Monthly Archives: November 2011
Kung Anu-anong Post #1
Ito napapala ko kapag wala akong magawa at sawang-sawa na ako sa kakarefresh ng Facebook: kung anu-ano ang pinupuntahan kong websites (aside from You…tube).
Anyway, narito ang mga random finds ko na worth checking:
Walang masama kung mahal mo ang iyong ginagawa. Passion drives us further. But what if super duper umaapaw ka sa passion? Is there such a thing called arts orgasm? Ok, tama na. Rated PG na.
Ikaw na, Beyonce! Akala natin hanggang mundo lang ang powers niya pero nagkamali tayo. Sinakop na niya ang buong kalawakan. Yung totoo, nagpopromote sa outer space? Kung ganoon lang din ang plano niya, sana shinoot yung music video sa Mars or sa Neptune para kabog lang. And ang gandang wake up call diba? Mas magandang panggising kesa sa alarm clock (na ilang beses mong pinapatay pero matutulog ka rin ulit) or sa sigaw ng galit mong nanay. Garantisado na di lang maganda ang gising mo kundi maganda ka rin. Yan ang ganap kaya sabay-sabay tayo mag “Who run the world?” with matching pitik-pitik shoulders.
Got this from my friend Mike Bueza. Para ito sa mga kapwa ko ABMA, particularly those typography enthusiasts, and extra particularly sa mga OC sa spacing ng bawat titik. Practice the science of kerning and patience by adjusting the spaces between the letters. Para sa mga designers, spaces matters. It can earn you million bucks or can even start a World War. Joke lang.
Gusto mo ba maging DJ? Idol niyo ba si David Guetta? Pwes, pakielam ko. Charot. Found this from Tumblr. Super cool nito. Made by Andre Mitchell, it resembles a tenori-on (kung kilala mo si Little Boots, I’m sure magiging familiar ka rito). Sorry hindi ko ma-embed yung mismong grid (just click the link). You just click any of the squares then it will create a unique tone. Actually you can create a sound that can be used for house tracks.
Stay tune for my another batch of link finds.
Hot like Mexico, rejoice!
America’s Next Top Musician?
Sabi nga ni Tyra Banks, after Cycle 16, next seasons will never be the same. And it did manifest on All Stars cycle.
Episode 8 was about contestants asked to write a song about their own lives and then make music videos. Music video for a modeling competition? I have mixed feelings about this. I had doubts about the outcome and even the relevance of the challenge to the main premise of the competition. Pero for the sake of entertainment (since it’s a reality show in the first place), pinagbigyan ko na ang sarili ko.
Lisa D’Amato’s “I Like Be Whoa!”
Advantage ni Lisa ang challenge since she is already known for her music during post-ANTM career before she was included in All Stars cast. As expected, from writing the song to shooting the music video, Lisa nailed it. Napa ‘whoa’ ako. I’m picky on rap songs dahil hindi naman ako hip-hop person pero I like her song and performance. Bilib ako sa creativity niya on writing songs. Mahirap magsulat ng rap content ah. Her voice reminds me of Pink. If ever hindi manalo si Lisa (pero malaking chance na manalo siya), I’m sure she still has music industry to fulfill her dreams.
Bagay’ tong kanta sa may mga loud personality, sa mahihilig sa rap music, at sa mga wild.
Dominique Reighard’s “Tooch Ya Booty”
Eto hindi ko ineexpect. I agree with what Game (the guest judge and director of the music videos) had said to Dominique. She has J. Lo. + Beyonce’s vibe, hence, binansagan siyang Jeyonce. I love the lyrics of her song. It might be too vain pero it works on her. Plus, she looks good on her music video. She reminds me of Shakira based on her looks. Naaalala ko pa when I was so upset to her during her cycle (cycle 10) dahil she was the resident bitch. Pero now it changed in fact she might be the dark horse of the competition.
Bagay’ tong kanta sa mga attention seekers, matatambok ang pwet, at sa mga Cover Girl consumers.
Allison Harvard’s “Underwater”
And here comes Creepy Chan. Prior to the music video shoot, she struggled during the song writing challenge because she admits it’s not her cup of tea. But after some words of encouragement and support, it turned out not as I was expecting. Akala ko magiging downfall ni Allison itong episode. Judging on the song, it sounds like a ethereal but mysterious nursery rhyme. Brother… Sister… Mother… Father… Underwater… But the story behind the lyrics was about the tragic death of her father a year ago. Creepy pero it worked on her. And when the music video shoot came, it was a piece of cake. AND HER EYES WERE HAUNTING! Parang siyang Russian doll. Game even commended her weirdness as beautiful and unique at tila nagkakacrush siya sa kanya. Allison’s song reminds me of Enya + Bjork + Lenka + with a touch of krung krung Sandara Park.
Bagay’ tong kanta sa mga weird, creepy, at may lahi ng manika at kuwago.
Shannon Stewart’s “World Go Round”
I admit gusto ko rin yung kanta niya. Pure, sweet, at romantic. Her song was about her husband. Maganda yung pagkakasulat ng lyrics. She has a Faith Hill vibe. Simple lang yung music video setup sa kanya (tela tela lang) pero it worked pretty good. What’s weird is that she looks like a Victoria’s Secret Angel pero due to her Christian belief, she doesn’t like posing while wearing underwear. Gaga rin to. Nakakapagsuot ng bikini pero underwear hindi.
Bagay’ tong kanta sa mga in love sa boyfriend/asawa at mahilig sa ‘fairy tale romance’. Romance pocket books ala Precious Heart also count.
Laura Kirkpatrick’s “Southern Sweet Girl”
Gusto ko si Laura since her cycle (cycle 13) pero I found her cheesy on her music video. Ewan ko pero I feel weird (not in a good way). May pagka Taylor Swift yung dating niya. Pero parang ngongo yung boses niya or parang lasing. Kidding aside, the lyrics of the song is good naman. The concept of the music video about being a Southern sweet girl is kinda cheesy (parang 90s lang) and very limiting. Plus, have you noticed her feet? Parang madumi. Sorry, Laura. Bawi na lang next time.
Bagay’ tong kanta sa mga pa-gurl, sa mga mahilig kay Taylor Swift/Selena Gomez/Myley Cyrus, at sa mahihilig sa stuffed toys at diary.
Angelea Preston’s “I’m Here”
After listening to this song, sasang-ayon kayo sa akin na may pagka-Mary J. Blige ang boses ni Angelea. Gusto ko yung song niya. It really speaks about her story of struggle and how she deals with it. Song of confidence and fight. Ramdam mo yung galit ni Angelea. But unlike her song, medyo di ko type yung music video niya. Though she looked great (diva kung diva), ang kulit niya gumalaw na parang kiti-kiti. And like Laura’s, very limited yung music video niya. San naging kasing astig ng song yung performance niya sa shoot.
Bagay’ tong kanta sa mga nagdidiva-divahan, sa mga nanghahamon ng away, at sa mga nakabangon sa mga problema. Game bitch on *snap snap fingers*.
Alexandria Everett’s “Go, Go, Go…”
Actually, gusto ko yung timbre ng boses ni Alexandria. Parang si Sophie Elis Bextor. And hindi ko inaasahang magaling din siyang kumanta. Ewan ko pero I like her voice. Gusto ko rin yung kanta niya. Maganda yung lyrics. Pwede siya sa mga clubs. Chill kung chill. What I don’t like is her music video. It’s too painful to watch. I agree with the remarks: ang stiff niya gumalaw. Or dahil wrong direction? Siguro kung iba ang binigay sa kanya na direction, pwede pa bumawi si Alexandria. Oo nga naman… Go, go, go pero I didn’t feel the movement. Kung sana nakasakay siya sa kotse habang umaandar (I know it’ll be too impossible since they only shot it inside a studio/warehouse) or setup ay inside a club. And di ko trip yung styling sa kanya. Nagmukha siyang matanda. Poor Alexandria.
Bagay’ tong kanta sa mga mahihilig sa club, sa car lovers, at sa mga on-the-go lagi.
Ang masasabi ko lang about this episode ay:
- I hate to say this pero epal si Tyra Banks. Give the contestants their own time and space. Moment nila yun, huwag na sumingit. Hindi ba sapat na show mo na yan? I found that unnecessary.
- Pot Ledom? I find it corny.
- Some of the music videos are limiting. Example: Angelea, Laura, and Alexandria. Kasalanan ‘to ng production team.
- As expected, paabor kay Lisa ang episode.
- Kung hindi palarin sa modeling industry, I think Alexandria and Dominique can make it to the music industry.
- Sana magrelease ng extended version ng single ni Allison! Hindi matanggal sa utak ko ang lyrics!
Hot like Mexico, rejoice!
Ako’y nagbabalik
“I just stared to the future, and it winked at me.”
Ano daw? Kahit ako di ko naintindihan pinagsasabi-sabi ko. It just came across my mind.
Isa pang English, kakalbuhin ko na sarili ko.
Anyway. HELLO! I’M BACK! Did you miss me? I hope so. Nakakamiss mag blog lalo na pag marami kang nais sabihin at ikwento (at lalo na pag may nagbabagang chismis ka. Joke). Hindi ko naibatid sa inyo ang aking biglaan at matagal na pagkawala dahil sa dami at bigat ng mga sunud-sunod na pangyayari. Sa madaling salita, I was busy.
Medyo nakakapanibago. Matagal-tagal akong hindi nakapagblog. Huling update ko ata eh tungkol kay Shamcey Supsup. Buong October ay wala akong nailagay dito. Maraming beses ako nagtangka ngunit ako’y nabigo. At eto na naman ang palaliman ng Tagalog.
Bakit ngayon lang? Kung ikukwento ko lahat ng pangyayari noong nakalipas na araw ay baka hinihiyawan ka na ng galit mong nanay sa baba, o masunog ang sinasaing mo, o kasalukuyang gumugunaw na ang mundo. Ikukwento ko na lang sa inyo kung bakit biglang nanahimik ang aking blog.
And this shall be my first entry for the month of November…
Hindi ko pala nasabi na ako’y kasalukuyang nagtatrabaho sa isang BPO company sa Alabang. Kung kayo ay masugit na tagasubaybay ng aking buhay, nabanggit ko noon ang tungkol sa first job ko as animation builder. It was a great experience pero kailangan kong maghanap ng trabaho na full-time since ako ay isang freelancer lang doon. Di sapat ang aking kinikita. Unexpected na dumating sa akin itong pagkakataon. Month-long ang naging training ko doon bilang graphic artist. Ang challenge para sa akin ay ang oras ng pasok. Night shift ako. Parang call center. Imagine niyo na kung kailan pauwi ang karamihan ay ako naman ay papasok naman and vice versa. Mahirap sa umpisa pero di nagtagal ay nasanay na ang katawan at diwa ko. After all, dapat lang na masanay ako dahil sanay ako sa gabi. Remember, call boy ako. Joke
.
After an intense month of training, ako ay naging hired. October 10. Panay status ko noon dahil di ko matago ang tuwa at pasasalamat ko noon. Nagkapirmahan na ng contract at binigyan na kami ng sarili naming ATM accounts. Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko kung totoo ba ang mga nagaganap. My first official full-time job. And my first ATM card. At sa unang araw ko sa kompanya ay napa-overtime ako.
Pero hindi rin naiwasan na nagkaproblema along the way. Sinusubukan talaga ako ng Maykapal. 2 weeks after ay nagkaroon ng force resignation/end of contract sa mga employees. Nagpanic ako kasama ang mga officemates ko. Kung ihahalintulad sa graph ang excitement namin, from point A to point B aybiglang bagsak ang kaligayahan namin. Lalo na ako dahil inakala ko na magiging OK na ang lahat. A week before the scheduled office report, andaming gumugulo sa isipan ko. Isa na dun ang paghahanap ng panibagong trabaho. Nakakafrustrate dahil kaka-hire pa lang sa amin tapos tatanggalin kami. Iniisip ko na magpaPasko tapos ako biglang mawawalan ng trabaho. Napaaga ang Mahal na Araw para sa akin.
Subalit ako’y hired pa rin. Salamat, Lord. At kasama ko pa rin ang mga ka-batch ko. Though I feel bad sa mga natanggal. Medyo madami rin ang sapilitang tinanggal. Naintindihan ko naman kung bakit ganoon ang nangyayari. Since malapit na magwakas ang taon ay bumababa na ang production rate kaya kailangang magbawas ng human resource ang company. Ang di ko lang maintindihan ay bakit nag-mass hiring sila noong September tapos sabay ganito ang nangyari nitong October.
Pero sa kabila ng magandang balita ay may condition pa rin. Sana ay dumagsa pa rin ang mga gawain para di mapilitang magbawas ulit ng tao. Kaya sana ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho para may pambili na ako ng hamon at Keso de Bola para sa Pasko
.
By the way. Share ko sa inyo ang nakakatawang experience ko sa ATM. Since first time ko nga magkaroon ng ATM card, mukha akong tanga sa paggamit. Buti na lang mahaba ang pila at kasama ko ang mga kaibigan ko para obserbahan kung paano gumamit. At dahil sa excitement ko, napasobra ako sa pagtulak sa card. Nagpanic ako na parang si Mr. Bean. Akala ko nilamon na ng makina ang card ko. Buti na lang hindi. And yes, nalasap ko rin ang paghihirap ko sa bandang huli. Pero pangako ko sa sarili ko na hindi ko wawaldasin ang pera ko. Ipon-ipon muna. Kaya isang libo muna inilabas ko. Mahirap na baka maholdap ako.
Hot like Mexico, rejoice!



