Category Archives: List
Final Exams, ating eksaminin
Marami akong namimiss na mga bagay-bagay sa college life. Kahit ikaw namimiss ko. Joke. At isa sa mga namimiss ko ay ang Finals Week. Di kayo nagkakamali sa nabasa niyo. I know I sound crazy. Bakit ko gugustuhin ang isang bagay na nagpadusa sa akin noong nag-aaral pa ako? Tulad ng madlang college students, naranasan ko ring mahirapan sa Finals Week. Hell week, ika nga. Halos maubos ang kilay ko ka pagsusunog, masuka sa mga kape’t energy drink na iniinom ko para lang hindi makatulog (which apparently, wa epek minsan), mapagalitan ako ng mga magulang ko dahil gabi na ako umuuwi dahil sa mga projects (na most of the time hindi na talaga yun ang nangyayari), at magmukhang zombie dahil sa stress na dulot ng end of term. Isama mo na rin ang mga walang katapusang deadlines at ubusan ng pera sa mga walang katapusang projects.
But comparing it to the situation outside school, it’s more different. Working is like an never-ending Finals Week. Di tulad ng Finals, you have to impress your boss infinitely unless you get fired (I hope we all in the workforce don’t resort to this). Everyday has countless deadlines. Attendance do really count. Presentations are more critical (and there’s no redefense). And unlike when you fail at your subject and you can retake the course, you cannot afford to fail your job lalo na mataas ang expectations ng society sa labor population at mataas rin ang unemployment rate. Kaya think na maswerte pa rin ang students. And oh, we don’t have the privilege of class suspensions except kung masama na talaga ang panahon and the admin orders a suspension.
At hindi makukumpleto ang Finals Week kung wala ang mga written examinations. Mas malulupit ang written exams pagka Finals kesa sa mga assignments at quizzes. Malawak ang coverage (imagine combining all quizzes into one big test). It comprises a big percentage bulk of class rating (kaya minsan nalalaman na kung pasado o bagsak). At mas mahirap kumopya lalo na pag iba ang proctor ninyo
.
Pero ano nga ba ang nilalaman ng isang Finals Week test paper? Anu-ano ba ang makikita natin? At saan banda tayo nahihirapan? Halina’t talakayin natin.
Direction: Read carefully. No erasures, please. Joke.
Test I. Identification
Ito ang kadalasang unang bumubulaga sa atin sa written exams. Aalamin ang salitang tinutukoy ng kahulugan. Ang pinakasikat na format ng uri ng pagsusulit na ito ay ‘________’ + meaning ng hinahanap ng salita. Pero may ibang forms ng identification tulad ng complete the word (parang Wheel of Fortune-style; bubuuin mo yung letters, which is somehow easy dahil binibigyan ka na ng hints), fill-in-the-blanks (parang identification pero mas marami ang sasagutan na missing words sa isang statement item/number), or definition (kabaliktaran; given yung key term pero ikaw ang magsusulat ng meaning, which is kinda hard.) Anumang style ng identification, most of the students would agree na ito ang kadalasang nilalaktawan para sagutin ang mga susunod na parts ng exams, at madalas na hindi rin naiiwanang blanko
.
Test II.True or False
Dito inaalam ng exam taker kung totoo, baluktot, or gawa-gawa lang ng professor mo ang statement. Kung sumasang-ayon ka sa sinasabi, isusulat mo ang “True”. Kung hindi naman, “False”. Kung di mo alam, di kita matutulungan diyan. Minsan ‘T’ or ‘F’ ang isinusulat pero mas prone to sa dayaan dahil ang “T” pwede maging “F” (lagyan lang ng isang guhit). Meron ding modified true or false na kung saan kapag di ka sumasang-ayon, kailangang hanapin mo ang mali at/o baguhin ang statement. Kadalasang napapagtitripan itong part ngexam, kung maaari daw frue at tralse na lang daw ang isasagot para wala ng problema.
Test III. Multiple Choice
Ito ang pinakasikat sa lahat. Binubuo ito ng mga tanong at sa bawat mga tanong may 2 or higit pa na set of answer choices. Kailangang pillin ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagmarka (pabilog/pa-ekis/pakwadrado/o paoctagon kung masayadong OC yung prof) o pagsulat ng letra. Ito ang mas prefer ng mag-aaral at ng mga test takers. Madaling itong sagutan maliban kung kasing dami ng butil ng bigas ang number of items. Madaling malalaman ang score after checking. At minsan, madali makipagkopyahan sa ganitong uri ng exam maliban kung magkaiba ang test set ng katabi mo. Nakakalito din ang multiple choice test dahil parang lahat ng choices, posible maging tamang sagot, at lalo na yung mga none/all of the above na minsan akala mo yun ang correct answer. Minsan ang student ay nagrerely sa kanyang pattern instinct kung di masagutan almost ng mga items. May sinusundang pattern, kunwari ‘A-B-A-B’ or ‘lahat A’ and so on.
Test IV. Matching Type
Laman nito ang set of defined terms, usually in 2 columns, at kailangang pagtugmain ang dalawang may parehas na katangian, either by connect the dots or by letter. Kalat in random style ang mga dapat mong idugtong sa karugtong niya. Minsan nakakainis ang matching type of tests dahil may naiiwang/kulang ng choice kaya napapaisip ka kung tama na ba ang mga sagot mo (ikaw mismo ang maglalagay ng tamang sagot or posibleng 2 ang sagot sa isang item).
Test V. Enumeration
Ito ang isa mga pasakit sa ulo ng mga mag-aaral. Ililista mo ang mga hinihinging sagot. Kunwari, ilista ang mga pangalan ng 7 dwarfs ni Snow White o 10 Utos ng Diyos (in Latin form). Minsan, pampatagal rin ito at mahirap kumompya (kailangan mabilisang pagsilip o kaya malinaw ang pagsasabi ng sagot kahit sa pabulong na boses). Kaya kailangang memorized na memorized mo ang list kaya may iba na gumagamit ng mnemonics para madaling maalala ang pinag-aralan (example: Every Good Boys Does Fine at FACE para sa pitch letters sa music).
Test VI. Illustration
Ang bahaging ito ay para sa mga sagot na kailangang iguhit (flowcharts, diagrams, drawings, etc). Kunwari, iguhit ang business cycle diagram, ang salaysay kung paano binaril si Rizal, o ang reproductive system
. Minsan, idinadaan na rin sa pagandahan ng drawing para dagdag points. Yung tipong may shadow at shading pa kahit stick figure lang.
Test VII. Essay
Dito mo ipapaliwanag ang hinihinging punto. Maaaring objective (humihingi ng facts) or subjective (humihingi ng iyong palagay o opinion) ang essays. Kadalasang matatagpuan ito sa kadulu-duluhan ng test papers. Kailangan ng malinaw at direct-to-the point na sagot, at isama mo na rin ang maayos na penmanship. Mahirap ata magbasa ng sulat na mukhang kinalaykay ng manok. Yung totoo, heiroglyphics? Minsan pag walang masagot na matino ay dinadaan na lamang sa pagandahan, pabonggahan, at pahabaan ng sagot na kulang na lang ay maging garden ang test paper sa dami ng mabubulaklak na salita at kailangan mo pa ng extra paper. May ibang essay na humihingi ng sapat na bilang ng salita? Wow, naka MS Word ka pala. As if mabibilang pa.
Test VIII. Problem Solving
Syempre, di mawawala ito lalo na sa mga exams ng Math-related subjects. Ito ang parang essay ng mathematics, except puro calculations, formulas, at numbers. Binubuo ito ng mga questions in the form of problems na naghahanap ng value/s. Minsan matatawa ka sa mga problem sets, tipong alamin mo kung gaano kabilis ang takbo ni Juan, may kwento pa, at aalamin mo ang distansya ng kanyang tinakbo, in meters. Kung pupwede lang sagutin na ‘super bilis’. Kailangan mo ring ipakita ang proseso ng pagsagot mo para malaman kung papaano nakuha ang value at hindi inimbento basta-basta. At minsan… kelangan mong i-prove ang sagot mo. Tapos mali pala no? Ulit ka na naman hanggang sa hindi mo na maintindihan yung sinusulat mo at humihingi ka pa ng extra scratch sheet.
So ayan ang mga usual na types of tests na nakikita natin sa mga written examinations. Sa likod ng dusa at pasakit ng mga tanong na hindi masagot, may natututunan tayo. Nalalaman natin kung saan tayo magaling at saan tayo mahina. Natututunan natin na kailangan tayong magreview at mag-aral pa lalo.
Basta laging tatandaan na basahing maigi ang panuto. Ano ang panuto? Direction/Instruction. Malay mo dapat kumpleto ang pangalan ng instructor/professor mo (kasama dapat ang middle name), all caps ang bawat letra ng sagot mo, or dapat violet ang tinta ng panulat mo. Or bawal pala mag-erasures. Minsan, ang maliliit na detalye ng exams ay may malaking bearing sa score mo. Naranasan ko na yan: instead na bilugan ang letra ng tamang sagot, binilugan ko ang buong sagot.
Mag-aral at magreview para hindi mahirapan sa final exams. Gumawa ng system kung papaano maalala ang mga pinag-aralan. Huwag ka gumawa ng kodigo. Mahirap ang mahuli at magkaroon ng kaso. Mahiya ka naman sa balat mo.
At siyempre, huwag kalimutang magdasal.
Good luck sa final exams. Sa mga papasa, congratulations! Sa mga hindi pinalad, see you next term, joke
. Now, pass your papers! Finished or not finished!
14 Love Songs For February 14
Valentine’s day na naman, mga kapamilya, kapuso, kapatid, kapanalig, at kakulto. Ito ay araw ng pinakamasarap na bagay sa mundo: ang chocolates. Joke
Kidding aside, araw ngayon ng mga puso. At nais kong alamin ang statistics ng mga highblood at may cardiac arrest ngayong araw
Araw ngayon ng mga nagmamahalan. Ang mahirap ay lahat nagmamahalan… pati presyo ng mga bagay-bagay ngayon nagmamahal
No doubt na madaming tao sa mga malls at hotels ngayong araw. Marahil pati mga motels din punuan
Pero naniniwala ako na hindi lang ang mga may mga karelasyon ang may karapatan para ipagdiwang ang Araw ng mga Puso. Nais kong ipaglaban ang karapatan ng mga single na kagaya ko. Ika nga, Single Awareness Day
Since it’s Valentine’s Day, I wanna share my playlist for today. Ito ang tala-awit (calling Ohhhnibersidad ng Pilipinas kung tama ang aking Tagalog translation for ‘playlist’) na pumupukaw sa ating mga puso’t damdamin. Wala akong date with someone so I just immersed myself with love songs
Natutuwa ako kasi habang ginagawa ko ito and nakikinig ng love songs, nagreply yung ultimate crush ko sa simpleng bati ko, I didn’t really expect. Kaya medyo natagalan ‘tong paggawa ng blog entry. Lumandi muna ang inyong abang lingkod
14. Please Be Careful With My Heart by Regine Velasquez and Jose Mari Chan
13. When You Tell Me That You Love Me by Westlife and Diana Ross
12. Lost In Space by Lighthouse Family
11. Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
10. Against All Odds by Mariah Carey and Westlife
9. Can You Read My Mind by Maureen McGovern
8. You Change My Life by Janie Frickie
7. I Want to Spend My Lifetime Loving You by Marc Anthony and Tina Arena
6. Runaway by The Corrs
5. I Finally Found Someone by Bryan Adams and Barbra Streisand
4. Don’t Go Breakin My Heart by Anne Hathaway and Jesse McCartney
3. Always by Atlantic Starr
2. Para Sa Akin by Sitti Navarro
1. To Love You More by Celine Dion
At dahil sa kapapatugtog ko nitong mga love songs at mainspire, nilalanggam na ako… wait, totoong langgam pala! Di ko pa pala natatapon yung tira kong tinapay sa ilalim ng computer desk ko wahahaha!
Kayo ano mga favorite love songs niyo? Share niyo naman at magpakacheesy tayo. Kulang na lang talunin natin ang Kraft Food Corporation. PAK!
Happy Valentines Day to all! ♥♥♥
Hot Like Mexico, Rejoice!
The Air Prince
Ang Aking Christmas Deeds List
Malapit na pala ang Pasko. Parang kahapon lang ‘nagpapaputok’ ako for New Year ng 2010. Hoy, green minded ka ah! Haha
Panigurado yung mga nanay niyo hinuhugot muli ang mga Christmas Trees sa bodega ninyo at muling papalamutiin (at pagkatapos ng taon, mamomroblema na naman kung papaano itatabi). Maririnig na naman natin ang mga masasayang carols sa mga malls (pero umaasa ka na mag-Sale din hehe). Balik negosyo na rin sila Aling Bibingka at Mang Puto Bumbong (na hanggang ngayon’y na-aamaze ka sa paggawa). Ang mga lansangan ay kumukutikutitap muli (salamat sa Meralco dahil may liwanag ang buhay Pasko). At season na naman ng mga snatcher at holdaper na nag-aabang ng mananakaw tuwing may Holiday Sale
Ewan ko pero habang tumatanda ako (ayan at paniguradong may natatawa na naman tuwing napapag-usapan angkatandaan ko, leche) ay nawawalan ako ng gana tuwing sasapit ang Pasko. Noong ako’y bata pa, lagi kong inaantabayanan ang Pasko. Masaya ako dahil sa mga natatanggap kong mga regalo mula kani-kanino (buti walang nagregalo sa akin ng bomba or ng Anthrax LOL), sa mga pagkaing pinag-sasalo-salo ng pamilya, sa mga parties at exchanges gifts, or simply dahil walang pasok. Pero iba ngayon. Hindi na katulad ng dati ang Pasko. Well, kaya siguro nasasabi na ang Pasko ay para sa mga bata. Marahil sa economic at emotional crisis na dinadanas natin, hindi na gaano masigla ang Kapaskuhan. Mas masaya noon. Ramdam na ramdam mo. Hindi malamig ang simoy ng hangin dati. At hindi laging Silent Night noon.
Or sadyang emo lang ako?
Ngunit ngayong darating na December, sisikapin kong baguhin ang pananaw at pakiramdam ko. Kahit marami akong problemang hinaharap ngayon, hindi ako nawawalan ng pag-asa na maging makabuluhan ang Kapaskuhan ko
Naisip ko na gumawa ng CHRISTMAS DEEDS LIST para maiba naman. Kung karamihan ay may mga CHRISTMAS WISHLISTS, ako ay nagsulat ng iilang mga bagay na gusto kong matupad sa paraan ng mabubuting gawa. Layunin ng listahang ito na ma-realize natin na hindi lamang sa material na bagay dapat tayo lumigaya. Ang Pasko ay higit pa sa mga regalong nakabalot sa mga makukulay na pabalot o sa kung gaano kamahal o ka-orig ang mga bagay na ating natatanggap.
Narito ang aking 10 deeds:
- Gigising ako ng maaga lagi.
Unang deed pa lang pero napakachallenging na. Ngayong malamig ang simoy ng hangin ngayong season, napakasarap humiga at yapusin ang mga unan. Pero namalayan ko na kapag gumising ka ng maaga, marami kang magagawa sa buong araw. Sa paraang ito masusubok ang essence ng disiplina para sa sarili.
- Mag-aalay ng candies, biscuit, at kahit anung mumunting pagkain sa mga streetchildren.
Nabasa ko ito sa tweet ni Veejay Floresca, isang talentadong fashion designer dito sa bansa. Instead na magbigay ka ng pera para panlimos sa mga nanlilimos na bata, bigyan mo ng pagkain. Hindi lang para siguradong hindi mapupunta kung saan-saan ang perang iniabot (pantataya, pambibili ng Rugby) kundi para maginhawaan ang kumakalam na sikmura ng mga batang lansangan. (Pero share ko: dati may mapiling street kid, ayaw niya ng burger dahil karne kasi. Vegetarian? Haha)
- Mag-aalaga ng munting halaman.
Gusto ko mag-alaga ng pusa (ayoko ng aso kasi) ngunit ayaw na ayaw ng nanay ko sa mga mabalahibong nilalang na iyon. Kesa sa pagpilitan ko at mauwi sa diskursyon, napag-isipan kong mag-alaga na lang ng… halaman. Harmless naman eh at low maintenance naman. Sunlight, fertilizer, at pagmamahal lang ang kailangan para yumabong ang halaman. Try ko kaya mag-alaga ng Venus Fly-trap? Haha
- Blood donation.
First and last time ko mag-alay ng dugo ko noong 2006. Kahit nakakatindig-balahibo, nais kong muling magdonate ng dugo para sa nangangailangan maliban lang sa mga bampira at zombies
Meron pa nga akong blood donation bank na sa mga oras na ito ay nawawala
- Magbibigay ng art sessions para sa mga pamangkin ko.
Bihira lang ako mahilig at matuwa sa mga bata (yung totoo, gusto maging pedophile? Haha!) ngunit darating din ang panahon na magkakapamilya ako at magkakaanak, dapat ay matuto na akong makihalubilo sa mga bata. Total, naging bata rin ako. Hilig ko ang mga art stuff noonn at hanggang ngayon kaya nais kong maghandog ng munting art session sa bahay para sa mga pamangkin ko. Hindi lang para mapalapit ako sa kanila kundi para makatulong ako madevelop ang kanilang skills
- Magtuturo sa mga gustong matuto ng photography.
Matagal ko na itong plano. Gusto ko magsagawa ng informal tutorial session sa school as a sign of my gratitude sa aking kurso. Hindi sa pagmamayabang ngunit hindi ko mahuhubog ang talento ko sa photography kung hindi dahil sa paaralang kumumkop sa akin. At bilang ganti, gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko. Hindi masama ang magshare ng mga nalalaman
- Magluluto ng masarap na pagkain para sa mga kapatid ko sa Pasko.
Nagmana ako sa tatay ko pagdating sa pagluluto. At dahil ako ang nakatoka sa mga pagkain namin dito sa bahay sa pang-araw-araw, napaghusayan ko na ang panlasa at pagluluto. Siguro kung hindi ako naging multimedia artist, baka naging chef ako at mataba na ako ahaha! Anyway, para maramdaman naman ang presence ko nila dahil busy ako lagi, maghahandog ako ng pagkaing masarap. Baka mag-bake ako
- Mag-aalay ng talento sa simbahan.
Tradisyon na ng pamilya namin na magsimba tuwing araw ng Pasko. At may family portrait pa afterwards haha! Nais kong maging parte ng misa bilang violinist sa simbahan para hindi lang ako maipagmalaki ng aking pamilya. It’s for God too
- Tutulungan kong maiahon ang negosyo ng aking tatay.
Medyo hindi maganda ang takbo ng negosyo ng tatay ko. Siguro panahon para umaksyon ako. Marahil ay magagamit ko ang aking degree para sumigla ang sales ng business ng tatay ko. Pwede kong i-reformat ang branding ng business. Gandahan ang menu lay-outs para makaakit lalo ng customers
- Yayakapin ang aking nanay.
Simply gusto ko yakapin siya
Namimiss ko na nanay ko
Lagi kasi kami nagmimisunderstanding eh
As a sign of love and peace, yayakapin ko siya
So ayan, nagshare ako sa inyo ng aking mga gagawin this season of sharing
Alalahanin natin na ang Pasko is not just for materialism. And let’s try not to be selfish. Extend ourselves and feel the presence and warmth of God and others’ love
And it might light up the Christmas lights all over the city
Ano ang deeds mo for Christmas? Share mo
Hot Like Mexico, rejoice!
The Air Prince
OPM… Old Pinoy Music Playlist
Habang may ginagawa, naisip kong magpatugtog ng mga kanta. Tama na ang mga Lady Gaga or Adam Lambert or David Guetta or Boys Like Girls songs. Tayo ay magpatugtog muna ng OPM. Di lang basta-basta OPM kundi mga lumang OPM na kanta.
Sa totoo lang, medyo nakakasawa minsan makinig ng mga contemporary songs lalo na yung mga revivals. Yung iba sa kanila parang wala lang, tipong makagawa lang para may pandagdag sa album track listing. Yung ibang songs hindi binibigyan ng hustisya yung original versions. Iyan ang masaklap pag nagrerevive ka ng kanta lalo na pag mula sa dekalibreng manganganta. Imbis na bigyang ng bagong buhay o kulay, nasisira ang orihinal na saysay ng kanta. Hindi sapat ang makabagong technology at talento para magrevive ng old OPM songs. Kahit lapatan mo ng modern beats at birit, dapat alalahanin ang tunay na mensahe at emosyon na nakapaloob sa kanta. Ok lang kung mag-experiment pero take the risk. Basta ang importante huwag mababoy ang kanta
Kaya ngayon, naisipan kong makinig sa mga lumang tugtugin. Ito ay mga kantang kahit ilang taon na ang lumipas, di alintana ang kalumaan kapag sinimulan mo ng pakinggan; tipong sa mga unang nota pa lang ng kanta eh pumupukaw na ng damdamin. Alam ko it sounds baduy pero aminin natin, napapa-sing along rin tayo. Marahil yung ibang kanta rito ay patok sa mga amateur singing competition, videoke, or soundtracks ng teleserye/movies.
Okie, simulan na natin! Jukebox, SELECT (Naka-shuffle playlist tayo, hehe)
15. Dito Ba – Kuh Ledesma
“Dito ba, dito ba… Dito ba, o, dito ba? Ang dapat kong kalagyan… Na isang sulok kong hiram… Sa ilalim ng araw…”
Eto ang kanta para sa mga nao-OP
Hindi alam kung saan sila pupunta. Kaya naka-ilang tanong si Kuh sa kanta: dito ba, o dito ba talaga?
Pero kung tutuusin, favorite song ko ‘to kasi ramdam ko yung frustration ng isang taong unsure sa buhay niya. Yung tipong naghahanap ng sense of comfort and security. In short, mga taong insecure haha! Joke
Eto ang emo song noon hehe
14. Magkasuyo Buong Gabi – Rico J. Puno
Mag…ka…suyo buong gabi… Masaya’t magkatabi… Magkayakap sa buong magdamag… And maybe strangers in the night… Can be lovers for the rest of our lives…”
Sabi daw, si Rico J. Puno daw chickboy. Lapitin ng babae. Dahil sa bigote niya, dahil sa pagkamacho gwapito, or dahil sa mga kantang nagpapatamis sa mga puso’t labi ng Pinoy? Regardless ng kanyang charm tactics, in fairness gusto ko yung boses niya
Parang nanliligaw siya habang nakanta. Umaapaw ng machismo ang mga kanta niya
Regarding sa kanta above, I dunno kung sino yung babae pero while listening to the song, parang naiimagine ko nasa Honeymoon sila. Obvious naman sa lyrics eh, di ba? Kumbaga kahit may sexual undertones yung kanta, we can’t resist singing to the song because dama natin yug intimacy ng nagmamahalan
13. TL Ako Sa Iyo – Cinderella
“Ewan ko ba kung bakit type kita… Di ka naman guwapo… Kahit malabo ang pagpili ko, T.L. ako sa ‘yo.”
Wala sa kaanyuan ang pag-ibig, sabi ng iba. At dito sa kanta pinatunayan ang notion na iyon. (Para po sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng T.L., it means True Love. Ang pag-ibig ay more than sa pisikal na kaanyuan, bagkus nasa sa loob natin. Kaya huwag kayo magulat na si ganito pumatol sa mukhang (insert degrading descriptions here), ok?
12. Bituing Walang Ningning – Sharon Cuneta
“Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal. Hayaang matakpan ang kinang na ‘di magtatagal. Mabuti pa kaya’y maging bituing walang ningning, kung kapalit nito’y walang paglaho mong pagtingin.”
Familiar kayo sa mga usual beauty pageant questions about choosing between fame or love? Ang kantang ito ang magpapaliwanag kung ano ang kasagutan. Ayon sa kanta, kung nakamit mo na ang mga pangarap mo sa buhay at may kulang pa, iyon ay dahil hindi madaling makamtan ang pag-ibig. Hindi katumbas ng kasikatan ang pagmamahal. Minsan di naiiwasan ang mabulag sa kinang ng tagumpay. Sikat ka nga pero walang nagmamahal sa iyo dahil mapagmataas ka. Kaya sa kanta ni Sharon, mas pipiliin ng kumakanta na ipagpalit ang kinang ng tagumpay sa lilim ng pagmamahal. Hence, mabuti pa siya maging isang bituing walang ningning kung kapalit ay walang hanggang pag-ibig
Dahil kung hindi… you’re nothing but a second rate, trying hard, MANGONGOPYANG PUSAKAL! Haha
11. Nandito Ako – Ogie Alcasid
“Nandito ako umiibig sa `yo, kahit na nagdurugo ang puso… Kung sakaling iwanan ka niya, huwag kang
mag-alala… may nagmamahal sa `yo… nandito ako.”
Isa pa ‘tong kanta na pasok sa mga emo na tao pero mga umaasa. Kumbaga, if on the event na nagbreak-up yung sinisinta ng kumakanta at ang karelasyong iba, handa pa ring umibig siya. Hence, ‘nandito ako’. Grabe. Kahit nagdurugo ang puso niya, huwag daw siya mag-alala dahil may reservation
10. Ang Pag-ibig Kong Ito – Leah Navarro
“Ang pagibig kong ito… Luha ang tanging nakamit buhat sayo… Kaya’t sa maykapal tuwina’y dalangin ko… Sana’y kapalaran ko ay magbago…”
May mga taong nasasaktan pero hindi pinapakita ang kanilang nararamdaman. Akala natin matayog at matatag sila ngunit sa kalooban ay umiiyak na pala. Ang drama noh? Joke
Itong kanta ay para sa mga martyr ng pag-ibig. Kulang na lang, i-canonize na sa Vatican
Ang pag-ibig ay hindi lagi tamis ang nakakamit. Minsan, pait ang nararamdaman. At nasa sa atin kung mananatili tayong masasaktan o handang magparaya para lumigaya. Gaya nga ng sabi sa kanta, inaasa na ng tinig ang kapalaran niya para makalabas sa pait na dinadanas niya.
9. Ipagpatawad Mo – VST & Company
“Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo… Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo… Ipagpatawad mo, minahal kita agad…
If I am not mistaken, isinulat ito ni Joey de Leon for his friend/fellow VST & Co. bandmate, Vic Sotto (yung kumakanta nito) nung nagkakaproblema si Vic sa karelasyon niya before. I love this song. It kinda reminds me of Bee Gees, kahit sa iba nilang kanta. Ang kantang ‘to ay para sa mga atat umibig, like mga gusto magkarelasyon kaagad. Kwento ito ng isang lalake na humihingi ng kapatawaran sa kanyang dilag dahil hindi niya sinasadyang mapa-ibig sa kanya kaagad. Naniniwala ako na ang pag-ibig ay process din. Dapat hindi maging hasty ang isang lalake sa mga babae, and vice versa. Kung mangliligaw ka, don’t force her to love you instantly. Let them decide. Dahil mahalagang kilalanin mo muna ang isang tao bago mo mahingi ang tunay na “oo”. Para sa bandang huli, walang sisihan
8. Sayang na Sayang – Manilyn Reynes
“Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo. Laan pa naman ang puso ko sa ‘yo… Naaalala ka kung nag-iisa… Sa pangarap (ko’y/ay) kasama kita…”
Base sa mga nabasa ko sa net, ito ay inaalay ni Manilyn sa pumalyang relasyon nila ni Janno Gibbs nung sila pa ay mga bata-bata pa (yep, nagkarelasyon silang dalawa
). Ambata pa ng boses ni Manilyn dito
Ang kantang ito ay tungkol sa nagsimulang matamis na pagsasama na nauwi sa bigalaang nag-iba ang ihip ng hangin. Kaya nagsisisi ang babae. Sayang na sayang daw. Pero di niya maiwasan na hanggang sa panaginip ay naaalala pa siya. In short, may remnant pa yung guys sa babae. At kung sakali daw na umibig yung lalake for the second time, mag-ingat daw para wala ng pusong masaktan. At kundi hindi, jombag na ang aabutin.
At ‘di ko kinaya ang shoulder pads at hairdo ni Manilyn
7. Tamis ng Unang Halik – Tina Paner
“…Tuwing ang mata’y mapipikit, bakit tamis kusang nagbabalik… Kukupas pa ngunit hindi ang alaala mo ng una mong halik…”
Kung may kanta version ang “Katorse” 1980s movie nila Dina Bonnevie at Gabby Concepcion (I forgot kung sino yung isang guy), ito iyon. Actually, ito ang song for the movie-turned-afternoon teleserye sa ABS-CBN. It describes the usual sensation of the ‘first love’. Ano pa nga ba ang isa sa manifestation/way of romance? Kiss, di ba? Halik: ang pagdampi ng mga labi ng isa’t isa. Sa kantan ni Tina Paner, ang unang pag-ibig ay iniuugnay sa unang halik. Ganoon naman pag first time, hindi mo makakalimutan. Lumipas ang mga taon at maraming tao ang makakasama/iibigin, paniguradong maaalala mo pa rin ang taong bumihag sa puso mo. ANCHEESY!
6. Iisa Pa Lamang – Joey Albert
“…At kahit iba na ang minamahal mo, kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso… Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan… Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito.”
Bago pa ito kinanta ni Lani (Lani… anak ng pucha?! Joke) Misalucha para sa teleseryeng kaparehas ng title ay ikinanta na nito ni Joey Albert (babae po siya). Nakakatunaw ang mga unang salita sa kantang ‘to. “Sa dinami-dami ng aking minahal. Panandalian lamang at ilan ang nagtagal…” Iyan ang dakilang example ng playgirl! Joke
Buti hindi siya nagkasakit ng HIV or STD dahil iba-iba ang nakakasalamuha niya! Joke ulit
Kwento ito ng isang babae na marami ng nakasama sa buhay niya (“sa dinami-dami…”), mapa short-lived or long-lived, ay di pa rin niya nakakalimutan ang kaisa-isang taong inibig niyang tunay (“…iisa pa lamang ang minahal ko nang ganito”). Ganoong naman talaga, hindi pare-pareho ang paraan ng pag-ibig natin sa iba’t ibang tao.
5. Ewan – APO Hiking Society
“Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola… Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na! Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola… Sumagot ka naman ‘wag lang … ewan …”
Isa ito sa paborito kong kanta ng APO. Set in 3/4 ala march tempo, parang animatic yung song. Parang scene ng lalakeng pilit niyang inaalam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng dalaga sa kanya kahit isinisigaw na niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal siya. Hindi maintindihan ng guy yung girl (siguro may ‘bisita’ kaya mailap haha!) kaya nahihirapan siyang itindihin pero mahal niya pa rin siya. ‘Oo’ o ‘hindi’, yan ang dapat na sagot. Pero syempre, gusto natin ng ‘oo’. Ngunit ayon sa kanta, ang ‘ewan’ ay parang affirmation na rin (“…parang oong inaasam”). Sa mga guys, masyadong atat sa sagot. Pero dapat alalahanin na ang mga babae ay dapat bigyan ng sapat na panahon para mag-isip. Kung hindi pa rin sumasagot, kantahan mo nito. Kung sumagot ng ‘hindi’, sorry pero basag ka LOL:D
4. Bakit Labis Kitang Mahal – Lea Salonga
“Bakit… labis kitang mahal? Yakap mo’y di ko malimutan… Bakit… labis kitang mahal? Sumpa man, iniibig kita!”
Sa pagkakaalam ko, hindi si Lea ang unang kumanta nito kundi ang bandang Boyfriend. One word about this song: OBSESSED. Pati ba naman sa pagtulog, hindi mai-alis sa isipan? Baka pati sa pagdumi sa inidoro, iniisip pa siya? Joke
Ang cute ng boses ni Lea dito; halatang bata pa siya. Pero dapat din natin isa-alang alang na huwag tayo masyado umibig (actually hindi pag-ibig na iyon). Oo, masarap talaga umibig kaya abot hanggang langit ang galak. Pero hinay-hinay lang. Parang alak iyan, huwag masyado iinom dahil nakasasama sa kalusugan.
3. Narito Ako – Regine Velasquez
“Narito ako umiibig… Laging tulala at ligalig… Heto na naman at halos di mapakali… Sa damdamin na pinakamimithi.”
Baliw siguro si Regine… posible bang pwedeng ipagsabay ang pagiging tulala at ligalig? Muntanga naman ‘yun. Haha!
Kidding aside, ito sa tingin ko ang song na about love lang. Walang binanggit about someone special. Tungkol ito sa damdamin ng pag-ibig: kumbaga, ang mundo niya ay pag-ibig. This song is a celebration of love. Pero napapaisip ako kasi yung song parang ang melancholic. Tapos the fact na “narito ako” yung lyric/title. Parang she’s calling attention (stressed on where she is). KSP? Nah. Marami tayong assumptions about this song pero one thing is sure: love can take us to any places
Yung totoo, airplane?
2. Sayang – Claire dela Fuente
“Sayang… ngayon lang tayo nagkatagpo, ngayon na rin magkakalayo… Bakit kaya minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?…
Eto ang gusto ko sa mga lumang kanta particularly from 70s to early 80s: they infused real sounds of instruments/less synthesized unlike during 80s. Kung woodwind, woodwind talaga maririnig mo. First time ko narinig ‘to when I was a kid from my elder sis’ cassette tape (di pa uso ang CDs nun!). I adore Claire. She is one of the most respected Jukebox singers here in the country. She is even dubbed as the Karen Carpenter (ang babaeng namatay dahil sa gutom ayon kay K Brosas hehe) ng Pinas dahil similar sila ng way of singing, parang inaantok pero mellow. About the song, tungkol ito sa brief and late encounter/relationship ng lovers na sinisi pa mismo sa fate (“…Bakit kaya minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?”). Hinahangad ng kumakanta na sana before pa sila nagkatagpo at nag-ibigan para nagtagal yung relasyon hanggang magtagal. Pero wala na magagawa kaya… sayang.
1. Hiram – Zsa Zsa Padilla
“…Di ba ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin? Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin? Sa bawa’t sandaling… hiram natin…”
Sanay tayo sa ideal structure ng isang relationship: two lovers. Pero what if kung may 3rd party na involved. Kerida. Kabit. Ka love triangle. In shirt, iba. Hiram na pagibig. Sinubukan ng kantang ‘to na dalhin tayo sa kabilang dako ng pag-ibig; sa point of view ng kabit or ‘humihiram‘. Oo, hindi dapat tularan ang mga kagaya nila pero gaya nga ng sabi sa kanta, sila ay ‘tao lamang na nadadarang (naaakit/napapalapit) at natutukso rin‘. Iyan ang masakit at mahirap sa isang kabit. Umiibig sila pero hindi legal/bawal/hiram lamang. Ngunit kahit napa-risky ng relasyon iyon, hindi maiaalis sa kanila na nangangailangan sila ng pagkalinga at pagmamahal. Sa kanta ring ito ay ipinapaalam sa atin na nakakatukso ang pag-ibig. Kahit alam natin na bawal, gagawin pa rin. Ipinapaalam rin sa atin na kahit nag-iibigan sila ng mahal niyang inagaw ng saglit, alam niyang hiram lamang iyon (hanggang sa dulo ng song, iniwan tayo ng lasting word na ‘hiram‘). Nasasaktan siya pero wala siyang magagawa.
Pero honestly, everytime na naririnig ko ‘to, kumikiway-kiway din yung lips ko katulad ng kay Zsa Zsa Padilla (her trademark while singing), tipong nanginging yung baba at cheeks. Hahaha
So I guess that’s all for the mean time. Marami pa akong gusto i-share na songs na minsan kong pinakikinggan pag nagsasawa ako sa modern music. At syempre, isaisip natin na dapat maging proud tayo sa sarili nating musika. Mabuhay ang OPM!
If you have your own OPM playlist, you can share them
I’ll be glad to hear you comments
“Di baaaa! Ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin!” (tapos nanginginig din yugn lips hahaha) ![]()
Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince
Mga Bagay na Hindi Ko Pa Nasusubukan/Nagagawa
Okie. Virgin pa ako. Virgin pa ako sa iilang mga bagay. Kung itatanong niyo kung sexually virgin pa ako, itanong niyo sa buwan
Nainspire ako magsulat tungkol sa mga bagay na hindi ko pa nagawa, nalasahan, natikma (magkaiba yung ‘nalasahan’ at ‘natikman’), napanuod, naranasan, atbp. Tulad ng isang taong birhen pa, halong kaba, sabik, at curiousity ang nasa saloobin ko. Maraming katanungan ang lumilipana sa aking isipan. Ano kaya ang pakiramdam pag nagawa ko na ito? May mapapala ba ako doon? Makakatulong ba ako sa global warming crisis pag ginawa ko na iyon? Iisa lang ang alam ko: marami pang mga bagay sa mundo ang nasa tabi ko lang, hinihintay ako.
Last Saturday (October 9), first time ko pumunta sa Eastwood City dahil sapilitan akong isinama ng aking mga HS friends na sina Jenny, Gen, and Nadz. Kumpara sa Rockwell, mas pipiliin ko ang Eastwood. Doon, hindi ako nagmukhang pulubi or worse, basahan
I was like an amazed kid. Buti nga hindi promdi eh
First time ko rin kumain sa isang diner-style resto na ang name ay Johnny Rockets (nasa Eastwood din) . Mahal yung food pero sulit naman. Plus, first time ko rin makakita ng jukebox (nasa Johnny Rockets din). Kulang na lang magpatugtog ng Uptown Girl ni Billy Joel eh
50s na 50s yung vibe sa resto.
After ng heavy dinner at window shopping namin sa mall, pumunta kami sa Centerstage sa may Tomas Morato, another first time. Pumunta kami para manuod ng gig ng banda ng boyfriend ni Nadz, si Gyte. At dahil hindi nawawala ang audience participation sa mga gigs, nagkaroon na naman ako ng first time experience na kumanta with a live band. Kinanta ko yung fave The Corrs song ko na Runaway. Sana nagviolin na lang ako kesa sa kumanta
Pero in fairness, ang sexy nung isa sa girls vocalist, may hinaharap haha! Muntikan na naman ako magkafirst time kung nakainom ako ng Cerveza Negra kaso out of stock sila. MAGSARA NA SILA, JOKE!
(Isusunod ko na lang yung separate entry about the ambush date. Maraming nangyari kaso di kasya rito.)
Kinabukasan, hindi ko ineexpect na makakanuod ako ng first-ever concert in my entire life: Glam Nation ni Adam Lambert! May spare tickets si Nadz kaya tinext niya ako kaso gabi na pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon. Adam LAmbert eh, idol ko yun
First time concert experience ko, first time ko rin sa VIP area! Ansaya! (View my concert experience here.)
Oh diba, gaya nga ni Venus Raj, major major ang weekend ko. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila at kay God dahil binigyan niya ako ng unexpected weekend treat ![]()
Magbalik tayo sa dapat pag-usapan.
Nakasakay na ako sa bagong PNR (Thanks tugs)… Nakapagjudge ako sa pageant (Thanks Jorelle)… Nakapagbiyahe ako out of Manila all by myself… Nakadalo sa international church gathering (EN2010, thanks Elvis)… Nakasali na ako sa cooking competition… Nakapaghost na ako ng debut (Thanks Ysza)… Nakanuod na nga ako ng concert (Thanks Nadz and Gyte)… Hmmm…
Anu-ano pa nga ba ang mga hindi ko nattry? May mga simple, may mga ‘huh-Toney-seryoso-di-mo-pa-nasusubukan?’, may mga saka-na-siguro, may mga sa tingin ko malabo kong magawa (pero malay natin di ba?) Heto’t nilista ko:
- Sumakay ng rollercoaster.
Totoo yan. Malaki akong duwag sa mga extreme na theme park rides. Akala ko horror houses or Anchors Away na ang pinakachallenging para sa akin pero hindi ko pa nasusubukan sumakay sa roller coaster. Mahiluhin ako. Pero gusto ko masubukan yung thrill ng pagsakay sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom or dun sa Flying Bullet ng Knott’s Berry Farm sa U.S. (ANTM Cycle 15 plugging. Haha.) - Mag ice skating.
Sayang kasi Bowling yung sport namin sa PEDUFOR (PE for 4th term). Madalas ako sa SM MOA pero hindi ko man lang nasusubukan magsuot ng ice skating shoes tapos maggaglide ka sa ice rink at magfefeeling Michelle Kwan or Apollo Ohno dun. - Mag horse-back riding.
Take note ah, horseback-riding sa mga kabayo, hindi sa mga mukhang kabayo. Haha. Anyway, gusto ko maexperience yung pagsakay sa kabayo kasi parang napakaroyale at powerful ng feeling. Di ba isa sa mga gawain ng mga dugong bughaw ay ang pangangabayo? (NO PUN INTENDED AH) Parang si Master Cedie (Cedie… Cedie…) Kung pwede lang, gawin kong equestrian rink ang parking lot ng SM MOA eh
- Lumabas ng Luzon/Pilipinas.
Sa totoo lang, pinakamalayo kong narating sa Pilipinas ay Manaoag, Pangasinan (sa north) at Lucena, Quezon (sa south). Poor me. Never pa ako nakapunta sa mga sikat na destinations outside Luzon island. Naiinggit ako sa mga nakapunta ng Boracay, Puerto Galera, or kahit saang lupalop ng Pilipinas, pwera lang sa balwarte ng Abu Sayaf at nga mga NPA
Gusto ko puntahan ang Pagudpud, Vigan, Baguio, Coron, Camiguin, Davao, Cagayan, Calatagan, at Batanes
Syempre, malamang hindi rin ako nakakapag out-of-the-country. Gusto ko pumunta sa Spain, Greece, UK, syempre US, Australia, Japan, Brazil, Maldives, at kung saan saan pa. - Makipag date.
Never pa ako nakakaranas ng date. Group date, oo pero yung date with special someone, hindi pa. Kahit sa mga ex girlfriends ko, hindi pa ako nakakaranas ng special lakad. Hanggang sa date, napakatorpe ko
- Mag bungee-jumping/skydiving.
I adore extreme adventure, at isa sa gusto ko i-try ay ang paghulog ng sarili mula sa napakataas na pook habang nakabit sa’yo ang lubid (Napakalalim ng Tagalog kahit nasa alapaap ka na. Shet.) or lumangoy sa himapapawid (what a term). Though nakakalula pag nasa taas ka ng ground, iba yung adrenalin rush at wind rush pag nasa moment ka na. Dun mo mapapatunayan ang mga Laws ni Newton
- Manuod ng live basketball match.
Hindi ako marunong magbasketball. Hindi ako masyado mahilig manuod ng basketball games. Pero gusto ko rin masubukang manuod ng live matches kasi gusto ko maranasan yung energy ng crowd (though claustrophobic ako) habang naglalaro ang kanya-kanyang bets. Gusto ko sumigaw ng DEFENSE.. DEFENSE!
- Sumakay ng hot air balloon.
I’ve been to Philippine Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga twice… just to watch how lazy hot air balloons fly. Syempre, I can’t afford to ride one. Mahal. Kaya hanggang pangarap ko na lang (unless may magsponsor sa akin). - Magswimming sa white beach.
Take note: white beach=white sand. Never in my life pa ako nakakapunta sa beach na may white sand. Last time na pumunta ako sa beach ay noong makulit na bata pa ako at itim ang buhangin. Feeling ko kasi parang nasa Boracay na ako pag nakatuntong na ako sa white sanded beach. Ako, I feel hot pag nasa white sand beach ka: maglalaro ka ng beach volleyball, sunbathing, surf (malamang sa dagat, hindi na sa buhangin), chicks spotting (hindi mawawala eh no), at kung anu-ano pang recreational activities sa white sanded beach (talagang emphasiezed no?) - Mag gym.
Shit. Gusto ko na magpaganda ng katawan. I can feel a baby flab forming on my tummy T_T Aminin na natin na sa panahong ngayon, lahat ng tao gusto maging fit. Gusto ko maging fit or maging hunk. Mga Sumo wrestlers lang ata ang may ayaw. - Sumali sa Fun Run.
Ilan beses ako pumapalpak rito. Ilang invitations na pero hindi ako nakakapunta. Pero sana in the future kung meron ulit, sasama na ako. Sawang-sawa na akong tumatakbo habang hinahabol ka ng aso
Gusto ko tumakbo for a cause. At daig ako ng crush ko: siya nakailang fun run na. (OOPPS A CLUE HAHA) - Sumakay ng eroplano.
Never ko pa ito nagawa. Malamang eh hindi pa nga ako nakakapunta sa ibang bansa or ibang isla
- Magdrive ng sasakyan.
Kalalake kong tao, hindi pa ako marunong magdrive kahit magpastart ng engine. Marunong lang ako sumakay sa sasakyan
Gayunpaman, kinakailangan kong matuto dahil may advantage pag marunong ka mamaneho: para makagala ka. Joke! Plus, dagdag pogi points pa. Kaya nga di ba? “Basta driver, sweet lover… Aha… Aha… AHAHAHAHA!” Joke
- Magpa ear piercing.
Nakita lang ako ng ate ko nakasingsing, tinawag na akong adik. Nakita lang ako ng tatay ko na nakataas ang buhok ko, Jejemon na tawag sa akin. Bakit si Christopher de Leon at Aga Muhlach? Bawal sa family namin ang magpatattoo or magpabutas ng anumang bahagi ng katawan (pwera lang kung babae ka, pwedeng-pwede ka maghikaw). Pero kung magpapabutas ako, sa anu na lang… sa kuko
- Pumunta sa club.
Alam niyo naman ako, dakilang virgin/homebounded ako. Kaya pati sa nightclubs hindi pa ako nakakatuntong. Ilang yaya na ang tinurn down ko. Medyo takot ako sa club dahil sa Ozone Disco incident dati. Pero depende sa club siguro. Tugs… tugs… tugs… tugs… Hi can I get your number? LOL. - Kumain sa Shabu-shabu.
Shabu-shabu ah, hindi shabu! Ito ay isang klaseng Japanese resto na kung saan may hot pot sa gitna ng table mo at ikaw ang magluluto at magseserve ng food sa sarili mo. Ang cute kaya nun, ikaw maggigisa sa mga beef at veggies mo sa maliit ngunit mainit na kawali. - Maglaro ng Airsoft at frisbee.
Failure ako sa Counter Strike. Paano pa sa Airsoft, di ba? Pero ayos lang yun kasi di naman totoong bala yung ibabaril sa iyo. Nakapagpaputok na ako ng… M-16 pero yung Airsoft guns hindi pa. Aside from Airsoft, gusto ko masubukan yung frisbee game. Hindi naman siguro ako aso para maglaro nun at uso ngayon ang frisbee. - Makicooperate sa Gawad Kalinga/Habitat for Humanity.
Wala naman masama kung magpapakakarpintero ka for one day, lalo na kung… mukha ka talagang karpintero. Joke
Masarap yung feeling pag nakatulong ka sa kapwa sa hindi usual na paraan. And masarap din yung feeling pag one day, makita mo yung itinayo mong bahay na may nakatira. Sabihin mo “Pare, ako gumawa ng bahay na ‘yan!” Tapos biglang gumuho pagkaturo mo
- Pumunta sa comedy bar.
Ay gusto ko ‘to! Mahilig kasi ako magjoke at mahilig ako sa joke entertainment. Lalo na pag mga bading ang nag-ookrayan tulad ni Vice Ganda. Galing nila mag-isip. Doon mo makikita kung gaano katalino ang isang tao sa pamamagitan ng pag-iisip ng witty jokes
Di na uso yung slapstick comedy, uso na ang bakla comedy
- Mag outdoor camping.
Hindi niyo ba alam na Boy Scout ako noong elementary? Nakapagcamping na ako pero sa loob ng school lang. Corny no? Daig pa ako ng young brother ko, naging part pa siya ng World Jamboree sa Makiling at sa Cebu. Pero gusto ko magcamping kasi iba yung feeling pag nasa woods ka, you’re close to Mother Nature. Tapos luluto-luto ng walang-kamatayang canned goods, magsstar-gazing, kwentuhan, at takutan
Tara, magcamping tayo sa bakuran niyo
Ayan at naitala ko na sa aking Reporter’s Notebook ang mga bagay na gusto or plano kong subukang gawin/ mga hindi ko pa nagagawa. Marahil ay magbago pa ito or imposible ng gawin. Ang mahalaga ay dapat i-enjoy natin ang bawat sandali ng buhay kahit sa mga simpleng bagay-bagay. At kung may mga kakaibang karanasan ang gusto nating subukan, lagi tayong mag-iingat. Dahil iisa ang ayaw natin subukang gawin, ang magpakamatay
Hot Like Mexico, rejoice!
The Air Prince





