Category Archives: Sex

Maria Ozawa: Ang Babaeng Nagpaasa

Bago basahin, isang paalala muna mula sa MTRCB…

Inilagay ko ito alinsunod sa patakaran ng MTRCB. Kinuhanan ko pa ito ng permiso sa NTC, DTI, PNP, BFAD, at kung saan-saang ahensya ng gobyerno. Naka tax-mapped rin ang Kakabakaba Ka Ba? ayon sa batas ng BIR. Pinabakunahan ko pa sa RITM ito para sigurado. Mahirap na. :D

Hey boys...

Napabalita kamakailan na si Maria Ozawa, isang tanyag na Japanese pornstar, ay diumano’y nasa ating bansa. Di niyo siya kilala? Paki-Google niyo lang po. Dumating DAW si Binibining Ozawa noong December 22 ayon sa kanyang status sa Facebook account. Di matukoy kung saang bahagi ng Pinas namamalagi si Maria Ozawa: kung siya ba ay nasa isa sa mga gusali ng Sogo, nasa Baywalk ba, nasa Babuyan Islands, nasa tuktok ng Mt. Pinatubo, or nasa Puerto Princesa Underground River. Ngunit maaaring nasa kathang-isip lang natin siya, kinukulit ang ating imahinasyon. Nabaliw lalo ang sankalalakihan nang diumano’y nagkomento muli si Binibining Ozawa na siya ay bumili ng Globe sim at naghahanap ng mga Pinoy na kanyang isasalang sa isang audition para sa isang porn film. Parang audition lang ng Pilipinas Got Talent, X Factor, at Pinoy Big Brother (pun intended). At naglipana ang mga volunteers na tila mas hihigitan pa ang dami ng mga volunteers sa Red Cross.

Dinugo ako sa lalim ng Tagalog.

Angelica Panganiban & Maria Ozawa: separated at birth?

Sino nga ba si Maria Ozawa?

Una kong natuklasan si Maria Ozawa mula sa aking mga haliparot na blockmates noong college na naguumpukan sa harapan ng isang computer monitor. Syempre, kahit kasinghigpit na ng CIA ng Amerika ang security ng network sa school, di mapigilan na may nagaganap na kalakaran ng mga porn. Nasa hidden folder or di kaya nasa folder na may secret name ang mga videos. Upang makakuha ka ng kopya, dapat madiskarte ka. At dahil lalong illegal pag binuksan mo at pinanuod sa loob ng lab, ilalabas lang ang USB at CTRL+C/CTRL+X tapos CTRL+S na kaagad. Walang sinabi ang mga drug mules sa China sa kalakaran.

At napanuod ko si Binibining Ozawa. Namumukhaan ko sa kanya si Angelica Panganiban. Kulang na lang sumigaw ng mga ala-Rubi kontrabida lines habang nakikipagsiping si Maria Ozawa. Kung tutuusin may similarities din sila: parehas silang mahilig sa banana split. :p

Kung ang America ay may Sasha Grey, ang Asia naman ay merong Maria Ozawa. What if kung mag-star sila sa iisang film. Panigurado taob ang tandem nila Vilma Santos at Nora Aunor (teka bat sila naisip ko???).

Sa dami ng pinapatulan nila, napapaisip ako: di kaya may STD or HIV AIDS na sila? Kasing luwag na ba sila ng kalsada pag Mahal na Araw o ng garter ng luma kong salawal?

Oh balik tayo sa usapan.

Nakita ko sa Facebook news feed ko about Maria’s arrival here sa Pilipinas through one of my contact’s post. Tinignan ko yung mismong page kung saan nanggaling yung balita. “Hello Philippines” daw sabi ni Maria. At sumunod ang mga nakakaulol at nakakawindang na comments tulad ng nasa ibaba.

Babala: Naglipana ang mga manyak.

Ewan ko pero habang nababasa ko ang mga comments, di ko mapigilang mainis imbis na magalak sa pagdating ni Ozawa. Sorry pero parang yung iba na nagpopost parang uhaw na uhaw sa sex. Hindi ako magpapakahipokrito. Nanunuod ako ng porn at likas sa kalalakihan ang makaramdam ng tawag ng laman bukod sa flag ceremony. In short, ma-el ako… maligaya. May psychological explanation naman na ang isa sa pangangailangan ng tao ang sexual needs. Pero sa aking nasaksi ay tila mga asong nauulol sa isang piraso ng karne. Parang ugaling kanto lang na parang nakainom tapos aambushin ang isang dalagang dumaan. Yung iba kung makapag-Ingles parang signal na choppy na ang hirap i-comprehend. There’s a fine line between being maligaya at being manyak. Kaya sa bandang huli, natawa na lang ako. Tawang gorilla lang.

Ang mga kalalakihan ay naglaway. Parang sinumpong ng dysmenorrhea ang kababaihan. Paniguradong nagiinit na naman ang mga puwitan ng mga arsobispo. At ang mga beki ay dedma galore lang. PAK

At hindi nagtapos ang Maria Ozawa craze. After couple of days, nagpost na naman si Maria Ozawa. Bumili daw siya ng Globe sim.  Sounds fishy. Siguro kung nalaman to ni Manny Pangilinan for sure pati si Ozawa ay bilhin na niya. At di lang yon, may audition daw para sa mga Pinoy para sa susunod niyang porn film. At mismong tiniweet ng ANC ha.

ANC tweeted this. Seriously? I hear some 'UHHHH'.

After few hours, GMA 7 refuted the rumors. I hear some 'AWWWW'.

Parang auditions lang ng PBB, X Factor, at PGT.

Paging Katrina Halili and Maricar Reyes, what can you say about this? O.O

Di ko mawari paano kung ibinalita ito over TV Patrol or 24 Oras. Baka maubo sina Korina Sanchez at Mike Enriquez. Excuse me pow.

But on the other hand, GMA 7 refuted the rumors. KJ? I think they have a point. In the first place, madali mauto ang tao sa mga fake accounts. Basta may pangalan na ng artista, finofollow na sa Twitter or inaadd sa Facebook. Parang bumibili ka ng something na hindi mo alam kung registered yung tindahan. Andaming napapahamak at nanghahamak sa social media sites. Yan ang downfall. Daming naglipanang posers at fake accounts. Good thing GMA 7 did this since they are known for their Think Before You Click campaign. Kaso ang nangyayari ay Click Before You Think. *facepalm*

And I think majority are now booing, cursing, making dirty fingers, and mooning their computer/laptop screens.

Isa lang ang leksyon dapat nating matutunan mula sa pangayayaring ito:

THINK BEFORE YOU LICK ay este CLICK! :D

Hot like Mexico, rejoice!

My Magazines: FHM

Isa sa mga hobbies at past time ko ang magbasa at magcollect ng magazines. My big influence is my elder sister. Noong bata pa lang ako, tinitignan ko mga inuuwing magazines ng ate ko (sa kanya ako nakikitulog until I reached 13). Naabutan ko pa yung mga malalaking celebrity magazines na newsprint pa yung paper (if I can recall, it was MOD or WOMEN). Hanggang sa afford na niya bumili ng Cosmopolitan. Alam naman natin kung gaano kaliberated ang magazine na iyon kaya I had my first glance sa mga salitang tulad ng ‘orgasm’, ‘erogenous zones’, at ‘foreplay’. And I won’t elaborate further. Rated R. Haha :D .

Until I reached high school when I got more curious in magazines. At that time, it was the advent of FHM Philippines. First time to read it when I was with my high school friends at one of my classmate’s bedroom. While they were busy playing video games, ako naman umupo sa kama at kumuha ng kung anong mabubusisi. And there was his collection of mags. Just like my first sneak peek at porn, I was intrigued with the ‘vivid’ content of the magazine and became ‘delighted’. I can’t describe it in details but the details were enough to make me ‘whoah’. Bukod sa mga sexy poses every pages, I loved reading the jokes (particularly those green jokes), those sex confessions, funny revelations, and other stuff. And I told myself. Why couldn’t I buy FHM?

Naaalala ko parang bibili lang ako ng condom. I think I was in 1st year college when I had enough guts (but still nervous on the inside) to buy my first issue of FHM. I had to make alibi to my mom and convince my older cousin to drive me to 7-11 so I could buy something that I immediately need. Hindi ko maalala kung ano yung bibilhin ko talaga pero sariwa pa sa ala-ala ko na isinabay ko ang FHM magazine sa pagbayad sa cashier (plus, a Hershey Smore bar pala). Yung kahera wala namang pakielam sa akin kahit 17 years old pa lang ako nun. Siguro para sa kanya, I looked mature enough. Super excited ako habang pauwi (hindi ko mailabas sa plastic bag dahil baka makita ng ermats ko). Pag dating sa kwarto ko, kaagad kong tinanggal sa plastik na para bang regalo ko sa Pasko. Alam mo na ang mga susunod na pangyayari :D .

Hanggang sa bumili na ako paunti-unti. Bago umuwi ng bahay, every month after my class, dadaan ako sa magazine stall or sa convenient store para bumili ng magazine. Syempre, nakaipit sa mga college books ko or nakasilid sa bag ko para hindi mapagdiskitahan dito sa bahay. Pero I used to share it with my nephew whom I share the same age. Pinahihiram ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ng mga kuya ko. Nakihiram na rin sila. Yung iba binabalik pero either sira-sira or may tupi-tupi or worse, parang nabasa. I hope dahil sa shower water yun. Pero ang pinakamasaklap ay yung hindi na bumabalik sa akin, lalo na yung favorite issue :( .

Pinakahardcore ako sa pagbili during the years of 2005-2008 because I had funds to purchase lalo na nung internship days. Throughout the years, I witnessed the improvement of FHM, from being a sleazy and mischievous one to a more than a sex magazine. Nakita ko rin ang pagdaan ng mga covergirls of the month pati ang mga Girlfriends of the Month. Madami akong natutunan from it aside from those challenging sex positions and how to avoid premature ejaculation (OK, THAT’S IT!). Yeah, I became more knowledgeable in fashion, technology, movies, literature, and other things that catered to male populace. Aside from exclamations of “I want to go to bed with her”, I found myself wanting to improve. Dito ko nadiscover ang appetite ko for fashion, thanks to Ana Kalaw (fashion editor ng FHM). This just tells that FHM is more than just a past-time for guys :) .

Sorry kaunti lang ang collection ko :D

Sabi ni ermats, itago ko daw ng maigi yung mga bold magazine ko haha!

Ang una kong FHM magazine na binili (Regine Tolentino, December 2004). I remember I bought this at 7-11 BF Homes Pque. Nagdahilan pa ako kay ermats ko na may bibilhin akong importante, pero dinamay ko na rin 'to haha!

My only annual FHM collector's edition. I only favor Diana Zubiri and Patricia Javier here. Di ko type si Andrea del Rosario :P And kusa kong nilagyan ng CENSOR para naman di ako batikusin hehe :D

1st FHM magazine na ninakaw ko sa mga kuya ko haha! And putek... ang hot ni Aubrey Miles dito kahit I don't like her attitude when she joined Survivor Philippines Celebrity Showdown.

My favorite FHM issue, dahil nasa cover yung favorite actress ko, si Angel Locsin! Super sexy niya no? This is my last purchase of magazine. Medyo tinatamad nako bumili kasi. Takte ito ang pinaka-iniingatan ko!

Recently, I somehow stopped buying FHM because 1) may ibang bagay na kelangan ko i-prioritize for budget, so I have to let go muna; 2) di ko trip yung ibang cover girls; and 3) I spend so much time on internet that I can already find things there.  My recent and last purchase is last year’s May 2010 issue with Angel Locsin as cover girl. Finally I have a copy with her! I lost my favorite September 2005 issue where she also appeared as cover girl, donned with a sexy racing outfit. At least nagkaroon ako ng May 2010 issue, at mas sexy pa si Angel :D . Medyo tinatamad ako bumili ng latest issues of FHM but I hope that I can bring back my enthusiasm. I missed buying Sam Pinto, Daiana Meneses, and Solenn Heusaff… the issues where they graced the covers.

I see my mags as my collection. I store it in a place wherein kids can’t reach it (sa dami ba namang bata dito sa amin haha!) plus para hindi makita ng nanay ko at sabihin ‘ITAGO MONG MAIGI YANG MGA BOLD MAGASIN MO!’ And bihira ko na lang ilabas sila kasi ayoko na namang mabawasan at masiraan ng copies. For the sake of this blog, I unearthed them from a secret hideout. Wala akong balak ibenta or ipamigay basta-basta. Probably I will pass my magazine to my son and tell him ‘anak, eto ang FHM noong binata pa ako.’ Ano kaya ang reaksyon ng soon-to-be son ko? ‘Tay, wala ka bang Penthouse dyan?’ Tarantado :D .

I wanna learn ifyou like reading (and collecting) FHM magazines. I’m sure merong ibang girls na nagbabasa rin nito. Share your thoughts.

 

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Usapang Brip

 

“Para kang brief… kahit ilang beses bali-baliktarin, lilitaw pa rin ang sikreto mo.”

 

- The Air Prince

Inspired sa mga banat lines ng My Amnesia Girl (but sad to say, hindi ko pa napapanuod. Makahiram na lang ng DVD!)

Paalala: Wala pong masamang intensyon ang manunulat. Kung ito po ay para sa inyo ay bastos o nakakainsulto, maaari niyo ng lisanin itong pahina at magbasa na lamang ng ibang artikulo.

Nakakatawa :D Yung totoo, panty ba yun? Mukhang SOEN eh: panty ng masa :D Joke lang :D

Nag-ayos ako ng aking lagayan ng damit sa kwarto ko (alanganing sa kusina, muntanga naman nun). Napansin ko ang aking mga damit: yung iba nawawala dahil hiniram o “hiniram na nauwi sa pang-aangkin”. Samantalang ang iba ay may kalumaan na. At biglang umagaw sa aking atensyon ang nakita ko: mga nanahimik, malilinis, mababango, mga nakatuping mga underwear. Ayoko gamitin ang salitang salawal dahil parang sala-ula pakinggan :D

Say it with me. Underwear. I know, nararamdaman ko ang iniisip niyo. Marahil most of us  find it silly or risque to talk about while some of us would say wala lang sa atin ang pag-uusapan natin ngayon. May pagkasensitibo ang paksa pero isipin na lang natin na isa lang itong kapiraso ng tela na tumatakip sa ating private parts. At hanggang doon na lamang.

Okie, naging seryoso masyado tayo.

Ang gusto ko lang pag-usapan ay ang kondisyon ng aking mga underwear. Medyo may kalumaan na kasi dahil wala akong panahon para makabili ng bago (Weh, yun nga ba ang totoong dahilan?). Pero kahit may kalumaan, minahal ko sila parang syota ko (Okie ampangit ng analogy ko. Tama bang i-kompara ang salawal sa syota?).

Pero minsan hindi ko rin maiwasang mapansin ang briefs ko. Medyo maluwang na. Dahil yan sa Wear and Tear Theory (hindi nagtatagal ang mga bagay-bagay tulad MO! :D ). Dahil sa palaging paghatak sa garter (hindi naman ginamit sa 10-20 or sa Chinese Garter games) at dahil na rin sa maling paglalaba. Mukhang bacon briefs na sila (Ang bacon brief ay tawag sa mga lumang brief na ang garter ay masyadong banat na parang bacon strips).

Nagbiro ako sa Facebook at Twitter kamakailan lang, na ako ay nanawagan para magkaroon ng bagong underwear. Marami ang natawa dahil nakakatawa nga naman. Kaw ba naman, malimos ng salawal? Pero natuwa ako dahil may isa akong kaibigan na itago natin sa pangalang Underwear Donor ang may ginintuang puso para magdonate. Noong una ay akala ko nagbibiro. Ang simpleng biro ay nauwi sa katotohanan. Total, Pasko naman daw kaya hindi naman masama para magregalo ng bagong underwear. Ang masama yung i-regalo ang lumang underwear. Ano yun, nag-iintay gawing basahan? Haha :D

Nagpapasalamat ako kay Underwear Donor dahil isa siya sa nagpasaya sa aking malungkot na Pasko. At di lang basta-basta ang niregalo niya sa akin, from Bench Body pa! Ang cute ng design, astig!

Dahil sa kanya, may iilan-ilan ang nagkainterisadong magdonate sa akin. Baka kinabukasan ay umaapaw na ang bahay ko sa brief. Haha :D

Kung ako’y tatanungin, mas prefer ko yung brief or boxer brief kesa sa boxers (yung parang mini shirts). Mas prone daw sa luslos (hernia, scientific term) ang mga boxers pwera lang kung may built-in support sa… alam niyo na yun :D Kung may balak kayo magregalo, size 30-32 po ako at ayoko ng mga cartoon character designs. Ano ako, walking comics?!

Ewan ko kung matatawa ako o maiinis dito.

Para sa akin, mahalaga ang underwear at ang mag-underwear. Sa panahon ngayon, nagiging fashion statement ang pagsusuot ng mga ito. Sabi nga ng isang undergarment ad: Sexier than Nude.  Basta ang importante… 1) Huwag magsuot ng masikip; 2) Wash carefully; at 3) Iwasan ang Side-A to Side-B habit, kadiri naman :D

Ano, palumaan tayo? Joke :) Sa mga nagbabalak talaga, ipa-LBC niyo :D Salamat :D

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

Spread The Message, Not The Virus (World AIDS Day Special)

Gusto ko pag-aralan yung macho dancing moves ni Hayden Kho Jr :D

“I feel I’m doing the safe and right thing to do. My responsibility towards HIV prevention becomes a rewarding privilege. Wearing condom is not enough. So get tested!” 

— Toney Sevilla aka The Air Prince, multimedia artist, model coach, advocate

Voila! It’s December 1: the first day of the month, 24 days before Christmas Holiday. What will be the nicest thing to do but to celebrate also WORLD AIDS DAY! Nope, hindi ko sinabi na magsaboy tayo ng sakit. Tayo’y magdiwang para ipalaganap ang mensahe, hindi ang sakit :D

Ang inyong nakikitang litrato sa ibabaw ay mula sa Project Headshot Clinic’s special 3rd anniversary series, Project Headshot Clinic ACT. Layunin ng proyekto ni Niccolo Cosme, isang talentadong photographer sa bansa (anak siya ni Cesar Cosme, isang magaling na creative director sa tv networks), na bigyang diin ang kaalaman para iwasan ang sakit na HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mensahe kasabay ang mga litrato ng bawat taong kalahok (at masyado na akong nagpapakamakatha!).

Ang inyong abang lingkod ay mapalad na mapabilang dito sa HEADSHOT CLINIC. Few years ago nung ito’y nagsimula noong 2007 ay sabik na akong sumali ngunit dahil sa hiya at walang panahon, akala ko’y hanggang titig lang ako sa mga obra-maestra ng aking idol. Isang open-for-all application sa Facebook via Twitter ang naging daan upang subukan ang aking kapalaran. Sumagot ako ng isang katanungan ukol sa pakiramdam sa HIV testing. At dahil sa aking tapat na sagot, sinuwerte ako :D

Narito ang karagdagang kwento tungkol sa aking karanasan. Click here.

Break muna tayo. Grabe para akong nagtapos ng Bachelor of Arts Filipino degree sa super lalim ng Tagalog ko :D

Ayun. Hindi para maging vain or mang-inggit ang layunin ko. Matindi ang advocacy ko para sa HIV/AIDS prevention, though hindi naman ako sexually active. Yep, you heard me right. Kayo na maghusga sa sinabi ko. Pero malinaw na ako ay para sa safe sex.

Now that's what you call "CONDOM COUTURE" :D

At sino may sabing mas nakakalalake ang hindi magsuot ng condom? Mga parekoy, oo naiintindihan ko ang sentimyento niyo. Masarap ang walang balat (I mean, yung walang condom. Matakot ka kung walang balat ang inyong kambyo. Ano yun, skinless longganisa?! LOL) ngunit masarap pa rin ba ang pakiramdam kung kinabukasan ay nalaman mong HIV positive ka na? Mapalad ako na mapabilang sa kampanyang ito dahil somehow naging formal ang education ko about sa sakit. Before the pictorial, nagkaroon kami ng maliit ngunit makabuluhang usapan. Binigyang linaw ng mga invited spokesperson ang mga malalabong pananaw namin ukol sa HIV/AIDS :) Medyo natawa lang ako nung sa wearing a condom education segment. Pabirong magkakaroon ng actual demonstration (VOLUNTEER WAHAHA!) at muntik na rin isuot ang condom sa NAPAKALAKING mineral water bottle na nakita ko sa tanan ng buhay ko (na isa din sa mga sponsor ng event)! Pero alam ko naman kung ano ang correct way of wearing the rubber (BA’T KO ALAM?!) dahil sa aking extensive research :D Basta ang alam ko ang tunay na lalake ay responsable sa kanyang mga desisyon at actions :D Actually, it’s more than gender matters. It’s about human responsibility :)

Naalala ko yung first-time na pagbili ng condom sa convenient store. Super hiyang-hiya ako tapos ilang beses akong labas-pasok sa tindahan na akala siguro ng security guard ay memeber ako ng isang holdup syndicate :D Pero tinapangan ko ang sarili ko. After purchasing, I felt relieved. Parang bumibili ka lang ng candy. At teka bat ako bumili? Masama bang subukan at maging handa, aber? LOL

At dahil diyan, may ilang pointers din akong gustong i-share ang ABCs ukol sa HIV/AIDS prevention. No, hindi makakatulong ang withdrawal. Pang-bangko lang yun! Wahaha :D

  1. Abstain.
  2. Ano ang unang hakbang para sa prevention. Ano pa eh di pigilan ang tawag ng laman :D Huwag muna maging sex machine. Isipin na Mahal na Araw/Ramadan paminsan-minsan (uy, for analogy purposes lang po ah). Maraming mga bagay ang pwedeng gawin besides landing the airplane on the tunnel (na for me, ang weird nitong kid’s explanation dahil kelan pa nagpapark ang eroplano sa tunnel? Pwede siguro hangar para mas sosyal). At kung hindi makapagpigil talaga, ano silbi ng mga kamay mo? Be creative.

    Baka maging ganito ako habang buhay kapag nag-abstain ako. Ang tanong, virgin ba ako? You decide LOL

  3. Be faithful.
  4. Kung ikaw yung tipong mahilig magtanim sa iba’t ibang bukid, malaki ang chance mong makakuha ng sakit. Tandaan: walang sinasanto ang sakit na HIV/AIDS. Kahit sino pwede magkaroon, kahit ang Santo Papa. Ang HIV/AIDS ay isang contracted disease, meaning ito ay napapasa kung kani-kanino. Kaya papaano maiiwasan ang pagkahawa/paghawa ng sakit? Eh di stick to one. Be faithful, but don’t multiply. Joke :D Practice monogamous relationship.

     

    Sorry, marami akong asawa :D Joke :D

  5. Condomise.
  6. Isa pang magandang paraan para hindi makahawa/mahawa ay ang pagsuot ng condom. Hindi ko na kailangang i-explain ang condom pero para sa benefit ng lahat, hindi po ito plastic balloon or casing ng hotdog/longganisa. Ito ay gawa sa latex (usual material din sa mga surgical gloves, OPS OPS OPS! HUWAG GAWING SUBSTITUTE ANG GLOVES SA CONDOMS KAHIT NASABI KONG GAWA ITO SA LATEX!) at ginagamit ito upang 1) iwasan ang pagbuntis ng babae, 2) iwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS through sexual intercoruse, at 3) para maging cute ang ari ng lalake (HAHAHA, joke lang yung pang-3rd) :D Kaya I don’t see a moral sanction as protested by anti-RH bill. Hello, nasa 21st century na tayo and let’s act accordingly. Let’s not put ‘Be fruitful and multiply’ into a limiting mentality. At mamaya marami na akong death threats :D

    Ganito ang correct way to wear condom/s :D Joke :D

    Meron pang letter D kaso I forgot kung ano yun, pero isa rin sa best ways for HIV/AIDS prevention is to have yourself get screened. Don’t woory, it’s free, accessible, and most importantly, confidential :)

    For more information, puntahan niyo ‘tong site.

Ayun. Masaya at proud ako na nakasali sa campaign. Although nanghinayang ako dahil hindi man lang ako nagpakuha ng picture with Sir Niccolo (grabe ang admiration ko, parang diyos na no?) pero there’s always next time :D But the most important thing from my experience is that I learned a lot and it strengthen my principles as a person :)

What are your thoughts? Share them! Happy World AIDS Day!

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers