Category Archives: News

Finding Noemi

Oo, hindi ka namamalimata. Hindi ako na-wrong spelling. What you read is correct. It’s Finding Noemi.

**************************************************

January 6. Friday morning. A schoolmate of mine was on the way to school on her own for her enrollment. It was a typical day until her family and friends felt something wrong. They weren’t able to contact the girl anymore.

I learned the news from one of her blockmates. Even if I barely know about this girl, I also became shocked. Schoolmate ko rin kasi. Her cousin also posted a photo with some information regarding what happened. The concerns grew few hours ago, even reaching the attention of the entire school community. I even tried to post the info on Twitter and tweeted some celebrities if they could RT (retweet) the plea. The next day, she was declared missing.

Days passed and it seemed that Noemi Lagman was still not seen. We never heard anything regarding her whereabouts.  The appeals were constantly shared and retweeted, even gaining a trending spot in some sites. Mayor Bernabe of Parañaque City and the authorities also acted in search of Noemi. Her family, friends, and some concerned citizens were tirelessly vigilant and were praying that she should be found safely as soon as possible.

January 10. Wednesday, 11:10 PM. Her father issued an update on Facebook. Noemi was already been found and was with her family.  He acknowledged everyone who helped in spreading the info on Facebook. Due to the authorities’ advice, Mr. Lagman asked for understanding and privacy about the details of how and where she was found yet he shared how exhausting and emotionally tiring , to quote the “longest 100 hours of their lives”, in searching his daughter. He ended his statement with a piece of advice telling us to love our families unconditionally because it matters most.

For more details, click the related article here.

**************************************************

Here are my thoughts:

As I have said, I barely know Ms. Noemi Lagman. Hindi ko siya kilala totally and personally. Naririnig ko yung pangalan niya at if I’m not mistaken, she retweeted one of my tweets in the past. All I know is we have the same course (AB Multimedia Arts), that she is in her senior year at college, and I know some of her blockmates. But what happened to her prompted me to simply help. Regardless of how we know each other, a person who is missing is a person who needs our help.

Social media played a huge role in Noemi’s case. Naaalala niyo pa ba yung kaso ni Lola Auring at ang kanyang nawawalang asawa last year? Both of them reunited thanks to the support and effort of people who used social media sites as a tool to help find her husband. A simple act of sharing the photo and/or retweeting had brought awareness to the community. Malaking bagay ang pagpapakalat ng panawagan; the only resources that we need aside the internet are a short amount of time, willingness, and effort to help.

As I quote a good friend of mine Ms. Justine Roce, “In the case of Noemi Lagman, let us not forget the human component in finding her. The police and we internet folk had a hand in this. +1 for the human race!” We should be proud of this achievement. Nang dahil sa walang-tigil na pasheshare ay nagawa nating makita at makapiling ng kanyang pamilya si Noemi.

Tulad niyo rin, napapa-isip ako kung ano ba talaga ang nangyari kay Noemi, kung papaano at saan siya nakita at nahanap. But we should respect the decision of her family. I believe they have the right to keep it confidential for important reasons. Ang mahalaga ay buhay siya at kapiling na niya ang kanyang kaanak. Also, let’s give her and her family a time to recover for what had happen to them.

To someone who was criticizing  me during the course of finding Noemi, just to let you know I didn’t acted for my own interest at all. Nagpaparinig ka at sinasabing nakikisawsaw ako sa issue para lang sumikat. Well, it’s not my fault if I have lots of connections. I used what you claim my ‘popularity’ to help, not the other way around. So I hope this will make you shut up.

May mga usap-usapin na kumakalat about what really happened to the point na everyone seems to be overjudging. Read the comments on Yahoo! Philippines’ report (above) and I’m sure you’ll be shocked. Too much prejudice, too much name calling. Some even cited she only did that to gain fame and be thrown with stones. Even if hindi ko kilala masyado si Noemi, I felt the urge to step up and defend her right. Kagaya ng nakararami ay maraming katanungan ako pero hindi ko kailangan insultuhin ang pagkatao ng isang nawawala para lang masagot ang mga tanong. Given with a small amount of info, let’s just analyze it by ourselves and learn something from it. Kung may tamang pag-iisip tayo at aware tayo na mayroon tayong ganoon, gamitin natin. Kung siya ay kinidnap or may masamang nagyari, tayo’y mag-ingat para hindi matulad sa sinapit niya. Kung siya’y naglayas at may tampuhang nagaganap, mahalaga ay naiparamdam natin kay Noemi na may mga nag-aalala sa kanya at dapat ay hindi na maulit pa. At sinasabing it was such a waste of effort and time? It might be if we’re too narrow-minded and not compassionate but for her family, friends, and to all who are concerned, it was a test of love and a matter of wakeup call for them.

What made me more uncomfortable is some people are too demanding that they owe the family an explanation. Naging utang na loob pa nila.

Dinakip o naglayas, iisa lang naman ang ibig sabihin. May nawawala. At ang nawawala ay dapat makita.

Sa nangyari, isa pa ang napatunayan ko. God is really good. He never failed us. He answered our prayers. I am wishing that God gave us the gifts of patience and understanding during the crisis, whether you’re involved or not involved. Nagdasal tayo na sana ay makapiling na ni Noemi ang kanyang pamilya kaya marapat lang tayo’y manalingin muli para pasalamatan ang Panginoon. To those who are in doubt and still criticizing what happened, I hope the Lord will guide you.
I hope we learned a great deal of lesson from what happened. God bless us all. Alleluiah!

ITAAS ANG MGA PUTING PANYO! (Ok, pwede na yata ako maging pari. Haha! Pinapatawa ko lang kayo dahil naging seryoso tayon dito. Be happy.) :D

Hot like Mexico, rejoice!

P.S. Lastly, I advice everyone especially students never bring a huge amount of money for enrolment while commuting. Bring check or use ATM/credit card instead. Or be accompanied by your parents while going to school.

Maria Ozawa: Ang Babaeng Nagpaasa

Bago basahin, isang paalala muna mula sa MTRCB…

Inilagay ko ito alinsunod sa patakaran ng MTRCB. Kinuhanan ko pa ito ng permiso sa NTC, DTI, PNP, BFAD, at kung saan-saang ahensya ng gobyerno. Naka tax-mapped rin ang Kakabakaba Ka Ba? ayon sa batas ng BIR. Pinabakunahan ko pa sa RITM ito para sigurado. Mahirap na. :D

Hey boys...

Napabalita kamakailan na si Maria Ozawa, isang tanyag na Japanese pornstar, ay diumano’y nasa ating bansa. Di niyo siya kilala? Paki-Google niyo lang po. Dumating DAW si Binibining Ozawa noong December 22 ayon sa kanyang status sa Facebook account. Di matukoy kung saang bahagi ng Pinas namamalagi si Maria Ozawa: kung siya ba ay nasa isa sa mga gusali ng Sogo, nasa Baywalk ba, nasa Babuyan Islands, nasa tuktok ng Mt. Pinatubo, or nasa Puerto Princesa Underground River. Ngunit maaaring nasa kathang-isip lang natin siya, kinukulit ang ating imahinasyon. Nabaliw lalo ang sankalalakihan nang diumano’y nagkomento muli si Binibining Ozawa na siya ay bumili ng Globe sim at naghahanap ng mga Pinoy na kanyang isasalang sa isang audition para sa isang porn film. Parang audition lang ng Pilipinas Got Talent, X Factor, at Pinoy Big Brother (pun intended). At naglipana ang mga volunteers na tila mas hihigitan pa ang dami ng mga volunteers sa Red Cross.

Dinugo ako sa lalim ng Tagalog.

Angelica Panganiban & Maria Ozawa: separated at birth?

Sino nga ba si Maria Ozawa?

Una kong natuklasan si Maria Ozawa mula sa aking mga haliparot na blockmates noong college na naguumpukan sa harapan ng isang computer monitor. Syempre, kahit kasinghigpit na ng CIA ng Amerika ang security ng network sa school, di mapigilan na may nagaganap na kalakaran ng mga porn. Nasa hidden folder or di kaya nasa folder na may secret name ang mga videos. Upang makakuha ka ng kopya, dapat madiskarte ka. At dahil lalong illegal pag binuksan mo at pinanuod sa loob ng lab, ilalabas lang ang USB at CTRL+C/CTRL+X tapos CTRL+S na kaagad. Walang sinabi ang mga drug mules sa China sa kalakaran.

At napanuod ko si Binibining Ozawa. Namumukhaan ko sa kanya si Angelica Panganiban. Kulang na lang sumigaw ng mga ala-Rubi kontrabida lines habang nakikipagsiping si Maria Ozawa. Kung tutuusin may similarities din sila: parehas silang mahilig sa banana split. :p

Kung ang America ay may Sasha Grey, ang Asia naman ay merong Maria Ozawa. What if kung mag-star sila sa iisang film. Panigurado taob ang tandem nila Vilma Santos at Nora Aunor (teka bat sila naisip ko???).

Sa dami ng pinapatulan nila, napapaisip ako: di kaya may STD or HIV AIDS na sila? Kasing luwag na ba sila ng kalsada pag Mahal na Araw o ng garter ng luma kong salawal?

Oh balik tayo sa usapan.

Nakita ko sa Facebook news feed ko about Maria’s arrival here sa Pilipinas through one of my contact’s post. Tinignan ko yung mismong page kung saan nanggaling yung balita. “Hello Philippines” daw sabi ni Maria. At sumunod ang mga nakakaulol at nakakawindang na comments tulad ng nasa ibaba.

Babala: Naglipana ang mga manyak.

Ewan ko pero habang nababasa ko ang mga comments, di ko mapigilang mainis imbis na magalak sa pagdating ni Ozawa. Sorry pero parang yung iba na nagpopost parang uhaw na uhaw sa sex. Hindi ako magpapakahipokrito. Nanunuod ako ng porn at likas sa kalalakihan ang makaramdam ng tawag ng laman bukod sa flag ceremony. In short, ma-el ako… maligaya. May psychological explanation naman na ang isa sa pangangailangan ng tao ang sexual needs. Pero sa aking nasaksi ay tila mga asong nauulol sa isang piraso ng karne. Parang ugaling kanto lang na parang nakainom tapos aambushin ang isang dalagang dumaan. Yung iba kung makapag-Ingles parang signal na choppy na ang hirap i-comprehend. There’s a fine line between being maligaya at being manyak. Kaya sa bandang huli, natawa na lang ako. Tawang gorilla lang.

Ang mga kalalakihan ay naglaway. Parang sinumpong ng dysmenorrhea ang kababaihan. Paniguradong nagiinit na naman ang mga puwitan ng mga arsobispo. At ang mga beki ay dedma galore lang. PAK

At hindi nagtapos ang Maria Ozawa craze. After couple of days, nagpost na naman si Maria Ozawa. Bumili daw siya ng Globe sim.  Sounds fishy. Siguro kung nalaman to ni Manny Pangilinan for sure pati si Ozawa ay bilhin na niya. At di lang yon, may audition daw para sa mga Pinoy para sa susunod niyang porn film. At mismong tiniweet ng ANC ha.

ANC tweeted this. Seriously? I hear some 'UHHHH'.

After few hours, GMA 7 refuted the rumors. I hear some 'AWWWW'.

Parang auditions lang ng PBB, X Factor, at PGT.

Paging Katrina Halili and Maricar Reyes, what can you say about this? O.O

Di ko mawari paano kung ibinalita ito over TV Patrol or 24 Oras. Baka maubo sina Korina Sanchez at Mike Enriquez. Excuse me pow.

But on the other hand, GMA 7 refuted the rumors. KJ? I think they have a point. In the first place, madali mauto ang tao sa mga fake accounts. Basta may pangalan na ng artista, finofollow na sa Twitter or inaadd sa Facebook. Parang bumibili ka ng something na hindi mo alam kung registered yung tindahan. Andaming napapahamak at nanghahamak sa social media sites. Yan ang downfall. Daming naglipanang posers at fake accounts. Good thing GMA 7 did this since they are known for their Think Before You Click campaign. Kaso ang nangyayari ay Click Before You Think. *facepalm*

And I think majority are now booing, cursing, making dirty fingers, and mooning their computer/laptop screens.

Isa lang ang leksyon dapat nating matutunan mula sa pangayayaring ito:

THINK BEFORE YOU LICK ay este CLICK! :D

Hot like Mexico, rejoice!

Shamcey Forever

Bago pa mawala ang Miss Universe fever ay kailangan ko na sabihin ang aking saloobin.

Magbalik tayo sa aking mga piniling pambato. Ang mga naka-highlight ay mga nakapasok mismo sa Top 16:

  1. Costa Rica
  2. Spain
  3. Ukraine
  4. Mexico
  5. Paraguay
  6. Aruba
  7. China
  8. Angola
  9. Puerto Rico
  10. USA
  11. Venezuela
  12. Greece
  13. France
  14. Australia
  15. Malaysia
  16. Philippines

10 ang tumugma. Ang 6 na wala sa listahan ko na pasok sa Top 6 ay Brazil (panigurado dahil host city ang Sao Paulo, Brazil), Panama, Portugal, Colombia, Netherlands, at Kosovo. Inisip ko na pwede mapabilang ang 6 (except Kosovo) dahil may potential pero nasa waiting list ko sila. Nagulat ako na hindi man lang napabilang sina Greece at lalo na si Malaysia. Complete package din si Miss Malaysia tulad ni Shamcey Supsup. Pero buti na lang dahil major threat siya kay Shamcey.

Akala ko hindi ko masusubaybayan ang Miss Universe kahapon. Wala akong pasok nung gabi ng Monday (night shift) kaya masaya ako dahil makakapanuod ako kinabukasan. Tapos biglaang may lakad ng umaga ng Tuesday; medical appointment ng tatay ko. Hindi ako maaari maka-hindi. Pero buti na lang at maaga natapos at nakauwi. Ilang minuto na lang at nagsimula na. Alam kong delayed sa ABS-CBN kaya naghanap ako ng livestream sa internet (wala kaming Star World, linek na Destiny Cable). At kahit lagged, pinagtiyagaan ko na lang.

At di ko inaasahan. Lusot si Shamcey sa Top 16! At hindi siya yung ‘fan favorite’ na pwede makasama sa Top 16, meaning, mataas ang performance niya sa Preliminary competition.  Isa-isang nalalagas ang major threats niya hanggang sa nakatuntong siya ng Top 5. Sabi ko this is it. Huling hirit na lang, Shamcey.

Oras na ng pinakanakakakabang bahagi ng kompetisyon: ang Final Question and Answer round. Una si China. Kung tutuusin, ok yung sagot niya pero parang bitin. Parang kumain ako ng isang order lang siomai. Sumunod si Shamcey…

Vivica Fox: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why and why not?

Miss PhilippinesIf I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love because the first person that I love is God, who created me. And I have my faith, my principles, and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.

Uy pwedeng-pwede ang sagot! Confident. Humble. Honest. Straightforward. At may muita obrigada pa sa dulo. Pakiramdam ko siya na ang ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas. Kulang na lang ng korona.

Hanggang sa huling sumagot si Leila Lopes, Miss Angola. Ang nagtanong ay si Lea Salonga. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sumagot si Angola gamit ang wikang Portuguese kaya lamang siya. Idagdag mo pa ang paghiyaw ng mga manunuod habang isinasalin ng translator ang kanyang sagot (pakiramdam ko na parang ginagandahan rin ng translator ang sagot). Subalit inabutan siya ng time limit na ibig sabihin ay hudyat para tapusin ang kanyang pagsagot.

Habang commercial break ay iniisip ko kung sino ang mananalo talaga. Iniisip ko at ipinagdadasal ko na sana si Shamcey ang manalo. Maganda ang performance ni Shamcey, kung titignan. Siya ang halos fan favorite. Sa stage pa lang, ramdam mo ang presensya niya. Kumikinang siya sa kagandahan. Abot hanggang ibang galaxy ang kanyang ngiti. Napakaganda ng kanyang pagrampa (sabi nga nila tsunami walk daw, tipong kabog na kabog ang lahat). Pero para akong natatae sa kaba dahil posibleng magkatunggali sila ni Angola sa bandang dulo. Magaling din si Angola. Hindi ordinaryo ang ganda niya. Kakaibang black beauty at isa siyang bukod-tanging black contestant sa mga napanuod kong Miss Universe editions.

At dumating na nga ang announcement ng winners. Para akong nilagnat sa kaba at excitement. Kulang na lang ay maglabas ako ng rosaryo at magdasal para kay Shamcey. 4th runner up si Miss China. Nabawasan ng 20% ang kaba ko. 4 na lang. Nakakawindang ang suspense…

Sabi ko pa nga: Lord, ibinida kayo ni Shamcey sa sagot niya. Sana, ibida niyo rin siya as Miss Universe 2011.

Hanggang sa binanggit ng host ang pangalan ni Shamcey bilang 3rd runner up. Sabi ko anyare? Bakit? How did it happen? Unfair! Di ko matanggap. Napamura ako. Bigla akong nanlumo. Kung si Shamcey ay nakangiti at kumikinang LALO sa kagandahan kahit inabutan na siya ng bulaklak at inanyayahang tumabi, medyo naluluha ako.

Sabi ko, Angola na ang dapat manalo. At nabanggit na rin si Brazil bilang 2nd runner up. Dalawa na lang ang natitira. Si Ukraine at Angola.

At nanalo nga si Leila Lopes. First-ever winner from Angola at 2nd Black African winner since Miss Universe 1999 (panahon ng ating pambatong si Miriam Quiambao kung saan siya naging 1st runner up).

Ano masasabi ko? Dahil napagod ako sa kakatype ng kuwento ko, idadaan ko na lang sa summarization. Ayoko ring murahin niyo ako dahil lalo kong pinapahaba ang usapan dito.

  • Di ko trip yung opening number ng Miss Universe 2011. Umaasa ako na mas magarbo dahil: 60th anniversary, at hello, nasa Sao Paulo, Brazil sila. At pansin ko nagkakagulo sa pagfocus ng mga camera sa mga kandidata, hindi alam kung sino ang kukuhanan. Dahil ba super nagandahan ang mga cameraman sa kanila kaya nakalimutan na nila ang kanilang trabaho?
  • Plus, akala ko sasayaw sila or may national costume parade? Yun lagi ang inaabangan ko every pageant.
  • The musical performances were kinda blah. Pero ok na rin yung mga dancers.
  • Nagtataka ako bakit hindi talaga napabilang si Malaysia at Greece. Oh well, better not dahil malaking competition sila kay Shamcey at kay Leila rin.
  • Ampayat ni Alyssa (USA). Ang tangkad ni China, may lahi ata siya ni Yao Ming. Medyo parang mayabang ang dating ni Brazil. At nakasuot na kaya ng panty si Colombia after ng kanyang No Panty controversy?
  • Saang lupalop ba ng universe sila nanggaling? Ang katawan, kamusta naman. Titig na titig ako.
  • Shamcey Supsup’s tsunami walk is classic. At ang Colgate smile. Kumikinang tulad ng mga bituin.
  • Since 60th anniversary, dapat may special tribute para sa mga past winners tulad ng ginawa sa Miss USA 2011 na kung saan almost lahat ng past winners ay nandun. Ansaya siguro pag makita mong andun sila Gloria Diaz at Margie Moran, di ba?
  • Kahit di ka na manuod ng coverage, basta may Twitter ka, buhay na buhay ka na. Ako naman, hindi ako nakuntento. Update ako ng update pati sa Facebook. Sorry kung napuno ko ang News Feed niyo, kung friends ko kayo dun. Pasensya na.
  • Diba pag naabutan ka ng time limit, may bawas points? Look at the case of Angola.
  • But I admit, she (Angola) answered well. Sana hindi na niya sinobrahan by giving an advice. Nabitin pa yung advice niya.
  • Some said that Shamcey’s answer WAS NOT universal. The point was she doesn’t need to sound universally acceptable but moreover she should be honest, sincere, confident, understandable, and straightforward. Di na uso ang mga too pageantry na sagot.
  • I think she deserve a higher place.

Hay. Tapos na. Wala na tayong magagawa. All we can do is be happy with what Shamcey Supsup had accomplished. Hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe ngunit napanalunan naman niya ang bawat puso ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta (isama na niyo ako). Mahirap ang lumaban para sa bayan. Sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya, isipin niyo ang kanyang sinabi noong lumalaban pa siya sa Binibining Pilipinas 2011…

 Beauty is indefinite… we define it.

Sa mga fans niya, patuloy natin siyang suportahan. Magpasalamat tayo dahil isang karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipina, Iskolar ng Bayan, top notcher sa Architecture Licensure Board exam, at ngayon ay pang-apat na pinakamagandang binibini sa buong universe.

Para kay Bb. Shamcey Supsup, kung mabasa mo man ito, gusto ko sabihin na crush kita. Hehe. Pwera biro, gusto ko sabihin na salamat sa pagiging inspirasyon. Ibang-iba ang kagandahan mo. Bukod tangi. Kahit hindi ka nanalo as Miss Universe, ikaw pa rin ang panalo para sa akin. At dahil sa sagot mo, lalo tumibay ang pananampalataya ko sa Panginoon. Mabuhay ka, Shamcey. You made us proud. We love you!

Who knows. Next year makabawi tayo. May biro nga na sa susunod na mga tanong, pataas ng pataas ang rank ng Pilipinas. So ibig sabihin na ang Miss Universe 2014, Philippines na ang manalo. Joke.

Ok, back to reality. Back to work. Business as usual na sa mga parlor. Back to closet daw para sa mga lalaki daw. Haha. But Shamcey’s legacy will be in the history forever.

See you sa susunod na World Cup ng mga beki! PAK!

Congratulations to all the winners :)

Hot like Mexico, rejoice!

Miss Universe 2011 – National Costumes (Bests para sa akin)

Kapag sumusubaybay ako sa Miss Universe, lagi kong inaabangan ang mga traje de tipico. Naks. Yung totoo, Telemundo?

Mahilig ako sa national costumes. Bata pa lang ako, kapag may mga Mr & Ms United Nations program sa school, naiinggit ako sa mga kasali na nakasuot ng iba’t-ibang costumes ng mga bansa. Yung tipong ipinatahi pa ng nanay sa kumare niya. Di ko rin masisisi na bata pa lang ako, nakahiligan ko na magbasa ng mga encyclopedia at namemorize ko ang mga flags ng bawat bansa at ang kani-kanilang kabisera. At memorized ko ang tamang spelling ng Czechoslovakia… pati date kung kailan sila naghiwalay as Czech Republic at Slovak Republic. Pati pala sa mga bansa, uso ang divorce.

Sa national costumes pa lang, natututunan mo kung anong meron sa bansang pinanggalingan ng kalahok. Nalalaman mo kung anong kultura, pamumuhay, at kasaysayang mayroon sa kanilang bansa. Kumbaga atlas in a beauty pageant. Alam mo kung mainit o malamig ang klima nila. Ano ang mga ipinagdiriwang nila. Sino ang mga bayani nila. Ano ang mga hayop ang malapit na maubos at nangangambang mawala. Joke. Sa mga kalalakihan, natututunan nila ang vital statistics. At asahan mo na gagayahin ng mga beki sa mga Miss Gay pageants.

Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking mga piling pambansang kasuotang ngayong 60th edition ng pinakamagandang patimpalak sa buong sanlibutan:


15. Chile – Kung tutuusin, sawang sawa na ako sa mga feathered costumes ng mga taga South America na kung minsan, halos lamunin ang buong stage at maging parte na ng stage decoration. Astig itong costume ng taga-Chile. Akmang-akma sa bansa nila. Bukod sa pagiging sagana sa mining industry ang Chile, remember this?


14. Korea – Sawang-sawa na ako sa mga hanbok na national costume ng mga Korea delegates kaya I’m delighted to see my ultimate crush, Sora Chong, wearing a traditional Pungmul costume. At talagang nagresearch pa ako. Ang cute nung hat niya, parang bentilador lang. Syempre, cute din siya :”>. Pero paano kaya kung mala-SNSD/Girls’ Generation ang inspirasyon ng national costume? Hmmmm.


13. Panama – Nasabi ko nga na suyang-suya na ako sa mga mabalahibong kasuotan tuwing Miss Universe pageants. Nakakabahala din kung nauubos na ang mga ibon sa kagubatan (unless synthetic ang feathers) dahil sa pagtadtad ng balahibo sa mga damit. More feathers, mas magarbo daw. Pero pagbibigyan ko si Miss Panama dahil nadala naman niya. Kung sa bagay, paano mo nga gagawing costume ang Panama Canal? Uy, pwede yun ah para maiba!


12. Trinidad & Tobago – Isa pang mabalahibong national costume pero, muli, ipapasa ko. Piyestang-piyesta ang dating. Plus points dahil sa cleavage :D . Yan ang tinatawag na Bird of Paradise… ni Efren :D .


11. Venezuela – Is it a dragon? Is it a lizard? No, it’s Miss Venezuela! Tila mukhang nanggaling siya sa ibang dako ng universe. Sa tindig at titig pa lang niya, mala-extraterrestrial ang kagandahan niya. Isama mo pa ang abs at cleavage niya. Maganda ang pagkakadisenyo ng costume ni Miss Venezuela. Madetalye. Masarap… sa mata ang kulay.


10. Malaysia – Ayon sa mga usap-usapan sa press sa Brazil at mga parlorista, may ibubuga itong si Deborah Henry, ang pambato ng Malaysia. Sa costume pa lang, kitang-kita nga. Malinaw rin na tunay na maganda ang kultura ng mga bansang nasa Timog Silangang Asya. May pagka-genie ang costume niya. Gusto ko mag-wish. Sana manalo si Shamcey :D *music cue in* ♫ Malaysia… Truly Asia! 


9. Greece – Anong sinabi ni Aphrodite kay Iliana Papageorgiou? Greek goddess + supermodel. Kahit si Tyra Banks mapapaluhod sa kanya. Pumupusturang ala-diyosa. Tipong bumili ka ng 5 yardang tela sa Divisoria at balutan mo siya, diyosa pa rin ang kakalabasan. At wala akong masabi sa hairdo. Ilang hairpins at hairspray ang ginamit diyan? Or was it a goddess’ fault? Ikaw na, Iliana!


8. Thailand – Every year, pinapahanga ako ng mga taga-Thailand (take note: it’s /tay-land/, not /θay-land/) dahil pinag-aaralan talaga nila ang costume designs. Plus, if I’m not mistaken, nagpapatimpalak para sa mga disenyo (calling the attention of Madame Stella Marquez-Araneta… huwag lagi sa Colombia magpapagawa ng costume para sa Pilipinas… Pilipinas nga eh, di ba?). Fan ako lagi ng mga national costumes from Thailand. Kitang-kita mo ang mayabong at makulay na kultura ng bansang sikat sa mga gintong templo, Thai films, Thai Airways (Smooth as silk… nag-plug pa talaga), retoke(?), at si Mario Maurer (Malakas ang kutob kong hinihintay niyong banggitin siya.).


7. Peru – May kahawig na national costume ito… *nagsearch*… Eto. Gayunpaman, nagustuhan ko ito dahil bukod sa sexy si Natalie Vértiz ay kitang-kita mo ang Peru sa kanyang kasuotan. Parang Ifugao ang itsura dahil sa kulay. Tanyag ang Machu Picchu (nakalagay sa telang hawak niya) bilang isa sa 7 New Wonders of the World. Ang tanong ngayon: magiging new wonder ba si Miss Peru sa darating na coronation night?


6. USA – Namalikmata ako: akala ko si Captain Amerika. Kung sa Amerika kapag naging bahagi ng kasuotan ang pambansang watawat nila, ipinagdiriwang nila. Dito sa atin, nauuwi lang sa Senate Hearing. Kung noong nakaraang taon ay US Presidential seal ang inspirasyon, ngayon ay ang US Flag. Ang kanyang national costume ay hango sa suot ng mga American Revolution Colonial Militia.


5. China – Hindi man lang ako sinabihan na sumali pala si Mulan sa Miss Universe. Joke. Pero maganda ang national costume ni Luo Zilin. Dinaig si Joaquin Bordado sa pagkagara ng burda. At walang binatbat ang mga tassel ng mga kurtina ng nanay mo sa sleeves ng national costume ni Miss China. Sino ang ayaw maging Chinese empress kung ganyang kaganda ang kasuotan. Hindi na ako magtataka kung may nakakabit na tag na ang nakalagay ay “Made in China”.


4. Brazil – Again, feathery costume pero let’s spare Miss Brazil. At dahil host city ng 60th Miss Universe pageant ang Sao Paulo, Brazil, hindi magpapatalo ang pambato ng lupain ng beaches, Samba, at hot models. Kung mapapansin niyo, hango sa Brazilian flag at carnival ang national costume ni Priscila Machado. Carnival queen + beauty queen = next Miss Universe?


3. Colombia – Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa aking mga katrop sa Colombia, hango ang pambansang damit ni Miss Colombia sa kanilang pambansang sombrero, ang sombrero vueltiao. Simbolo ito ng kanilang sining. Pero mukhang di natiis na hanggang sombrero lang. Buong attire ay hango sa nasabing sobrero. Isa lang ang masasabi ko: glamoroso *with Spanish accent*


2. Japan – Naalala ko bigla si Kurara Chibana sa kanya (one of my Miss U crushes, click here para makilala niyo). Parehas na may samurai sword. Parehas na maganda’t mabagsik. Tradition meets modernity. Ganyan si Maria Kamiyami. Grace of a princess. Strength of the warrior. Ano kaya next year? Sailor Moon?


1. Egypt – At eto ang aking numero uno. Kung buhay pa si Cleopatra, I’m sure matutuwa siya (or maiinis dahil may umaagaw sa trono niya?). Unang tingin ko pa lang, si Cleopatra na naisip ko. Simple ngunit malakas ang dating. Reynang reyna, tulad ng isa sa pinakamaimpluwensyang babae sa balat ng kasaysayan ng mundo. Di ko aakalain na noon pa man, uso na ang magpakita ng cleavage. No wonder bakit naakit si Mark Anthony.

 

UPDATE: Eto naman ang aking runner-up choices, in random order:


1. Aruba – Handa na siyang sumayaw ng samba.


2. Australia - Kahit simple, gusto ko yung makulay na effect.


3. Cayman Islands - Di magpapadaig si Miss Cayman Islands. Carnival queen contender.


4. Dominican Republic - Yan ang karibal ni Dyesebel mula sa Caribbean Ocean.


5. France - Marie Antoinette-inspired costume. At may props pa ah.


6. Guatemala – Pastol? Hayaan natin siyang dalhin tayo sa tamang landas. And that includes you, black sheep.


7. Philippines - Santacruzan-inspired national costume para kay Shamcey Supsup. Dear Madame Stella Marquez de Araneta, maraming magagaling na Pinoy fashion designers. Shamcey deserves more. Buti na lang nadala niya yung costume. Reynang-reyna pa rin ang dating.


8. PolandLike A Virgin effect ah.


9. Puerto Rico – Wagas na wagas ang cleavage at panty height ni Miss Puerto Rico.


10. Switzerland – Kung siya si Gretel… ako si Handsome! HAHA!

 

Ang mga larawang nakalagay dito ay pagmamay-ari ni Patrick Prather at ni Darren Decker ng Miss Universe Organization, L.P. LLLP.

Hot like Mexico, rejoice!

A Year After

Anniversary na pala ng nakakagimbal na August 23, 2010 Manila Hostage Crisis. Di ko makakalimutan iyon. Nandito lang ako sa bahay, nakatunganga lang sa Facebook, nang biglang nabalitaan ko na lang sa mga news feed posts pati na rin sa mga balita sa TV. Nakakatakot. Pero hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari pagsapit ng gabi. Nauwi sa karumal-dumal na krimen.

At dahil sa nangyari, paghihinagpis at galit ang nadama ng mga pamilya, kamag-anak ng mga biktima hanggang sa umabot na sa national scale. Ang masaklap, napunta sa sisihan at pag-iinsulto sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong.

Hindi ko natiis. Idinaan ko na lang sa simpleng sulat noon ang aking saloobin…

 

August 26, 2010. Thursday. Via Facebook.

Dear Hong Kong and the Philippines (and whoever reads this):

To whoever demands justice: I firmly believe that justice should not be taken selfishly. Even if some of your fellowmen are killed here in our country, are you sure that we  favored it? Are you sure that everyone LIKED it? Only the stone-hearted and stupid ones will appreciate the bloodshed of those innocent people.

HK people, we feel your great sadness and rage. Nobody wanted this to happen in the first place. Imagine one fine Monday morning while most of us, here and in your country, are busy with our own lives, but suddenly things messed up. I believe this is an ISOLATED CASE, and somehow the succeeding events made it worse. We understand you and we feel the same thing. But it is just unfair for some of you are name calling us: monkeys, home of criminals, pigs, uneducated, and other unimaginable and hurtful remarks. Mostly we, Filipinos, have nothing to do there in the first place. We are putting our efforts to make peace and share the sympathy to the victims as well as the affected families. But some of you are firing things up. Before you throw stones to us, think first. Does your anger contribute to the resolution? Only the demons would agree.

For my fellow Filipinos, I firmly stand on what our forefathers/former generations had taught us. I’m proud to be a Filipino because we’re one of the people who have the firm belief on moral values. We were taught on the values of respect, love, sincerity, and hope. And I think we must act as one to be part of the reconciliation. I might get negative feedbacks regarding this since we have nothing to do about it, that I am too idealistic, and we have no responsibility to say our apologies. But let’s think that it is our willingness to ease the pain that can somehow mend the wounds. And it wouldn’t hurt if we act in behalf of our country. Also, there are so much to blame right now. Blame the president, blame our police forces, blame the media, blame some of our insensitive fellowmen… but are we going to blame forever? Can we “stop throwing bricks but instead rebuilt what had been damaged”? Our selfishness and ignorance, not the crime, that kill us eternally.

Intelligence does not reside on a specific demographic and ethnographic entity. Chinese are wise, and so are Filipinos. I think intelligence is on a personal/individual responsibility and accountability. So if you believe you’re educated and wise enough, you probably think of something that will contribute to the solution of the problem, and will not resort to never-ending arguments of who’s right or wrong. We need dialogue and solutions, not confusion and hatred.

There is this saying that should be highlighted in situations like now: “If you are thrown a stone, throw back with a bread.”

Those who question the sincerity of those who apologize, if you are willing to understand, open-minded, and sympathetic, you would feel the genuine warmth. “Hug” us and you’ll feel the beat of our hearts.

Regarding the issue about security… Crime does not happen only in our country, the Philippines. Those hostage taking crisis can happen anywhere, everywhere, anytime, everytime. It may happen also in Hong Kong… even in the farthest and coldest place of the earth. So it is unbearable and unfair to learn the hasty generalization that our country is the worst place to go to. Are you sure of that? How about Iraq and Afghanistan? These so-called inhumane and unjust happenings don’t just reside on our motherland. Let us remember that the dirty fingers of crime lurk on every corner of this planet.

The police force and other authorities hold responsibilities. However, we must not rely our own lives on them… for it is our prime responsibility to take care of our own selves.

If we could just stop pointing fingers at one another but instead, join our palms to pray, this simple act of sincerity and selflessness can do no harm and can contribute to the restoration of peace, unity, and justice. And let us do remember that we, Chinese and Filipinos, came from a single root, that is, Asia.

*the Philippines H.U.G.S. Hong Kong (Hope, Unity, Goodness, Sincerity)*

— Toney Sevilla, a concerned Filipino citizen

 

Ako po ay nananalangin para sa hustisya at sana ay hindi na maulit ito muli.

Hot like Mexico, rejoice!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers