Monthly Archives: September 2011

Shamcey Forever

Bago pa mawala ang Miss Universe fever ay kailangan ko na sabihin ang aking saloobin.

Magbalik tayo sa aking mga piniling pambato. Ang mga naka-highlight ay mga nakapasok mismo sa Top 16:

  1. Costa Rica
  2. Spain
  3. Ukraine
  4. Mexico
  5. Paraguay
  6. Aruba
  7. China
  8. Angola
  9. Puerto Rico
  10. USA
  11. Venezuela
  12. Greece
  13. France
  14. Australia
  15. Malaysia
  16. Philippines

10 ang tumugma. Ang 6 na wala sa listahan ko na pasok sa Top 6 ay Brazil (panigurado dahil host city ang Sao Paulo, Brazil), Panama, Portugal, Colombia, Netherlands, at Kosovo. Inisip ko na pwede mapabilang ang 6 (except Kosovo) dahil may potential pero nasa waiting list ko sila. Nagulat ako na hindi man lang napabilang sina Greece at lalo na si Malaysia. Complete package din si Miss Malaysia tulad ni Shamcey Supsup. Pero buti na lang dahil major threat siya kay Shamcey.

Akala ko hindi ko masusubaybayan ang Miss Universe kahapon. Wala akong pasok nung gabi ng Monday (night shift) kaya masaya ako dahil makakapanuod ako kinabukasan. Tapos biglaang may lakad ng umaga ng Tuesday; medical appointment ng tatay ko. Hindi ako maaari maka-hindi. Pero buti na lang at maaga natapos at nakauwi. Ilang minuto na lang at nagsimula na. Alam kong delayed sa ABS-CBN kaya naghanap ako ng livestream sa internet (wala kaming Star World, linek na Destiny Cable). At kahit lagged, pinagtiyagaan ko na lang.

At di ko inaasahan. Lusot si Shamcey sa Top 16! At hindi siya yung ‘fan favorite’ na pwede makasama sa Top 16, meaning, mataas ang performance niya sa Preliminary competition.  Isa-isang nalalagas ang major threats niya hanggang sa nakatuntong siya ng Top 5. Sabi ko this is it. Huling hirit na lang, Shamcey.

Oras na ng pinakanakakakabang bahagi ng kompetisyon: ang Final Question and Answer round. Una si China. Kung tutuusin, ok yung sagot niya pero parang bitin. Parang kumain ako ng isang order lang siomai. Sumunod si Shamcey…

Vivica Fox: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why and why not?

Miss PhilippinesIf I had to change my religious beliefs, I will not marry the person that I love because the first person that I love is God, who created me. And I have my faith, my principles, and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.

Uy pwedeng-pwede ang sagot! Confident. Humble. Honest. Straightforward. At may muita obrigada pa sa dulo. Pakiramdam ko siya na ang ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas. Kulang na lang ng korona.

Hanggang sa huling sumagot si Leila Lopes, Miss Angola. Ang nagtanong ay si Lea Salonga. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sumagot si Angola gamit ang wikang Portuguese kaya lamang siya. Idagdag mo pa ang paghiyaw ng mga manunuod habang isinasalin ng translator ang kanyang sagot (pakiramdam ko na parang ginagandahan rin ng translator ang sagot). Subalit inabutan siya ng time limit na ibig sabihin ay hudyat para tapusin ang kanyang pagsagot.

Habang commercial break ay iniisip ko kung sino ang mananalo talaga. Iniisip ko at ipinagdadasal ko na sana si Shamcey ang manalo. Maganda ang performance ni Shamcey, kung titignan. Siya ang halos fan favorite. Sa stage pa lang, ramdam mo ang presensya niya. Kumikinang siya sa kagandahan. Abot hanggang ibang galaxy ang kanyang ngiti. Napakaganda ng kanyang pagrampa (sabi nga nila tsunami walk daw, tipong kabog na kabog ang lahat). Pero para akong natatae sa kaba dahil posibleng magkatunggali sila ni Angola sa bandang dulo. Magaling din si Angola. Hindi ordinaryo ang ganda niya. Kakaibang black beauty at isa siyang bukod-tanging black contestant sa mga napanuod kong Miss Universe editions.

At dumating na nga ang announcement ng winners. Para akong nilagnat sa kaba at excitement. Kulang na lang ay maglabas ako ng rosaryo at magdasal para kay Shamcey. 4th runner up si Miss China. Nabawasan ng 20% ang kaba ko. 4 na lang. Nakakawindang ang suspense…

Sabi ko pa nga: Lord, ibinida kayo ni Shamcey sa sagot niya. Sana, ibida niyo rin siya as Miss Universe 2011.

Hanggang sa binanggit ng host ang pangalan ni Shamcey bilang 3rd runner up. Sabi ko anyare? Bakit? How did it happen? Unfair! Di ko matanggap. Napamura ako. Bigla akong nanlumo. Kung si Shamcey ay nakangiti at kumikinang LALO sa kagandahan kahit inabutan na siya ng bulaklak at inanyayahang tumabi, medyo naluluha ako.

Sabi ko, Angola na ang dapat manalo. At nabanggit na rin si Brazil bilang 2nd runner up. Dalawa na lang ang natitira. Si Ukraine at Angola.

At nanalo nga si Leila Lopes. First-ever winner from Angola at 2nd Black African winner since Miss Universe 1999 (panahon ng ating pambatong si Miriam Quiambao kung saan siya naging 1st runner up).

Ano masasabi ko? Dahil napagod ako sa kakatype ng kuwento ko, idadaan ko na lang sa summarization. Ayoko ring murahin niyo ako dahil lalo kong pinapahaba ang usapan dito.

  • Di ko trip yung opening number ng Miss Universe 2011. Umaasa ako na mas magarbo dahil: 60th anniversary, at hello, nasa Sao Paulo, Brazil sila. At pansin ko nagkakagulo sa pagfocus ng mga camera sa mga kandidata, hindi alam kung sino ang kukuhanan. Dahil ba super nagandahan ang mga cameraman sa kanila kaya nakalimutan na nila ang kanilang trabaho?
  • Plus, akala ko sasayaw sila or may national costume parade? Yun lagi ang inaabangan ko every pageant.
  • The musical performances were kinda blah. Pero ok na rin yung mga dancers.
  • Nagtataka ako bakit hindi talaga napabilang si Malaysia at Greece. Oh well, better not dahil malaking competition sila kay Shamcey at kay Leila rin.
  • Ampayat ni Alyssa (USA). Ang tangkad ni China, may lahi ata siya ni Yao Ming. Medyo parang mayabang ang dating ni Brazil. At nakasuot na kaya ng panty si Colombia after ng kanyang No Panty controversy?
  • Saang lupalop ba ng universe sila nanggaling? Ang katawan, kamusta naman. Titig na titig ako.
  • Shamcey Supsup’s tsunami walk is classic. At ang Colgate smile. Kumikinang tulad ng mga bituin.
  • Since 60th anniversary, dapat may special tribute para sa mga past winners tulad ng ginawa sa Miss USA 2011 na kung saan almost lahat ng past winners ay nandun. Ansaya siguro pag makita mong andun sila Gloria Diaz at Margie Moran, di ba?
  • Kahit di ka na manuod ng coverage, basta may Twitter ka, buhay na buhay ka na. Ako naman, hindi ako nakuntento. Update ako ng update pati sa Facebook. Sorry kung napuno ko ang News Feed niyo, kung friends ko kayo dun. Pasensya na.
  • Diba pag naabutan ka ng time limit, may bawas points? Look at the case of Angola.
  • But I admit, she (Angola) answered well. Sana hindi na niya sinobrahan by giving an advice. Nabitin pa yung advice niya.
  • Some said that Shamcey’s answer WAS NOT universal. The point was she doesn’t need to sound universally acceptable but moreover she should be honest, sincere, confident, understandable, and straightforward. Di na uso ang mga too pageantry na sagot.
  • I think she deserve a higher place.

Hay. Tapos na. Wala na tayong magagawa. All we can do is be happy with what Shamcey Supsup had accomplished. Hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe ngunit napanalunan naman niya ang bawat puso ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta (isama na niyo ako). Mahirap ang lumaban para sa bayan. Sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya, isipin niyo ang kanyang sinabi noong lumalaban pa siya sa Binibining Pilipinas 2011…

 Beauty is indefinite… we define it.

Sa mga fans niya, patuloy natin siyang suportahan. Magpasalamat tayo dahil isang karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipina, Iskolar ng Bayan, top notcher sa Architecture Licensure Board exam, at ngayon ay pang-apat na pinakamagandang binibini sa buong universe.

Para kay Bb. Shamcey Supsup, kung mabasa mo man ito, gusto ko sabihin na crush kita. Hehe. Pwera biro, gusto ko sabihin na salamat sa pagiging inspirasyon. Ibang-iba ang kagandahan mo. Bukod tangi. Kahit hindi ka nanalo as Miss Universe, ikaw pa rin ang panalo para sa akin. At dahil sa sagot mo, lalo tumibay ang pananampalataya ko sa Panginoon. Mabuhay ka, Shamcey. You made us proud. We love you!

Who knows. Next year makabawi tayo. May biro nga na sa susunod na mga tanong, pataas ng pataas ang rank ng Pilipinas. So ibig sabihin na ang Miss Universe 2014, Philippines na ang manalo. Joke.

Ok, back to reality. Back to work. Business as usual na sa mga parlor. Back to closet daw para sa mga lalaki daw. Haha. But Shamcey’s legacy will be in the history forever.

See you sa susunod na World Cup ng mga beki! PAK!

Congratulations to all the winners :)

Hot like Mexico, rejoice!

My Top 15+1… in random order

As of this writing, mamaya na pala ang Miss Universe 2011 sa Sao Paulo, Brazil. Kung naging mayaman lang ako by this time, nakabili na sana ako ng ticket para makanuod ng live. Kaya magtitiyaga muna ako sa TV at walang humpay na patalastas. Or maaari akong magtiis sa livestream sa internet.
Natapos na rin ang preliminary competition. Napanuod ko via livestream. At kahit pahinto-hinto tulad ng mga sasakyan sa EDSA tuwing traffic ang video streaming dahil sa kabagalan ng internet connection, sapat na ang ilang segundo para malaman kung sino ang mga hilig ko. May mga nakakatuwa. May mga nakakatawa. May mga nakakadismaya. May mga nakakagulat (in a good way). Sa madaling sabi, mahigpit ang labanan.

At narito na ang aking talaan ng mga paborito ko. Hindi ako missosologist para magbigay ng masusing komento ukol sa mga kandidata. Uy, denial. Joke. Basta kapag nakita ko na magaling maglakad, magdala ng damit, may confidence, maganda ang pangangatawan (stressed here), maganda ang mukha, may presensya, at may utak… pasok sa akin!

My Top 16 – 6, in random order:

16. Costa Rica

15. Spain

14. Ukraine

13. Mexico

12. Paraguay

11. Aruba

10. China

9. Angola

8. Puerto Rico

7. USA

6. Venezuela

And last… my Top 5. Sila ang pakiramdam ko ang makakalusot sa Swimsuit at Evening Gown round.

5. Greece

4. France

3. Australia

And finally, my Top 2 choices. Para sa akin, sila ang matinding magkalaban sa taon na to.

Malaysia

Philippines

Kayo, sino ang mga pambato niyo? Pustahan tayo! Teka makapagsangla nga muna ng baka. Haha. :D

Ang mga larawang nakalagay dito ay pagmamay-ari ni Patrick Prather at ni Darren Decker ng Miss Universe Organization, L.P. LLLP.

Hot like Mexico, rejoice!

Miss Universe 2011 – National Costumes (Bests para sa akin)

Kapag sumusubaybay ako sa Miss Universe, lagi kong inaabangan ang mga traje de tipico. Naks. Yung totoo, Telemundo?

Mahilig ako sa national costumes. Bata pa lang ako, kapag may mga Mr & Ms United Nations program sa school, naiinggit ako sa mga kasali na nakasuot ng iba’t-ibang costumes ng mga bansa. Yung tipong ipinatahi pa ng nanay sa kumare niya. Di ko rin masisisi na bata pa lang ako, nakahiligan ko na magbasa ng mga encyclopedia at namemorize ko ang mga flags ng bawat bansa at ang kani-kanilang kabisera. At memorized ko ang tamang spelling ng Czechoslovakia… pati date kung kailan sila naghiwalay as Czech Republic at Slovak Republic. Pati pala sa mga bansa, uso ang divorce.

Sa national costumes pa lang, natututunan mo kung anong meron sa bansang pinanggalingan ng kalahok. Nalalaman mo kung anong kultura, pamumuhay, at kasaysayang mayroon sa kanilang bansa. Kumbaga atlas in a beauty pageant. Alam mo kung mainit o malamig ang klima nila. Ano ang mga ipinagdiriwang nila. Sino ang mga bayani nila. Ano ang mga hayop ang malapit na maubos at nangangambang mawala. Joke. Sa mga kalalakihan, natututunan nila ang vital statistics. At asahan mo na gagayahin ng mga beki sa mga Miss Gay pageants.

Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking mga piling pambansang kasuotang ngayong 60th edition ng pinakamagandang patimpalak sa buong sanlibutan:


15. Chile – Kung tutuusin, sawang sawa na ako sa mga feathered costumes ng mga taga South America na kung minsan, halos lamunin ang buong stage at maging parte na ng stage decoration. Astig itong costume ng taga-Chile. Akmang-akma sa bansa nila. Bukod sa pagiging sagana sa mining industry ang Chile, remember this?


14. Korea – Sawang-sawa na ako sa mga hanbok na national costume ng mga Korea delegates kaya I’m delighted to see my ultimate crush, Sora Chong, wearing a traditional Pungmul costume. At talagang nagresearch pa ako. Ang cute nung hat niya, parang bentilador lang. Syempre, cute din siya :”>. Pero paano kaya kung mala-SNSD/Girls’ Generation ang inspirasyon ng national costume? Hmmmm.


13. Panama – Nasabi ko nga na suyang-suya na ako sa mga mabalahibong kasuotan tuwing Miss Universe pageants. Nakakabahala din kung nauubos na ang mga ibon sa kagubatan (unless synthetic ang feathers) dahil sa pagtadtad ng balahibo sa mga damit. More feathers, mas magarbo daw. Pero pagbibigyan ko si Miss Panama dahil nadala naman niya. Kung sa bagay, paano mo nga gagawing costume ang Panama Canal? Uy, pwede yun ah para maiba!


12. Trinidad & Tobago – Isa pang mabalahibong national costume pero, muli, ipapasa ko. Piyestang-piyesta ang dating. Plus points dahil sa cleavage :D . Yan ang tinatawag na Bird of Paradise… ni Efren :D .


11. Venezuela – Is it a dragon? Is it a lizard? No, it’s Miss Venezuela! Tila mukhang nanggaling siya sa ibang dako ng universe. Sa tindig at titig pa lang niya, mala-extraterrestrial ang kagandahan niya. Isama mo pa ang abs at cleavage niya. Maganda ang pagkakadisenyo ng costume ni Miss Venezuela. Madetalye. Masarap… sa mata ang kulay.


10. Malaysia – Ayon sa mga usap-usapan sa press sa Brazil at mga parlorista, may ibubuga itong si Deborah Henry, ang pambato ng Malaysia. Sa costume pa lang, kitang-kita nga. Malinaw rin na tunay na maganda ang kultura ng mga bansang nasa Timog Silangang Asya. May pagka-genie ang costume niya. Gusto ko mag-wish. Sana manalo si Shamcey :D *music cue in* ♫ Malaysia… Truly Asia! 


9. Greece – Anong sinabi ni Aphrodite kay Iliana Papageorgiou? Greek goddess + supermodel. Kahit si Tyra Banks mapapaluhod sa kanya. Pumupusturang ala-diyosa. Tipong bumili ka ng 5 yardang tela sa Divisoria at balutan mo siya, diyosa pa rin ang kakalabasan. At wala akong masabi sa hairdo. Ilang hairpins at hairspray ang ginamit diyan? Or was it a goddess’ fault? Ikaw na, Iliana!


8. Thailand – Every year, pinapahanga ako ng mga taga-Thailand (take note: it’s /tay-land/, not /θay-land/) dahil pinag-aaralan talaga nila ang costume designs. Plus, if I’m not mistaken, nagpapatimpalak para sa mga disenyo (calling the attention of Madame Stella Marquez-Araneta… huwag lagi sa Colombia magpapagawa ng costume para sa Pilipinas… Pilipinas nga eh, di ba?). Fan ako lagi ng mga national costumes from Thailand. Kitang-kita mo ang mayabong at makulay na kultura ng bansang sikat sa mga gintong templo, Thai films, Thai Airways (Smooth as silk… nag-plug pa talaga), retoke(?), at si Mario Maurer (Malakas ang kutob kong hinihintay niyong banggitin siya.).


7. Peru – May kahawig na national costume ito… *nagsearch*… Eto. Gayunpaman, nagustuhan ko ito dahil bukod sa sexy si Natalie Vértiz ay kitang-kita mo ang Peru sa kanyang kasuotan. Parang Ifugao ang itsura dahil sa kulay. Tanyag ang Machu Picchu (nakalagay sa telang hawak niya) bilang isa sa 7 New Wonders of the World. Ang tanong ngayon: magiging new wonder ba si Miss Peru sa darating na coronation night?


6. USA – Namalikmata ako: akala ko si Captain Amerika. Kung sa Amerika kapag naging bahagi ng kasuotan ang pambansang watawat nila, ipinagdiriwang nila. Dito sa atin, nauuwi lang sa Senate Hearing. Kung noong nakaraang taon ay US Presidential seal ang inspirasyon, ngayon ay ang US Flag. Ang kanyang national costume ay hango sa suot ng mga American Revolution Colonial Militia.


5. China – Hindi man lang ako sinabihan na sumali pala si Mulan sa Miss Universe. Joke. Pero maganda ang national costume ni Luo Zilin. Dinaig si Joaquin Bordado sa pagkagara ng burda. At walang binatbat ang mga tassel ng mga kurtina ng nanay mo sa sleeves ng national costume ni Miss China. Sino ang ayaw maging Chinese empress kung ganyang kaganda ang kasuotan. Hindi na ako magtataka kung may nakakabit na tag na ang nakalagay ay “Made in China”.


4. Brazil – Again, feathery costume pero let’s spare Miss Brazil. At dahil host city ng 60th Miss Universe pageant ang Sao Paulo, Brazil, hindi magpapatalo ang pambato ng lupain ng beaches, Samba, at hot models. Kung mapapansin niyo, hango sa Brazilian flag at carnival ang national costume ni Priscila Machado. Carnival queen + beauty queen = next Miss Universe?


3. Colombia – Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa aking mga katrop sa Colombia, hango ang pambansang damit ni Miss Colombia sa kanilang pambansang sombrero, ang sombrero vueltiao. Simbolo ito ng kanilang sining. Pero mukhang di natiis na hanggang sombrero lang. Buong attire ay hango sa nasabing sobrero. Isa lang ang masasabi ko: glamoroso *with Spanish accent*


2. Japan – Naalala ko bigla si Kurara Chibana sa kanya (one of my Miss U crushes, click here para makilala niyo). Parehas na may samurai sword. Parehas na maganda’t mabagsik. Tradition meets modernity. Ganyan si Maria Kamiyami. Grace of a princess. Strength of the warrior. Ano kaya next year? Sailor Moon?


1. Egypt – At eto ang aking numero uno. Kung buhay pa si Cleopatra, I’m sure matutuwa siya (or maiinis dahil may umaagaw sa trono niya?). Unang tingin ko pa lang, si Cleopatra na naisip ko. Simple ngunit malakas ang dating. Reynang reyna, tulad ng isa sa pinakamaimpluwensyang babae sa balat ng kasaysayan ng mundo. Di ko aakalain na noon pa man, uso na ang magpakita ng cleavage. No wonder bakit naakit si Mark Anthony.

 

UPDATE: Eto naman ang aking runner-up choices, in random order:


1. Aruba – Handa na siyang sumayaw ng samba.


2. Australia - Kahit simple, gusto ko yung makulay na effect.


3. Cayman Islands - Di magpapadaig si Miss Cayman Islands. Carnival queen contender.


4. Dominican Republic - Yan ang karibal ni Dyesebel mula sa Caribbean Ocean.


5. France - Marie Antoinette-inspired costume. At may props pa ah.


6. Guatemala – Pastol? Hayaan natin siyang dalhin tayo sa tamang landas. And that includes you, black sheep.


7. Philippines - Santacruzan-inspired national costume para kay Shamcey Supsup. Dear Madame Stella Marquez de Araneta, maraming magagaling na Pinoy fashion designers. Shamcey deserves more. Buti na lang nadala niya yung costume. Reynang-reyna pa rin ang dating.


8. PolandLike A Virgin effect ah.


9. Puerto Rico – Wagas na wagas ang cleavage at panty height ni Miss Puerto Rico.


10. Switzerland – Kung siya si Gretel… ako si Handsome! HAHA!

 

Ang mga larawang nakalagay dito ay pagmamay-ari ni Patrick Prather at ni Darren Decker ng Miss Universe Organization, L.P. LLLP.

Hot like Mexico, rejoice!

Lemondrops, Vintage with a Twist

At bago abutin ng isang buwan, ipopost ko na to.

Naimbitahan ako ng Asia Pacific College Explorers’ Club para maging host sa Vintage with a Twist: Fashion Show and Bazaar noong August 17 sa aking school.

Ang main sponsor ng event ay ang Lemondrops na pagmamay-ari ng student entrepreneurs na sina Bea Nacor and Pappu Geronimo. And they’re in fact, magboyfriend-girlfriend sila. Sweet diba? Anim na buwan pa lang ang kanilang business pero marami na silang napasayang mga customers, primarily mga teenager girls hanggang sa mga kolehiyalas. It came out from Bea’s passion for fashion. Syempre, may full support mula kay Pappu: siya ang gumagawa ng business/marketing collaterals para mamarket ang kanilang business. Nice entrepreneurship :) .

Kinontak ako ni forever diyosang si Ms. Mynne Dacoco, APC Explorers’ Club adviser, few weeks before the event at ako ay kanyang tinanong kung maaarin ba akong maging host. Pumayag naman ako dahil kasing luwag ng garter ng brip ko ang aking schedule. At para din naman sa aking pinakamamahal na organization.

I enjoyed hosting the event since I was given the freedom to be myself. Kaya naging fashion show + comedy bar. San ka pa! Hehe. Aside from that,  hindi ka ba matutuwa kung makakita ka ng mga nagagandahang dilag? Kulang na lang magpa-autograph ako sa pisngi :D .

Ang mga litrato ng mga modelo ay kuha ni Binibining Belle Dinglasa. Tarpaulins by Inkpression.

Vintage clothes at Php 199. For girls only. Pero balak ng Lemondrops to open a line for men in the future. Ehem ehem… free stuff… ehem ehem :D .

Nagcutting classes pa sila para lang tumingin at makapamili ng damit mula sa Lemondrops.

Backstage photo ng mga models with Bea, one of Lemondrops’ owner.

Vintage with a twist. Namilipit ako sa ganda nila. Naks.

I think this is good for summer.

First portion was the cute and colorful clothes.

Next half was the FIERCE collection.

Medyo nakakachallenge maghost pag attracted ka sa mga models. Instead sa script ako nakatingin, sa kanila nakatuon ang mga mata ko. Charot.

Some of students who served as photographers. Sosyal, parang Fashion Week lang, VIP mode.

Some of Ian’s classmates (yung nakashades; he’s one of Explo’s officers, and I salute him for being one of officers who assisted the event).

I’m with one of my favorite students of SoMA. Mukha lang akong professor nila.

Finally, with Jennifer (the president), Bea, and Pappu.

At nirequest ko ito. Since tradition ng Explo ang magpose ng WOW pose (making 2 ‘w’ and O-shaped mouth), I asked them to pose it. They didn’t hesitate. Game na game.

And… by the way… sumampol ako ng ramp modeling. Mukha akong modelling clay. Katuwaan lang. (Photo by Belle Dinglasa).

Thanks to APC Explorers’ Club officers, APC Flickers, the photographers, as well as to Lemondrops and its models. Congratulations to all of us for making the event possible… and fashionable :) .

Photos courtesy of Lemondrops.
Hot like Mexico, rejoice!

The Missing Alice

For behind the scenes, go here. :)

“The Missing Alice”

Photography by Raecen Dimacali

Styled by April Japzon

Make up by Muriel Vega PerezGia Lalu

Hair by Boggy Diaz

Models
Marii Apelo
Rubie Ganzon
Jasmine Baker
Miel Nkanta
Toney Sevilla

Art Direction by April Japzon

Shoot Assistants
Alexis Ferrer
Ethan Zoreta
Lei Solas

Special thanks to Dancing Machine Philippines Studio & Cinerent









Salamat sa mga nakasama ko :) Sa uulitin :)

Hot like Mexico, rejoice!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 481 other followers