, ilista ang mga pangalan ng 7 dwarfs ni Snow White o 10 Utos ng Diyos (in Latin form). Minsan, pampatagal rin ito at mahirap kumompya (kailangan mabilisang pagsilip o kaya malinaw ang pagsasabi ng sagot kahit sa pabulong na boses). Kaya kailangang memorized na memorized mo ang list kaya may iba na gumagamit ng mnemonics para madaling maalala ang pinag-aralan (example: Every Good Boys Does Fine at FACE para sa pitch letters sa music).
Test VI. Illustration
Ang bahaging ito ay para sa mga sagot na kailangang iguhit (flowcharts, diagrams, drawings, etc). Kunwari, iguhit ang business cycle diagram, ang salaysay kung paano binaril si Rizal, o ang reproductive system
. Minsan, idinadaan na rin sa pagandahan ng drawing para dagdag points. Yung tipong may shadow at shading pa kahit stick figure lang.
Test VII. Essay
Dito mo ipapaliwanag ang hinihinging punto. Maaaring objective (humihingi ng facts) or subjective (humihingi ng iyong palagay o opinion) ang essays. Kadalasang matatagpuan ito sa kadulu-duluhan ng test papers. Kailangan ng malinaw at direct-to-the point na sagot, at isama mo na rin ang maayos na penmanship. Mahirap ata magbasa ng sulat na mukhang kinalaykay ng manok. Yung totoo, heiroglyphics? Minsan pag walang masagot na matino ay dinadaan na lamang sa pagandahan, pabonggahan, at pahabaan ng sagot na kulang na lang ay maging garden ang test paper sa dami ng mabubulaklak na salita at kailangan mo pa ng extra paper. May ibang essay na humihingi ng sapat na bilang ng salita? Wow, naka MS Word ka pala. As if mabibilang pa.
Test VIII. Problem Solving
Syempre, di mawawala ito lalo na sa mga exams ng Math-related subjects. Ito ang parang essay ng mathematics, except puro calculations, formulas, at numbers. Binubuo ito ng mga questions in the form of problems na naghahanap ng value/s. Minsan matatawa ka sa mga problem sets, tipong alamin mo kung gaano kabilis ang takbo ni Juan, may kwento pa, at aalamin mo ang distansya ng kanyang tinakbo, in meters. Kung pupwede lang sagutin na ‘super bilis’. Kailangan mo ring ipakita ang proseso ng pagsagot mo para malaman kung papaano nakuha ang value at hindi inimbento basta-basta. At minsan… kelangan mong i-prove ang sagot mo. Tapos mali pala no? Ulit ka na naman hanggang sa hindi mo na maintindihan yung sinusulat mo at humihingi ka pa ng extra scratch sheet.
So ayan ang mga usual na types of tests na nakikita natin sa mga written examinations. Sa likod ng dusa at pasakit ng mga tanong na hindi masagot, may natututunan tayo. Nalalaman natin kung saan tayo magaling at saan tayo mahina. Natututunan natin na kailangan tayong magreview at mag-aral pa lalo.
Basta laging tatandaan na basahing maigi ang panuto. Ano ang panuto? Direction/Instruction. Malay mo dapat kumpleto ang pangalan ng instructor/professor mo (kasama dapat ang middle name), all caps ang bawat letra ng sagot mo, or dapat violet ang tinta ng panulat mo. Or bawal pala mag-erasures. Minsan, ang maliliit na detalye ng exams ay may malaking bearing sa score mo. Naranasan ko na yan: instead na bilugan ang letra ng tamang sagot, binilugan ko ang buong sagot.
Mag-aral at magreview para hindi mahirapan sa final exams. Gumawa ng system kung papaano maalala ang mga pinag-aralan. Huwag ka gumawa ng kodigo. Mahirap ang mahuli at magkaroon ng kaso. Mahiya ka naman sa balat mo.
At siyempre, huwag kalimutang magdasal.
Good luck sa final exams. Sa mga papasa, congratulations! Sa mga hindi pinalad, see you next term, joke
. Now, pass your papers! Finished or not finished!
Mommy, I Hate Medicine!

I want Swiper to help me drink that! ©from More4kids
Sabay tapon ng gamot. Inatake ng tantrums.
Andrea, my lil sister is sick today so she was fetched earlier than her dismissal time. She has sore throat and mild fever. Kanina, after ng family dinner namin, pinainom ko siya ng Tempra for Kids na orange flavor. Hanggang ngayon, she was like receiving an injection when taking medicine. Napakaduwag. Pepreno pa bago lumanding ang kutcharita sa labi niya. Kukuha ng isang basong tubig para in case na hindi niya trip yung lasa eh maimumog niya. Andaming segue, iinom lang ng gamot
Pero salamat dahil medyo hindi siya duwagin ngayon unlike before. She’s 10 years old already. Dati, iiyak iyak yan. Niluluwa or sinusuka yung gamot. Pahirapan ang ermats ko sa pagpapainom ng gamot sa kanya.
Which reminds me of myself when I was a kid.
*flashback FX… dapat sepia ang vision para feel na feel (Nakakagago eh, sepia… parang sinabi na nabuhay ako noong dekada 70.)*
Pahirapan din ako pagdating sa pagpapainom ng gamot. Noong bata ako, kadalasang sakit ko noon is lagnat, sipon o ubo. Di uso sa akin ang hika; ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng may hika, though nasa lahi namin ang hika (dati naiinggit ako sa mga nagneNebulizer kasi parang astig hahaha). Kaya ang tipikal na remedy for fever/flu is syrup medicine. Noon, takot na takot ako uminom ng gamot. Ang mga pinapainom sa akin noon was yung mga hindi masasarap ang lasa. Yung iba anlapot, kasing lapot ng laway ng asong tinamaan ng rabies. Idagdag mo pa ang martial law vibe ng ermats ko. Sino ba naman ang hindi matatakot uminom ng gamot? Syempre bilang batang pasaway, aayaw-ayaw ako noon to the point of crying na ako. Tipong nagmamakaawa ako. Eh alam mo naman ang dakilang nanay ko, di papayag na hindi ko iinumin ang gamot. Ang mangyayari pwersadong inuman. Parang nagpeperform ng exorcism ang nanay ko, kulang na lang maglabas ng bibliya siya para mainom ko yung gamot. Pag niluluwa ko yung gamot, go back to step one kami ng nanay ko sa exorcism rites
Pero I’m sure she did it just to make me feel better and get well soon, yun lang nakakatrauma.

- “MY MOTHER SUCKS JELLYACE IN HELL! ARGH!!!” ©World Film Guide
Kaya ako kinakabahan pag naging parent na rin ako. Baka mapasa ko ang tradition.
How do you deal with kids when it comes to taking medicines? Kanya-kanyang diskarte ng mga magulang at pediatrician ang pagpapaintake ng prescribed medicines. Yung iba dinadaan sa mabuting usapan. Yung iba katulad ng ermats ko. Haha joke. Marami akong nakalap na mga tips para mapadali ang pagpapainom ng Tempra For Kids and the like sa mga chikiting:

A drop will do the trick
- Gumamit ng dropper at iwasan ang bitter taste buds. Though as far as I know, nadebunk na ng mga dalubhasa ang theory na may certain taste areas sa ating mga dila, many still rely on this approach. Instead of directly putting the syrup on the tongue, and using teaspoons/tablespoons (di po tayo magluluto, ok?), gumamit ng dropper at itapat sa cheek pouch. Not only it will hard for them to spit out, kids will taste the medicine lesser.

Bukas... luluhod ang mga tala sa Korea!
- Gayahin si Jang Geum. Alam niyo yung Jewel in the Palace na Koreanovela? Kung hindi, malamang Kapamilya kayo
Kidding aside, story siya ng isang babaeng naging nurse ng palasyo sa Korea noong sinaunang panahon. Sa isang episode, nagkasakit ang queen mother at ayaw kainin ang bawang (one best herbal remedy) para siya’y gumaling. Dahil nagsimula bilang tagapagluto si Jang Geum, ginamit niya ang kanyang kaalaman sa kusina para mapagaling ang reynang malubha ang kalagayan. Inihalo niya ang bawang sa pagkain. Kinain ng reyna ang inihandang pagkain nang hindi namamalayan na may bawang. Syempre, gumaling ang lola niyo. So alam niyo na ang essence ng example ko? Learn to camouflage the medicine

Red Horse pill, ITO ANG TAMA!
- Pumili ng masarap na flavor. Baka naman kaya ayaw inumin ng inyong mga anak or batang kapatid ang mga gamot ay dahil lasang chemical or lasang suka ni repackage lang. Mismong ikaw di mo rin maiinom dahil sa di kaaya-ayang lasa. Subukang pumili ng mga fruit-flavoured medicines or chewable tablets. (Teka, buhay pa ba yung Flinstones Chewable Vitamins???)

Bimby: "Mommy, can I crack Tito Noynoy's egg?"
- Deal or No Deal. Di mo kelangan si Kris Aquino (pabayaan mo na siya sa The Price Is Right), si Banker, at ang 26K girls dito. Kung ayaw inumin ang gamot, subukang kausapin ng masinsinan. Iparamdam mo sa kanya na kelangan niya inumin para gumaling siya kaagad. Subukan mong makipagdeal na magiice cream or bibilhan mo siya ng maliit na reward. And that not includes PSP.

"Moh-meh... I feel HAWT!" (Sana ganito kadali na lang ang pagpapainom ng gamot haha)
Ayan at sana ay may napulot kayong mga tips sa pagpapainom ng gamot sa mga batang pasaway. Visit these sites para sa karagdagang kaalaman: Parents.com and Better Parenting. At kung ayaw pa rin niya inumin, problema niyo na yan! Joke! Try to seek help from his/her physician/pediatrician
Kayo? Do you have any tips and similar experiences? Share naman
Hot Like Mexico, Rejoice!
The Air Prince
Lasheng Ako!
“Isang lasheng na lang, bote na ako!”
Hanggang ngayon may hangover pa rin ako from one of my friend/collegemate’s debut party last week. Don’t be mistaken. Yes, I had few drinks but luckily I didn’t get drunk, I only got minor headache and some itch patches on my body. What I’m referring is what happened during the party
Inimbitahan ako ni Ena maging host together with Carlo aka ‘Summer’ on her party last Saturday (January 22). I was excited kasi makakasama ko si Summer dahil isa siya sa hinahangaan ko mag-host ng events a functions (flattered si Bakla haha) and I was sure our tandem would click, plus we were given the liberty to have fun while hosting since casual naman yung setting ng party. Pangalawang pagkakataon ko ito maging host outside school (1st one was during Ysza’z debut last year) and I didn’t wanna miss the opportunity.
The party was… a party. Joke
I had great time. The food was tempting. Buti na lang kumain ako before I went there. Kundi nakailang rounds ako nun sa buffet area
The venue and setup were fine, though I had hard time while eating. Parang nasa psycho house ka dahil sa pitik-sindi ng mga mobile lights. Nakakahilo haha. I saw and met some familiar faces so thankfully hindi ako na-OP. I even made some new friends. Carlo and I enjoyed hosting kahit may times na pasaway yung crowd
At syempre hindi mawawala ang *drum roll please*… alcohol galore. Actually, it was my first time to see a ‘mobile bar‘. It looked so cool kasi meron palang ganun. Akala ko mobile phones lang nag-eexist (KORNY)… kung sa bagay may mobile kusina, clinic laboratory, classrooms… kulang na lang may mobile motels na rin
At kung may alak, may mga lasing.
I think I had, uhm, 10 shots. I can’t remember what it’s called pero it looked like Gatorade. Parang wala lang. Then after few minutes of drinking too much, traydor pala yung drinks. Fortunately, hindi ako nalasing maybe because I just drunk tolerable amount and I just enjoyed myself dancing (which was very fun. Nagwala ako sa dancefloor haha). I was always reminding myself not to get drunk since I live very far and I might get some allergic reactions which is very unbearable (at baka mahalata ni Ermats the next day). Pero yung iba grabe uminom, kaya after an hour, dami na nangyari… the wild night even get WILDER
Kaw ba naman Inglesin ka lagi tapos daming naging nagsusuka bigla. Buntis?
At dahil sa nangyari, nais kong magbahagi ng mga tips tuwing may lasingang nagaganap. Total walang epek ang tips para sa mga lasing dahil aanhin nila yung payo kung lasing sila, di ba? Muntanga naman. At dahil may 10 shots akong ininom at hindi nalasing, ito ay ang mga konting tips during inuman sa parties. Take down notes, please
- To be drunk or not to be drunk? That is the question.
- Para mukhang sosyal pa rin, mag iced tea ka na lang
- Maghanap ng ibang ways bukod sa paglalasing.
- I-assure na hindi buong grupo ang malalasing.
- Tandaan: may ibang persona ang taong may amats.
- Huwag patulan ang taong nasa impluwensya ng alcohol.
- Ang pagsusuka ay normal lang.
- Ihanda ang mga remedy para sa nakainom.
- Huwag papabayaan ang mga lasing, lalo na sa kalsada.
- Huwag hahayaang umuwi mag-isa ang taong lasing.
Bago ialok ang mga drinks , ask yourself. Iinom ba ako or hindi? Tandaan, with great alcohol comes great liability
Kung di kaya uminom, huwag
Aminin na natin, pag nasa party tayo, mahirap yung wala kang ginagawa. Safe and next best thing to do is hold a glass of iced tea or any non-alcoholic beverage. At least you’re still having fun and at the same time di ka nalalasing
Plus, rich in Vitamin C yung iniinom mo (in case of juices)
Makichika ka sa ibang tao. Make friends. Para san pa ang dancefloor kung walang sayawan? And take note, sayawan ah, walang hipuan/chansingan
Yung totoo, Sodom and Gonorrhea ay este Gommora (tama ba spelling)?
Hindi lang through alcohol lang ang pakikipagsocialize
Mahirap pag yung buong barkada niyo may tama. Paano kayo uuwi? Ampangit pag sabay-sabay kayong lalabas ng venue nang lasing. Parang zombie lang eh, kulang na lang mag Thriller ala Michael Jackson ang eksena sa parking lot
Syempre, bilang mga magkakaibigan, aasahan niyo ang isa’t-isa.
Iba ang kilos at pag-iisip ng taong nasa impluwensiya ng alcohol. Kaya asahan mo na parang sinaniban ng ispirito ang kaibigan mong nakainom.
Intindihin niyo ang taong lasing. Kahit asar-asarin kayo or gaguhin kayo, pilitin niyong intindihin. Huwag niyo na gaguhin. Baka maging mas wild pa sila. Dahil kung hindi, baka masukahan ka pa on-the-spot
Kung biglang magsuka ang kaibigan ninyo, hindi dahil may nakaing panis galing sa inihanda or dahil nabuntis on the spot sa dancefloor. It’s just a manifestation ng limits niya sa pag-iinom at it is sort of a relief for them
Huwag na kayo magulat kung may mga nagkalat na suka sa banyo (pero nakakadiri pag yung suka nasa lababo, EWK) or sa lansangan. Pasensyahan na lang kung nasukahan ka
Painumin ng kape ang taong lasing. Kung ayaw, pakalmahin sa tabi ng aircon or sa electric fan. Kung ayaw pa rin, punasan ng panyong binasa ng malamig na tubig. Kung ayaw pa rin talaga, aba’y wala na akong magagawa hahaha! Basta gawin niyong relaxed ang lasing para unti-unting mawala ang tama
Make sure na he/she’s on the right place to stay. Avoid them to wander everywhere lalung-lalo na sa mga lugar na bawal ang lasing. Baka ma Dog Pound pa sila
Bantayan niyo sila para iwas disgrasya
Kung maaari, pakalmahin muna siya. Ihatid sa kaniyang tahanan (pero sana hindi lasing/nakainom din ang magdidrive). Kung sa bahay ang party, patulugin muna sa bahay. Mahirap na kung papauwiin mo kaagad ang taong may amats. Baka kinabukasan matagpuan natin ang sinapit nila sa mga tabloids at sa mga TV. Makonsensya ka pa
Ayan. Nagshare ako ng ilang mga tips. Sana ay makatulong sa inyo sa susunod na may party tapos may inuman. Laging tandaan, DRINK MODERATELY. Or try niyo uminom ng ISOPROPYL! Haha! Kayo ano mga payo ninyo? Any thoughts???
TAGAY PA TAYO MGA TOL! WAHAHAHA!
Hot Like Mexico, Rejoice! (HIK!)
The Air Prince
Homemade Brownies
Ops, hindi po yung aso ang tinutukoy ko
Bad dog! Sit and read my blog! Joke
These past days, depress na depress ang inyong abang lingkod. Kaya naisipan ko na mag-bake ng brownies. It’s my first attempt to bake, actually. Sanay ako magluto sa kalan pero hindi sa oven. Nakakakaba pero exciting
This triggered me becuase I need some chocolate para maboost ang Serotonin level ko. It is a compund that makes you feel happy
Naks, may scientific explanation pa. Bukas na bukas, i-dahilan niyo na kelangan niyo ng Serotonin
At last, nagalaw (ampangit pakinggan, parang serial rapist ako haha!) ko na rin ang brownies mix na binili ng Nanay ko. And I even take photos para naman mainggit, ay este ma-share ko sa inyo ang experience ko. Kulang na lang yung aroma para tumulo laway niyo haha! Joke ulit
So here are the ingredients according to the box:
- a box of White King Brownies Mix (2 packs from the box)
- 2 medium-sized eggs
- 1 bar of butter
- peanuts or nuts for toppings
Procedure:
- Preheat the oven
Medyo swerte ako dahil may magandang oven yung sister ko (may bakery kasi sila). - Beat the eggs (ayoko i-translate sa Tagalog, medyo…hehe) and combine it with the flour mix
- Next, add the butter (you may melt it first before putting it in the mix) and slowly FOLD the mix. Hindi po literal na pagtutupi, muntanga naman yun
- Continue to FOLD hanggang sa maging well-mixed. Para malaman na well-mixed, dapat walang namumuong clumps or natitirang buo-buo
- Put it in the pan and spread it evenly
- Sprinkle nuts on top. Pwede rin ihalo kaagad sa mix habang hinahalo
- Bake for about 25 minutes. Para malaman kung luto na, magtusok ng toothpick or barbeque stick. Kung medyo basa pa, di pa luto yun
- Let it cool before removing it on the pan
- Cut into desired sizes. Time to practice fractions ulit
BE FAIR AH! HAHA!
- Serve. (Hindi yung sa Volleyball ah. Corny ko haha!)
Salamat kay Bathala dahil hindi nasunog yung brownies dahil nakatulog ako habang hinihintay maluto. KAw ba naman, magbake ng hattinggabi, di ka ba aantukin? Haha! Buti na lang at mababait ang mga panadero ng ate ko. Yun lang, kinabukasan ko nakamusta ang mga brownies ko.
Ang verdict ay (4.0 being the highest and 1.0 being the lowest, isama na natin ang R for ‘Repeat’)…
*drum rolling*
3.0
Okie naman yung taste at texture pero medyo matigas dahil nga lumagpas ng 30 minutes yung pagsalang sa oven. Sabi ng ate ko, “Hard Brownies”. Ewan ko kung matatawa ako or maiinsulto ako haha!
Pero isa lang ang masasabi ko: magbabake ako ulit. At ikaw ang i-babake ko! BWAHAHA! *evil laugh*
Joke lang hehe!
Hot like Mexico, Rejoice!
The Air Prince





































