Category Archives: Memories
Dennis Reyes: The Man Who Always Smiles
Hindi ako makapaniwala. Ambilis ng mga pangyayari. Nagbukas ako ng Facebook ko kaninang 4 PM at isang nakakalungkot na balita ang aking nalaman. Wala na si Sir Dennis…
Hindi ko mapigilang lumuha at maging matamlay. At magulat. Hindi ko inaakala na isang iglap ay nawala na ang isa sa pinakamamahal na propesor sa APC.
Hindi ko naging professor si Sir Dennis Reyes kailanman dahil ako ay isang AB Multimedia Arts student (he’s the program director of SoCSIT).Nakilala ko lamang siya ng bahagya hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap at makatrabaho siya.
Di ko inaasahan na ang aking unang sabak sa career ng photography ay sa CSIT (wala pang School of CSIT nun) mula sa paanyaya ni Joyce Gutierrez at ng kanyang JPCS officers. That was 2007; CSIT Week 2007. First-ever project ko nun ay ang Mr. CSIT 2007. Kinuha akong photographer ng pageant promotion. Pero may isa pang hiling si Joyce nun na kung maaari ay kuhanan ko rin ang mga officers pati ang advisers nila na si Sir Dennis at Ms. Rhea Valbuena. Mas kinabahan ako dahil mga professors from ibang course ay pipicturan ko.
And the rest was a grateful history. Naging suki ako sa mga CSIT pageants at sumunod na rin ang mga oportunidad sa ibang courses. But the best part was working with people and being acknowledged by them. At naramdaman ko yun kay Sir Dennis. Biruin niyo ginawaran ako bilang ‘honorary CSIT member’? I’m so blessed and honored. Kaya everytime na pinag-uusapan kung paano ako nagsimula bilang photographer, hindi ko kinakalimutan kung saan ako nagsimula at sino ang mga taong tumulong sa akin.
Di ko man naging professor siya pero alam kong mapalad ako na makilala siya. Alam kong may kapansin-pansin sa kanya: ang pagngiti. At kahit hindi mo man siya kilala ng lubusan, basta’t makasalubong mo siya sa corridors o elevator ng APC, ngumiti lang at bumati sa’yo ay paniguradong gaganda ang takbo ng iyong araw. Gumagaan ang pakiramdam kapag ngumingiti siya sa iyo. Nakakawala ng bad vibes.
Pinatunayan ni Sir Dennis na hindi hadlang ang katayuan ng isang nilalang sa pakikipagkapwa tao. Kahit hindi ka niya naging estudyante o nagmula ka sa ibang course, basta binati mo siya ng ‘Good Morning, Sir’ ay masusuklian ka ng pagbati. Minsan, siya na mismo ang bumabati sa iyo. Wala nang sasarap pa sa pagbati sa iyo ng ‘magandang araw’.
He is a man of dedication, professionalism, and hardwork. Hands on siya magtrabaho. Even to student activities, as much as he can talagang aattend siya ng events/programs para manuod at sumuporta. He is not a boss but a leader who inspires. At hindi natin dapat kalimutan na malaki rin ang nagawa at nagampanan ni Sir Dennis para sa school particularly sa IT education. Being one of the 4 Center of Excellence in IT won’t be possible without him.
3 bagay ang makikilala mo kay Sir Dennis: ang kanyang Herbie na Volkswagen na laging nakaparada sa parking lot ng school; ang kanyang mga ngiti; at ang kanyang kabaitan.
People’s admiration is a guarantee of Sir Dennis Reyes’ heart of gold. His willingness, sincerity, and kindness made him lovable. Wala akong naririnig na negative about him. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit ganoon ang pagmamahal at paghanga sa kanya. Mapagmahal siya sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho kaya nasusuklian siya ng mas higit pa sa kanyang ibinibigay. At kahit marami ang pumupuri sa kanya, he stays humble.
Natuwa ako kasi yung drawing ko ginawa mong profile picture mo sa Facebook tapos kinulayan mo pa. But so sad at the same time dahil ito ang huling profile picture mo…
His life becomes an inspiration. His legacy will continue. His infectious smile will forever linger. A great servant of God. Thank you for everything, Sir Dennis Reyes. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. You were able to touch everyone’s lives and I’m very fortunate to be one of them.
Teacher… mentor… adviser… colleague… friend… father… inspiration… The Man Who Always Smiles… you will always be remembered and loved.
*All photos are from his Facebook account.
The Missing Alice
For behind the scenes, go here.
“The Missing Alice”
Photography by Raecen Dimacali
Styled by April Japzon
Make up by Muriel Vega Perez & Gia Lalu
Hair by Boggy Diaz
Models
Marii Apelo
Rubie Ganzon
Jasmine Baker
Miel Nkanta
Toney Sevilla
Art Direction by April Japzon
Shoot Assistants
Alexis Ferrer
Ethan Zoreta
Lei Solas
Special thanks to Dancing Machine Philippines Studio & Cinerent
Salamat sa mga nakasama ko
Sa uulitin
The Missing Alice, behind the scenes
Sa wakas, pwede ko na i-post ito. Nabigyan na ako ng go-signal.
Last July 31, a month ago, naging bahagi ako ng napakasaya at napakaglamorosong fashion pictorial ng aking bagong friend na si April Japzon. Ito ay kanyang Finals project para sa kanyang Styling class under veteran supermodel Ms. Marina Benipayo (correct if I’m wrong, April) since nag-aaral siya sa School of Fashion and Arts.
Inimbitahan niya ako sa project niya ilang buwan na ang nakalipas. Willing ako tumulong since gusto ko rin makita at maging kabahagi ng pictorial (dahil isa akong training fashion photographer). Pero di ko inaasahang gagawin niya akong extra model. Nagulat ako pero hindi ako nagdalawang isip. Umoo kaagad ako. Binigyan niya ako ng ideas kung ano ang mangyayari at ano ang dapat dalhin. Mas lalo ako naexcite na magsusuot ang mga models ng designer clothes, at ako ay mapalad na makakasuot ng creation ni Mr. Gerry Katigbak. I was in cloud 9.
Pinaghandaan ko talaga ng husto ang pictorial. At dahil marami ang makakakita, ayoko rin mapahiya. Plus, pangarap ko maging model. Sa awa naman ng Maykapal, hindi ako masyado binisita ng mga pimples at naging malusog para sa pictorial. Nanghiram pa ako ng boots. At nanindigan ako sa turo ni Tyra Banks. Kaya nagpractice ako ng tinatawag na ‘smize’ habang nakaharap sa salamin.
Sa baba ay makikita niyo ang video ng behind the scenes ng pictorial namin.
At hindi ko pinalampas ang pagkakataong kumuha ng pictures. Alam kong hindi ko pa maaaring ilathala ang mga photos hangga’t wala pang pahintulot. Pwede kong ilabas after ng project presentation niya.

Pansamantalang binulabog ni Miss Hairstylist na si Boggy Diaz (left) ang malapugad na kinky hair ng aking apo na si Miel (right) para sa pictorial. No wonder na hanggang titig na lang si Tweety Bird.

Lights courtesy of Cinerent (kung nais niyo pong alamin ang contact details, hindi po ako ang tamang taong mapapagtanungan). Ansaya at sarap ng feeling pag nakakakita ka ng mga ilaw at ng mismong production set, lalo na pag kabilang ka sa models. Kung nasanay ako bilang isang photographer, this time isa ako sa kukuhanan. Don’t worry, hindi ako naging primo ballerina. Naging ballerina lang naman ako.

Ito ang makeup baggage ni Muriel Vega Perez (kaanu-ano niya si Vega ng Street Fighter?). Kung tutuusin, hindi lang kit or baggage. Masasabi kong isang mobile makeup room ang dala niya. Pag bukas nito, animo’y may lumitaw na parlor sa harapan mo. Kumpletong-kumpleto. May ilaw pa. Sa susunod, may dressing room na kasama. Sayang wala akong litrato na kasama siya. Super kwela at nakakatawa si Muriel. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang registered nurse pero sumasideline siya as makeup artist din. At hindi basta-bastang makeup artist si Muriel: nakapagtrabaho at nafeature na siya sa mga magazine and production pictorials. (Tama na ang bola haha.)

Ito ang mga damit na susuotin para sa project ni April. Take note: designer clothes. Di basta-basta na damit. Nagmula ang mga damit kina Alodia Cecilia Sales, Pablo Cabahug, Chris Diaz, at sa mga sikat na sina THE Mama Renee Salud, Veejay Floresca (of the finalists of Project Runway Philippines, season 1. Ang ganda ng creations niya, pramis.) and si Puey Quiñones. Ang sinuot kong damit ay gawa naman ni Gerry Katigbak, isa rin sa mga hinahangaang fashion designers dito sa Pilipinas. Kaya halong excitement at kaba ang naramdaman ko dahil magsusuot ako ng isang designer menswear. Masaya dahil first-time at kinakabahan kung mabibigyan ko ng hustisya ang damit. Mahirap makulong. Joke.

Si Miel habang kinukuhanan ng picture ni Master Raecen Dimacali (both of them are my schoolmates). Parehong bilib ako sa kanila. Magaling magmodel at magproject si Miel. Top Model material. Si Raecen naman magaling kumuha ng litrato. Top Photographer material. Ako?

Ako at si Miel habang nagpapahinga. In fairness ang ganda ng lip color niya. Anong name? Chicken Curry Yellow? Sino manufacturer? Si Aling Maybelline ba? Ako naman ay gumamit ng sebo mula sa LM… Lucky Me Supreme La Paz Batchoy. Di lang makintab, may lasa pa.

Accesories courtesy of Mickey See. Yes, see the accessories by Mickey See. Wow, it rhymes. Andaya, bakit wala akong accessories? Sana kahit pwet ng baso pinasuot sa akin. Joke.

Shoot was done at Dancing Machine Philippines Studio near Uniwide Parañaque. Isa siyang ballet and dance school na nagtatago sa isang subdivision sa Parañaque. Noong una, nahirapan akong hanapin yung lokasyon ng pictorial at muntik na akong lapain ng asong tumatahol (natural, alanganing tumitilaok) sa kapitbahay. Aside from ballet paintings sa studio, nakita ko tong ballerina figurine na mukhang santo. Kulang na lang suotan ng damit at kabitan ng halo at aras. Medyo nakakatakot yung itsura ng figurine. Baka mamaya gumalaw.

Blocking (positioning and testing kung maganda ang itsura sa picture) by Raecen with Jasmine (seating, left) and Rubie (standing, right). Or baka may nakita silang ipis.

It was Rubie’s time to shine. Galing ah. Suot ni Rubie ang kulay Ruby na damit. Gawin itong tongue twister. Repeat until fade. Teka, pwede rin siyang si Rubi, ang bidang kontrabida.

Oh ha, oh ha. May label pa talaga ang damit ko. At natuwa ako dahil tama ang spelling ng palayaw ko. Hindi ako kumitil ng buhay, sa wakas. Dapat ay kukuhanan kami ng picture sa pintuan (hence, ‘door scene’) ngunit nagbago ang plano. Buti na lang hindi natuloy. Mahirap kuhanan ang mukhang pinto sa pinto. (Nilait na naman ang sarili.)

Pakiramdam ko humawak ako ng pilak (hindi talaga ginto, no?) nung nasa kamay ko na yung damit na susuotin ko. Dahil proud ako, kinuhanan ko yung label ng damit. Sana balang araw, afford ko na bumili ng mga damit na katulad niyan. Mas maganda kung magdonate kayo sa akin. Yung totoo, evacuee?

Astig tong coat-of-arms/insignia/whatever-you-may-call-it. Reminds me of Bench. And gusto ko yung texture ng damit. Bagay sa mga mamalimig na klima tulad ng opisinang wagas na wagas ang airconditioning.

Sa wakas, may makeup na ako courtesy of Muriel. Medyo naiinsecure ako habang minemakeupan niya ako kasi baka iniisip niya, nagmamake-up ba siya ng mukha o ng mukha ng buwan. May craters eh. (Nilait ang sarili.) Pero ang galing. Nawala ang mga marka. Hindi na ako mukhang buwan. Mukha na akong Jupiter. Salamat Muriel, RN.

At eto na nga. At dahil may pagka “Alice in Wonderland” ang tema ng shoot, ibinigay sa akin ni April ang karakter na White Rabbit. Ewan ko ba kung dahil ipinanganak ako sa Year of the Rabbit o mukha akong kuneho. Gayupaman, hindi naman literal na Alice in Wonderland. Isang inspiration lamang at isang fashion interpretation ang pictorial. Kaya wala akong tenga ng isang kuneho at naniniwala ang stylist na kaya ko i-feel ang personality ni White Rabbit. Kengkoy. Makulit. Muntanga minsan. Pero lovable.

Syempre di mawawala ang paborito kong pose: ang papogi pose. Di ko na pala kelangan ng rabbit ears. May rabbit nose naman ako. Leche, ang ganda talaga ng coat.

At kung inyong mapapansin at mapupuna, white stocking lang ang suot ko sa pambaba. Nakabrief lang ako sa pang-ilalim. Kung nakatayo, mukha namang palda kaya walang bahala. Pag nakaupo na ako, yun lang. Felix Bakat na. Ika nga ni Muriel… “Santolan Station, Santolan Station”. Pero cool nga eh, mukha akong aabay sa Royal Wedding. Kulang na lang ng unan, singsing, at aras, ringbearer na ako. And by the way, nais ko pong pasalamatan si ginoong Mech Serva sa brown boots na aking sinuot. Sarap mag boots. Pakiramdam ko isa akong cowboy na macho dancer. Salamat, Mech. I love you pare. Haha.

Change attire si Marii. Siya ang pinakastar at pinakakawawa(?) dahil sa dami ng wardrobe layouts.

Parang graceful flamingo na sasayaw ng Swan Lake. Galing ni Marii. Napakagraceful at effortless ng poses niya. And may pagkahawig siya kay Ina Raymundo.

Habang nagpapahinga at hinahanda ang susunod ni eksena. Mga bandang hapon na yan.

Antagal daw mamili ng damit si Marii kaya naimbyerna si saleslady. Joke. Ito ang shot ng model with the stylist para sa layout ng project. Syempre, di magpapatalo si soon-to-be Liz Uy. (Uy April, kunin mo akong Vince Uy ah. Ginawa mo na kasing Marc Nicdao si Raecen eh.)

Sinisigurado nila April, Raecen, at Ethan kung nakakuha sila ng magandang shot. At teka. Ethan, pose ba yan o makati ba pwet mo?

My anak, Lei, and Miel. Hands down to Lei’s support. Siya ang tagadocument ng mga nangyayaring kababalaghan sa pictorial. Siya ang tumulong at kumontak sa akin nung ako ay naliligaw sa kalsada habang papunta sa location.

Si April at Raecen with his totem-face expression. Bow ako sa inyong dalawa.

At syempre… hindi mawawala ang asaran at harutan sa likod ng pictorial. Meet the EaPril loveteam. Parang binisayang April lang. Mukhang mag-asawa: yung tipong kailangang magtanim ng palay si Eathan para lang sa wedding gown ni April. Kasalukuyang nilalanggam ako habang tinatype ito. Bigyan niyo ak ng Baygon. Gagawin kong pabango.

Ang finale. Namangha ako sa ganda ni Marii at sa damit niya na mala-wedding gown (uy, walang malisya sa paghanga ko ah). Bongga yung gown na tipong pwedeng ipantapat sa wedding dress ni Kate Middleton. Mahaba ang train, tipong aabot ng EDSA at pwedeng sumakay ang mga abay. Di ko lang nakuhanan ng picture na nasa ilalim si April.
Too bad wala akong picture habang kinukuhanan ako. Pero imagine kung gaano ako kainspired at masaya habang naging bahagi ako ng photoshoot. Salamat talaga, April. Salamat din sa mga nakasalamuha ko. Sa uulitin.
Ilalagay ko sa ibang blog entry ang finished product dahil ayokong magreklamo kayo sa tagal ng pagload at haba ng blog entry na ito. Here’s the link of the photos! ^_^
Final Exams, ating eksaminin
Marami akong namimiss na mga bagay-bagay sa college life. Kahit ikaw namimiss ko. Joke. At isa sa mga namimiss ko ay ang Finals Week. Di kayo nagkakamali sa nabasa niyo. I know I sound crazy. Bakit ko gugustuhin ang isang bagay na nagpadusa sa akin noong nag-aaral pa ako? Tulad ng madlang college students, naranasan ko ring mahirapan sa Finals Week. Hell week, ika nga. Halos maubos ang kilay ko ka pagsusunog, masuka sa mga kape’t energy drink na iniinom ko para lang hindi makatulog (which apparently, wa epek minsan), mapagalitan ako ng mga magulang ko dahil gabi na ako umuuwi dahil sa mga projects (na most of the time hindi na talaga yun ang nangyayari), at magmukhang zombie dahil sa stress na dulot ng end of term. Isama mo na rin ang mga walang katapusang deadlines at ubusan ng pera sa mga walang katapusang projects.
But comparing it to the situation outside school, it’s more different. Working is like an never-ending Finals Week. Di tulad ng Finals, you have to impress your boss infinitely unless you get fired (I hope we all in the workforce don’t resort to this). Everyday has countless deadlines. Attendance do really count. Presentations are more critical (and there’s no redefense). And unlike when you fail at your subject and you can retake the course, you cannot afford to fail your job lalo na mataas ang expectations ng society sa labor population at mataas rin ang unemployment rate. Kaya think na maswerte pa rin ang students. And oh, we don’t have the privilege of class suspensions except kung masama na talaga ang panahon and the admin orders a suspension.
At hindi makukumpleto ang Finals Week kung wala ang mga written examinations. Mas malulupit ang written exams pagka Finals kesa sa mga assignments at quizzes. Malawak ang coverage (imagine combining all quizzes into one big test). It comprises a big percentage bulk of class rating (kaya minsan nalalaman na kung pasado o bagsak). At mas mahirap kumopya lalo na pag iba ang proctor ninyo
.
Pero ano nga ba ang nilalaman ng isang Finals Week test paper? Anu-ano ba ang makikita natin? At saan banda tayo nahihirapan? Halina’t talakayin natin.
Direction: Read carefully. No erasures, please. Joke.
Test I. Identification
Ito ang kadalasang unang bumubulaga sa atin sa written exams. Aalamin ang salitang tinutukoy ng kahulugan. Ang pinakasikat na format ng uri ng pagsusulit na ito ay ‘________’ + meaning ng hinahanap ng salita. Pero may ibang forms ng identification tulad ng complete the word (parang Wheel of Fortune-style; bubuuin mo yung letters, which is somehow easy dahil binibigyan ka na ng hints), fill-in-the-blanks (parang identification pero mas marami ang sasagutan na missing words sa isang statement item/number), or definition (kabaliktaran; given yung key term pero ikaw ang magsusulat ng meaning, which is kinda hard.) Anumang style ng identification, most of the students would agree na ito ang kadalasang nilalaktawan para sagutin ang mga susunod na parts ng exams, at madalas na hindi rin naiiwanang blanko
.
Test II.True or False
Dito inaalam ng exam taker kung totoo, baluktot, or gawa-gawa lang ng professor mo ang statement. Kung sumasang-ayon ka sa sinasabi, isusulat mo ang “True”. Kung hindi naman, “False”. Kung di mo alam, di kita matutulungan diyan. Minsan ‘T’ or ‘F’ ang isinusulat pero mas prone to sa dayaan dahil ang “T” pwede maging “F” (lagyan lang ng isang guhit). Meron ding modified true or false na kung saan kapag di ka sumasang-ayon, kailangang hanapin mo ang mali at/o baguhin ang statement. Kadalasang napapagtitripan itong part ngexam, kung maaari daw frue at tralse na lang daw ang isasagot para wala ng problema.
Test III. Multiple Choice
Ito ang pinakasikat sa lahat. Binubuo ito ng mga tanong at sa bawat mga tanong may 2 or higit pa na set of answer choices. Kailangang pillin ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagmarka (pabilog/pa-ekis/pakwadrado/o paoctagon kung masayadong OC yung prof) o pagsulat ng letra. Ito ang mas prefer ng mag-aaral at ng mga test takers. Madaling itong sagutan maliban kung kasing dami ng butil ng bigas ang number of items. Madaling malalaman ang score after checking. At minsan, madali makipagkopyahan sa ganitong uri ng exam maliban kung magkaiba ang test set ng katabi mo. Nakakalito din ang multiple choice test dahil parang lahat ng choices, posible maging tamang sagot, at lalo na yung mga none/all of the above na minsan akala mo yun ang correct answer. Minsan ang student ay nagrerely sa kanyang pattern instinct kung di masagutan almost ng mga items. May sinusundang pattern, kunwari ‘A-B-A-B’ or ‘lahat A’ and so on.
Test IV. Matching Type
Laman nito ang set of defined terms, usually in 2 columns, at kailangang pagtugmain ang dalawang may parehas na katangian, either by connect the dots or by letter. Kalat in random style ang mga dapat mong idugtong sa karugtong niya. Minsan nakakainis ang matching type of tests dahil may naiiwang/kulang ng choice kaya napapaisip ka kung tama na ba ang mga sagot mo (ikaw mismo ang maglalagay ng tamang sagot or posibleng 2 ang sagot sa isang item).
Test V. Enumeration
Ito ang isa mga pasakit sa ulo ng mga mag-aaral. Ililista mo ang mga hinihinging sagot. Kunwari, ilista ang mga pangalan ng 7 dwarfs ni Snow White o 10 Utos ng Diyos (in Latin form). Minsan, pampatagal rin ito at mahirap kumompya (kailangan mabilisang pagsilip o kaya malinaw ang pagsasabi ng sagot kahit sa pabulong na boses). Kaya kailangang memorized na memorized mo ang list kaya may iba na gumagamit ng mnemonics para madaling maalala ang pinag-aralan (example: Every Good Boys Does Fine at FACE para sa pitch letters sa music).
Test VI. Illustration
Ang bahaging ito ay para sa mga sagot na kailangang iguhit (flowcharts, diagrams, drawings, etc). Kunwari, iguhit ang business cycle diagram, ang salaysay kung paano binaril si Rizal, o ang reproductive system
. Minsan, idinadaan na rin sa pagandahan ng drawing para dagdag points. Yung tipong may shadow at shading pa kahit stick figure lang.
Test VII. Essay
Dito mo ipapaliwanag ang hinihinging punto. Maaaring objective (humihingi ng facts) or subjective (humihingi ng iyong palagay o opinion) ang essays. Kadalasang matatagpuan ito sa kadulu-duluhan ng test papers. Kailangan ng malinaw at direct-to-the point na sagot, at isama mo na rin ang maayos na penmanship. Mahirap ata magbasa ng sulat na mukhang kinalaykay ng manok. Yung totoo, heiroglyphics? Minsan pag walang masagot na matino ay dinadaan na lamang sa pagandahan, pabonggahan, at pahabaan ng sagot na kulang na lang ay maging garden ang test paper sa dami ng mabubulaklak na salita at kailangan mo pa ng extra paper. May ibang essay na humihingi ng sapat na bilang ng salita? Wow, naka MS Word ka pala. As if mabibilang pa.
Test VIII. Problem Solving
Syempre, di mawawala ito lalo na sa mga exams ng Math-related subjects. Ito ang parang essay ng mathematics, except puro calculations, formulas, at numbers. Binubuo ito ng mga questions in the form of problems na naghahanap ng value/s. Minsan matatawa ka sa mga problem sets, tipong alamin mo kung gaano kabilis ang takbo ni Juan, may kwento pa, at aalamin mo ang distansya ng kanyang tinakbo, in meters. Kung pupwede lang sagutin na ‘super bilis’. Kailangan mo ring ipakita ang proseso ng pagsagot mo para malaman kung papaano nakuha ang value at hindi inimbento basta-basta. At minsan… kelangan mong i-prove ang sagot mo. Tapos mali pala no? Ulit ka na naman hanggang sa hindi mo na maintindihan yung sinusulat mo at humihingi ka pa ng extra scratch sheet.
So ayan ang mga usual na types of tests na nakikita natin sa mga written examinations. Sa likod ng dusa at pasakit ng mga tanong na hindi masagot, may natututunan tayo. Nalalaman natin kung saan tayo magaling at saan tayo mahina. Natututunan natin na kailangan tayong magreview at mag-aral pa lalo.
Basta laging tatandaan na basahing maigi ang panuto. Ano ang panuto? Direction/Instruction. Malay mo dapat kumpleto ang pangalan ng instructor/professor mo (kasama dapat ang middle name), all caps ang bawat letra ng sagot mo, or dapat violet ang tinta ng panulat mo. Or bawal pala mag-erasures. Minsan, ang maliliit na detalye ng exams ay may malaking bearing sa score mo. Naranasan ko na yan: instead na bilugan ang letra ng tamang sagot, binilugan ko ang buong sagot.
Mag-aral at magreview para hindi mahirapan sa final exams. Gumawa ng system kung papaano maalala ang mga pinag-aralan. Huwag ka gumawa ng kodigo. Mahirap ang mahuli at magkaroon ng kaso. Mahiya ka naman sa balat mo.
At siyempre, huwag kalimutang magdasal.
Good luck sa final exams. Sa mga papasa, congratulations! Sa mga hindi pinalad, see you next term, joke
. Now, pass your papers! Finished or not finished!
A Year After
Anniversary na pala ng nakakagimbal na August 23, 2010 Manila Hostage Crisis. Di ko makakalimutan iyon. Nandito lang ako sa bahay, nakatunganga lang sa Facebook, nang biglang nabalitaan ko na lang sa mga news feed posts pati na rin sa mga balita sa TV. Nakakatakot. Pero hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari pagsapit ng gabi. Nauwi sa karumal-dumal na krimen.
At dahil sa nangyari, paghihinagpis at galit ang nadama ng mga pamilya, kamag-anak ng mga biktima hanggang sa umabot na sa national scale. Ang masaklap, napunta sa sisihan at pag-iinsulto sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong.
Hindi ko natiis. Idinaan ko na lang sa simpleng sulat noon ang aking saloobin…
August 26, 2010. Thursday. Via Facebook.
Dear Hong Kong and the Philippines (and whoever reads this):
To whoever demands justice: I firmly believe that justice should not be taken selfishly. Even if some of your fellowmen are killed here in our country, are you sure that we favored it? Are you sure that everyone LIKED it? Only the stone-hearted and stupid ones will appreciate the bloodshed of those innocent people.
HK people, we feel your great sadness and rage. Nobody wanted this to happen in the first place. Imagine one fine Monday morning while most of us, here and in your country, are busy with our own lives, but suddenly things messed up. I believe this is an ISOLATED CASE, and somehow the succeeding events made it worse. We understand you and we feel the same thing. But it is just unfair for some of you are name calling us: monkeys, home of criminals, pigs, uneducated, and other unimaginable and hurtful remarks. Mostly we, Filipinos, have nothing to do there in the first place. We are putting our efforts to make peace and share the sympathy to the victims as well as the affected families. But some of you are firing things up. Before you throw stones to us, think first. Does your anger contribute to the resolution? Only the demons would agree.
For my fellow Filipinos, I firmly stand on what our forefathers/former generations had taught us. I’m proud to be a Filipino because we’re one of the people who have the firm belief on moral values. We were taught on the values of respect, love, sincerity, and hope. And I think we must act as one to be part of the reconciliation. I might get negative feedbacks regarding this since we have nothing to do about it, that I am too idealistic, and we have no responsibility to say our apologies. But let’s think that it is our willingness to ease the pain that can somehow mend the wounds. And it wouldn’t hurt if we act in behalf of our country. Also, there are so much to blame right now. Blame the president, blame our police forces, blame the media, blame some of our insensitive fellowmen… but are we going to blame forever? Can we “stop throwing bricks but instead rebuilt what had been damaged”? Our selfishness and ignorance, not the crime, that kill us eternally.
Intelligence does not reside on a specific demographic and ethnographic entity. Chinese are wise, and so are Filipinos. I think intelligence is on a personal/individual responsibility and accountability. So if you believe you’re educated and wise enough, you probably think of something that will contribute to the solution of the problem, and will not resort to never-ending arguments of who’s right or wrong. We need dialogue and solutions, not confusion and hatred.
There is this saying that should be highlighted in situations like now: “If you are thrown a stone, throw back with a bread.”
Those who question the sincerity of those who apologize, if you are willing to understand, open-minded, and sympathetic, you would feel the genuine warmth. “Hug” us and you’ll feel the beat of our hearts.
Regarding the issue about security… Crime does not happen only in our country, the Philippines. Those hostage taking crisis can happen anywhere, everywhere, anytime, everytime. It may happen also in Hong Kong… even in the farthest and coldest place of the earth. So it is unbearable and unfair to learn the hasty generalization that our country is the worst place to go to. Are you sure of that? How about Iraq and Afghanistan? These so-called inhumane and unjust happenings don’t just reside on our motherland. Let us remember that the dirty fingers of crime lurk on every corner of this planet.
The police force and other authorities hold responsibilities. However, we must not rely our own lives on them… for it is our prime responsibility to take care of our own selves.
If we could just stop pointing fingers at one another but instead, join our palms to pray, this simple act of sincerity and selflessness can do no harm and can contribute to the restoration of peace, unity, and justice. And let us do remember that we, Chinese and Filipinos, came from a single root, that is, Asia.
*the Philippines H.U.G.S. Hong Kong (Hope, Unity, Goodness, Sincerity)*
— Toney Sevilla, a concerned Filipino citizen
Ako po ay nananalangin para sa hustisya at sana ay hindi na maulit ito muli.























