About do…re…Me!
This slideshow requires JavaScript.
* Ako po si Toney. Remember, with ‘e’ ah. ‘E’ for ‘extraordinary’. Never spell my name as “Toni”.
* aka The Air PrinceĀ o Prinsipe ng Hangin sa Filipino dahil mahangin daw ako. Joke.
* naninirahan sa Muntinlupa (sa labas po ah).
* nagtapos ng kursong AB Multimedia Arts mula sa Asia Pacific College. Kasalukuyang nag-aaral ng AB Normal Major Major in Problem and Minor in injuries.
* isang freelance animation builder sa umaga, photographer sa hapon, boy-next-door sa merienda, bold star sa gabi, at kapre sa hating gabi.
* zodiac sign ko ay Lapu-Lapu at birthstone ko ay Pwet ng Baso.
* vitals stats ko at 5′ 8 1/2″, 34 ” ang waistline, size 9 ang paa, at kasalukuyang sinusukat ang… timbang.
* isa po akong Pilipino, Romano Katoliko, at Lady Gaga’s little monster.
* mahilig sa tawanan, kulitan, okrayan, kagaguhan, at harutan(?).
* naka 3 na akong girlfriend.
* idols sina Bob Ong, Vice Ganda, Joey de Leon, K Brosas, Michael V, at American Idol.
* noong bata ako, gusto ko maging discoverer pero ngayon gusto ko na madiscover.
* schizophrenic ata ako: maingay ako sa labas, tahimik naman sa bahay.
* mahilig ako ngumiti kahit galit na ako.
* mahilig ako mag-topless. Mahilig ako magbottomless… iced tea.
* ANTM fanatic ako. Marunong ako mag-smize.
* di ako marunong magdrive ng sasakyan but I can drive you crazy.
* ma-L daw ako. Malikhain.
* marunong pala ako tumugtog ng violin.
* favorite subject ko ay predicate at least subjects ko ay Math at ikaw. Joke.
* favorite flavor ko ay strawberry at chocolate. Hindi ng condom ah.
* ayaw ko sa mangga. Gusto ko ng ampalaya. Kaya bitter ako sa mangga.
* takot ako sa dilim, multo, at sa mga kutsilyong nakatutok sa akin.
* wala akong alam na sports. Ang alam ko lang na laro ay Bahay-Bahayan. Ako yung hardinero.
* goal ko sa buhay ang maging masaya at magpasaya. In short, maging isang payaso.
* naniniwala ako sa kasabihang… “Bakit ka magtitiyaga, kung wala kang napapala?” at sa “Distancia, Amigo (How’s my driving? Call LTFRB …)”
BOW

ang saya naman ng introduction mo…. i like it. wag ka mag-alala, nabasa ko naman. salamat! natuwa ako…
Air Prince,
tawa ako ng tawa sa intro mo! Galing ah! Ma L ka ba talaga? Di nga? Hehehehehehe! Isang SMIZE nga diyan!
D
tony! Date! mukhang masaya kang kasama. =)