Category Archives: Celebration

Shamcey Forever

Bago pa mawala ang Miss Universe fever ay kailangan ko na sabihin ang aking saloobin.

Magbalik tayo sa aking mga piniling pambato. Ang mga naka-highlight ay mga nakapasok mismo sa Top 16:

  1. Costa Rica
  2. Spain
  3. Ukraine
  4. Mexico
  5. Paraguay
  6. Aruba
  7. China
  8. Angola
  9. Puerto Rico
  10. USA
  11. Venezuela
  12. Greece
  13. France
  14. Australia
  15. Malaysia
  16. Philippines

10 ang tumugma. Ang 6 na wala sa listahan ko na pasok sa Top 6 ay Brazil (panigurado dahil host city ang Sao Paulo, Brazil), Panama, Portugal, Colombia, Netherlands, at Kosovo. Inisip ko na pwede mapabilang ang 6 (except Kosovo) dahil may potential pero nasa waiting list ko sila. Nagulat ako na hindi man lang napabilang sina Greece at lalo na si Malaysia. Complete package din si Miss Malaysia tulad ni Shamcey Supsup. Pero buti na lang dahil major threat siya kay Shamcey.

Akala ko hindi ko masusubaybayan ang Miss Universe kahapon. Wala akong pasok nung gabi ng Monday (night shift) kaya masaya ako dahil makakapanuod ako kinabukasan. Tapos biglaang may lakad ng umaga ng Tuesday; medical appointment ng tatay ko. Hindi ako maaari maka-hindi. Pero buti na lang at maaga natapos at nakauwi. Ilang minuto na lang at nagsimula na. Alam kong delayed sa ABS-CBN kaya naghanap ako ng livestream sa internet (wala kaming Star World, linek na Destiny Cable). At kahit lagged, pinagtiyagaan ko na lang.

At di ko inaasahan. Lusot si Shamcey sa Top 16! At hindi siya yung ‘fan favorite’ na pwede makasama sa Top 16, meaning, mataas ang performance niya sa Preliminary competition.  Isa-isang nalalagas ang major threats niya hanggang sa nakatuntong siya ng Top 5. Sabi ko this is it. Huling hirit na lang, Shamcey.

Oras na ng pinakanakakakabang bahagi ng kompetisyon: ang Final Question and Answer round. Una si China. Kung tutuusin, ok yung sagot niya pero parang bitin. Parang kumain ako ng isang order lang siomai. Sumunod si Shamcey…

Vivica Fox: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why and why not?

Miss PhilippinesIf I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love because the first person that I love is God, who created me. And I have my faith, my principles, and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.

Uy pwedeng-pwede ang sagot! Confident. Humble. Honest. Straightforward. At may muita obrigada pa sa dulo. Pakiramdam ko siya na ang ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas. Kulang na lang ng korona.

Hanggang sa huling sumagot si Leila Lopes, Miss Angola. Ang nagtanong ay si Lea Salonga. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sumagot si Angola gamit ang wikang Portuguese kaya lamang siya. Idagdag mo pa ang paghiyaw ng mga manunuod habang isinasalin ng translator ang kanyang sagot (pakiramdam ko na parang ginagandahan rin ng translator ang sagot). Subalit inabutan siya ng time limit na ibig sabihin ay hudyat para tapusin ang kanyang pagsagot.

Habang commercial break ay iniisip ko kung sino ang mananalo talaga. Iniisip ko at ipinagdadasal ko na sana si Shamcey ang manalo. Maganda ang performance ni Shamcey, kung titignan. Siya ang halos fan favorite. Sa stage pa lang, ramdam mo ang presensya niya. Kumikinang siya sa kagandahan. Abot hanggang ibang galaxy ang kanyang ngiti. Napakaganda ng kanyang pagrampa (sabi nga nila tsunami walk daw, tipong kabog na kabog ang lahat). Pero para akong natatae sa kaba dahil posibleng magkatunggali sila ni Angola sa bandang dulo. Magaling din si Angola. Hindi ordinaryo ang ganda niya. Kakaibang black beauty at isa siyang bukod-tanging black contestant sa mga napanuod kong Miss Universe editions.

At dumating na nga ang announcement ng winners. Para akong nilagnat sa kaba at excitement. Kulang na lang ay maglabas ako ng rosaryo at magdasal para kay Shamcey. 4th runner up si Miss China. Nabawasan ng 20% ang kaba ko. 4 na lang. Nakakawindang ang suspense…

Sabi ko pa nga: Lord, ibinida kayo ni Shamcey sa sagot niya. Sana, ibida niyo rin siya as Miss Universe 2011.

Hanggang sa binanggit ng host ang pangalan ni Shamcey bilang 3rd runner up. Sabi ko anyare? Bakit? How did it happen? Unfair! Di ko matanggap. Napamura ako. Bigla akong nanlumo. Kung si Shamcey ay nakangiti at kumikinang LALO sa kagandahan kahit inabutan na siya ng bulaklak at inanyayahang tumabi, medyo naluluha ako.

Sabi ko, Angola na ang dapat manalo. At nabanggit na rin si Brazil bilang 2nd runner up. Dalawa na lang ang natitira. Si Ukraine at Angola.

At nanalo nga si Leila Lopes. First-ever winner from Angola at 2nd Black African winner since Miss Universe 1999 (panahon ng ating pambatong si Miriam Quiambao kung saan siya naging 1st runner up).

Ano masasabi ko? Dahil napagod ako sa kakatype ng kuwento ko, idadaan ko na lang sa summarization. Ayoko ring murahin niyo ako dahil lalo kong pinapahaba ang usapan dito.

  • Di ko trip yung opening number ng Miss Universe 2011. Umaasa ako na mas magarbo dahil: 60th anniversary, at hello, nasa Sao Paulo, Brazil sila. At pansin ko nagkakagulo sa pagfocus ng mga camera sa mga kandidata, hindi alam kung sino ang kukuhanan. Dahil ba super nagandahan ang mga cameraman sa kanila kaya nakalimutan na nila ang kanilang trabaho?
  • Plus, akala ko sasayaw sila or may national costume parade? Yun lagi ang inaabangan ko every pageant.
  • The musical performances were kinda blah. Pero ok na rin yung mga dancers.
  • Nagtataka ako bakit hindi talaga napabilang si Malaysia at Greece. Oh well, better not dahil malaking competition sila kay Shamcey at kay Leila rin.
  • Ampayat ni Alyssa (USA). Ang tangkad ni China, may lahi ata siya ni Yao Ming. Medyo parang mayabang ang dating ni Brazil. At nakasuot na kaya ng panty si Colombia after ng kanyang No Panty controversy?
  • Saang lupalop ba ng universe sila nanggaling? Ang katawan, kamusta naman. Titig na titig ako.
  • Shamcey Supsup’s tsunami walk is classic. At ang Colgate smile. Kumikinang tulad ng mga bituin.
  • Since 60th anniversary, dapat may special tribute para sa mga past winners tulad ng ginawa sa Miss USA 2011 na kung saan almost lahat ng past winners ay nandun. Ansaya siguro pag makita mong andun sila Gloria Diaz at Margie Moran, di ba?
  • Kahit di ka na manuod ng coverage, basta may Twitter ka, buhay na buhay ka na. Ako naman, hindi ako nakuntento. Update ako ng update pati sa Facebook. Sorry kung napuno ko ang News Feed niyo, kung friends ko kayo dun. Pasensya na.
  • Diba pag naabutan ka ng time limit, may bawas points? Look at the case of Angola.
  • But I admit, she (Angola) answered well. Sana hindi na niya sinobrahan by giving an advice. Nabitin pa yung advice niya.
  • Some said that Shamcey’s answer WAS NOT universal. The point was she doesn’t need to sound universally acceptable but moreover she should be honest, sincere, confident, understandable, and straightforward. Di na uso ang mga too pageantry na sagot.
  • I think she deserve a higher place.

Hay. Tapos na. Wala na tayong magagawa. All we can do is be happy with what Shamcey Supsup had accomplished. Hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe ngunit napanalunan naman niya ang bawat puso ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta (isama na niyo ako). Mahirap ang lumaban para sa bayan. Sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya, isipin niyo ang kanyang sinabi noong lumalaban pa siya sa Binibining Pilipinas 2011…

 Beauty is indefinite… we define it.

Sa mga fans niya, patuloy natin siyang suportahan. Magpasalamat tayo dahil isang karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipina, Iskolar ng Bayan, top notcher sa Architecture Licensure Board exam, at ngayon ay pang-apat na pinakamagandang binibini sa buong universe.

Para kay Bb. Shamcey Supsup, kung mabasa mo man ito, gusto ko sabihin na crush kita. Hehe. Pwera biro, gusto ko sabihin na salamat sa pagiging inspirasyon. Ibang-iba ang kagandahan mo. Bukod tangi. Kahit hindi ka nanalo as Miss Universe, ikaw pa rin ang panalo para sa akin. At dahil sa sagot mo, lalo tumibay ang pananampalataya ko sa Panginoon. Mabuhay ka, Shamcey. You made us proud. We love you!

Who knows. Next year makabawi tayo. May biro nga na sa susunod na mga tanong, pataas ng pataas ang rank ng Pilipinas. So ibig sabihin na ang Miss Universe 2014, Philippines na ang manalo. Joke.

Ok, back to reality. Back to work. Business as usual na sa mga parlor. Back to closet daw para sa mga lalaki daw. Haha. But Shamcey’s legacy will be in the history forever.

See you sa susunod na World Cup ng mga beki! PAK!

Congratulations to all the winners :)

Hot like Mexico, rejoice!

Explorers’ Club General Assembly 2011

I had a hectic but wonderful Wednesday this week. Wonderful like Wonder Woman.:D

Ngeee… korny.

Anyway, jampacked ang itinerary ko last July 13. I planned to visit 3 events on that day after work: Japan: Kingdom of Characters at Metropolitan Museum in Manila, Bloggers’ Congress at De La Salle University, and Explorers’ Club General Assembly. But after reading reviews about the 1st one, I decided to scrap it off from my planned lakad.

How did I suppose to attend 2 events if I have work? Buti na lang my schedule is flexible. I had an assignment to finish that day so I went to the office just to finish it. May pahabol pang fix-up yung boss ko so ginawa ko na rin (hurray for an obedient employee!) and then I ate my lunch na rin sa office.

I’ll post a separate entry about my experience at Bloggers’ Congress soon.

As much as I can, I always look forward to attend any Explorers’ Club events, because the organization is very close to my heart. Katabi ng lungs ko. Joke. Bilang isang ‘lifetime’ member (ayon sa aming faculty adivser na si Ms Mynne Dacoco) and a former officer, kahit graduate na ako sa APC, suportado ko pa rin ang club na itinuring kong pamilya sa school. And hey, ansarap kaya ng feeling na kabilang ka sa isang org na astig, dakila, at totoo. 7 years old na pala ang Explo. Ayan, namimiss ko na rin ang mga co-officers ko na sina Rain (ex President), Dennis, Jo, Narriel, at Miah. Time really flies.

Anyway, nakarating ako ng general assembly mga around 6 pm. Blame the rush hour, LRT, traffic, and those jeepney drivers sa Pasay Rotonda na masyado picky (pag narinig nila na bababa ako sa Shell Magallanes, di sila pumapayag). Pero I just arrived on time pala. Late na nag-start yung program (which was supposedly 4 PM ang start). The theme was pajama party and I didn’t bring my own attire since hassle para sa akin. And I’m naked pag natutulog ako. JOKE :D

I saw some new faces aside from my friends/co members in their sleeping, or shall I say ‘hospital’ outfits :D . Hindi ko sila kilala pero I tried to join with them. Idagdag pa ang comic tandem ni Bassil Dones at Johndel Tubo sa napakalakas na sound system setup. Kahit sumakit ulo ko dahil sa migrane, I found myself laughing so hard. There were also special intermission numbers by APC 2011 runner-ups Alden Policar and Belle Dinglasa, the Mash-up masters (ibigay niyo kahit anong kanta, kaya nila itimpla yan. Di na kelangan i-blender. Haha!) and also by 2 guys who I forgot to ask their names.

Also present in the event was Lei Solas, my anak and also a former President. Sana naman next time, makapunta na yung ibang former officers (nagpaparinig hehe). :)

Hindi nawawala sa tradisyon ng Explo pag may general assembly ang mga group cheers. Hindi ko makakalimutan ang SLEEPYHEADS ni Joemar de Vera. Plus, nagkaroon pa ng PLANKING demonstrations na naging medyo malaswa tignan. Haha!

Of course, hindi mawawala ang kainan. I found out that most of the members ang nagdala ng food. Nice :) Masarap yung food. Lasang food. Joke. Nakakain ako ng pancit, tinapay, puto, at biko. Yung mga ice cream medyo natunaw kaya sayang (pero humingi ako para iuwi haha!). Then may konting games. The first one was palambutan ng talong. Uy, double meaning. Literal na talong talaga. Participants is composed of a boy and a girl. Yung girl ang magpapalambot habang hawak lang ng guy yung talong. Looks naughty pero nakakatawa. And I had the chance to join! Nanalo pa with another pair :D Ano ang technique? Just rub it nice but firm. Haha! And last game was yung BABOY BAHAY BAGYO (correct me if the order is wrong). Hirap i-explain dito yung mechanics pero super laughtrip at gulo. Very similar yung game sa The Boat Is Sinking. :)

I had my own camera but unfortunately, I only got few shots kasi most of the time nakikipagkwentuhan ako and tawa ako ng tawa. And medyo blurry. So I grabbed some photos and made a slideshow for you to see. Photos courtesy of Johndel and Tsarm.

This slideshow requires JavaScript.


 
Here’s the induction of new officers of APC Explorers’ Club
 

 
Eto yung BABOY BAHAY BAGYO game :D
 

Salamat sa pag-imbita sa akin lalo na sa mga officers. Kahit *ubo ubo* former member ako (sabi ng iba ancient daw, mga ina niyo haha!) eh napapaunlakan akong imbitahan. I feel honored to be part of the club’s gathering. Hopefully if there’s another event, makapunta ulit ako to support you, guys. I’m wishing na tuluy-tuloy ang kasiyahan at pagiging active ng lahat. Pag lahat active, lahat masaya. At dyan nagsisimula ang friendship, isa sa layunin ng Explorers’ Club. Kung tutuusin, yung ngayon batch ang pinakamakulit pero super saya. Kasing kulit ng mga kiti-kiti. Joke :D Basta more power and may Mang Danny will guide our trip (ginawang diyos ang driver ng Explo bus? Haha) Just for Explo. :)

Hot like Mexico, rejoice!

P.S. Always take note. It’s EXPLORERS’, not EXPLORER’S :)

His Sounds: Together

Muntik ko na hindi mapost ito :) .

Jampacked ang May 7 ko (that was Saturday): 1st graduation practice sa school and then Untog/Untag exhibit at CCP. Also, I attended His Sounds Together concert at Philam Life Theater in Manila. Actually my close friend Elvis had just invited me few days prior the concert event. At first hindi ako umasa na bibigyan ako ng libreng ticket (the ticket costs Php 200) after I helped him with the poster design (na hindi rin nagamit, ewan ko kung bakit pero ayos lang di ako nagtampo). And then he gave me complimentary tickets kahit nung una niloloko ako na walang libreng ticket. Thanks, Elvis :) .

After the graduation rehearsal at school, at around 2 PM, I headed to U.N. Avenue via LRT. Syempre naman, sumakay muna ako ng shuttle bus from APC to Lapu-Lapu then a jeep to EDSA-Taft LRT station. Bumili pa ako ng malamig na McDo float dahil super init ng panahon (di kinaya ng sunglasses, payong, at sunscreen ko) at muntik pa ako maligaw. I arrived at the venue almost an hour early, which was a surprise for Elvis kasi kilala niya ako bilang isang taong nagpapahalaga sa Filipino time. Natuwa ako kasi I arrived ng maaga :) .

the program booklet :)

the complimentary ticket :)

I forgot to take some photos of Philam Life theater because I was saving my battery life for the concert. Hindi ako nakapagcharge. It was my first time to go there.  The place is old, parang mas matanda pa yata sa akin. But no matter how ancient as it looks, the architecture and the paintings on the walls tell a lot of stories.

Inabot sa akin ni Elvis yung ticket ko and then I joined the line in order to get inside the theater. And dahil malapit na mag empty yung battery ng camera ko, I even asked him if he could charge it. He simply agreed. As I entered the venue, I chose to sit near the aisle. I glanced around the auditorium and it looked so majestic kahit amoy 1980s (pero it adds drama naman hehe). Maganda yung stage at may grand piano sa tabi. Kung wala lang tao at kung pwede, sumampol ako ng… Twinkle, Twinkle Little Star :D .

Lumingon ako sa paligid and there were few people sitting inside. Yumuko ako at sinubukang umidlip dahil medyo ilang minuto pa bago mag-umpisa yung event (at wala naman akong maka-usap doon). And then the program started with the usual Philippine National Anthem and Opening Prayer. Mr. Romulo Pizaña, His Sounds Philippines Music Director and Conductor, gave an uplifting opening remarks and promised that we would be inspired by the concert :) By the way, whoever was the voice over… I love your voice! Pwedeng pang drama sa radio :D .

The concert, by the way, was divided into 2 parts: 3 PM and 7 PM. I told Elvis that I could only watch 3 PM since I had another event to attend (Untog/Untag exhibit). There was an audio-visual presentation of the event that tells the history of His Sounds. I learned that it’s already 40 years old and still holding choir festivals and living the commitment of singing for the glory of God. Natuwa ako kasi throughout the years, the group is still there and will be celebrating its ruby anniversary this year. Not only that, His Sounds has been part of some local and international chorale festivals and competitions. Ang kanilang tinig ay dumadayo sa ibang panig ng mundo. Wow, anlalim ng Tagalog ko :D .

I’m so proud that my friend and even Edneil Jocusol, another APCian (BS ECE student and batchmate of Elvis, also the EIC of The Rampage) are part of His Sounds mission and legacy. At yun nga, pinanuod ko sila to support. Those two guys are so talented in singing kaya I wanted to watch them :) .

Here are the delegates who participated in His Sounds Together concert:

Part 1: 3 PM

  • Alpha & Omega Choir (Taytay UMC)
  • Center for Community Transformation (CCT) Choir
  • National Electrification Administration (NEA) Chorale
  • Manila Concert Choir

Part 2: 7 PM (which, unfortunately, I didn’t able to watch)

  • Chorus Philippines
  • UCCP Community Church of Las Piñas Choir
  • University of Perpetual Help Chorale
  • The Good Samaritan UMC Chorale Ensemble
  • PCU-Mary Johnston College of Nursing Chorale

and His Sounds (which performed on both parts)

The chorale festival doesn’t only focus to praise and worship songs but also it included some pop, classical, and secular music genre. I find it appealing para hindi naman ma-bore yung audience :) .





Here are the videos of His Sounds choir performances Hindi ako biased ah kung His Sounds lang nakuhanan ko. Remember, low batt ako nun. If you can notice, some of the videos are short to compensate with the dying battery life. Kung ayaw mo maniwala, sumbong kita kay God. Joke :D




My favorite song which gave me goosebumps was His Sounds’ Alleluia (by Randall Thompson). Kahit ‘alleluia’ lang yung lyrics during the entire extent of the song, it was dynamic, full of drama, and complex. I even joked Elvis thru text na sa sobrang dynamic at ganda ng song, pakiramdam ko parang funeral song siya at ililibing ako ng payapa :D .

Sad to say but I left the venue after the first part. I also wasn’t able to take photos with Elvis and Edneil or even the choir. Dear His Sounds, invite me on your next concert, ha? :D . Anyway, congratulations to the participants and organizers of this event :) .

BTW, His Sounds will be leaving this week for a choir festival at Singapore! Let’s support and pray for them :) . Go, Edneil and Elvis! APC will be very pleased :) .

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

Ermats Day

This goes to all the mothers out there.

♫ Back then I didn’t know why 
Why you were misunderstood 
So now I see through your eyes
all that you did was love… ♫

Grabe, ang ganda ng song na yan. As soon as the violin riff is being played, naaantig ang puso ko. I still remember lumabas ‘tong song ng Spice Girls last 1997 (I was in Grade 4) and it became a hit (until now specially for Mothers’ Day). Oo na, favorite ko ang Spice Girls (pipilitin pa ako eh :D ).

May 8, 2011. Last Sunday. Maulan dahil kay bagyong Bebeng. Laban din ni Pacquiao versus Sugar Mosley na nauwi lang ata sa bromance :D . Pero syempre very special rin ang araw na iyon sa isa sa pinakaimportanteng tao sa ating buhay: ang ating mga nanay :) .

I would like to give appreciation and honor to the one who made all things possible, and say sorry. Ihanda niyo na ang tissue :D .

Salamat sa pagkakataong mabuhay ako sa mundong ito.
Salamat sa pag-aalaga kahit hirap ka sa trabaho at negosyo.
Salamat sa disiplina kahit labag sa loob ko.
Salamat sa pasensya kahit mukhang susuko ka na sa akin.
Salamat sa pag-iintindi sa akin kahit mahirap akong intindihin.
Salamat sa tulong kahit di kita tinutulungan.
Salamat sa oras kahit isang segundo lang.
Salamat sa lahat.

Sorry kung nasasaktan ka. Di ko naman sinasadya.

Nagsisinungaling man ako. Nag-iisip man ako ng mga bagay laban sa iyo. Nagagalit man ako sa iyo. Nagrerebelde man ako sa iyo. Nagiging pasaway man ako sa inyo. Nasasaktan man kita… Di ko kayo iiwanan. Tandaan mo yan :)

Love you, Veronica :) (ANCHEESY!)

Family portrait last New Year. Hindi pa kasama ang iba kong kapatid :)

Ermats at Erpats ko. O Ha! Boss ang Tatay ko :) )

High waist! HAHA! Grade 4 ako niyan :)

From Kinder to HS, lagi akong may award :) See here: http://prinsipenghangin.wordpress.com/2010/11/13/mula-sa-baul-ng-aking-ina-mga-medals-diploma-cards-at-alikabok/

Nay, malapit na ang graduation ko kahit super delayed na ako hehe :)

At gusto ko ring batiin ng Happy Mothers’ Day ang 2 pang malapit sa puso’t buhay ko: ang mga ate ko. Sila ang nag-alaga sa akin pag wala ang ermats ko (dahil nga busy sa negosyo).

Para kay Dr. Elenita, ang all-around dentista. Ibibigay niya ang isang bagay bago mo hingin. Kahit parehas sila ng ermats ko na strict, understanding yan. At kahit may sarili na siyang pamilya, di niya kinakalimutan kaming magkakapatid, kahit half-brother niya ako :) At gusto ko rin pasalamatan siya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako gagraduate sa darating na May 21. Salamat Ate :)


At para kay Ate Nene/Charo, ang cool ate. Sa lahat ng magkakapatid, siya ang may pinakamalapit sa akin. Bata pa lang ako, siya na rin ang naging nanay/yaya sa akin. Kahit may mga bagay na hindi kami madaling magkasundo, may mga common grounds kami. Natutuwa ako kasi lagi niya akong binibida sa mga friends niya. Sasabihin na “uy kapatid ko ‘to. Magkamukha ba kami? Ako nag-alaga sa kanya!” At handa niya akong ipaglaban kapag naaapi ako. Salamat Ate :)


HAPPY MOTHERS’ DAY TO ALL THE MOTHERS OUT THERE! INA NIYONG LAHAT :) )

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

Labor Day at Laiya


Hello from The Bahamas! Ay este from Laiya, Batangas! LOL

Isa sa dream ko ang makapunta sa beach na may white sand. Totoo yun. Never pa ako nakakapunta sa white-sanded beach (nakapunta na ako sa beach na maitim yung buhangin at bata pa ako nun). Astig yun kasi feel na feel mo yung summer: nakashades ka, may sunscreen lotion, tapos topless, feeling hunk, nakasuot ng board shorts… daming chicks… pati mga bading at silahis napapatingin sa iyo… tapos sabay may bola ng volleyball na tumama sa ulo mo… SAPUL! Hahaha! Joke lang :) .

At natuwa ako dahil natupad ang pangarap ko last May 1. Labor day nun at beatification ni Pope ay este Blessed John Paul II (ako naman ay magbebeautify. Haha). Plano ng staff ng Barangay Sucat na mag outing para naman makapagbakasyon ngayong summer. At dahil summer nga, gusto nila magbeach kaya sa pamumuno ng aking kuya (barangay captain siya), they decided to go to Laiya, Batangas.

Mas natuwa ako kasi sasama yung erpats at ermats ko. Never sumasama kasi sila sa family outing namin (sa bahay lang sila, hindi naman sila KJ) kaya that time medyo special kasi sasama sila. I couldn’t explain my excitement kaya napacrunches ako para magka-abs kaagad :D .

2 hours ang biyahe from Metro Manila to San Juan, Laiya, Batangas. Di ko akalain na malapit na rin yun sa bayan na pinagmulan ng aking ina. Umalis kami mga around 7 or 8 AM tapos nakarating kami mga around 10 AM. Medyo wala pa ako sa mood nun kasi antok na antok ako tapos gutom pa. Muntik pa kami maligaw. Pagdating namin sa One Laiya (yung mismong resort), nawala yung init ng ulo ko. From parking lot, kita ko na kung gaano ka-blue yung dagat at yung white sand.

At first, nawala yung excitement ko kasi matirik ang araw so super duper init. Pakiramdam ko para akong tinapang binababad sa araw. Yung SPF ng sunscreen lotion ko parang kukulangin. Mga SPF 10000 kelangan :D . Ansakit sa balat ng sinag ng araw kaya bilib rin ako sa mga taong patuloy na nagbababad kahit very risky. Ayoko rin mangitim. Black is beauty but too much black is charcoal :P .

Andaming tao sa resort (kasi nga public place) so nakakalito na nakakahilo na nakakaintimidate. Pero syempre ayoko masira araw ko kaya inenjoy ko na lang ang sightseeing. Tigang sa chicks ang beach, umapaw naman sa mga anak ng araw at anak ng buhangin. May ongoing bodybuilding contest pa doon. Dagdag pa ang ingay ng mga videoke at mga halakhak ng mga bading na naglalaro ng volleyball. Pero ayos lang rin. Kanya kanyang trip yan.

So here are some of photos I took while we were there. Ayoko palampasin ang pagkakataong mapicturan ang isa sa mga moments ko :) .

This is what the resort looks like from the seashore. It looks like Atlantis Resort from The Bahamas (yung venue ng Miss Universe 2009, click here to see the comparison). Nagulat kami kasi anlaki ng binaba ng water level nung dumating kami ng umaga until we decided to swim. Napakadrastic ng low tide. Kaya you can see sa picture na yung actual edge is yung nasa gitna, where the sand isn’t wet anymore. Yung kinatatayuan ko was filled with water during morning, and was gone while I took this shot.

Eto yung coastal mountain stretch sa San Juan, Laiya, Batangas. Ngayon lang ako nakapunta sa beach na super ganda ng view. No doubt kung bakit maganda sa Laiya. Super ganda ng sunset (unfortunately, I wasn’t able to snap a photo). Napakamajestic. Ang ganda ng colors ng sky pag pababa na yung araw.

Sa wakas! Nakatuntong na rin ako sa white-sanded beach!

Me with my sweet Ate Nene. She’s like my second mother, proud yan sa akin. Lahat ng mga nakukuwentuhan niyan, isisingit na ‘ay kapatid ko yan, ako nagpalaki sa kanya!’ Oh di ba? Sweet :) . Atat magpapicture kaso pag di niya trip yung shot, sabay sasabihin “ay, burahin mo!” Haha! Pero ayos lang :) At yun pala yung parents ko, nagsisiesta kahit mainit :D .

With one of my nephews, Peter. Favorite pamangkin ko ‘to kasi cute at makulit in a good way. Kengkoy rin yan! Now spot the similarity… ILONG! (OOPPS, this might get the attention of my sis-in-law! HAHA!)

Peter with my lil sis, Andrea.

Aba, sosyal ang ermats ko, nagpamassage service :D . Pero I couldn’t stop her. Isa sa paborito niya ang masahe. I understand since napakastressful ng business niya sa aming munting grocery (take note: manager+accountant+KERGEDER ang ermats ko haha!) Kaya ayan, nag-uunwind siya sa mahiwagang kamay ni Ateng Manghihilot :D

At syempre, nag group dynamics ang barangay staff. Bukod sa pagtatampisaw sa dagat-alat at magpaitim sa ilalim ng araw, merong inihandang games para sa kanila. Just for fun. Natuwa ako sa first game nila which was I unfortunately forgot the exact name. Basta it has something to do with trying to catch the end tail of the other team. Gulo nila pero ansaya!

And eto pa. Astig din ‘tong laro. All they need to do is let the ball continue to roll in an uninterrupted manner using improvised tubes (WOW STRAGHT ENGLISH!), Kaso 4 lang yung tubes kaya dapat may timing at alert. Syempre yung winners may prizes din :)

And of course, dahil nahiram ko na rin ang camera ng pamangkin ko (I wonder bakit wala pa akong sariling camera? LOSER!), I took some photos of random things I saw that day.
Shells collected by Andrea. Dyan kaya galing gasolina ng Shell? Corny :D .

Yung mga little pamangkin kong boys naman ay naging interesado sa mga kung anu-anong maliliit na nilalang sa dagat. Like this hermit crab.They also caught lots of baby crabs/talangka, mussels, and other critters from the ocean. Buti hindi nila nakita sina Ursula, Octopina, at Dugong (ARLULALULALULALU!!! HAHA!). They were having problems how to take them home. They even used mineral water instead of saltwater from the sea. Sabi ko di pede yun, mamamatay sila. Sabi nung isa kong pamangkin, since saltwater daw ang pwede, pwede ba daw yung tubig na nilagyan ng asin/table salt? Natawa ako :D .

Syempre, picture picture din ng mga bulaklak. Ambango-bango… ambango-bango… ambango-bango ng bulaklak…

Until I saw a part of the resort full of bongavillas. Super ganda kasi ang cute. Pink na pink yung lugar. Kaya I grabbed Andrea and asked to pose with the flowers. And I noticed something, malapit na magdalaga yung bunso kong kapatid! Malapit na magka-boobs! O_O

Syempre hindi rin ako nagpahuli. Tough men wear pink shades and poses in front of pink flowers. ANGAL???!


We waited for 3 PM before we decided to return to the beach. Super init at ansakit sa balat ng araw. Walang binatbat ang Nivea Sunscreen. Feeling ko tinapa kami habang nasa ilalim ng araw. Kaya hinitay na lang namin maging safe para lumabas. Naiwan ako malapit sa shore kasi ginawa akong tagabantay ng tuwalya at tsinelas nila habang sila ay papunta sa malayo :D . Kaya ako kahit naiwan, picture-picture na rin ako ng kung anu-ano. Like this seaweed:
Edible kaya to? Hehe :D .

LOOK! Akala niyo ang alphabet lang ang may mommy at baby. Here’s Mommy crab and baby crab. Answeet :) . Pero nakakakilabot yung feeling habang binabagtas ko yung dalampasigan. May parang nagapang sa paa mo. Pero nakakatuwa din kasi pag ramdam ng mga talangka na paparating ka sa lungga nila, sabay takbuhan sila at magtatago sa mga butas sa buhagin.

At nakakita rin ako ng kakaiba pero nakakatakot na star fish. Nahuli ng isang manong habang nalangoy siya. He even told me na natusok siya. Medyo naalarma ako kasi diba may mga poisonous na star fishes?

Coral skeletons on a piece of rock. Nice texture. Pwedeng susbtitute sa loofah or diamond peel (tignan natin kung di ka pa kikinis LOL).

At dahil kasing babaw na ng kaligayahan ko ang tubig sa dagat, katabi na nila yung bangka. Di ko mapigilan sarili ko na lapitan sila kasi naiinggit ako kahit bitbit ko yung mga tuwalya at yung camera.

“MANURE” sabi ng mga chikiting. Grabe ah, napaka scientific ng term sa dumi. Iba na talaga ang generation ngayon haha! Mukha nga namang poopoo yung basang buhangin :D .
Some of my family members. Nasa lahi talaga namin ang ‘pose kung pose’ attitude sa picture :D .

Eto yung favorite ko gawin pag nasa beach, yung isulat yung pangalan sa buhangin. Balak ko sana magsulat ng nobela sa buong stretch ng Laiya kaso binubura ng mga alon eh. Hehe :D .

At dahil hawak ko ang camera, ginawa akong photographer :) .




Vincent writing his name. Pagandahan ng sulat at ng pangalan :D .

Sino may sabing si Kristo lang ang nakakapaglakad sa dagat?! Si Peter din! (Wow, what a coincidence. Kapangalan niya yung apostle ni Jesus Christ!) :) .

PATRICK, WALANG PAGKAIN DYAN! HAHA! Joke :D .

At di natapos ang araw ng walang pinagtitripan. Nilibing sa buhangin si Lala (sumunod na kapatid sa akin, future doctor yan!) Magandang exfoliant ang buhagin. haha :D .

Di kami nag-overnight since most of us may pasok/may gagawin the next day. Umalis kami ng resort mga around 8 PM then we reached home at around 10? 2 hours ang biyahe pabalik.

So there you have it, my summer escapade sa Laiya, Batangas. Andami ko pang mga kwento kaso di kasya rito at kung ipagkakasya ko, hahaba lang tong blog entry at magkakaeyestrain kayo sa kakabasa (kung babasahin niyo). May susunod pa kaming family excursion but this time, sa private pool resort sa Pansol, Laguna (we always do that). Abangan niyo ang mga susunod na summer trippings ko :) . Enjoy your summer na rin!

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers