Category Archives: Pets & Animals
I Miss You, Bebeng
Ngayon lang ako nagkaroon ng tapang at gana para isulat ito.
Bukas ay dalawang linggo na ang lilipas bago pumanaw si Bebeng, yung alaga kong kuting na halos isang buwan pa lang ang edad. Hindi namin inaasahan na mangayayari yun sa kanya. Masyadong maaga. Kaya lubos na malungkot ako nung nalaman ko ang balita na wala na siya
.
Napakasaklap at nakakagulat nang nawala si Bebeng. Napakabata pa niya. Naaalala ko pa yung panahon na napulot at iniligtas ko siya mula sa ilalim ng nakapark na tricycle habang papunta ako sa kalapit na sari-sari store. Maulan nun at mabasa’t maputik ang kalsada. Nakarinig ako ng iyak ng isang kuting… di basta-basta iyak kundi iyak para sa kalinga. Kaya nakonsensya ako. Nung una, nagdadalawang isip ako kung iuuwi ko dahil ayaw ng ermats ko na mag-alaga kami ng pusa sa bahay. Kung hahayaan ko naman, kawawa naman. Pero sinunod ko ang nararamdaman ko. Iniuwi ko siya at binigyan ng kaagarang lunas. Ipinangalanan kong “Bebeng” dahil natagpuan ko siya nung kasagsagan ng bagyong Bebeng, tanda ng araw ng di inaasahang pangyayari na magtatagpo ang landas namin.
Marami akong natutunan nung dumating sa akin si Bebeng. Natutunan ko magmahal. Iba man ang pagmamahal ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko (at sa mga ‘nilalandi’ ko), itinuring ko siya as ‘special someone’. Naniniwala ako ng ang love is for any forms. Kung ang iba nga kaya magmahal ng mga asal-hayop, paano pa kaya ang hayop mismo? Joke. Kahit alam kong higher form of animal specie ako at ang alam lang niya ay mag-meow at dumumi kung saan-saan, I felt a strong connection from Bebeng. Ipinaglaban ko ang pag-aalaga ko sa kanya. I explained my reasons to my Mom and I promised to manage her well. At di nagtagal, unti-unting napamahal na rin si Bebeng sa family ko.
Natutunan ko maging pasensyoso. Aminado ako na madali uminit ang ulo ko. Kaya huwag na kayo magtangka, baka mamaya may death threats na kayo. Nang dumating si Bebeng at inilagaan ko siya, nahirapan ako. First time ko kasi mag-alaga ng pet kaya wala ako masyado alam na basic knowledge about cat care. Humingi ako ng payo sa mga kilala kong cat owners (kay Miss Jona Baquillas at kay Rachel Mutia). Syempre, ano pa saysay ng Google? Dahil interesado ako sa pag-aalaga, nagresearch ako ng todo. Kahit napakahirap maghalukat ng ingredients para sa KMR (Kitten Milk Replacement, di pwede ordinaryong milk ang ipapainom mo sa mga kuting) at ipadede gamit ang syringe (syempre walang needle) sa kanya, hindi ako nagreklamo at hindi ako sumuko. Besides, napakarewarding panuorin kung paano magpadede ng isang musmos na kuting. Pakiramdam ko anak ko siya. At kahit kumakalat ang dumi at ihi sa kinalalagyan niya, hindi ako nagreklamo. Wala akong magagawa kundi linisin ang kalat kesa sa pagalitan at magreklamo sa kanya (na hindi naman ako naiintindihan).
Narealize ko kung gaano ako ka-blessed because of Bebeng. Matindi ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan. I almost gave up but something life-changing experience happened in my life this past summer. Dahil kay God, napawi din unti-unti. Naging ok ako sa family ko and finally nakagraduate na rin ako sa college. Isa sa mga blessing na natanggap ko ay si Bebeng. Siya ang naging instrumento ko para maunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid ko. I felt blessed having her. Imagine your mornings when you see a kitten staring at you and then suddenly winks. Cute di ba? And everytime I’m in bad mood or stressed, she’s my stress reliever. I believed God brought a reason why I should enjoy life to the fullest. And that reason is her.
At this point, I still don’t know why she passed away so soon. Probably, parasites, according to my sister-in-law. But it is so heartbreaking to lose someone who you loved so much. And I cannot forget that moment. Nung araw na iyon bago mangyari iyon, last day ko sa training ko sa animation company and I was about to be evaluated for the last time before it could accept me. Sobrang kagalakan nang sinabi sa akin ng boss ko na OK ako sa training ko and I could start working the next day as soon as may available workload na para sa akin. Few minutes later, I came back to my table to text everyone about the result. Then, my sister texted me that Bebeng was gone. Biglang huminto yung mundo ko. Seryoso ba siya o niloloko lang niya ako? Totoo daw. At dahil dun, umuwi kaagad ako kaagad. Nung dumating ako sa bahay namin, nakita ko nakahiga siya sa lumang blouse ng ate ko na ginamit ko sa kanya nung una ko siyang nakita. Matigas na ang katawan. Nakadilat ang mga mata sa kawalan. Hindi na humihinga. Nilalanggam pa ang isang mata. Kinuha ko at hinimas ang katawan niya habang tumutulo yung luha ko. Super sakit nung feeling, sa totoo lang. Madami ang nagulat sa pagkawala ni Bebeng: yung mga batang pamangkin ko, parents ko, mga kapatid kong mas bata sa akin, pati yung mga friends ko. Ambilis daw kasi. Parang kailan lang, kakaampon ko sa kanya. Kahit yung isa kong kuting na si Chedong, nawalan ng gana para kumain nung gabi na wala na si Bebeng. At nakadapa sa basahan na usually hinihigaan nilang dalawa, ng malungkot.
Inilibing ko siya sa paso na may halaman, tanda na lagi ko siya maaalala at para hindi masayang yung buhay niya, kahit mapunta man sa ibang anyo.
Salamat Bebeng sa lahat. Kahit naging saglit ang ating pagsasama, nagpapasalamat ako dahil andami nating pinagsamahan. Mamimiss ko ang mga iyak mo, yung mga oras na magtitimpla ako ng espesyal na gatas para sa iyo, yung pinapadede kita, yung ginawan pa kita ng heat setup para mainitan ka, yung pangungulit mo kay Chedong, yung tumatae ka kung saan-saan, yung maglalaro ka sa harap ng salamin na akala mo ibang pusa yung reflection mo, yung hahanapin ka nila ermats at erpats dahil di ka mahanap dahil super liit mo, at marami pa. Namimiss na kita. Namimiss ka na rin ni Chedong.Kung nasaan ka man, sana pinapakain ka dun at inaalagaan ka. Lagi kang nasa dasal ko. Pero alam kong naririto ka, bilang isang anghel
Rest in peace, Bebeng. We love you so much.
The Air Prince
Chedong
Hindi ko alam kung bakit ngayong taon, kung kelan umuulan, andaming naglipanang mga kuting dito sa amin. Dinaig pa ang mga palaka at mga gremlins. Haha.
Almost 3 weeks ago, I received another orphaned kitten. It was twice as big as Bebeng, my first pet kitten (click here kung paano ko natagpuan si Bebeng), and has orange fur, and was crying. Kung gaano ka-unexpected na dumating sa buhay ko si Bebeng, ganun din yung feeling ko nung binigay sa akin ng pamangkin ko yung 2nd cat ko. At first, I thought my nephew was joking at me. He brought me the kitten in a box while it was raining. Gabi nun so I was readying myself before going to bed. Medyo nagdadalawang-isip ako kasi baka may nanay na naghahnap sa kanya at kung kukunin ko, baka mahirapan lang ako sa pag-aalaga. Pero dahil nakakaawa yung itsura nung pusa, kinuha ko at pinainom ng natirang formulated gatas ni Bebeng
.
Nahirapan akong i-determine ang kasarian nung bagong pusa ko. Di umumbra ang boy-girl-bakla-tomboy-butiki-baboy-tyanak-unggoy technique and underdeveloped ang sex organs nung pusa. Huwag kayo mag-alala, walang malisya habang sinusuri ko ang ari ng kuting. But thanks to Google, I finally found out that the kitten is a boy. At dahil ipinangalan ko ang una kong pusa sa bagyo, I named my newfound kuting as “Chedong”, derived from upcoming typhoon “Chedeng” at that time.
Chedeng is older than Bebeng according to his size. Evident naman eh. Developed na yung teeth niya atminsan nakakakain na ng almost solid food. He can climb up on the bucket which I made as their temporary cage so minsan nakakatakas at sinusundan ang sinong makita niya. And he can run fast! Pwedeng pang track & field
.
Medyo nagstruggle ako kay Chedong. He demands more attention and milk than Bebeng. Unlike Bebeng who is quiet and tamer, parang may tantrums si Chedong. Pero di ako sumusuko para lang sa kanila. I’m happy dahil tanggap na ng family ko na nag-aalaga ako ng dalawang pusa and they even interact with them
. They support me in taking care of my two lovely kittens kahit nangangamoy mabaho ang paligid at maingay ang mga kuting ko. Sometimes I even instruct my mom or my siblings if they can take care of them while I am away. Ok lang naman sa kanila. Besides, they are my stress relievers kahit nakakastress habulin si Chedong
.
So far, he is in good terms with Bebeng. They’re like magkapatid. Kahit makulit at pasaway si Chedong, I still love him like how I love Bebeng. Looking forward to see them grow up
Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince
Bebeng
Sa totoo lang, hindi pa nakakaalis si Bebeng sa Philippine Area of Responsibility . Nasa kwarto ko siya. Natutulog. (Wow, parang keridang natutulog lang sa kama ko eh haha!)
BTW, my prayers to all those who are affected by Typhoon Bebeng. God will be good.
I’m referring to my newfound love. A pussy… kitten
. Felis catus. Nakita ko siya last Sunday evening (May 8 ) habang bibili ako ng Bread Pan sa malapit na sari-sari store (grabe, detailed ng kwento ah, pati kung anong binili, sinabi pa hehe). Kasagsagan nun ng bagyong Bebeng kaya maulan at basa ang kakalsadahan sa amin. Maingay ang mga tricycle at jeep na sakay ang mga pauwing pasahero. Habang palapit ako sa tindahan, nakarinig ako ng ingay. Hinanap at sinundan ko yung iyak. Salamat at akala ko tiyanak ang nakita ko. Natagpuan ko ang isang kuting na super payat at nanlalamig. Feeling ko iniwan o naiwan siya ng nanay niya. Nung una nag-iisip ako kung ano gagawin ko kung iuuwi ko ba o itatabi ko dahil baka malampirot ng mga gulong kung biglang tumawid iyon sa kalsada. Matagal ko na kasing gusto mag-alaga ng pusa (I’m a cat person kasi) however nagwoworry ako sa parents ko lalo na sa ermats ko. Ayaw nila sa pusa
. Pero yung iyak niya nakakaantig talaga kaya inuwi ko rin siya. And don’t worry, di ko nakalimutan. Bumili pa rin ako ng Bread Pan sa tindahan
.
It was all accidental and unexpected. I was not ready but I did all to give the poor kitty urgent care. I consulted the internet for tips and advices for orphaned kittens. I even asked Ms Jonna Baquillas (who owns two lovely cats named Qish and Rue) for help and she immediately responded (salamat po, Ms Jonna
). She gave me useful links. First thing I looked for was a box to contain the kitten. Eh dahil biglaan nga, nakakita ako ng lumang balde ng Sunrise Lard at doon ko muna siya nilagay. Tapos naghanap ako ng lumang diyaryo at lumang damit (sorry sa ate ko, naging sapin yung wool blouse niya, pero don’t worry, luma naman).
Cute niya no? Sobrang liit niya na parang pag hinawakan mo baka malampirot. Dahil natagpuan ko siya nung kasagsagan ng bagyo, pinangalanan ko siyang Bebeng. Actually, planado ko na yun na pag nagka-alaga akong pusa, mga Tagalog names na associated sa air/wind o hangin ang ipapangalan ko (dahil nga ako si The Air Prince). I actually thought “Amihan” (named after Iza Calzado’s famous character from Encantadia) at first pero dahil napakamemorable ng pagtatagpo namin, I chose “Bebeng”

Dahil hindi maaaring i-implant ang gatas sa akin, I used a syringe. Kesa gamitin ng mga addict, gamitin na lang sa pagpapakain sa mga kuting. Don't worry, it's HIV-free
One of the most important things about taking care of an orphaned kitten is what will be fed on it. Honestly, nahirapan ako rito dahil I learned from what I read na hindi pala pwede ang cow’s milk lang dahil baka magsuffer ng diarrhea ang kuting (cow’s milk contains lactose that cat’s don’t have proper enzymes for breaking down the sugar compound from the milk). So I must make my own KMR or Kitten Milk Replacement. Feeling ko nagrereview ako ng Chemistry at Biology para sa veterinary board examinations
. I consulted for the recommended concoctions on the internet and had a hard time making one. I had to find alternative ingredients since most of the stuff couldn’t be found in our kitchen. Ayun, I made my own KMR consisting of sterilized milk + yolks of eggs + tiny drop of palm oil + tiny drop of infant multivitamin supplement. The smell is kinda rancid (WOW, WORD OF THE DAY, MGA KAIBIGAN!) because of the yolks and vitamin syrup but I need to feed Bebeng. Medyo nahirapan ako magpakain kasi I only relied on syringe (don’t worry, hindi kasama yung mismong needle, ano siya, drug addict???) and it has no nipple to be sucked on. There are times na naggagag siya pero eventually I learned how to feed her properly. And take note, regular feeding! Minsan, I woke up early morning just to feed her. Naks, tatay na tatay na ako haha!
I also made her feel warm since she needs it in order to grow and feel comfortable. Aside from usual hot compress (thanks to my sis nurse at may silbi ang mga extra hospital gamit niya), I use desk lamp to keep her warm. Don’t worry, pinapatay ko naman yung ilaw pag medyo mainit na. Look, she’s so tiny!!!
And also the challenging part: making her poop and urinate! I learned the technique by stimulating the are where her private parts and anal area are with a piece of moist cotton (to mimic the way the mother cats licks that part). Alanganin namang dilaan ko rin yung pwet niya? That’s gross
.
I even decided to bring Bebeng at a vet. I looked for vet clinics nearby but I couldn’t decide. Good thing, I asked Rachel Mutia for help since taga BF Homes Parañaque siya and also a cat owner din, She recommended Happy Hayop located inside the village and luckily pupunta rin siya nun. So I said sabay na lang kami pumunta at para makita ko rin yung alaga niyang pusa na si Fuzz. The next day, I was so excited that I left the battery of my camera (para mapicturan ko si Bebeng habang nagpapacheckup) and arrived too early. I was shy at first but Rachel insisted I must go inside dahil mainit (oo nga naman, maiinit talaga). The people of Happy Hayop was very accomodating. I forgot the name of the lady who assisted me and gave advices. Anyway, she told me proper care tips and adviced me to bring Bebeng again after 3 weeks kasi she’s too young pa. And the best part is I wasn’t charged at all! Free consultation
.
Anyway, medyo nag-aadjust pa rin ako dahil nga may inaalagaan na ako. Pero it’s a good way to practice parenthood. Habang wala pa akong sariling pamilya, mag-aalaga muna ako ng pet. Challenging. Tough. But worth it. I’m so happy that most of my friends support me and Bebeng. Keep your support and prayers coming
. I’ll keep you updated about her. I can’t wait for her to grow up
Don’t worry, pag medyo malaki na siya. Invited kayo sa binyag. Yun lang ang ihahanda ko sa inyo eh KMR din
. JOKE
.
Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince












