Category Archives: Photos

My Top 15+1… in random order

As of this writing, mamaya na pala ang Miss Universe 2011 sa Sao Paulo, Brazil. Kung naging mayaman lang ako by this time, nakabili na sana ako ng ticket para makanuod ng live. Kaya magtitiyaga muna ako sa TV at walang humpay na patalastas. Or maaari akong magtiis sa livestream sa internet.
Natapos na rin ang preliminary competition. Napanuod ko via livestream. At kahit pahinto-hinto tulad ng mga sasakyan sa EDSA tuwing traffic ang video streaming dahil sa kabagalan ng internet connection, sapat na ang ilang segundo para malaman kung sino ang mga hilig ko. May mga nakakatuwa. May mga nakakatawa. May mga nakakadismaya. May mga nakakagulat (in a good way). Sa madaling sabi, mahigpit ang labanan.

At narito na ang aking talaan ng mga paborito ko. Hindi ako missosologist para magbigay ng masusing komento ukol sa mga kandidata. Uy, denial. Joke. Basta kapag nakita ko na magaling maglakad, magdala ng damit, may confidence, maganda ang pangangatawan (stressed here), maganda ang mukha, may presensya, at may utak… pasok sa akin!

My Top 16 – 6, in random order:

16. Costa Rica

15. Spain

14. Ukraine

13. Mexico

12. Paraguay

11. Aruba

10. China

9. Angola

8. Puerto Rico

7. USA

6. Venezuela

And last… my Top 5. Sila ang pakiramdam ko ang makakalusot sa Swimsuit at Evening Gown round.

5. Greece

4. France

3. Australia

And finally, my Top 2 choices. Para sa akin, sila ang matinding magkalaban sa taon na to.

Malaysia

Philippines

Kayo, sino ang mga pambato niyo? Pustahan tayo! Teka makapagsangla nga muna ng baka. Haha. :D

Ang mga larawang nakalagay dito ay pagmamay-ari ni Patrick Prather at ni Darren Decker ng Miss Universe Organization, L.P. LLLP.

Hot like Mexico, rejoice!

The Missing Alice

For behind the scenes, go here. :)

“The Missing Alice”

Photography by Raecen Dimacali

Styled by April Japzon

Make up by Muriel Vega PerezGia Lalu

Hair by Boggy Diaz

Models
Marii Apelo
Rubie Ganzon
Jasmine Baker
Miel Nkanta
Toney Sevilla

Art Direction by April Japzon

Shoot Assistants
Alexis Ferrer
Ethan Zoreta
Lei Solas

Special thanks to Dancing Machine Philippines Studio & Cinerent









Salamat sa mga nakasama ko :) Sa uulitin :)

Hot like Mexico, rejoice!

The Missing Alice, behind the scenes

Sa wakas, pwede ko na i-post ito. Nabigyan na ako ng go-signal.

Last July 31, a month ago, naging bahagi ako ng napakasaya at napakaglamorosong fashion pictorial ng aking bagong friend na si April Japzon. Ito ay kanyang Finals project para sa kanyang Styling class under veteran supermodel Ms. Marina Benipayo (correct if I’m wrong, April) since nag-aaral siya sa School of Fashion and Arts.

Inimbitahan niya ako sa project niya ilang buwan na ang nakalipas. Willing ako tumulong since gusto ko rin makita at maging kabahagi ng pictorial (dahil isa akong training fashion photographer). Pero di ko inaasahang gagawin niya akong extra model. Nagulat ako pero hindi ako nagdalawang isip. Umoo kaagad ako. Binigyan niya ako ng ideas kung ano ang mangyayari at ano ang dapat dalhin. Mas lalo ako naexcite na magsusuot ang mga models ng designer clothes, at ako ay mapalad na makakasuot ng creation ni Mr. Gerry Katigbak. I was in cloud 9.

Pinaghandaan ko talaga ng husto ang pictorial. At dahil marami ang makakakita, ayoko rin mapahiya. Plus, pangarap ko maging model. Sa awa naman ng Maykapal, hindi ako masyado binisita ng mga pimples at naging malusog para sa pictorial. Nanghiram pa ako ng boots. At nanindigan ako sa turo ni Tyra Banks. Kaya nagpractice ako ng tinatawag na ‘smize’ habang nakaharap sa salamin.

Sa baba ay makikita niyo ang video ng behind the scenes ng pictorial namin.

At hindi ko pinalampas ang pagkakataong kumuha ng pictures. Alam kong hindi ko pa maaaring ilathala ang mga photos hangga’t wala pang pahintulot. Pwede kong ilabas after ng project presentation niya.

Pansamantalang binulabog ni Miss Hairstylist na si Boggy Diaz (left) ang malapugad na kinky hair ng aking apo na si Miel (right) para sa pictorial. No wonder na hanggang titig na lang si Tweety Bird.


Lights courtesy of Cinerent (kung nais niyo pong alamin ang contact details, hindi po ako ang tamang taong mapapagtanungan). Ansaya at sarap ng feeling pag nakakakita ka ng mga ilaw at ng mismong production set, lalo na pag kabilang ka sa models. Kung nasanay ako bilang isang photographer, this time isa ako sa kukuhanan. Don’t worry, hindi ako naging primo ballerina. Naging ballerina lang naman ako.


Ito ang makeup baggage ni Muriel Vega Perez (kaanu-ano niya si Vega ng Street Fighter?).  Kung tutuusin, hindi lang kit or baggage. Masasabi kong isang mobile makeup room ang dala niya. Pag bukas nito, animo’y may lumitaw na parlor sa harapan mo. Kumpletong-kumpleto. May ilaw pa. Sa susunod, may dressing room na kasama. Sayang wala akong litrato na kasama siya. Super kwela at nakakatawa si Muriel. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang registered nurse pero sumasideline siya as makeup artist din. At hindi basta-bastang makeup artist si Muriel: nakapagtrabaho at nafeature na siya sa mga magazine and production pictorials. (Tama na ang bola haha.)


Ito ang mga damit na susuotin para sa project ni April. Take note: designer clothes. Di basta-basta na damit. Nagmula ang mga damit kina Alodia Cecilia Sales, Pablo Cabahug, Chris Diaz, at sa mga sikat na sina THE Mama Renee Salud, Veejay Floresca (of the finalists of Project Runway Philippines, season 1. Ang ganda ng creations niya, pramis.) and si Puey Quiñones. Ang sinuot kong damit ay gawa naman ni Gerry Katigbak, isa rin sa mga hinahangaang fashion designers dito sa Pilipinas. Kaya halong excitement at kaba ang naramdaman ko dahil magsusuot ako ng isang designer menswear. Masaya dahil first-time at kinakabahan kung mabibigyan ko ng hustisya ang damit. Mahirap makulong. Joke.


Si Miel habang kinukuhanan ng picture ni Master Raecen Dimacali (both of them are my schoolmates). Parehong bilib ako sa kanila. Magaling magmodel at magproject si Miel. Top Model material. Si Raecen naman magaling kumuha ng litrato. Top Photographer material. Ako?


Ako at si Miel habang nagpapahinga. In fairness ang ganda ng lip color niya. Anong name? Chicken Curry Yellow? Sino manufacturer? Si Aling Maybelline ba? Ako naman ay gumamit ng sebo mula sa LM… Lucky Me Supreme La Paz Batchoy. Di lang makintab, may lasa pa.


Accesories courtesy of Mickey See. Yes, see the accessories by Mickey See. Wow, it rhymes. Andaya, bakit wala akong accessories? Sana kahit pwet ng baso pinasuot sa akin. Joke.


Shoot was done at Dancing Machine Philippines Studio near Uniwide Parañaque. Isa siyang ballet and dance school na nagtatago sa isang subdivision sa Parañaque. Noong una, nahirapan akong hanapin yung lokasyon ng pictorial at muntik na akong lapain ng asong tumatahol (natural, alanganing tumitilaok) sa kapitbahay. Aside from ballet paintings sa studio, nakita ko tong ballerina figurine na mukhang santo. Kulang na lang suotan ng damit at kabitan ng halo at aras. Medyo nakakatakot yung itsura ng figurine. Baka mamaya gumalaw.


Blocking (positioning and testing kung maganda ang itsura sa picture) by Raecen with Jasmine (seating, left) and Rubie (standing, right). Or baka may nakita silang ipis.


It was Rubie’s time to shine. Galing ah. Suot ni Rubie ang kulay Ruby na damit. Gawin itong tongue twister. Repeat until fade. Teka, pwede rin siyang si Rubi, ang bidang kontrabida.


Oh ha, oh ha. May label pa talaga ang damit ko. At natuwa ako dahil tama ang spelling ng palayaw ko. Hindi ako kumitil ng buhay, sa wakas. Dapat ay kukuhanan kami ng picture sa pintuan (hence, ‘door scene’) ngunit nagbago ang plano. Buti na lang hindi natuloy. Mahirap kuhanan ang mukhang pinto sa pinto. (Nilait na naman ang sarili.)


Pakiramdam ko humawak ako ng pilak (hindi talaga ginto, no?) nung nasa kamay ko na yung damit na susuotin ko. Dahil proud ako, kinuhanan ko yung label ng damit. Sana balang araw, afford ko na bumili ng mga damit na katulad niyan. Mas maganda kung magdonate kayo sa akin. Yung totoo, evacuee?


Astig tong coat-of-arms/insignia/whatever-you-may-call-it. Reminds me of Bench. And gusto ko yung texture ng damit. Bagay sa mga mamalimig na klima tulad ng opisinang wagas na wagas ang airconditioning.


Sa wakas, may makeup na ako courtesy of Muriel. Medyo naiinsecure ako habang minemakeupan niya ako kasi baka iniisip niya, nagmamake-up ba siya ng mukha o ng mukha ng buwan. May craters eh. (Nilait ang sarili.) Pero ang galing. Nawala ang mga marka. Hindi na ako mukhang buwan. Mukha na akong Jupiter. Salamat Muriel, RN.


At eto na nga. At dahil may pagka “Alice in Wonderland” ang tema ng shoot, ibinigay sa akin ni April ang karakter na White Rabbit. Ewan ko ba kung dahil ipinanganak ako sa Year of the Rabbit o mukha akong kuneho. Gayupaman, hindi naman literal na Alice in Wonderland. Isang inspiration lamang at isang fashion interpretation ang pictorial. Kaya wala akong tenga ng isang kuneho at naniniwala ang stylist na kaya ko i-feel ang personality ni White Rabbit. Kengkoy. Makulit. Muntanga minsan. Pero lovable.


Syempre di mawawala ang paborito kong pose: ang papogi pose. Di ko na pala kelangan ng rabbit ears. May rabbit nose naman ako. Leche, ang ganda talaga ng coat.


At kung inyong mapapansin at mapupuna, white stocking lang ang suot ko sa pambaba. Nakabrief lang ako sa pang-ilalim. Kung nakatayo, mukha namang palda kaya walang bahala. Pag nakaupo na ako, yun lang. Felix Bakat na. Ika nga ni Muriel… “Santolan Station, Santolan Station”. Pero cool nga eh, mukha akong aabay sa Royal Wedding. Kulang na lang ng unan, singsing, at aras, ringbearer na ako. And by the way, nais ko pong pasalamatan si ginoong Mech Serva sa brown boots na aking sinuot. Sarap mag boots. Pakiramdam ko isa akong cowboy na macho dancer. Salamat, Mech. I love you pare. Haha.


Change attire si Marii. Siya ang pinakastar at pinakakawawa(?) dahil sa dami ng wardrobe layouts.


Parang graceful flamingo na sasayaw ng Swan Lake. Galing ni Marii. Napakagraceful at effortless ng poses niya. And may pagkahawig siya kay Ina Raymundo.


Habang nagpapahinga at hinahanda ang susunod ni eksena. Mga bandang hapon na yan.


Antagal daw mamili ng damit si Marii kaya naimbyerna si saleslady. Joke. Ito ang shot ng model with the stylist para sa layout ng project. Syempre, di magpapatalo si soon-to-be Liz Uy. (Uy April, kunin mo akong Vince Uy ah. Ginawa mo na kasing Marc Nicdao si Raecen eh.)


Sinisigurado nila April, Raecen, at Ethan kung nakakuha sila ng magandang shot. At teka. Ethan, pose ba yan o makati ba pwet mo?


My anak, Lei, and Miel. Hands down to Lei’s support. Siya ang tagadocument ng mga nangyayaring kababalaghan sa pictorial. Siya ang tumulong at kumontak sa akin nung ako ay naliligaw sa kalsada habang papunta sa location.


Si April at Raecen with his totem-face expression. Bow ako sa inyong dalawa.


At syempre… hindi mawawala ang asaran at harutan sa likod ng pictorial. Meet the EaPril loveteam. Parang binisayang April lang. Mukhang mag-asawa: yung tipong kailangang magtanim ng palay si Eathan para lang sa wedding gown ni April. Kasalukuyang nilalanggam ako habang tinatype ito. Bigyan niyo ak ng Baygon. Gagawin kong pabango.


Ang finale. Namangha ako sa ganda ni Marii at sa damit niya na mala-wedding gown (uy, walang malisya sa paghanga ko ah). Bongga yung gown na tipong pwedeng ipantapat sa wedding dress ni Kate Middleton. Mahaba ang train, tipong aabot ng EDSA at pwedeng sumakay ang mga abay. Di ko lang nakuhanan ng picture na nasa ilalim si April.

Too bad wala akong picture habang kinukuhanan ako. Pero imagine kung gaano ako kainspired at masaya habang naging bahagi ako ng photoshoot. Salamat talaga, April. Salamat din sa mga nakasalamuha ko. Sa uulitin.

Ilalagay ko sa ibang blog entry ang finished product dahil ayokong magreklamo kayo sa tagal ng pagload at haba ng blog entry na ito. Here’s the link of the photos! ^_^

Hot like Mexico, rejoice!

Explorers’ Club General Assembly 2011

I had a hectic but wonderful Wednesday this week. Wonderful like Wonder Woman.:D

Ngeee… korny.

Anyway, jampacked ang itinerary ko last July 13. I planned to visit 3 events on that day after work: Japan: Kingdom of Characters at Metropolitan Museum in Manila, Bloggers’ Congress at De La Salle University, and Explorers’ Club General Assembly. But after reading reviews about the 1st one, I decided to scrap it off from my planned lakad.

How did I suppose to attend 2 events if I have work? Buti na lang my schedule is flexible. I had an assignment to finish that day so I went to the office just to finish it. May pahabol pang fix-up yung boss ko so ginawa ko na rin (hurray for an obedient employee!) and then I ate my lunch na rin sa office.

I’ll post a separate entry about my experience at Bloggers’ Congress soon.

As much as I can, I always look forward to attend any Explorers’ Club events, because the organization is very close to my heart. Katabi ng lungs ko. Joke. Bilang isang ‘lifetime’ member (ayon sa aming faculty adivser na si Ms Mynne Dacoco) and a former officer, kahit graduate na ako sa APC, suportado ko pa rin ang club na itinuring kong pamilya sa school. And hey, ansarap kaya ng feeling na kabilang ka sa isang org na astig, dakila, at totoo. 7 years old na pala ang Explo. Ayan, namimiss ko na rin ang mga co-officers ko na sina Rain (ex President), Dennis, Jo, Narriel, at Miah. Time really flies.

Anyway, nakarating ako ng general assembly mga around 6 pm. Blame the rush hour, LRT, traffic, and those jeepney drivers sa Pasay Rotonda na masyado picky (pag narinig nila na bababa ako sa Shell Magallanes, di sila pumapayag). Pero I just arrived on time pala. Late na nag-start yung program (which was supposedly 4 PM ang start). The theme was pajama party and I didn’t bring my own attire since hassle para sa akin. And I’m naked pag natutulog ako. JOKE :D

I saw some new faces aside from my friends/co members in their sleeping, or shall I say ‘hospital’ outfits :D . Hindi ko sila kilala pero I tried to join with them. Idagdag pa ang comic tandem ni Bassil Dones at Johndel Tubo sa napakalakas na sound system setup. Kahit sumakit ulo ko dahil sa migrane, I found myself laughing so hard. There were also special intermission numbers by APC 2011 runner-ups Alden Policar and Belle Dinglasa, the Mash-up masters (ibigay niyo kahit anong kanta, kaya nila itimpla yan. Di na kelangan i-blender. Haha!) and also by 2 guys who I forgot to ask their names.

Also present in the event was Lei Solas, my anak and also a former President. Sana naman next time, makapunta na yung ibang former officers (nagpaparinig hehe). :)

Hindi nawawala sa tradisyon ng Explo pag may general assembly ang mga group cheers. Hindi ko makakalimutan ang SLEEPYHEADS ni Joemar de Vera. Plus, nagkaroon pa ng PLANKING demonstrations na naging medyo malaswa tignan. Haha!

Of course, hindi mawawala ang kainan. I found out that most of the members ang nagdala ng food. Nice :) Masarap yung food. Lasang food. Joke. Nakakain ako ng pancit, tinapay, puto, at biko. Yung mga ice cream medyo natunaw kaya sayang (pero humingi ako para iuwi haha!). Then may konting games. The first one was palambutan ng talong. Uy, double meaning. Literal na talong talaga. Participants is composed of a boy and a girl. Yung girl ang magpapalambot habang hawak lang ng guy yung talong. Looks naughty pero nakakatawa. And I had the chance to join! Nanalo pa with another pair :D Ano ang technique? Just rub it nice but firm. Haha! And last game was yung BABOY BAHAY BAGYO (correct me if the order is wrong). Hirap i-explain dito yung mechanics pero super laughtrip at gulo. Very similar yung game sa The Boat Is Sinking. :)

I had my own camera but unfortunately, I only got few shots kasi most of the time nakikipagkwentuhan ako and tawa ako ng tawa. And medyo blurry. So I grabbed some photos and made a slideshow for you to see. Photos courtesy of Johndel and Tsarm.

This slideshow requires JavaScript.


 
Here’s the induction of new officers of APC Explorers’ Club
 

 
Eto yung BABOY BAHAY BAGYO game :D
 

Salamat sa pag-imbita sa akin lalo na sa mga officers. Kahit *ubo ubo* former member ako (sabi ng iba ancient daw, mga ina niyo haha!) eh napapaunlakan akong imbitahan. I feel honored to be part of the club’s gathering. Hopefully if there’s another event, makapunta ulit ako to support you, guys. I’m wishing na tuluy-tuloy ang kasiyahan at pagiging active ng lahat. Pag lahat active, lahat masaya. At dyan nagsisimula ang friendship, isa sa layunin ng Explorers’ Club. Kung tutuusin, yung ngayon batch ang pinakamakulit pero super saya. Kasing kulit ng mga kiti-kiti. Joke :D Basta more power and may Mang Danny will guide our trip (ginawang diyos ang driver ng Explo bus? Haha) Just for Explo. :)

Hot like Mexico, rejoice!

P.S. Always take note. It’s EXPLORERS’, not EXPLORER’S :)

TOYCON 2011

BABALA: Long post dahil sa dami ng pictures :D

Actually biglaan lang ‘tong plano na pumunta ako sa TOYCON 2011 sa SM Megamall last June 18. I saw an event invitation sa Facebook then I thought if I would go. Then I learned that my friend Stone was going kaya sumama na rin ako. It’s my first time to attend such event and I had fun though not too satisfied. Napuntahan ko lang yung 1st day kasi I got no enough funds for the 2nd day. Plus, 150th birthday ni Jose Rizal (so invited ako, ganun?) :)

I arrived there at around 3 PM. Wrong strategy ako because I took a bus from here at Sucat para derecho sa Ortigas. Eh inabutan ako ng traffic sa EDSA Guadalupe. Kaya I just took an MRT ride towards Shaw Boulevard.

Tapos I texted him na nandun na ako sa labas ng Megatrade Halls. Super dami ng tao sa 5th floor. Parang premiere night ng isang blockbuster anime film ang atmosphere, na nakawala ang mga characters at nagloloitering lang sa paligid. Mukha akong callboy na nag-aabang sa tabi ng elevator habang naghihitay ng reply sa text. Then James, another friend of ours, emerged from the crowd, sporting a clean cut. Inabot sa akin yung ticket (thank you dahil kung hindi, pipila pa ako na parang pila lang sa NBI habang kumukuha ng cleaance). Then we headed inside.

Here are some of the pics I took inside the halls.


Cosplay event on the end part of the hall. Dumerecho ako rito kasama sina Stone, James, Nami, (I forgot the name nung isang friend nila). Tapos sumunod si Ivan. Medyo antagal mag-start yung program, kaya nakapag-mini photography seminar pa ako kay James :D .


Too many people inside the hall. Mapa lalake, babae, bata man o matanda, may ngipin man o wala. Parang premiere night :D .


Kahit sa labas at gabi na, madami pa ring mga tao.


a

Laki talaga ng butas ng ilong ko. Si kuya (left) nagkukutkot na ng kuko at si kuya (right) inaamoy na yung lanyard pagkatapos sipsipin kasi super tagal mag-start ng program :D


YEHEY! Start na ng cosplay! SAYA KO! *sarcastic*


Behold, the Cosplay Goddess of the Philippines, Alodia Gosiengfao.


Alodia with a famous cosplayer from other country (with an interpreter. Naks, Ano to? Miss Universe Final Q&A?) I feel bad kasi most of the audience made fun of the interview portion, lalo na when the guest spoke of her native tongue which is Mandarin. Syempre, jinojoke ng iba yung pagkaMandarin niya, like ching-chong-ching-chong.


Sorry, cosplayer fans. I forgot who he is. Kahawig niya si Dustin Celestino, one of part time professors at APC.


And also present is Gaby dela Merced. She looked natural, simple, unglamed, pero gorgeous pa rin. Di ata nakapag-ayos dahil mahirap magmake-up habang nagka-car racing :D


Ilang manok ang naging biktima para lang magaya yung pakpak niya?


Okie, after nagsimula, nakalibre kami ng misa. First reading daw. Joke :D


Eto ang napala ni Scarecrow pag iniwan sa taniman/palayan. Pinapapak ang ani. Ayan, overweight na :D


Kung may Mean Girls ang Japan, ito siya. What are beaches for, but to bitch around with fellow bitches. *snap* *snap* :D


Si kuya ata bahagi ng demolition team na pinigilan nang nanapak ng sheriff si Davao City Sara Duterte. :D


In fairness ah, may effort itong costume na ‘to. Ilang ink cartridge kaya ang naubos para i-print ang costume niya? Joke :D


Oha oha. Talbog si Babaylang Ida ng Shaider. :D


Lara Croft cosplayer. Take note: pati ang pouty lips ni Angelina Jolie, kuhang-kuha niya. Haha!


Kelan naging part ng O plan: Iwas Dengue si Green Lantern? Balak ata pausukan ang MegaTrade Hall. Ano kami, lamok? :D


Cute Chubby ay este Chibi Sailor Moon. Nakakagigil ang baby fats. Sana paglaki niya, wala na yung baby fats. Baka mapabilang siya sa Biggest Loser Pinoy Edition :D .


Pacute. Japan-Japan pose. Next… joke :D


Iyan ang gusto kong pakpak. Parang pakpak ng anghel. Pwede siya maging statue sa mga simbahan, yung may hawak na planggana tapos isasawsaw mo dun yung daliri tapos magsi-sign of the cross ka :D .


Diba sa One Piece ito? Monkey de Lufee ba? Tilian ang mga babae from audience nang lumabas ito. Nabalitaan ko bago siya pumunta ng SM Megamall, tinapos niya muna araruhin at tamnam yung bukid nila :D . Buti di niya sinama yung kalabaw. Joke lang :D


Maria Makiling, is that you? Joke :D


M Bison ng Street Fighter? I dunno.


Sakura Card Captor :) Cute siya, in fairness :)


Oha oha. Pumo-posing pa si kuya.


I’m not sure pero di ba sa Final Fantasy ‘tong character? Pero ang cute nung bata. I wonder kung ano feeling ng mga batang pinapagcosplay ng mga magulang nila. Gusto nila or napipilitan lang ba sila? Joke :D


Parang si James Bond lang.


Green Lantern na mukhang pininturahan ng Boysen Green Paint. :D


Di ata maganda na sumayaw ng Wonder Girls’ Nobody ang isang Metal Hero. Oh sorry, he’s just doing some action moves. Buti na lang hindi natamaan ang microphone stand.


Grabe si Alodia. Sosyal. May bouncers/bodyguard pa na bumabantay sa kanya kahit pupuntang CR lang. At nakabarong pa. At para safe ang cosplayer goddess, nagpadala ang SM ng additional security men, in this case, sniper shooter. Ah sorry, cosplayer pala rin siya :D


One of my faves. Super cool nitong batang ‘to. As in yung mga improvised props, nakakamangha. Plus, magaling siya magcosplay kahit bata pa lang siya :)


I forgot kung sinong character ‘to basta from Death Note. Yung nagpapanggap na Kira.


May kamukha siya from our school (kamukha ni Marielet, di ba SoE peeps?) Other than that, cute siya in fairness. Di ko lang ma-gets kung musical instrument pa yung hawak niya, oversized na pana, or ninakaw na bumper ng sasakyan :D


Di ko kilala kung sino mga kinocosplay nila pero I find them cute. Parang mascots lang ng fastfood chains. I’m sure after the event, nagdurusa sila sa init habang sinusuot yung galaking mga headpieces.


Kung gusto niyo pong paputol yung mga puno sa harapan ng bahay, maaari niyo pong tawagan ang batang ito. Joke :D


Another Chibi Sailor Moon cosplayer. Grabe, ANG CUTE NIYA (lalo na dito sa pic!). Halos buong audience namilipit sa kakyutan niya :D


Mukhang blades yung pakpak niya. Delikado pala maging kalaban to. Baka ma-tetano :D .


I’m not sure kung character ‘to sa DoTA. Hindi naman kasi ako fan ng computer games, iba kasi nilalaro ko…. Angry Bird (walang ‘s’) LOL HAHA! Joke lang :D Kidding aside, kung siya nga yung character from DoTA, ok rin yung pagkakacosplay niya, may dialogue siya from the game kaya naghiyawan yung crowd.


Lupet din nitong cosplayer. Babae pero nag Gundam costume. Mukhang pinaghandaan talaga yung event at di biro yung pagkakagawa.


Darth Maul and another similar character from Star Wars. Eto ang tinatawag na espadahan :D


Another Gumiho cosplay. Nahiya pa si ‘teh. Mukhang paa ng malaking tarantula yung buntot niya :D


Antulis ng sungay niya. Katakot. Pero astig yung armor costume niya :)


Iron Man ba or someone else? Di ko sure pero astig yung weapon niya. Umiikot talaga parang machine gun.


“Kami ang Power Rangers, at uso sa amin ang Felix Bakat!” :D Ok sana kaso nakulangan ako sa kaastigan lalo na nung may weapons na sila. Parang nagpapractice pa sila.


Laughtrip ‘to. I’m not sure kung Yakitate Japan or Baker King ang kino-cosplay niya. “Masayang Tinapay!” May bitbit pa siyang French Bread (not in the picture). Yung totoo, akala ko Japanese, tapos yung tinapay French? Ano ba talaga, kuya? Joke :D


Naiimagine ko na pag napabayaan sa kusina si Hard Gay. FUUUUUU :D


Di ko makakalimutan ‘tong part. After niya mag-cosplay as Green Lantern, nasira yung sound system ng event (for about 2 minutes). Grabe talaga powers niya ‘no? :D


ANG CUTE NITO! Kuhang-kuha niya yung pagka-Detective Conan :) Pwede ito i-train sa Philippine Azkals :D . Pag nagkataon, ang bright ng future niya. Expected na may billboard na rin siya sa EDSA Guadalupe na naka underwear lang :D .


Another My Girlfriend is a Gumiho cosplayer. Di ko alam kung lalake o babae siya.


Ibang klase si ‘teh. High fashion kung high fashion. KUTUR NA KUTUR. Talbog ang mga becky sa mga Miss Gay pageant sa mga baranggay :D


Skit of Captain America (left) and Red Skull (right). Sabi ni Red Skull, “Isang bala ka lang, patay ka na.” Sabi naman ni Captain America, “Isang kaldero ng kumukulong tubig ka lang… nilagang butu-buto ka na.” :D


“KUYA! Huwag kang magpakamatay! Mahal ka pa ng pamilya’t anak mo. Mapapag-usapan pa natin ‘to!” (Joke)


Akala ko cosplay event? Ba’t andito si Stone Cold Steve Austin? Haha!


Oha oha. Ang angas nung bata, kasing angas ng costume niya.


At di lang foreign characters ang ikinosplay sa ToyCon 2011. Merong nag-cosplay ng Amaya! Ok sana kaso mukhang sinipsip ng kambal niyang ahas yung dramatic skills niya :D .


Female Predator. Bakit, may bakla bang predator? PAK


Zoids na muntikan ng maaksidente sa stage. Pero astig din.


Ewan ko pero parang joke time ‘to. Nang-aasar lang ata or walang magawa sa buhay. Spiderman daw. Eh parang bumili lang ng materials sa National Bookstore nung mismong araw ng event tapos ginawa sa Food Court bago umaykat ng MegaTrade Hall. Hahaha! Joke :D Pagbigyan na natin si kuya :) .


I’m not sure kung si Chi ‘to from Chobits. By the way, maganda yung Chobits. Bukod sa maganda yung story, pasimpleng hentai pa. Haha joke! :D


Parang si Manny Pacquiao lang ah. :D


Lupet nito: Optimus Prime from Transformers. Grabe astig talaga. Kaya yung size niya, napaka-optimus din, di nagkasya sa daanan :D Pero kidding aside, it’s one of my favorite cosplayers. Very detailed yung pagkakagawa at talagang nakuha niya yung attention ng crowd (Ikaw ba naman, anlaki-laki mo, di ka pa mapapansin?) :D


Isa pa ‘to. Agaw eksena sa event. Another robot cosplayer. I wonder kung diesel or biofuel ang gamit nito. Gusto ko i-lobby sa mga organizers na next time, apat environmental friendly na ang cosplay event :D


At eto ang surprise. See the guy on the right, yung nagkocosplay ng Yugi-Oh? I’m sure kilala ‘to ng mga taga-APC, lalo na yung mga nakanuod ng APC Cosevent. Presenting Julian Solon :D Don’t worry, di siya nag-dive sa sahig :D

————————————————————————————————————————————————–

Sadly, I wasn’t able to roam around the convention to see exhibits, stalls, kiosks, and other exciting gimmicks kasi we don’t have enough time. And super dami ng tao. Nevertheless, I enjoyed watching the cosplay event kahit di naman ako masyado anime fanatic (though I can recognize some of the characters). The event ended at around 7 PM and the gang decided to eat at food court na lang. Pagdating namin sa food court, hanggang doon may mga cosplayers pa rin. Kaya yung ibang tao parang hindi sanay na makakita ng ganun. Akala nila napaaga ang Halloween costume party :D Syempre, gutom na gutom ako kaya galit-galit muna habang kumakain. Then kwentuhan at asaran habang nagpapalipas. Hindi na kami nakabalik sa MegaTrade Hall dahil tinamad na kami. I arrived home around 10 PM.

Thanks to Henry Stone, James Macaspac, Ivan Mordeno, and the two friends (I forgot their names, sorry). See you next time at TOYCON event :D

Hot like Mexico, rejoice!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers