Category Archives: At Home
Homemade Spicy Chicken
I love chicken. Isa yan sa paborito kong pagkain since childhood. Whether fried, deep fried, roasted, steamed, inihaw, inasal, inadobo, tinola, afritada, sinampalukan, sinampal, tinadyakan, sinuntok… name it, I eat chicken. Well, except from eating a live one. Di po ako taga-karnibal. CHICKEN!
Favorite parts ko sa chicken ay legs at breasts. No pun intended. CHICKEN!
One Sunday lunch time, nagluto yung ate ko ng Buffalo Wings. Sounds expensive no? Well, good thing she knows how to prepare it. Saludo ako sa ate ko. The moment I bit a piece of it, it feels like heaven (sa sarap) and hell (sa anghang). Pero masarap!
In the first place, bat nga ba Buffalo Wings? Here’s the answer.
Then I figured it out how to make one. This time I use not only wings but the other parts. I didn’t include the bony parts since mahirap kainin. I derived the recipe and then I tweaked it.
Here are the ingredients:
- 1 1/2 kilo fresh dressed chicken wings, drumsticks, and breast. Cut into smaller size.
- 1 clove(s) of garlic, minced.
- 1/2 onion, chopped.
- 3 siling pangsigang, chopped. Or you can use siling labuyo for more spice.
- Breading mix pack enough for the chicken. In my case, I used 1 pack of Crispy Fry.
- 1 pouch of 250 g tomato sauce (I used Del Monte Tomato Sauce).
- 1/4 cup butter
And now the procedure:
1) Hugasan muna ang chicken parts at patuluin sa colander hanggang sa mawala ang tubig. Afterwards, ilipat sa isang malaking bowl at lagyan na ng breading mix. Then shake, rattle, and roll!
2) Heat pan with medium heat and then put some cooking oil. Deep fry the breaded chicken until golden brown.
3) Place the fried chicken parts in a colander or on a plate with some paper towel (sosyal, pwede namang tissue diba?). This will drain excess fatty oil. Nakakawalang gana pag masyadong mamantika.
4) And for the sauce part. You can start this habang piniprito niyo yung chicken. Basta you have another stove. If wala, iprito niyo muna lahat ng manok. Got it?
On another saucepan, melt some butter. Put a little cooking oil to avoid burning the butter too much.
5) Sauté garlic. At this point, the aroma is so tempting. Patience, my dear amigos.
6) Then sauté onions. Sabi ng ate ko, pwedeng huwag lagyan ng sibuyas. Dahil maarte ako, nilagyan ko. Recipe ko eh. Angal?
7) Pag nag-brown na yung garlic at naging translucent yung onions, pour in the tomato sauce. (DEFINE TRANSLUCENT. Ah basta pag luto na yung sibuyas, yun na yon!). Lower the heat and stir continuously until the sauce thickens. Don’t overcook the sauce! Mantika na lang ang matitira.
8) Put the chopped chili. Then turn off the heat.
9) Now you can place the chickens on the sauce. Toss. Or you can put and mix them in a larger bowl.
10) Voila! Yur Spicy Chicken iz reedee tu bee seervh! Bon appetite!
This is easy to prepare. Hindi kailangan ng mga chef expertise at kitchen maneuvers katulad ni Chef Boy Logro (Speaking of Chef Logro… nakita ko siya one time sa Jolibee Magallanes with his kumpadres. Para siyang pinaitim na Super Mario. At nagjoJolibee rin pala siya. Yum yum yum! Yum yum yum!). This only requires the basic ingredients I mentioned above and patience.
You can eat this with a salad or a piping hot rice. Kahit nga wala ng kanin, solb ka na. Yun lang pag marami kang kalaban sa pagkain. Di ko na problema yun.
I recommend this to those endless oh-so-dry fried chicken nights. You can do this for birthdays, pag nagbreak kayo ng girlfriend/boyfriend mo, pag may inuman, pag wala kang budget para kumain sa T.G.I.F., pag nanganak yung alaga mong manok, pag blessing ng bahay niyo, pag idedemolish yung bahay niyo (WTF), and so on.
Let me hear your feedbacks and violent reactions when you try this recipe. Have fun trying and eating this messy but delicious meal! CHICKEN!
Hot like Mexico, rejoice!
Chicken Adobo
Naalala ko nung nasa elementary pa ako, isa sa favorite subjects ko ang Sibika at Kultura.
At isa sa mga pinag-aralan namin noon (and I’m pretty sure lahat tayo) ay ang mga pambansang sagisag.
Nandyan ang pambansang watawat, awit (“Lupang Hinirang”, hindi “Bayang Magiliw”), bayani (Jose Rizal), bulaklak (Sampaguita), prutas (mangga, at hindi ako mahilig dyan), hayop (Ako, joke. Ang kalabaw, bow), at kung anu-ano pa.
Pwede rin natin isama sina Allan K bilang pambansang ilong , si Diego as pambansang bading, at si Vice Ganda bilang pambansang kabayo. (Hindi ako nag-imbento. Matagal ng umiikot ang birong iyan.)
Pero ano nga ba ang pambansang ulam? Likas na sa ating mga Pinoy ang mahilig kumain. At dahil napaibig tayo sa pagkain, sagana tayo sa iba’t-ibang putahe. Sa dami ng isla ang Pilipinas, madami tayong masasarap at malinamnam na ulam, mapa high tide o low tide man. Kaya hindi na nakakapagtataka kung may pagtatalo sa kung ano ba talaga ang pambansang ulam o pagkain. Ayon sa mga nababasa ko, andyan ang sinigang, adobo, at lechon. Hindi rin nagpapatalo ang tuyo. Ang asin, pwede kaya?
Ok. Isinulat ko lang yan para may intro. Daming satsat, no?Last week, nagluto ako ng adobo, adobong manok particularly. Ang nagturo sa akin kung paano magluto ng adobo ay ang aking erpats. Isa yan sa mga natutunan kong lutuin noong nasa high school pa ako dahil kailangan kong matuto. Wala kaming househelper (ang shala ng tawag) since high school pa ako or kung meron man, hindi nagtatagal. Kaya thankful ako na marunong ako magluto.
I can cook all kinds of adobo pero I’m going to share my simple adobong manok recipe.
So here are the ingredients:
► 1 kilo whole chicken, washed and cut into smaller pieces (para madaling paghati-hatiin per serving).

►vinegar (kalahating tasa), soy sauce (1/4 ng tasa), and chicken bouillon cubes (we only need one, tabi mo yung isa). Hindi po ako biniyaran ng Datu Puti for this.
►chopped onion and minced garlic. Hindi naman ako naiyak habang hinihiwa ko ang sibuyas.
And now the procedure:
1) Heat pan. Put some small amount of cooking oil. Then put the garlic and onions and wait until they’re sauteed well. Huwag sunugin dahil mahirap magbalat ulit ng sibuyas at bawang. Sayang sa oras.

2) Ilagay ang mga manok at sangkutsahin. Ano ba ang English ng sangkutsa? I think it’s sauté. Sangkutsahin ang manok para hindi maging malansa ang karne at para maluto ng maigi. Ayaw mo maging dinuguan ang adobo mo.

3) Hinaan ang apoy at takpan. Hayaan mong magtubig ang karne (ito yung juices na galing sa manok). Pwede kang makipagkwentuhan sa kasama mo basta huwag ka magFacebook habang hinihintay mo ito. Baka masunog pa yung niluluto mo.

4) Regularly check the meat. Dapat wala ka na makikitang dugo or hilaw na part. When the chicken is kinda tender, you may proceed to the next step…

7) And for extra chicken flavor, you may add a chicken broth cube + 1/2 cup of water. Option mo lang. Pwede mo ring lagyan ng laurel leaves para bumango yung adobo. You may add black pepper. No salt needed at baka magkakidney stones ka pa.

8) In this case, may natira akong onion and garlic so I put them to add more flavor and aroma. Put the lid and let it simmer for about 10 minutes or until the sauce boils. Huwag na huwag niyo munang hahaluin pagkalagay ng suka at toyo, or else pagsisisihan mo na sa bandang huli at papalayasin ka dahil palpak ang adobo mo. Kapag kumulo ng todo, pwede niyong haluin.

10) Let it cook until the meat are extra tender and the sauce becomes kinda thick. Pero some prefer it kinda dry, yung tipong i-gigisa yung karne ulit tapos paunti-unting nilalagyan ng sarsa hanggang sa magmantika. Basta ang mahalaga lasang adobo ang niluluto niyo.
And there you have it, ladies and gentlemaniacs, my own version of Adobong Manok/Chicken Adobo. Too bad hindi ko man lang nagawan ng food presentation for this blog entry since dumating na yung mga parents ko for dinner and I didn’t have time for food platting and photographing.
I think this is easy and I recommend this for those who want to try and learn how to cook. Wala namang mahirap dito. Hindi ka naman manghoholdap for the ingredients. The challenge here is how to achieve that distinctive adobo taste: not that too sour but not that too salty. And pwede ka mag-experiment. You can add potatoes, pineapple chinks for some extra sweetness, or even hard-boiled eggs para complete chicken package talaga.
Kikoy Kit #1
Mahirap maging pogi. Mas mahirap i-maintain ang kapogian. Pero pinakamahirap ang maging hindi pogi. Saklap lang.
Since I’m already working, I attend events, at kahit nagcocommute lang, I have to look, smell, and feel good. Taste good? Pwede rin. So I try to invest on stuff that helps me to be more presentable. Kesa sa magpaload ako tapos wala namang makatext, gagastusin ko na lang sa pagpapapogi. Joke.
Kaya last time after I paid my bills, I went to a supermarket para makabili ng essential stuff for my kikoy kit. I spent a lot of time, not money, in reading the info, comparing, and magpakabola sa advertisements before I decided to buy these things. Kulang na lang mapagkamalan akong shoplifter ng mga saleslady dahil pabalik-balik ako sa mga product shelves at hindi mapakali kung anong bibilhin.
Gusto ko sana mag-blog kaagad pero I have to try them first. So I waited for a week to see the results.

First up, Nivea Essential Care Lip Balm. Dati, gumagamit ako ng Chapstick na cherry yung flavor. Kulang na lang gawin kong candy ‘yon dahil ambango. Gumamit na rin ako ng Nivea na strawberry yung flavor which is kinda awkward kasi mukha akong naglagay ng lipstick at pwede na isali sa cast ng Memoirs of a Geisha. Mas malala yung isang lip gloss from my sister na lasang Sprite pero pag ginamit mo, super kintab at pwede ka ng manalamin sa labi ko. Nakakabading. So I looked for something neutral and ‘unisexual’ (what a term), yung tipong pag naghalukat yung chix sa bag mo at aksidenteng nakita ‘to, at least hindi ka sasabihan ng “OMG Bakit strawberry pa ang gamit mong lip balm?”
Ang gusto ko sa nabili ko is super simple lang siya and mabango rin.Smells like teen spirit. Joke. The smell reminds me of vanilla. It contains beeswax at shea butter (pronounced as /shi/). Few swipes and you’re ready to kiss. Hindi siya masebo na parang nakipaghalikan ka sa kumain ng bulalo. Plus, it’s effective since hindi na masyado nagkacrack yung labi ko. Ayos.

Next is Bench Fix Professional Hairlastic: Wicked and Twisted. Fan ako ng Bench Fix hair products lalo na yung Clay Doh Molding Clay at yung Stick na medyo challenging dahil halos maubos mo ang regular shampoo para mawala yung product sa buhok. Bumili ako para masubukan and astig tignan. Mukhang yoyo.

It has moderate hold and shine. Ayoko ng masyadong matigas dahil baka makapatay ako ng isang libong butiki at pwede na akong sumapi sa goth cult. Ayoko rin ng masyadong makintab or wet look. Konting product lang ang kelangan. Medyo naweweirduhan ako sa una kasi para siyang Elmer’s glue pag nilagay mo sa kamay tapos ipapahid. Pero after ilang seconds, nagiging invisible naman yung white substance, basta tamang application ang kelangan. Plus factor din sa akin yung mabangong amoy.
Dahil naintriga ako sa advertisement ng Vaseline for Men facial wash ni Jericho Rosales, bumili ako para masubukan at makita kung magiging kamukha ko siya. Sad to say, nagmukha akong Walls of Jericho nung ginamit ko na. Joke. I usually use Dove bar and Pond’s with activated carbon (again, girls’ stuff but it works for me) pero this time I try something new. Bumili muna ako ng sachet para pag pumalpak, hindi masayang tulad nung bumili ako ng L’Oreal for Men na moisturizing toner na malaki tapos nasayang kasi nagkabreakouts ako.
Konting product, bumubula na. Matindi pa sa power ng mga sabong panlaba. Hindi siya irritating na katulad ng katabi mong kulit ng kulit (HALA SINO KATABI MO?). Plus, it’s infused with vitamins and minerals. Yung totoo, Centrum na facial wash? Nabawasan yung oilness ng mukha ko and very refreshing gamitin. And I noticed nabawasan din yung blemishes ko when I tried using this product.

Ok. Sinubukan ko ring maging si Derek Ramsey thru Belo for Men products. Bumili ako ng small sized Oil Control Toner nila. After few days, naging kamukha ko na nga si Ramsey… Elizabeth Ramsey
.
Anyway, I read articles on the internet about proper regimen for facial care and I found out the basic facial care steps: Cleanse-Tone-Moisturize. Kaya gusto ko masubukan yung proper regimen. I’ve got the perfect facial wash so I looked for the best toner that would work for me. I tried using Pond’s toner (pambabae na naman) and Master’s Toner pero they failed. Medyo nagdududa ako dito sa Belo for Men toner kaya I just bought a small bottle. Medyo masarap yung feeling pag in-apply mo na siya sa face. May menthol feeling. Hindi rin siya irritating. After applying, kita mong madumi yung cotton.

As for the moisturizing part, I bought Vaseline for Men MENface Anti-Spot Whitening Moisturizer. Once again, small samples muna. At di nga ako nagsisi sa pagbili ng kaunting product. After ilang days, nagkapimples ako. It failed.
Maganda sana yung moisturizer kasi hindi siya sticky-feeling pag ginamit, hindi naman siya matapang. Pero I swear dinagsa ako ng blemishes. Nagprotesta sa kung ano daw ginamit ko. Maybe I need another moisturizer that will work for me.
Nung tinigil ko yung moisturizer, nagng normal ang kondisyon ng face ko, well, except for those pimples na medyo stubborn. Lagot kayo sa akin pag nakabili ako ng spot treatment.

Bumili na rin ako ng deodorant na AXE Dark Temptation. Na-tempt kasi ako bumili nung minsang naamoy ko yung kabarkada ko. Sabi ko “Wow pare, ambango ng kili-kili mo. Parang tsokolate.” Tapos sabi niya “Oo pare, naglagay kasi ako ng Cadbury sa kili-kili ko.” I bet mababawasan ng sales ang Cadbury after reading this sentence.
I love deodorants na hindi masyado matapang yung amoy at hindi nag-iiwan ng stains sa damit (which is embarrassing). I love Old Spice (yung parang blue gel) pero hindi ako makakita sa market. So I settled to my next favorite which is AXE. Aminin na natin: nakakadagdag pogi points ang AXE. Ako nadagdagan ako ng .5 lang.
And hindi ko lang gusto is antagal matuyo kaya minsan tinututok ko sa bintilador. Kaya ako nalelate sa trabaho dahil dito
.

So that’s it. Sana ay may napulot kayong aral sa aking product review. Wala naman masama kung bumili ka ng moisturizers or creams or kahit ano pang pwedeng isalpak sa mukha at katawan, as long as you feel confident and it works fine on you. Medyo nakakaduda na sa lalake pag bumili na ng foundation, concealer, blush-on, eyeshadow palette (with specific shades), at mascara.
Tandaan: Kahit pangit, idaan na lang sa magandang kutis, mabangong amoy, at malinis na katawan. Haha.
Hot like Mexico, rejoice!
Deep Fried Cream Dory + Broccoli with Cheese sauce
I love Sundays. That’s the only time I get to relax and spend time with my family. And the best way to bond with them is through food. I feel blessed that the love for food and cooking expertise run in our family. Kaya ayun, halos sa amin, pwede na i-cast sa Pugad Baboy sitcom, at malapit na rin ako mapabilang
.
Kahapon, hindi ako nakasama sa birthday celebration ng kuya ko sa Batangas (BTW, belated Happy Birthday, kuya. Bawi ako next time). Hindi rin nakasama si ermats at yung isa kong kapatid. May mga gawain kasi ako na kelangan tapusin, pagkakataon kong linisin ang buong bahay habang wala pang tao, at ayoko mamiss ang laban ng Azkals laban sa Sri Lanka.
Para hindi naman kami malumbay, I decided to cook something special. Bumili yung ermats ko ng creamy dory fillets. Actually, ngayon ko lang nalaman ang tamang spelling nun. I thought it was ‘kimidori‘. It looks like a pale salmon with a similar taste of tilapia. Plus, nagpabili rin ako ng broccoli at cheese to serve as side dish. Na-inspire ako magluto from my first dining experience at Yakimix; I remember I ate a nice broccoli with just cheese sauce. Ansarap. Kakaibang sensation naramdaman ko. Di lang ‘Alleluiah” ang narinig ko, nagmisa pa sa utak ko
.
So here are the ingredients. (By the way, I can’t give exact measurements kasi tumatantya lang ako> Diskarte ang aking measuring cup. Oha, oha!)
- Creamy Dory fish fillet.

At first, akala ko dory as in si Dory sa Finding Nemo. Baka magkaroon kami ng short-term memory loss… ay meron na pala ako haha!

- Broccoli.

How cute, di ba? So green. Actually, one of my fave vegetables ang broccoli. Packed with lots of vitamins and minerals. Good source of Vitamin C. Ako na ang dietician/nutritionist! LOL

- Small packs of cheese. I chose Quickmelt, since… madaling matunaw. Quickmelt nga eh. You can try any kinds of cheese: pwedeng keso puti, yung keso de bola from previous holiday (grabe na lang kung meron, baka inaamag na ah), or yung cheesiness mo sa mga mahal mo sa buhay. So keso.

- For the cheese sauce: a cup of all-purpose flour. All-purpose nga ba? Try nga natin. Plus, 1 bar of butter and a small can of Evaporated milk. I only got that instead of full cream milk dahil naubusan na ako. At mura lang, kita niyo naman eh. Php 15 lang haha!

- And for the creamy dory fillet, 1 pack of breading mix. I prefer Crispy Fry Mix. Masarap siya, no hassle sa luto (di na kelangan ng itlog), at crispy when cooked… rinig mo yung crispiness
.

And the procedures:
Let’s start with Deep Fried Creamy Dory Fillet
.
1) Wash the fillets first, drain, and slice to bite size. Yung totoo, malaki bibig namin? You can season the fish with a seasoning sauce. Nope, hindi si Vilma Santos ang ginamit ko.

2) Lamasin… ang isda hanggang sa maabsorb ang seasoning liquid
.

3) Prepare the deep fry mix and pan for deep frying. Put enough oil on pan. Mahal ang mantika
. Medium heat lang yung init. Mahal ang LPG at di masarap kumain ng uling na pagkain
. Para organized, use your one hand for coating the fillets with the mix and then use your other hand while putting the coated fish sa pan. Plus, don’t coat too much. Pagpagin niyo para madaling maluto yung isda.


4) Fry the fillet well until golden brown (ganun pala, may iba’t ibang kulay ang brown. Kakaibang spectrum ah. May silver brown kaya? Joke.) Turn the fillets on the other side pag luto na yung kabila. Bantayang maigi yung apoy.

5) Pag luto na, ilagay sa platong pinatungan ng tissue para madrain yung mantika. Iwas cholesterol. Tapos itabi para di maabot ng mga pusa/aso at ng mga gusto pumapak
.
Now for the Cheese sauce:
1) Slice a half of butter and melt it. Low fire. Madaling mangitim ang melted butter. Tip ko sa inyo: put a small amount of cooking oil.

2) Pag tunaw na yung butter, put the flour (konti lang, mga 1/4 tasa lang) then mix hanggang sa matunaw yung kawali. Joke
. Remember, low fire ah.


4) Then put the milk (ampangit pakinggan pag derechong binasa haha). Stir until fine ang consistency/wala ng buo-buo. Low fire ulit, bantayan.

5) Put the cheese. (Hindi grated yung nalagay ko kasi nawawala yung pankayod namn). The best thing kung bakit Quickmelt yung ginamit ko kasi mabilis matunaw. Stir the sauce hanggang sa tunaw na yung keso.

6) It’s done kapag almost melt na yung keso and then fine yung consistency niya. If masyado malapot, you can put some water on it and stir again. Lalapot yan dahil a) kulang yung milk, b) sobra sa flour, and/or c) hinayaan mo
. Season with salt and pepper to taste. Konting-konting asin lang since medyo maalat na yung keso.

Lastly, the broccoli.
1). Madali lang ang gagawin. Magpakulo ng tubig sa pan (in my case, kaldero) then pag kumulo, ilagay ang broccoli then cook it for about 3 – 5 minutes. I dunno if the process is called poaching or blanching. Basta ang tawag ko, pagluto.

2) Be careful not to overcook, or else di maganda ang kakalabasan. Ang aim is to have a cooked but still fresh and crunchy broccoli. Basta saglit lang. After few minutes, tanggalin sa kumukulong tubig at patuluin. Set aside.
The last step, the plating. My favorite part. Kung gusto niyo dagdagan ng konting artistic touch aside from salt and pepper, pwede niyo i-arrange yung food on the plate. Parang pang 5-star hotel ang dating, di ba?
Ilatag niyo lang ang few pieces of creamy dory sa isang side, then put some nice cooked broccoli sa tabi. You can put some rice kung gusto niyo mag-kanin. Lastly, Drizzle some cheese sauce on top.
Then, that’s it. We have our Deep Fried Cream Dory + Broccoli with Cheese sauce.
Now my most favorite part. Eating
.
Conclusion: I therefore conclude na masarap ang kinalabasan. Parang kumain ka na rin sa Yakimix or sa Tokyo Tokyo. Basta ang critical element dito ay yung heat. Huwag masyado mainit ang kalan, madaling masunog ang mga niluluto mo or else kakain ka talaga ng uling. Tamang coating lang sa mga fillet. And also make sure na fresh yung isda, baka mamaya galing pala yan sa fishkill. Yuck. Tapos, konting flour lang para sa sauce. Pag masyado marami, mukhang magluluto ka ng pancake ang kakalabasan. And about sa broccoli? Try niyo kumain nun. Kaya nga may cheese sauce para ganahan kayo kainin yun. Sarap, promise!
Try it for yourselves and tell me about your cooking experiences. Basta huwag niyo lang kakalimutang i-share sa akin. Haha.
I Miss You, Bebeng
Ngayon lang ako nagkaroon ng tapang at gana para isulat ito.
Bukas ay dalawang linggo na ang lilipas bago pumanaw si Bebeng, yung alaga kong kuting na halos isang buwan pa lang ang edad. Hindi namin inaasahan na mangayayari yun sa kanya. Masyadong maaga. Kaya lubos na malungkot ako nung nalaman ko ang balita na wala na siya
.
Napakasaklap at nakakagulat nang nawala si Bebeng. Napakabata pa niya. Naaalala ko pa yung panahon na napulot at iniligtas ko siya mula sa ilalim ng nakapark na tricycle habang papunta ako sa kalapit na sari-sari store. Maulan nun at mabasa’t maputik ang kalsada. Nakarinig ako ng iyak ng isang kuting… di basta-basta iyak kundi iyak para sa kalinga. Kaya nakonsensya ako. Nung una, nagdadalawang isip ako kung iuuwi ko dahil ayaw ng ermats ko na mag-alaga kami ng pusa sa bahay. Kung hahayaan ko naman, kawawa naman. Pero sinunod ko ang nararamdaman ko. Iniuwi ko siya at binigyan ng kaagarang lunas. Ipinangalanan kong “Bebeng” dahil natagpuan ko siya nung kasagsagan ng bagyong Bebeng, tanda ng araw ng di inaasahang pangyayari na magtatagpo ang landas namin.
Marami akong natutunan nung dumating sa akin si Bebeng. Natutunan ko magmahal. Iba man ang pagmamahal ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko (at sa mga ‘nilalandi’ ko), itinuring ko siya as ‘special someone’. Naniniwala ako ng ang love is for any forms. Kung ang iba nga kaya magmahal ng mga asal-hayop, paano pa kaya ang hayop mismo? Joke. Kahit alam kong higher form of animal specie ako at ang alam lang niya ay mag-meow at dumumi kung saan-saan, I felt a strong connection from Bebeng. Ipinaglaban ko ang pag-aalaga ko sa kanya. I explained my reasons to my Mom and I promised to manage her well. At di nagtagal, unti-unting napamahal na rin si Bebeng sa family ko.
Natutunan ko maging pasensyoso. Aminado ako na madali uminit ang ulo ko. Kaya huwag na kayo magtangka, baka mamaya may death threats na kayo. Nang dumating si Bebeng at inilagaan ko siya, nahirapan ako. First time ko kasi mag-alaga ng pet kaya wala ako masyado alam na basic knowledge about cat care. Humingi ako ng payo sa mga kilala kong cat owners (kay Miss Jona Baquillas at kay Rachel Mutia). Syempre, ano pa saysay ng Google? Dahil interesado ako sa pag-aalaga, nagresearch ako ng todo. Kahit napakahirap maghalukat ng ingredients para sa KMR (Kitten Milk Replacement, di pwede ordinaryong milk ang ipapainom mo sa mga kuting) at ipadede gamit ang syringe (syempre walang needle) sa kanya, hindi ako nagreklamo at hindi ako sumuko. Besides, napakarewarding panuorin kung paano magpadede ng isang musmos na kuting. Pakiramdam ko anak ko siya. At kahit kumakalat ang dumi at ihi sa kinalalagyan niya, hindi ako nagreklamo. Wala akong magagawa kundi linisin ang kalat kesa sa pagalitan at magreklamo sa kanya (na hindi naman ako naiintindihan).
Narealize ko kung gaano ako ka-blessed because of Bebeng. Matindi ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan. I almost gave up but something life-changing experience happened in my life this past summer. Dahil kay God, napawi din unti-unti. Naging ok ako sa family ko and finally nakagraduate na rin ako sa college. Isa sa mga blessing na natanggap ko ay si Bebeng. Siya ang naging instrumento ko para maunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid ko. I felt blessed having her. Imagine your mornings when you see a kitten staring at you and then suddenly winks. Cute di ba? And everytime I’m in bad mood or stressed, she’s my stress reliever. I believed God brought a reason why I should enjoy life to the fullest. And that reason is her.
At this point, I still don’t know why she passed away so soon. Probably, parasites, according to my sister-in-law. But it is so heartbreaking to lose someone who you loved so much. And I cannot forget that moment. Nung araw na iyon bago mangyari iyon, last day ko sa training ko sa animation company and I was about to be evaluated for the last time before it could accept me. Sobrang kagalakan nang sinabi sa akin ng boss ko na OK ako sa training ko and I could start working the next day as soon as may available workload na para sa akin. Few minutes later, I came back to my table to text everyone about the result. Then, my sister texted me that Bebeng was gone. Biglang huminto yung mundo ko. Seryoso ba siya o niloloko lang niya ako? Totoo daw. At dahil dun, umuwi kaagad ako kaagad. Nung dumating ako sa bahay namin, nakita ko nakahiga siya sa lumang blouse ng ate ko na ginamit ko sa kanya nung una ko siyang nakita. Matigas na ang katawan. Nakadilat ang mga mata sa kawalan. Hindi na humihinga. Nilalanggam pa ang isang mata. Kinuha ko at hinimas ang katawan niya habang tumutulo yung luha ko. Super sakit nung feeling, sa totoo lang. Madami ang nagulat sa pagkawala ni Bebeng: yung mga batang pamangkin ko, parents ko, mga kapatid kong mas bata sa akin, pati yung mga friends ko. Ambilis daw kasi. Parang kailan lang, kakaampon ko sa kanya. Kahit yung isa kong kuting na si Chedong, nawalan ng gana para kumain nung gabi na wala na si Bebeng. At nakadapa sa basahan na usually hinihigaan nilang dalawa, ng malungkot.
Inilibing ko siya sa paso na may halaman, tanda na lagi ko siya maaalala at para hindi masayang yung buhay niya, kahit mapunta man sa ibang anyo.
Salamat Bebeng sa lahat. Kahit naging saglit ang ating pagsasama, nagpapasalamat ako dahil andami nating pinagsamahan. Mamimiss ko ang mga iyak mo, yung mga oras na magtitimpla ako ng espesyal na gatas para sa iyo, yung pinapadede kita, yung ginawan pa kita ng heat setup para mainitan ka, yung pangungulit mo kay Chedong, yung tumatae ka kung saan-saan, yung maglalaro ka sa harap ng salamin na akala mo ibang pusa yung reflection mo, yung hahanapin ka nila ermats at erpats dahil di ka mahanap dahil super liit mo, at marami pa. Namimiss na kita. Namimiss ka na rin ni Chedong.Kung nasaan ka man, sana pinapakain ka dun at inaalagaan ka. Lagi kang nasa dasal ko. Pero alam kong naririto ka, bilang isang anghel
Rest in peace, Bebeng. We love you so much.
The Air Prince
























