Shamcey Forever
Bago pa mawala ang Miss Universe fever ay kailangan ko na sabihin ang aking saloobin.
Magbalik tayo sa aking mga piniling pambato. Ang mga naka-highlight ay mga nakapasok mismo sa Top 16:
- Costa Rica
- Spain
- Ukraine
- Mexico
- Paraguay
- Aruba
- China
- Angola
- Puerto Rico
- USA
- Venezuela
- Greece
- France
- Australia
- Malaysia
- Philippines
10 ang tumugma. Ang 6 na wala sa listahan ko na pasok sa Top 6 ay Brazil (panigurado dahil host city ang Sao Paulo, Brazil), Panama, Portugal, Colombia, Netherlands, at Kosovo. Inisip ko na pwede mapabilang ang 6 (except Kosovo) dahil may potential pero nasa waiting list ko sila. Nagulat ako na hindi man lang napabilang sina Greece at lalo na si Malaysia. Complete package din si Miss Malaysia tulad ni Shamcey Supsup. Pero buti na lang dahil major threat siya kay Shamcey.
Akala ko hindi ko masusubaybayan ang Miss Universe kahapon. Wala akong pasok nung gabi ng Monday (night shift) kaya masaya ako dahil makakapanuod ako kinabukasan. Tapos biglaang may lakad ng umaga ng Tuesday; medical appointment ng tatay ko. Hindi ako maaari maka-hindi. Pero buti na lang at maaga natapos at nakauwi. Ilang minuto na lang at nagsimula na. Alam kong delayed sa ABS-CBN kaya naghanap ako ng livestream sa internet (wala kaming Star World, linek na Destiny Cable). At kahit lagged, pinagtiyagaan ko na lang.
At di ko inaasahan. Lusot si Shamcey sa Top 16! At hindi siya yung ‘fan favorite’ na pwede makasama sa Top 16, meaning, mataas ang performance niya sa Preliminary competition. Isa-isang nalalagas ang major threats niya hanggang sa nakatuntong siya ng Top 5. Sabi ko this is it. Huling hirit na lang, Shamcey.
Oras na ng pinakanakakakabang bahagi ng kompetisyon: ang Final Question and Answer round. Una si China. Kung tutuusin, ok yung sagot niya pero parang bitin. Parang kumain ako ng isang order lang siomai. Sumunod si Shamcey…
Vivica Fox: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why and why not?
Miss Philippines: If I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love because the first person that I love is God, who created me. And I have my faith, my principles, and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.
Uy pwedeng-pwede ang sagot! Confident. Humble. Honest. Straightforward. At may muita obrigada pa sa dulo. Pakiramdam ko siya na ang ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas. Kulang na lang ng korona.
Hanggang sa huling sumagot si Leila Lopes, Miss Angola. Ang nagtanong ay si Lea Salonga. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sumagot si Angola gamit ang wikang Portuguese kaya lamang siya. Idagdag mo pa ang paghiyaw ng mga manunuod habang isinasalin ng translator ang kanyang sagot (pakiramdam ko na parang ginagandahan rin ng translator ang sagot). Subalit inabutan siya ng time limit na ibig sabihin ay hudyat para tapusin ang kanyang pagsagot.
Habang commercial break ay iniisip ko kung sino ang mananalo talaga. Iniisip ko at ipinagdadasal ko na sana si Shamcey ang manalo. Maganda ang performance ni Shamcey, kung titignan. Siya ang halos fan favorite. Sa stage pa lang, ramdam mo ang presensya niya. Kumikinang siya sa kagandahan. Abot hanggang ibang galaxy ang kanyang ngiti. Napakaganda ng kanyang pagrampa (sabi nga nila tsunami walk daw, tipong kabog na kabog ang lahat). Pero para akong natatae sa kaba dahil posibleng magkatunggali sila ni Angola sa bandang dulo. Magaling din si Angola. Hindi ordinaryo ang ganda niya. Kakaibang black beauty at isa siyang bukod-tanging black contestant sa mga napanuod kong Miss Universe editions.
At dumating na nga ang announcement ng winners. Para akong nilagnat sa kaba at excitement. Kulang na lang ay maglabas ako ng rosaryo at magdasal para kay Shamcey. 4th runner up si Miss China. Nabawasan ng 20% ang kaba ko. 4 na lang. Nakakawindang ang suspense…
Sabi ko pa nga: Lord, ibinida kayo ni Shamcey sa sagot niya. Sana, ibida niyo rin siya as Miss Universe 2011.
Hanggang sa binanggit ng host ang pangalan ni Shamcey bilang 3rd runner up. Sabi ko anyare? Bakit? How did it happen? Unfair! Di ko matanggap. Napamura ako. Bigla akong nanlumo. Kung si Shamcey ay nakangiti at kumikinang LALO sa kagandahan kahit inabutan na siya ng bulaklak at inanyayahang tumabi, medyo naluluha ako.
Sabi ko, Angola na ang dapat manalo. At nabanggit na rin si Brazil bilang 2nd runner up. Dalawa na lang ang natitira. Si Ukraine at Angola.
At nanalo nga si Leila Lopes. First-ever winner from Angola at 2nd Black African winner since Miss Universe 1999 (panahon ng ating pambatong si Miriam Quiambao kung saan siya naging 1st runner up).
Ano masasabi ko? Dahil napagod ako sa kakatype ng kuwento ko, idadaan ko na lang sa summarization. Ayoko ring murahin niyo ako dahil lalo kong pinapahaba ang usapan dito.
- Di ko trip yung opening number ng Miss Universe 2011. Umaasa ako na mas magarbo dahil: 60th anniversary, at hello, nasa Sao Paulo, Brazil sila. At pansin ko nagkakagulo sa pagfocus ng mga camera sa mga kandidata, hindi alam kung sino ang kukuhanan. Dahil ba super nagandahan ang mga cameraman sa kanila kaya nakalimutan na nila ang kanilang trabaho?
- Plus, akala ko sasayaw sila or may national costume parade? Yun lagi ang inaabangan ko every pageant.
- The musical performances were kinda blah. Pero ok na rin yung mga dancers.
- Nagtataka ako bakit hindi talaga napabilang si Malaysia at Greece. Oh well, better not dahil malaking competition sila kay Shamcey at kay Leila rin.
- Ampayat ni Alyssa (USA). Ang tangkad ni China, may lahi ata siya ni Yao Ming. Medyo parang mayabang ang dating ni Brazil. At nakasuot na kaya ng panty si Colombia after ng kanyang No Panty controversy?
- Saang lupalop ba ng universe sila nanggaling? Ang katawan, kamusta naman. Titig na titig ako.
- Shamcey Supsup’s tsunami walk is classic. At ang Colgate smile. Kumikinang tulad ng mga bituin.
- Since 60th anniversary, dapat may special tribute para sa mga past winners tulad ng ginawa sa Miss USA 2011 na kung saan almost lahat ng past winners ay nandun. Ansaya siguro pag makita mong andun sila Gloria Diaz at Margie Moran, di ba?
- Kahit di ka na manuod ng coverage, basta may Twitter ka, buhay na buhay ka na. Ako naman, hindi ako nakuntento. Update ako ng update pati sa Facebook. Sorry kung napuno ko ang News Feed niyo, kung friends ko kayo dun. Pasensya na.
- Diba pag naabutan ka ng time limit, may bawas points? Look at the case of Angola.
- But I admit, she (Angola) answered well. Sana hindi na niya sinobrahan by giving an advice. Nabitin pa yung advice niya.
- Some said that Shamcey’s answer WAS NOT universal. The point was she doesn’t need to sound universally acceptable but moreover she should be honest, sincere, confident, understandable, and straightforward. Di na uso ang mga too pageantry na sagot.
- I think she deserve a higher place.
Hay. Tapos na. Wala na tayong magagawa. All we can do is be happy with what Shamcey Supsup had accomplished. Hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe ngunit napanalunan naman niya ang bawat puso ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta (isama na niyo ako). Mahirap ang lumaban para sa bayan. Sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya, isipin niyo ang kanyang sinabi noong lumalaban pa siya sa Binibining Pilipinas 2011…
Beauty is indefinite… we define it.
Sa mga fans niya, patuloy natin siyang suportahan. Magpasalamat tayo dahil isang karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipina, Iskolar ng Bayan, top notcher sa Architecture Licensure Board exam, at ngayon ay pang-apat na pinakamagandang binibini sa buong universe.
Para kay Bb. Shamcey Supsup, kung mabasa mo man ito, gusto ko sabihin na crush kita. Hehe. Pwera biro, gusto ko sabihin na salamat sa pagiging inspirasyon. Ibang-iba ang kagandahan mo. Bukod tangi. Kahit hindi ka nanalo as Miss Universe, ikaw pa rin ang panalo para sa akin. At dahil sa sagot mo, lalo tumibay ang pananampalataya ko sa Panginoon. Mabuhay ka, Shamcey. You made us proud. We love you!
Who knows. Next year makabawi tayo. May biro nga na sa susunod na mga tanong, pataas ng pataas ang rank ng Pilipinas. So ibig sabihin na ang Miss Universe 2014, Philippines na ang manalo. Joke.
Ok, back to reality. Back to work. Business as usual na sa mga parlor. Back to closet daw para sa mga lalaki daw. Haha. But Shamcey’s legacy will be in the history forever.
See you sa susunod na World Cup ng mga beki! PAK!
Congratulations to all the winners
Hot like Mexico, rejoice!
Posted on September 14, 2011, in Celebration, Events, News, Opinion and tagged Angola, Leila Lopes, Miss Universe, philippines, shamcey supsup. Bookmark the permalink. 2 Comments.




i love it!
beking beki!